NAKANGITI si Angelica habang nagbubukas ng gate. Hindi pa rin maalis sa isip niya si Kiel. Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit naging masungit siya sa lalaki samantalang naging napakabait nito sa sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti.
“Hoy! Ate!” pukaw sa kanya ni Jenyfer. Nagulat pa siya sa kapatid. Hindi niya namalayan na nabuksan na pala nito ang main door at nakatulala siya.
“Ha?”
“Bakit ka tulala ate? At bakit late ka’na nakauwi? Mabuti na lang hindi ka naming sinundo ni Mang Vener kung nagkataon ay nilamok na kami sa airport. Isa pa, cannot be reached ang phone mo!” Agad na reklamo sa kanya ni Jenyfer. Hindi pa rin ito nakapantulog at mukhang hinintay talaga siya nga kapatid. Sanay naman siya na ganoon si Jenyfer lalo na kapag nasa bahay lamang. Palagi itong nakaabang sa kanya.
“Pasensya ka’na at nagkaproblema kasi,” tanging naisagot niya. “Bakit hindi ka pa natutulog? Hindi ba may pasok ka bukas?” tanong niya sa kapatid. Hindi man lang siya nito tinulungan na ipasok ang mga gamit niya. Nursing ang kinukuha nitong kurso at hanggang ngayon ay nasa second year college pa rin ito.
“Kaya nga kita hinintay kasi kailangan kita makausap.”
Inabot nito ang remote ng television at binuksan. Nakakaamoy na naman siya ng problema kapag ganito ang mga banat sa kanya ng kapatid.
“Bakit? Ano na naman ang ginagawa mo?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Gusto ka daw makausap ng proof ko,” wika ni Cassy sa kanya. “Hindi ako makakapasok bukas kung hindi mo kakausapin ang proof ko,” dagdag pa nito.
Pagod ang katawang napaupo siya sa sofa.
“Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin kung ano ang problema para naman hindi na ako manghuhula pagdating doon,” sagot niya sa kapatid. Kahit naiinis ay pinigilan niya ang sarili. Lumapit sa kanya si Jenyfer at yumakap. Naglambing pa ito. Gawain na nitong maglambing kapag may kasalanan ito sa kanya.
“Kasi ate alam mo naman na mahirap talaga ang kurso ko. Nahihirapan akong maipasa ang ilang exams,” parang batang sagot ni Jenyfer sa kanya.
“Hindi ba nag-aaral ka naman?”
“Oo ate pero kasi minsan hindi ako pumapasok dahil may mga events akong pinupuntahan,” sagot nitong nagmamaktol. Kahit kasi nag-aaral ang kapatid ay nagmomodelo rin ito. Iyon daw kasi ang gusto nito. Ang humaharap sa camera na hindi niya naman matutulan.
Huminga siya ng malalim. Mukhang tatanda talaga siya sa ginagawa ng kapatid.
“Bakit hindi mo kasi muna unahin kung ano ang gusto mo para hindi mo kailangan mamili sa mga ginagawa mo?”
“Last na ito ate, pangako ko sayo magseseryoso na ako ngayon,” sagot ni Jenyfer sabay taas ng kanang kamay. “Promise.”
“Dalawang beses ko ng narinig yan, Jenyfer… Nagsasayang na tayo ng pera sa tuition fee mo. Alam mo naman na mahina na ang taxi business natin,” wika niya. Tumayo siya at pumunta sa refrigerator upang kumuha ng tubig. Sumasakit ang ulo niya. Hindi pa naman siya nakapagpahinga ay problema na ang bubungad sa kanya. “Hindi madaling kitain ang pera. Magkano ba ang kinikita mo sa pagmomodel mo? Mababayaran ba niyan ang tuition mo?”
Hindi kumibo si Jenyfer sa sinabi niya. Isa iyon sa ugali nito kapag napagsasabihan.
“Kapag kumita ako sa pagmomodelling I can finance my schooling,” sabat pa nito.
“Alam mo naman na susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Alam mo yan. Lahat naman ng sinasabi ko ay para sayo,” pangaral niya pa. Hindi kumibo si Jenyfer at nagpaalam na sa kanya. Kilala niya ang kapatid kapag napagsasabihan niya ito ay nagtatampo agad. Minsan nga sinisisi niya ang sarili kung bakit lahat ng gusto nito ay binibigay niya. Kahit nga ang sarili niya ay nakakalimutan niya dahil dito at aminado siyang spoiled sa kanya si Jenyfer. Kung bakit ba kasi mahina rin ang puso niya pagdating dito. Hindi niya rin ito natitiis ay siya pa ang susuyo sa kapatid.
Sinundan niya si Jenyfer sa kwarto nito. Bukas naman iyon kaya tuloy-tuloy siyang pumasok. Nakaheadset ito at tila hindi siya nakitang pumasok. Umupo siya sa kama nito pagkatapos ay inabot niya ang kamay ni Jenyfer.
“Galit ka pa rin ba?” tanong niya pero alam niyang hindi siya naririnig nito dahil tila wala itong balak na ibaba ang headset na suot. Inabot niya iyon at inalis. “Bakit ka galit sa ate? Ang iniisip ko lang naman ay ang kapakanan mo. Ang akin lang kasi kung hindi ka pa handa na ipagpatuloy ang nursing mo ay pwede ka naman muna na magfocus sa modelling career mo lalo na at napapabayaan mo rin.”
“Hindi mo kasi naiintindihan ate. I want it both. Gusto ko naman makapagtapos pero nahihirapan lang talaga ako. Hindi naman madala mag-aral ng nursing.,” reklamo pa nito.
“Okay, sige. I will give you second chance pero mangako ka na ito na ang huli?” ani niya pa.
“Okay, thank you!” sagot nitong naglagay ulit ng headset. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas na lamang ng kwarto nito.
Sa halip na maghinga ay nagligpit na lamang siya ng bahay lalo na at napakakalat. Maging ang kusina ay sobra din ang kalat. Nakatambak ang hugasin at mga kaldero na walang laman. Nagsuot na lamang siya ng apron at kaagad na naglinig ng bahay baka kasi kapag hindi niya nilinis iyon ay iipisin naman sila. Ganito na ang routine niya sa araw-araw. Trabaho, linis at laba. Amindo siyang nakakapagod kung minsan lalo na at siya lang ang gumagawa pero wala rin naman siyang choice dahil mga bata pa lang sila ni Jenyfer ay siya na sa lahat---iyon nga lang kahit na nagkaisip na ito ay hindi man lang magawang tumulong sa kanya.