HINDI alam ni Kiel ang sayang nararamdaman ngayon, pakiramdam niya ay nakalutang siya sa hangin. Paano ba naman kasi, tuluyang ibinigay ni Angz ang p********e nito sa kanya... Siya ang lalaking nakauna rito. Napakaswerte niya dahil nagtiwala si Angz sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang maging kanya ng tuluyan ang babae. Hinahaplos niya ang mukha nito, kapwa pa rin sila walang saplot habang nakahiga sa kanyang kama. "Nagsisisi ka ba na ibinigay mo sa akin ang pinakaiingatan mo?" tanong niya pa. "Wala akong pinagsisisihan Kiel dahil sa totoo lang, sobrang saya ko ngayon. Ikaw ang bumuo sa buhay ko. Hindi mo lang alam kung paano mo ako pinasaya. Alam mo naman ang naging buhay ko. Kung paano ko inalay sa aking kapatid ang buong oras ko at ngayon ko lang pinagbigyan ang sarili k