CHAPTER TWO

1638 Words
Ordinaryo lang siyang babae. Okay na sa kanya ang konting make-up sa mukha. Simpleng pananamit. Kung titingnan mo ay wala siyang arte sa katawan. Hndi niya nga alam kung bagay ba sa kanya ang suot niya ngayon dahil wala naman siyang pakialam sa itsura niya. Ang priority niya sa buhay ay ang kapatid. Ang kumita ng pera para sa kinabukasan nilang magkapatid. In fact, medyo nalulugi na ang negosyo nila dahil luma na ang mga taxi nila. Baka nga five years from now ang mahigit kinse nilang taxi ay maging seven nalang. “Gusto mo akong makilala? Bakit ako?” sabay turo niya sa sarili. Nakakunot din ang kanyang noo. “At bakit hindi ikaw?” tanong nito sa kanya kaya napakamot siya ng ulo. “I mean, maraming babae ang nagpapansin sayo kanina at aligagang makilala ka tapos nandito ka sa akin at ako ang gusto mong makilala?” nag-aalangan niyang tanong. Napangiti si Kiel Miranda dahil sa sinabi nito. Mukha yatang nadadaldalan ito sa kanya. “Napakababa naman ng tingin mo sa sarili mo. Hindi mo ba alam na ikaw ang umagaw sa atensiyon ko kanina? Ang seryoso mo kasi at parang mahirap kang lapitan ng kung sinuman,” wika pa nito na ikinagulat niya. Ang mga ngiti nito ay nagpapatalon sa kanyang puso. Iyon pala ang impresyon nito sa kanya. Sabagay tama naman ito. “Hindi mababa ang tingin ko sa sarili ko. Ang alam ko lang kung saan ako nararapat. Kung saan ako dapat lumugar,” sagot niya. Nabigla pa siya ng inabot nito sa kanya ang susi ng sasakyan na gamit niya. Ang susing nagpasakit sa kanyang ulo kanina. “Paanong napunta sayo ito at bakit hinayaan mo pang ihatid ako kung- “Gusto kitang makilala kaya kita ihahatid,” agaw nito sa sasabihin niya kaya siya natigilan. Sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman niyang bumilis ang pagtibok ng puso niya. “M-akilala?” nanlalaki ang matang tanong niya. “Yes, gusto kong makilala mo ako. I’m Kiel Miranda. Tagarito ako sa Palawan pero may bahay rin kami sa Manila,” pakilala nito. “Ikaw?” usisa nito sa kanya. “Angelica,” maikli niyang sagot. Tingin ay playboy ito at siya ang pinagdidiskitahan. Kahit hindi pa siya nagkakanobyo ay basang-basa niya na ang ganitong mga galawan. Ang mga the moves nito at siya naman itong si gaga ay dalang-dala. “Tell me about you,” pagpupumilit pa nito. Hindi niya sana ito sasagutin pero naging makulit ito. “Angelica Angeles. Manager ako ng isang bangko sa Maynila. Ulila na at may isang kapatid,” walang buhay niyang sagot. “How old are you?” usisa pa nito kaya pangiwi siya. “Twenty seven,” sagot niya rin. “Thirty naman ako,” sabi nito sa sariling edad kaya hindi na siya kumibo. Hinayaan niya nalang itong magsalita ng magsalita hanggang sa makarating sila sa Gonzaga Hotel kung saan siya tumutuloy. “Thanks for the ride,” pilit ang ngiting pasasalamat niya. Agad itong bumaba ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. “See you, Angelica,” nakangiti nitong paalam sa kanya. “Nice meeting you, Kiel Miranda at sa tingin ko ito na ang huli nating pagkikita,” nakangiti niyang sagot pero sa isang bahagi ng puso niya gusto niya itong makilala pa. “I don’t think so,” sagot nito bago siya kininditan. Nasa loob na ito ng sasakyan nito kaya hindi na siya nakasagot. Napabuntong-hininga siya ng mawala sa paningin niya ang sasakyan ng lalaki. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang puso niya dahil dito. Tinalo niya pa ang teenager na kinikilig. Nang makapasok siya sa loob ng hotel ay alam niya na iyon na ang huling pagkikita nila ni Kiel lalo pa at mamayang gabi ang flight niya pauwi ng Maynila. Saglit niya lang na inayos ang mga gamit bago siya naligo. Kakatapos niya lang magbihis ng may kumatok. “Come in!”sigaw niya sa pag-aakalang ang inorder na pagkain ang dumating. Nabigla pa siya ng makita si Kiel. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Gusto niyang ngumiti at batiin ito ng mabuti pero hindi niya magawa. “Anong ginagawa mo dito?” usisa niyang nabigla. “Di ba sabi ko see you? Kaya ako nandito,” nakangiti nitong sagot sa kanya. Kahit hindi niya ito inalok na pumasok ay agad itong tumuloy sa silid niya at kampanteng umupo sa maliit na sofa na malapit sa kama niyang tinutulugan. “At kailan pa naging stalker ang isang Kiel Miranda?” nakataas ang kilay na tanong niya. Humalakhak ito ng malakas dahil sa sinabi niya. “Sa pagkakaalala ko ay ngayon lang,” sagot nito. “Ngayon ko lang yata nagawa ito sa tanang buhay ko,” sagot pa ng lalaki na akala mo naman ay paniniwalaan niya. Pilit ang naging ngiti niya sa sagot nito. “Ano ba kasi ang meron ako at ako ang kinukulit mo? Kung gusto mo lang akong paglaruan, tumigil ka na. Hindi lalaki ang priority ko sa buhay,” prangka niya dito. Napansin niyang natigilan si Kiel. “You're beautiful at pakiramdam ko wala kang gusto sa akin,” sagot nitong malungkot ang boses. “Alam mo naman pala na wala akong gusto sayo bakit ka pa rin nandito?” tanong niya sa mataray na boses. “Hindi ako sanay na may babaeng hindi nagkakagusto sa akin. In other word, iba ka. Naiiba ka sa lahat ng babae at interesado ako sayo Miss Angelica,” sagot nito kaya natigilan siya. Na-challenge lang pala ito sa kanya. Hindi naman kasi siya desperado na ipakita dito na may gusto siya. Hindi pa siya nahihibang. “Minsan kasi ‘wag kang masyadong believe sa sarili mo. Tingnan mo ngayon nabigo ka,” pauyam niyang sagot. “Hindi lahat ng babae hahabulin ka kaya kung ako sayo umalis ka’na at lubayan mo ako,” mataray niya pang dagdag. “I’m a good man, Angelica. I know na magugustuhan mo ako balang araw at kung hindi mo mamasamain pwede ba kitang ilabas for a dinner?” alok pa nito. “Just answer yes,” dagdag pa nito na parang hindi siya pwedeng magreklamo sa gusto nito. “May flight ako mamayang gabi,” tanggi niya. “Ihahatid kita,” agad nitong sagot kaya muli siyang napatingin dito. “Mr. Miranda kailangan kong magpahinga so please tigilan mo na ako,” pakiusap niya dito but deep inside her heart gustong tumango ng kanya puso. “Just say yes,” pangungulit pa nitong parang batang nagmamakaawa kaya wala rin siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Pinagbigyan niya ito sa hiling nitong dinner. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hirap na hirap siyang tanggihan ito. Ang usapan nila ay loob ng hotel lang sila kumain. Harmless naman ito at hindi naman ito bastos. Sa katunayan nga ang daldal nga nito dahil panay ang kwento nito samantalang siya panis na ang laway sa sobrang tahimik. Naiilang pa rin siya, dagdagan pa ng kanyang puso na kanina pa nagwawala. Naghihintay sila sa pagkaing inorder nila nang magsalita na naman ito. “Alam mo bang ngayon lang ako nagkaganito sa babae? Ngayon lang ako naging stalker tulad ng sabi mo. Sanay kasi ako na laging hinahabol and I admit, umasa ako. Umasa ako na magpapansin ka rin sa akin. And now, ako ang naghahabulan. Gusto kitang makilala ng lubusan Angelica,” mahabang turan sa kanya ni Kiel. “Alam mo Kiel, siguro hindi ka lang talaga sanay na madedma ka kaya mo ako kinukulit. Gusto mo lang patunayan sa sarili mo na lahat ng babae ay magkakandarapa sayo. Well, I’m telling you Kiel, iba ako. Hindi ako magkakagusto sayo. Hindi ako madaling mauto ng mga tulad mo,” prangka niya dito dahil naiinis na siya. “Ang sakit naman,” sagot nitong ngumiti ng mapakla. Kung hindi pa dumating ang kanilang order ay hindi pa ito titigil. Hindi niya namalayan na mahigit alas otso na ng gabi at ang kanyang flight ay alas otso ng gabi. Kung hindi pa siya napasulyap sa pambisig na orasan nito ay makakalimutan niyang ngayong gabi ang flight niya. Sinadya talaga nitong libangin siya. “s**t!” wika niya kaya napatingin ito sa kanya. Kung bakit ba kasi sumama siya dito tuloy naiwan siya sa eroplano. “Naiwan na ako ng eroplano,” palatak niya pa. “Ihahatid nga kita,” sagot nitong parang sinadya ang nangyayari. “Ihahatid? Bakit may flight pa ba ngayong gabi?” inis niyang tanong. Nag-aalala siya dahil nag-iisa lang si Jenyfer sa bahay nila. Nangako pa naman siya dito na isang gabi lang siya sa Palawan. Lahat ng panahon niya ay binuhos niya dito simula nang mawala ang mga magulang nila. Natrauma kasi ito sa biglaang pagkawala ng mga magulang nila kaya siya tumayong ina at ama nito. “Wala kang dapat ipag-alala. Just enjoy our night at ako ang bahala sayo,” turan pa nito kaya tumahimik nalang siya. May magagawa pa ba siya kung makikipagtalo siya dito samantalang naiwan na siya ng flight niya? Wala ng mababago. “May hinahabol ka ba sa Manila? Boyfriend?” usisa na naman nito. “My sister. Wala siyang kasama sa bahay,” tugon niyang walang buhay ang boses. “Ilang taon na ba ang kapatid mo?” “Twenty two,” sagot niya naman. “Twenty-two?” palatak pa nito na mukhang nabigla. “Siguro naman kaya niya ng alagaan ang sarili niya. May isip na siya kaya ‘wag ka ng mag-alala pa,” pangaral pa nito. Tama ito may isip na si Jenyfer pero iba ang kapatid niya. Hindi ito nakakakilos na wala siya. Kahit nga ang magluto at mag-ayos ng sarili nitong gamit ay siya pa ang gumagawa. Na-spoiled niya kasi ito ng husto at masaya naman siya sa ginagawa para sa kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD