CHAPTER ONE

985 Words
ANGELICA is willing to sacrifice anything for her sister Jenyfer. She will go to any extent to make her happy. Jenyfer was seventeen years old when their parents died. They were killed in a car accident while on vacation in Hong Kong. She was just twenty years old when her parents died, and she was about to finish an accounting degree. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang mawala ang kanilang mga magulang. Mahirap man ay tumayo siya sa sarili niyang mga paa. Alang-alang sa nakakabata niyang kapatid na si Jenyfer na fifteen years old lamang noong nawala ang kanilang mga magulang kaya kailangan nito ng makakapitin. Hindi man sanay sa trabahong naiwan ng mga magulang ay inaral niya ang pasikot-sikot ng mga iyon. Pinagsabay niya ang pag-aaral, pagpapatakbo sa negosyo at pag-aalaga kay Jenyfer. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kapatid. Siya ang tumayong ama at ina dahil wala naman silang malalapitan na kamag-anak na pwedeng tumingin sa kapatid. Nang natutunan niya na ang pagpapatakbo sa sarili nilang negosyo ay nagsimula na rin siyang nagtatrabaho sa bangko habang si Jenyfer ay patuloy pa rin sa pag-aaral. Mang Vener, who used to be their trustee, now operates their taxi business, which their parents left to them. Sa trabaho niya ay nakilala niya si Kiel. Ang lalaking minamahal. Angelica still can't believe Kiel Miranda is her boyfriend at mahal na mahal siya ng nobyo. Suddenly, her mind wandered back to how she first met Kiel. The world's sexiest, most handsome, and most brilliant man. Kiel is a gorgeous, tall, fair, and compact man with tremendous biceps, a civil engineer and a billionaire. She had been with him at a seminar when the firm sent her to their summit conference. She works as a manager at a reputable bank. Kiel was a guest speaker at the meeting she was attending. Tulad ng maraming babae sa seminar nila ay si Kiel ang puntirya ng mga ito. Pag-aari ng mga ito ang ilang mall sa kamaynilaan pero sa kabila ng lahat ay napakabait nitong tao at iyon ang nagustuhan niya sa lalaki. Hindi kasi ito mayabang tulad ng mayayaman na nakasalamuha niya. Kahit hindi niya pa ito nakakausap nararamdaman niyang mabuti itong tao. Alam niyang kahit sinong babae ay papangarapin ito at kabilang na siya doon. Unang kita niya pa lang dito ay kaagad siyang humanga sa kagwapuhang taglay nito pero sino ba naman siya para mapansin ng isang Kiel Miranda? Isa lang siyang hamak na accountant at manager ng bangko at may maliit na negosyo. Their world is different. Sikat ito at kinikilala ang angkan samantalang siya ay hindi kilala sa lipunan. Isang hamak na mamamayan lamang. Napakamot siya sa ulo ng hindi niya makita ang susi ng kotse sa loob ng bag niya. Lahat ng gamit ay tinanggal niya nasa bag pero wala talaga ang susi niya at hindi niya alam kung saan iyon napunta. Paano ngayon siya babalik sa hotel nila? Samantalang hindi niya naman kabisado ang hotel na tinutuluyan nila sa Palawan. Inis na inis siya habang tinatawagan ang hotel na tinutuluyan. “Miss?” tawag sa kanya ng lalaki. Nakataas ang kilay na humarap siya sa tumawag. Napatanga siya ng makita kung sino ang kaharap niya. Si Kiel Miranda. Ang gwapong guest speaker nila kanina. “Y----es?” tanong niyang nabubulol. Agad niyang pinasok ang mga gamit sa loob ng bag. “Kailangan mo ba ang tulong ko?” tanong nito sa kanya kaya napakunot noo siya. Aalukin siya nito ng tulong? Pero bakit? Samantalang maraming babae ang gustong magpakilala rito kanina. “Naku hindi na Sir,” tanggi niya rito. “I’m fine!” malakas ang kabog ng dibdib niyang sagot. “Ano ba kasi ang problema?” pangungulit pa nito na akala mo magkakilala sila. Feeling close agad ito sa kanya. Ang mga ganitong moves ay alam niya. Bigla ay naturn off siya sa lalaki. “Nawawala kasi ang susi ko,” sagot niyang napapakamot sa ulo. Pawisan na rin siya sa kakahanap ng kanyang susi. “Ihahatid na kita,” alok nito kaya napatitig siya sa mukha ng lalaki. Kahit saang anggulo niya ito tingnan ay napakaperpekto ng mukha nito na akala mo ay nililok ng isang magaling na manlililok. Bigla tuloy siyang na-concious sa itsura niya dahil kanina pa siya pinagpapawisan sa kakahanap ng susi. Medyo magulo na rin ang kanyang buhok. “Hindi na! Mag-co-commute na lang ako,” tutol niya dito. “No need. Sumakay ka nalang sa kotse ko at ihahatid kita kung saang hotel ka man pupunta,” turan nitong nakangiti. Nasilayan niya na naman ang matatamis nitong ngiti. Higit na gwapo pala ito sa malapitan, kanina kasi ay medyo malayo siya dito. Tututol pa sana siya nang bigla siya nitong alalayan para pumasok sa sasakyan nito. “Paano ang sasakyan ko?” tanong niya. Sasakyan iyon ng kumpanya nila at pinapagamit lang sa kanya. Hindi niya ‘yun pwedeng iwan. Pigil ang hininga niya ng akayin siya nito sa loob ng sasakyan nito. Napapitlag siya ng maglapat ang kamay nito sa braso niya. Pakiramdam niya ay napaso siya sa pagkakadikit ng kamay nito sa balat niya. Bumilis din ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa simpleng pagkakahawak nito sa kanya. Sa tanang buhay niuya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. “Ipakuha ko nalang sa driver ko,” sagot pa nito. “Are you okay?” tanong nito dahil binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito. Napilitan siyang ngumiti dito. “Pasensiya ka na talaga at umiral na naman kasi ang katangahan ko at nawala ko ang susi,” sagot niya pa ng magsimula itong magmaneho. Inayos niya ang nagulong buhok. Pakiramdam niya kasi ay alangan siya sa magara nitong kotse. “Stop apologizing, walang kaso ang paghatid ko sayo. Infact, gusto talaga kitang makilala,” wika nito na ikinagulat niya. Gusto siyang makilala ng isang Miranda? Paano nangyari ‘yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD