CHAPTER FOURTEEN

1523 Words

TUMUTULO ang luha ni Olga habang nagmamaneho pauwi. Awang-awa siya kay Joebbie pero ano ang gagawin niya? Kapatid niya ang dahilan ng lahat. Mas matimbang ang dugo pero kinakain na siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya kinakaya na nakikitang nahihirapan ang kanyang kaibigan. Gusto niya itong tulungan pero paano? Ipagtatapat niya ang totoo? Hindi rin siya nito mapapatawad, maging ang relasyon niya sa kapatid ay magkakaroon ng lamat. Gulong-gulo siya. Hindi na siya bata para hindi malaman ang tama at mali pero kung pipiliin niya ang tama ay hindi lang siya ang maapektuhan kundi lahat sila. Walang may kasalanan nito kundi si Charlie. Alam naman nito na kapatid niya si Mandy ay pinatulan pa rin nito. Isa pa, best friend niya si Joebbie. Pinunasan niya ang kanyang luha dahil malapit na siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD