CHAPTER TWO

1208 Words
HINDI niya alam kung bakit ang lakas ng kanyang kaba habang kaharap niya si Charlie ng mga oras na iyon. She had almost finished the food she had ordered but he still did not touch his food. Kung ano-ano na rin ang sinabi niyang nakakatawa pero wala itong reaksiyon. Tila wala siyang kasama nang mga oras na iyon. Nakakapanibago. “Hon?” untag niya sa asawa. Tiningnan siya ni Charlie sa mga mata. Hindi ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. Ang t***k ng kanyang puso ay lalo pang lumakas. Iba ang kanyang nararamdaman sa pananahimik nito. “Ano pala ang sasabihin mo sa akin at kailangan pa talaga na lumabas tayo?” tanong niya. Napakagwapo ni Charlie ng gabing iyon. Naka-long sleeves polo ito na kulay blue at ang linis-linis ng gupit nito. Sa araw araw na dumadaan ay lalo niyang minamahal ang asawa. Hindi niya mapigilang hindi mahiya sa tuwing na kasama niya ang kanyang asawa. Losyang na kasi ang tingin niya sa kanyang sarili. Hindi na siya nag-aayos ngmukha at nawala na ang kislap ng kanyang kagandahan na minahal noon ni Charlie. Kahit nga siya ay hindi niya na nakikilala ang sarili. Inabot ni Charlie ang wine na nasa harapan nito at ininom. “Hindi na ako masaya,” wika ni Charlie sa kanya. Napakunot-noo siya sa sinabi ni Charlie. Bagamat nabigla ay pinaulit niya pa rin kay Charlie ang sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niyang nanginginig ang mga kamay. Sana mali ang kanyang pagkakaintindi sa sinabi nito. Huminga ng malalim si Charlie. “Hindi na ako masaya sa pagsasama natin Joebbie,” wika pa ni Charlie sa kanya. Unang beses nitong binigkas ang kanyang pangalan na hindi gamit ang tawagan nila. Tila hindi pumasok sa kanyang isipan ang sinabi nito. Hindi niya iyon matanggap. Hindi pwede! Hindi maaari! Hiyaw ng kanyang isip. Ang pagbagsak ng mga luha niya ay sunod-sunod. Ibinaba niya ang kanyangg mga kamay at napahawak siya sa mga hita niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay ng mga oras na iyon. Maging ang baba niya ay nanginginig din. Bigla ay nakaramdam siya ng panlalamig dahil sa kanyang narinig. “Hindi na ako masaya Joebbie. Twelve years akong naging mabuting ama at asawa sa’yo. Lahat ay ibinigay ko sa inyo at tao lang rin ako. Napapagod na ako Joebbie,” dagdag pang wika ni Charlie sa kanya. Anong akala nito? Mag nobyo lamang kami? May mga anak kami na masasaktan kapag naghiwalay kami. Marami ang maaapektuhan. Hindi niya maisatinig ang laman ng kanyang isipan. “Hindi kita maintindihan? Bakit bigla-bigla mong sasabihin ito sa akin?” tanong niyang tuloy tuloy ang pagpatak ng luha. “Matagal kong pinag-isipan ito at hindi ko na kayang ilihim pa sa’yo. Ayokong maging ipokrito sa nararamdaman ko,” wika pa sa kanya ni Charlie. Napahawak siya sa aking dibdib. Pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. “Hindi ka’na masaya kung kaya aalis ka?” tanong niya kay Charlie. Ang bigat bigat ng kanyang pakiramdam habang sinasabi iyon. “Alam kong naging mabuti kang ama. Naging mabuti rin naman akong asawa sa’yo. Lahat ay ibinigay ko Charlie. Sinabi ko ba sa’yo na pagod na ako?” sumbat niya kay Charlie. Ang kanyang mga luha ay patuloy sa pagbagsak. Punong-puno siya ng katanungan sa asawa. “You have to understand what I'm talking about. I'm not happy anymore. I am no longer happy that you are with me.” Para iyong bomba na sumabog sa kanyang mukha. Umiling siya sa sinasabi nito. “Hindi ko talaga maintindihan. Ipaintindi mo sa akin!” sigaw niya dahil hindi niya na mapigilan ang emosyon at sakit na nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay nasigawan niya si Charlie. “Lower your voice,” saway sa kanya ni Charlie dahil napatingin sa kanila ang ibang mga kumakain. Huminga siya ng malalim. “Mag-asawa tayo Charlie. Nangako ka sa harapan ng Diyos,” wika niya pa sa mababang boses. Gusto niyang maalala nito ang sinumpaan nila sa harapan ng Diyos. “"It was a mistake for me to marry you," Charlie told her. Tila sinaksak ang kanyang puso dahil sa kanyang sinabi. Tinitigan niya ng masama si Charlie. “Pagkakamali lamang ang pakasalan ako?” tanong niya. “Pagkakamali rin ba na nabuhay si Isabel at Red?” tanong niya. Hindi ko akalain na ganito pala kasama ang lalaking kanyang pinakasalan. “Our kids are the best thing that ever happened to me,” Charlie replied. “At ako ay isang pagkakamali?” tanong niya ulit Tumango si Charlie sa kanyang tanong. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at napahagulhol sa g harapan nito. Hindi niya lubos akalain na gagawin sa kanya ito ni Charlie. Ito ang kanyang buhay. Sa asawa niya lamang umiikot ang kanyang mundo. Hindi niya kayang mabuhay na wala si Charlie. Nevertheless, she woke up each day with a purpose, to be a mother to their children. A wife to her husband. “Umuwi na tayo,” yaya sa kanya ni Charlie pagkatapos nitong bayaran ang kanilang kinain. Huminga siya ng malalim. “Hindi ko hahayaan na sirain mo pamilyang binuo natin,” wika niya kay Charlie. Charlie stared at her. Napangisi ito ng nakakaloko. “Ipipilit mong mabuo ang pamilyang sira na?” “Hindi sira ang pamilya natin. Alam mo ‘yan,” “Tanungin mo nga ang sarili mo bago ka magsalita ng ganyan. Hindi na ikaw ang babaeng minahal ko Joebbie. Napapagod na akong umalalay sa’yo sa lahat ng oras,” “Kahit anong gawin mo ay hindi ko ibibigay ang kalayaan na gusto mo. Mag-asawa tayo Charlie,” wika niyang pilit na pinapaalala sa lalaki na mag-asawa sila. Nagulat pa siya nang batuhin siya ng table napkin ni Charlie sa mukha. Bigla na lamang itong tumayo at iniwan siya sa mesa. Ang mga tao ay sa kanya nakatingin nang umalis si Charlie. Lumabas ito ng restaurant. Akala pa naman din niya ay date ang dahilan kung bakit niyaya siya ni Charlie na lumabas. Iyon pala ay may pasabog itong sasabihin. Paglabas niya ng restaurant ay wala na ang sasakyan ni Charlie. Napaawang na lamang ang mga labi niya dahil sa ginawa ng kanyang asawa. Ang kanyang mga luha ay patuloy sa pagpatak. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao. Para siyang tanga na naglalakad at hindi alam kung saan pupunta. Wala siyang makitang taxi at ang masakit pa ay wala siyang dalang pera. Her mind was full of questions. Hindi pa rin pala sapat na maging mabuti kang asawa. May kulang pa rin pala. Bakit kaydali lang kay Charlie ang sabihin na hindi na ito masaya sa kanya? Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. She sat down on the side of the road and buried her face in her palms and cried again. Ibinuhos niya ang lahat nang sama ng loob niya sa asawa. She questioned her worth. She was broken inside and out. Ano na lamang ang sasabihin niya sa kanyang pamilya? Na nagkamali siya sa lalaking pinakasalan? Ano na ang mangyayari? She just depended on Charlie. Throughout her life she did not know how to live without him. Nasanay siya na si Charlie ang gumagawa ng desisyon para sa kanya. Para sa kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD