EPISODE- 6

1909 Words
NAGISING si Reegan sa isang lugar na hindi familiar. Tinangka niyang bumangon pero hindi maigalaw ang kanyang buong katawan. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari. Isang pagtitipon ang ang pinuntahan nila. Ayaw pa sana niya dahil hindi pa stable ang kanyang katawan dahil sa tama ng bala. At doon ay biglang lumitaw ang mga Montemayor, kaysa magkagulo pa at masira ang party ay kusa siyang sumama. Bugbog ang inabot niya sa mga iyon, ganun pa man nagpasalamat pa rin siya at hindi pinatay. Ngayon sino ang nagligtas sa kanya at paano siya napunta sa ganitong lugar. “Gising ka na pala, heto kumain ka muna upang mainom mo ang mga gamot na ito.” nakangiting pahayag ng isang ginang. “S-Salamat ho, ahm… maari ko bang malaman kung sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito?” “Hindi ko rin alam, basta may taong nagbigay sa akin ng mensahe at pinapunta ako sa lugar na ito. Sinasabi na asikasuhin kita hanggang tuluyan kang gumaling.” tumango na lamang siya sa ginang kahit hindi siya naniniwala sa alibi nito. “Kailan pa ho ako naririto?” “Tatlong araw na mula ng dalhin ka dito. Pero dalawang beses kang nagising na agad din babalik sa pagtulog. Siguro dahil sa mga gamot na tinuturok sayo ni Doktor.” “Sino ho ang doktor ko?” “Hindi ko rin kilala, pasensya na.” “I see, salamat ho ulit.” bago pinilit niyang bumangon. Nang nakaupo na siya ay dinampot ang cup na may lamang soup. Sinimulan niya yon inumin hanggang maubos at ininom din ang tatlong tableta na naroon sa ibabaw ng side table. “Maraming salamat ho ulit.” bago siya muling nahiga. Tinitiis ang kirot ng mga sugat at bugbog sa kanyang katawan. Ang hindi mawala sa isipan niya ay sino ang taong nag ligtas sa kanya mula sa lugar na yon? Si Josh Montemayor ay hindi basta madaling lusutan ng kahit sino. Unless, isang Montemayor din ang may kagagawan na imposibleng mangyari. Nang sumunod na araw ay ginising siya ng tapik sa balikat. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid ng higaan. “Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?” “Bilisan mong kumilos at kailangan makaalis tayo dito, nalaman na ng mga Montemayor na narito ka sa lugar na ito.” “Bakit mo ako tinutulungan kung wala kang ibang motibo?” Derekta niyang tanong dito. “Hindi ko maaaring sabihin kung sino ang taong nag-utos sa akin. Nasayo yan kung nais mong makaalis dito o gusto mong mahuli ka ng mga Montemayor.” Tinalikuran siya nito kaya agad niyang tinawag ito. “Saan mo ako dadalhin?” “Sa lugar na ligtas ka, yon ang bilin ni Boss, limang minuto kapag hindi ka bumaba ay aalis na kami.” “Sinong kasama mo?” Naninigurado niya pang tanong dito. “Proteksyon mo.” At iniwan na siya nito. Sinikap niyang makabangon bago dinampot ang kanyang damit. Nang makapagbihis ay kinuha ang mga gamot at lumabas ng silid. Napahinto siya sa paghakbang ng makita ang limang lalaki na naghihintay sa kanya. Sa mga itsura ng mga ito ay parang mga halang ang kaluluwa. “Kaya mo bang maglakad?” Tanong sa kanya ng isang lalaki. Hindi agad siya nakasagot dahil hirap pa rin gumalaw. “Tayo na at baka abutan tayo dito ng mga Montemayor ay wala kaming magagawa sayo.” Pagkatapos ay inakbayan siya ng dalawa at mabilis silang naglalakad patungo sa nakaparadang pick up. Pagkasakay nila ay humarurot agad ang sasakyan, pumikit na lang si Reegan at nakiramdam sa mga kasama. Halos makatulog na siya ng huminto ang sasakyan. Pag mulat niya ay nasa isang liblib na lugar sila. “Dito ka muna, makakasama mo sila, darating din si Boss, isa sa mga araw na ito.” “Salamat.” Naglakad na siya papasok sa loob, luma na ang building pero malinis naman. Kung sino man ang tinatawag na boss ay lubos niyang pasasalamatan sa malaking tulong na binigay sa kanya nito. Subalit ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin dumarating ang boss na sinasabi ng mga ito. “Kapag wala ka ng gamot ay sabihin mo lang sa amin at tatawagan namin si Doktor.” Wika ng isa sa limang lalaki na nagdala sa kanya ng pagkain. “Salamat, pero huwag mo na akong dalhan dito ng mga pagkain. Kaya ko ng pumunta sa dining room para doon kumain.” “Sigurado ka?” “Oo, malakas na ako at medyo magaling na ang ibang sugat ko sa katawan.” “Mabuti naman upang pagdating ni Boss ay pwede mo na siyang turuan.” “Para saan ang ituturo ko sa kanya?” “Nais niyang matutunan kung paano makipag laban ng sa gayon ay magawa niyang protektahan ang taong mahalaga sa kanya.” “Okay, walang problema sa akin kahit anong paraan sa pakikipaglaban ay ituturo ko sa kanya. Doon man lang ay makabawi ako sa malaking tulong na ginawa niya sa akin.” “Sige maiwan na kita at may gagawin pa ako.” Maraming salamat, ahm… ano pala ang pangalan mo?” Tawagin mo akong Emat, yan ang tawag sa akin ng mga kasama ko.” “Sige, Emat, maraming salamat ulit.” “Walang anuman, Mr. Vargas.” “Paano mo nalaman ang apelyido ko?” Nagtataka niyang tanong kay Emat. “Sa id mo, nakita namin ang driver’s license mo.” “Okay.” Sagot niya kahit may duda siyang alam na ng mga ito kung sino talaga siya at ano ang kanyang trabaho. Isang linggo na siya sa lugar na yon pero hindi pa rin nagpapakita ang tinatawag ng mga ito na boss. At magaling na ang kanyang mga sugat sa katawan. Ganun pa man ay naroon pa rin ang mga pasa ng bugbog sa buong katawan niya. Isang umaga ay maaga siyang bumangon upang simulan ang ehersisyo. Tatlong linggo din ang nakalipas na wala siyang exercise. Nag suot lang siya ng jogging pants at sando na binili sa bayan ng mga kasama niya. Nang minsang nagtungo ang mga ito ay nagpabili siya ng ilang piraso. Binaybay niya ang gilid ng daan maliwanag ang ilan poste kaya kita niya ang paligid. Kung saan saan siya nakarating pero ng nagsisimula ng magliwanag ang paligid ay bumalik na siya. “Saan ka ba nanggaling, nariyan na si Boss at hinahanap ka niya.” “Diyan lang nag jogging ako, nasaan pala siya?” “Nasa silid at nagpapahinga, pero ang bilin niya kapag nakita kita ay puntahan mo siya doon.” “Okay sige, salamat.” Nang tumango si Emat ay pumasok na siya sa loob. Dumeretso sa kanyang silid at nagbihis dahil basa siya ng pawis. Mamaya na siya maligo kapag nakapahinga na. Kagaya ng bilin ni Emat, pinuntahan niya ang silid ng boss at kumatok siya sa pintuan. Ngunit walang nagbubukas, akmang aalis na siya ng bumukas yon. Para siyang nakakita ng multo sa pagkabigla, hindi agad makapagsalita at parang natulon niya ang kanyang dila. “Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?” “A-Anong ginagawa mo dito… a-ang ibig kong sabihin ikaw ba ang tinatawag nilang boss?” “Bakit may iba kang inaasahan?” Salubong ang kilay na tanong sa kanya nito. “W-Wala naman, hindi ko lang inaasahan na ikaw ang taong tumulong sa akin.” “Kung wala ka ng sasabihin ay simulan muna akong turuan.” “Bakit nais mong matuto sa pakikipaglaban?” “Wala kang karapatan magtanong, bilang kabayaran ng kaligtasan mo ay ituturo mo sa akin lahat ng nais kong matutunan!” Natahimik siya sa narinig hindi niya inaasahan na may tinatago din palang katarayan ang babaeng ito. “Okay, ngayon na ba kita tuturuan?” “Yes! Dahil mahalaga ang oras ko!” “Okay, magbihis ka ng jogging pants, rubber shoes at komportableng pangitaas. Itali mo din ang mahabang buhok mo at sumunod ka sa akin doon sa likuran.” Walang sagot kaya umalis na siya. At habang patungo sa likuran ng building ay iniisip niya kung bakit siya tinulungan ni Kathleen. At hindi pa rin si Reegan makapaniwala na kasama niya ngayon ang babaeng nagawan niya ng malaking kasalanan. Ang hindi niya maintindihan bakit iniligtas siya nito sa kamay ni Josh Montemayor at mga kapatid nito? “Magtitigan na lang ba tayo?” Nagulat pa si Reegan ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran. “Ready ka na ba?” Ang tangi niyang nasabi sa dalaga. “Yeah, kaya simulan mo na ang pagtuturo sa akin.” “Sige maupo ka sa bangko na yan.” “Bakit ako uupo akala ko tuturuan mo ako?” “Tama at magsisimula tayo sa lecture, kailangan matutunan mo ang desiplina sa sa iyong sarili…” “Anong akala mo sa akin walang desiplina? Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ang salitang yan! Bakit hindi mo gawin ang sinasabi mong desiplina ng hindi ka nakagawa ng mali sa taong inosente?” Natahimik siya at hindi na nagsalita, tama naman ito at sa tingin niya ay hindi sila magkakaintindihan kaya tumalikod na lang siya. Subalit huminto din agad sa paglalakad ng may bagay na tumama sa kanyang likod. Pag sulyap niya sa lapag ay sapatos nito na ibinato sa kanya. Dinampot niya yon at lumapit sa dalaga na ngayon ay nakaupo na. Lumuhod siya at sinuot dito ang sapatos saka tumayo at naglakad palayo. “Let’s start! Kagaya ng sabi ko mahalaga ang bawat oras ko!” Malakas nitong sigaw kay Reegan. “Sigurado kang susundin mo ang bawat sasabihin ko?” “Siguraduhin mong lahat ng lalabas diyan sa bibig mo ay tama!” Angil sa kanya ni Ms. Kathleen. “Lahat ng sasabihin ko at ituturo sayo ay parte ng pagsasanay upang maging magaling ka na fighter.” “Fine!” Nagsimula na sila at mataman naman nakikinig sa kanya si Ms. Kathleen. Ipinaliwanag din niya kung bakit kailangan nitong matutunan ang mga yon. Bago sila magsimula sa actual na training. Nagpasalamat si Reegan, dahil hindi na ito muling tumutol sa mga sinasabi niya. At matapos ang ilang araw ay nagsimula na sila sa exercise. Every morning ay kailangan tumakbo ito ayon sa timer na naka set up. Pero siya ang nakakaramdam ng awa para sa dalaga, alam naman niyang pinipilit lang nito ang sarili upang matuto. “Stop!” Malakas niyang sigaw ng makitang halos hindi na ito makahinga sa pagod. Mabilis na nilapitan at hinawakan sa braso. “Ayos ka lang ba?” Worried niyang tanong dito. Subalit hindi sumagot at napansin niyang tila matutumba na ito kaya mabilis niyang binuhat. “… Kathleen, hey! Sumagot ka kung okay ka pa?” “Y-Yeah, a-ayos lang a-ako.” Binaba niya ito sa bangko at lumuhod siya sa harapan nito. “Mabuti pa ay magpahinga ka muna at bukas na ulit.” “P-Pero…” “Hindi mo na kaya, at masyadong mabibigla ang katawan mo kaya bukas na ulit natin ipagpatuloy.” “I-I’m sorry…” “Don’t be, wala kang dapat ihingi ng sorry. Normal lang yan sa mga baguhan nagsisimula sa training.” “Ahm… s-sa tingin mo ba kakayanin ko?” “Sabi mo wala kang history ng kahit anong sakit kaya masasabi kong kaya mo.” “Okay, doon na muna ako sa aking silid at s-salamat.” Napatitig si Reegan sa likuran ng dalaga, hindi niya inaasahan na marunong din itong magpasalamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD