EPISODE- 7

1860 Words
SA tuwina kapag nakikita kong nahihirapan si Kathleen, nais ko ng itigil ang pagtuturo sa kanya. Ang nakapagtataka bakit gusto niyang maging fighter. Samantalang napapalibutan siya ng mga bodyguard. Ganun din ang mga kapatid at pinsan nitong mga fighters. “Ms. Kathleen, maari ba akong magtanong?” “Yes, go ahead.” “Ano ang dahilan mo bakit gusto mong matuto sa pakikipaglaban? Samantalang hindi mo naman yon kailangan dahil sa status ng pamumuhay mo.” “Dahil gusto ko, hindi habang panahon akong aasa sa mga bodyguard, kapatid ko mga kamag anak ko.” “Yon lang ba ang totoong dahilan mo?” “Bakit may iba pa ba?” “Wala naman narinig ko lang na kaya nais mong mag training upang maprotektahan mo ang taong mahal mo at mahalaga sayo.” “Tama, gusto kong ako mismo ang maging protektor sa anak ko. Dahil ayaw kong iasa sa kahit sino ang kaligtasan niya.” “Ah! Okay.” “Pinagsisihan ko nga kung bakit hindi ako gumaya sa mga pinsan kong babae na bata pa lang ay nagsimula na sila sa training. Disin sana ay na ipagtanggol ko ang aking sarili. Baka hindi nangyari sa akin ang kasumpa sumpa na karanasan kong yon.” “I’m sorry.” unti-unting naramdaman ko na naman ang pagsisisi at matinding konsensya. “Maiwan na kita, babalik na lang ako dito kapag tapos na ang break.” wika niya bago naglalakad na palayo. Napayuko na lang ako sa at hindi na sumagot. Kahit anong pagsisisi pa ang aking nararamdaman hindi na maibabalik ang nagawa kong kamalian. Habang naghihintay ako sa pagbabalik niya ay pinagtuunan ko ng pansin ang punch in bag. Sunod sunod kong sinuntok yon na may kasamang sipa. Hindi ako tumigil baka sakaling mabawasan ang nararamdaman kong hirap. Lahat na yata pasakit ay dinanas ko mula pa ng bata ako pero nakaya kong kalimutan lahat yon. Ngunit ang kainin siya ng konsensya dahil kasumpa sumpang kasalanan na nagawa niya ay parang mas nanaisin pang mamatay na lamang. “Kapag hindi mo tinigilan yan sigurado maya maya lang sasabog na ang laman ng punch in bag.” huminto siya ng marinig ang boses ni Kathleen. Tinalikuran niya ito at mabilis na hinubad ang basang damit. Pagkatapos ay dinampot nag extra na sando at sinuot yon. “Ready ka na, Ms. Kathleen?” “Yeah.” “Okay, ang gagawin natin ngayon ay basic muna ng hand to hand combat. Lagyan mo nito ang magkabilang kamay mo dahil sigurado masusugatan yan.” “Sige.” aabutin na nito sa kanyang kamay ang tela pero hindi niya binitawan. Bagkus ay kinuha niya ang isang kamay ni Kathleen at siya ang nagpulupot ng tali doon. Dama niya ang init ng malambot na palad nito. At bahagya siyang natigilan habang nakatitig sa manipis na palad ng dalaga. “Bakit nakatitig ka lang sa kamay ko anong meron diyan?” “Ahm… w-wala naman.” at ipinagpatuloy niya ang paglalagay doon ng tela. Nang matapos ay ganun din ang ginawa niya sa isa pa. “Okay, sundan mo ang mga ginagawa ko.” pagkatapos ay nag pwesto na siya sa harapan nito. “Gagayahin ko ba ang lahat ng ginagawa mo?” “Oo, sundan mo lahat ng kilos ko. Kailangan makabisado mo muna ang bawat aksyon na ginawa ko. Pagkatapos maya maya ay gagawin mo na yon sa akto.” “Okay, pero baka may makakalimutan ko kaya pakipaalala mo sa akin.” “Huwag mong alalahanin yon, normal lang na makalimutan mo ang ibang tinuro ko. Dahil makakabisado mo rin yon sa araw-araw na pagtuturo ko sayo.” “I see, okay I'm ready.” wika pa niya habang naka pwesto na. Sa simula ay okay pa siya kaya patuloy kami sa ginagawa na pagsasanay niya. Ngunit ng lumaon ay parang hindi ko na kayang makita na nahihirapan siya. Lalo na nang dumating kami sa punto na aktong pakikipaglaban. Hindi ko talaga magawa na patamaan siya ng suntok at sipa. At kapag ganito ay hindi siya matututo. “Bakit ganyan ang ginagawa mo, ‘di ba sabi mo dapat totoong suntok at sipa ang gagawin natin upang subukan mo kung may natutunan na ako? Pero anong ginagawa mo bakit ayaw mo akong sipain at suntukin?” “I’m sorry, h-hindi ko kayang patamaan ka.” “Gago ka ba? Paano ako matuto kung ganyan? Kaya ako naririto at nagsasayang ng oras sa lugar na ito upang turuan mo!” hindi ako sumagot ngunit nagulat ako ng sipain niya ako at suntukin. “Ano hindi ka talaga gagalaw?” sigaw pa niya sa akin. Kaya napilitan akong saluhin ang suntok at sipa niya. Bumagsak sa lapag at nag-alala agad ako sa kanya kaya binuhat ko siya. “Ayos ka lang ba?” lakas ng kabog sa aking dibdib naghahalo ang takot at aking pangamba na baka nabalian siya ng buto o nasugatan. “A-Ayos lang ako.” “Hindi ka ayos, halika at lalagyan ko ng gamot ang parte ng katawan mong tumama sa semento.” “Okay lang ako, bitaw nga!” sabay tulak niya sa akin at mabilis na tumayo ngunit muntik na siyang natumba. Kaya binuhat ko pa rin siya at inulan na ako ng suntok at sampal pero hindi ko yon iniinda. Binaba ko siya sa isang mahabang upuan at kinuha ang first aid. “Anong gagawin mo?” “Lalagyan kita nitong gamot…” “Ano? Hahawakan mo ako sa parte na yan ng katawan ko?” “Sino ang maglalagay ng gamot diyan kundi ako?” “Asshole! Anong akala mo sa akin maiisahan mo na naman?” “Wala naman akong iniisip na ganun, nag-alala lang ako na baka bukas ay hindi ka makatayo. Kaya kailangan lagyan ng gamot at i masahe.” “T-Totoo posible na hindi ako maka tayo bukas?” “Oo, napasama ang bagsak mo, kabisado ko na ang ganyan dahil pinagdaanan ko ang ganitong training.” “O-Okay, s-sige. Pero wag kang titingin.” “Paano ko mahihilot ang parte na yon kundi ko titingnan?” “Fine! Pero bilinsan mo!” “Okay.” ngunit ng ibaba ni Kathleen ang suot na jogging pants ay para akong na magnet. Natulala siya sa nakikita, at the same time ay nag-init ang kanyang buong katawan. “Anong tinitingin tingin mo riyan?” “Oh! Ahm… m-mahiga ka.” ngunit nang humiga na siya ay mas lalo ng nadagdagan ang ang pag iinit ng kanyang pakiramdam. Parang anumang oras ay sisiklab na sa init. Sunod sunod na rin ang lunok niya dahil baka biglang tumulo ang kanyang laway kapag hindi napigilan. Grabe napakaganda talaga at ang mahabang hita nito ay malasutla sa kinis. Nang lumapat ang palad niya sa balat ni Kathleen ay hindi niya mapigilan ang panginginig. “Ganyan ba ang masahe?” “Ha? Oh! Ang ibig kong sabihin ay hindi ko pwedeng biglain baka magkaroon ka ng pasa. “Anong akala mo hindi ako magkakaroon ng pasa ay malakas kaya ang pagbagsak ko sa semento kanina!” Singhal pa nito sa kanya. Kaya sinikap na mag-focus sa ginagawa upang hindi ‘to makahalata. “T-Tiisin mo kapag nakaramdam ka ng kirot. Heto sisimulan ko na nag pagmamasahe.” “Okay.” sinulyapan niya muna ang mukha ng dalaga at nakapikit ito. Pagkatapos ay sinimulan na niyang imasahe ang parte ng pag-upo nito na napuruhan sa pagbagsak kanina. “Ah! M-masakit, d-dahan dahan naman.” daing ni Kathleen, ngunit kakaiba ang hatid sa kanya ng ungol nito. At kapag nagtagal pa ay baka hindi siya makapagpigil ay makagawa na naman ng kasalanan kay Kathleen. Dinampot niya ang cream at nilagyan ang parte na mensahe niya. Pagkatapos ay mabilis na tumayo. “Magbihis ka na at magpahinga, hatiran na lang kita ng pagkain at gamot mamaya.” pagkatapos ay iniwan na niya si Kathleen. Mahirap na maka halata pa ito sa nangyayari sa kanya. Dahil ang harapan niya ay para ng bakal sa tigas. At nakabukol na yon sa suot niyang jogging pants. Nang makapasok si Reegan sa kanyang silid ay kinuha ang cellphone at may tinawagan. Kailangan niya ang kaibigan na babae upang magturo kay Kathleen. Dahil kung siya lang ay hindi talaga matuto sa kanya si Kathleen. Pagsapit ng hapon ay nakapag luto na siya ng pagkain para kay Kathleen. Dala ang tray ay umakyat siya sa silid na okupado nito. Kailangan din niyang ipaalam dito ang bago nitong trainor. Samantala sa silid ni Kathleen, kagigising lang niya at sobrang sakit ng kanyang katawan. Pinilit niyang bumangon upang magsuot ng komportableng damit. Subalit biglang bumukas ang pinto at pumasok si Reegan. “Bastos! Hindi ka man lang kumatok!” galit na sigaw sa kanya ng dalaga. Hindi naman siya sumagot dahil baka mas lalo pang magalit. “Ihahatid ko lang ang pagkain at gamot mo… s-saka hindi naman ako natingin.” wika ko pa sa kanya kahit ang totoo ay panay sulyap niya sa kabuuan ni Kathleen. “Manyak!” narinig niyang sigaw nito kaya agad siyang tumalikod. Humakbang na rin patungo sa pinto. “Sandali!” “Ano yon, may iuutos ka?” “Lumapit ka dito at hindi ko magawang igalaw ang isang paa ko! Tulungan mo ako dito sa pajama ko.” mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha ang hawak niya. Pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya at hinawakan ang kanyang isang paa. Nang masuot ang isang paa ay hindi ko mapigilan tumingala. “F*ck!” hindi ko mapigilan mapamura ng tumambad sa mata ko ang harapan niya. Bakat na bakat sa suot na underwear. “Bakit ka nagmumura?” galit nitong sita sa kanya. Kaya mabilis siyang yumuko at muling dinampot ang isang paa ni Kathleen. Pagkatapos ay hinila na niya pataas ang pajama nito. At agad na nagpaalam, halos takbuhin niya ang pinto makalabas lang agad. Ang planong ipaalam kay Kathleen ang bago nitong trainor ay nawala sa isipan. Para naman inaakit siya ng babaeng yon. Pero gustong gusto naman niya, kung pwede nga lang sabihin niya sa dalaga na miss niya na ito. Kapag ginawa niya yon sigurado iba na naman ang iisipin sa kanya. Dalawang araw ang lumipas ng dumating ang bagong trainor ni Kathleen. Dinala niya si Ms. Janz sa training area at ipinakilala kay Kathleen. Nakita niya ang pagtutol nito kaya kanyang nilapitan at sinabing mag-usap sila. Mabuti at sumang-ayon agad sa kanya at bahagya silang lumayo. “Bakit ka kumuha ng trainor na hindi mo sinabi sa akin?” galit na tanong ni Kathleen kay Reegan. “Sorry, pero mas mabuti na siya ang magtuturo sayo upang maging isang magaling na fighter ka.” “Bakit ikaw hindi ka kasing galing niya?” “Hindi yon ganun, ayaw ko lang na magpatuloy bilang trainor mo dahil hindi ka lag matuto sa akin.” “Sa anong dahilan at aalis ka sa pagtuturo sa akin?” “Dahil hindi ko kayang makita na nasasaktan ka. Kung pwede lang na huwag mo ng ituloy ang training mo.” “Anong totoong reason bakit ayaw mo na akong turuan?” kunot na ang noo ni Kathleen habang naghihintay ng sagot mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD