EPISODE- 5

1515 Words
HABANG natutulog ang anak na si Kulit ay nakatitig lang siya dito. Nagsalimbayan ang nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. Kung hindi si Caitlyn ang nag-attend ng conference sigurado patay na si Reegan. Parang nanadya ang pagkakataon na siya mismo ang napunta sa lugar na yon at naabutan ng traffic. At kung kailan handa na siyang kalimutan ang masamang karanasan sa kamay ni Reegan ay saka naman ito nagpakita sa kanya. Ang hindi niya matanggap, kahit maraming beses niyang sinasabi sa sariling matapang na siya ay hindi nangyayari. Tatlong taon na ang nakalipas magmula ng mangyari sa kanya ang masamang karanasan na yon. Pero heto at nanariwa na naman dahil sa pagkikita nila ng taong sumira sa pagkatao niya. Ang sakit lang na hindi siya makawala sa mangungot na yon ng buhay niya. “Umiiyak ka na naman, Kat, dahil ba ito sa nangyari sayo sa basement ng ospital?” “Ahm… may sinasabi ka ba, Lara?” hindi man lang niya namalayan na nasa harapan ang kaibigan na tumatayong PA niya. “Ang sabi ko i- double check mo na lang ang mga papeles na ito bago mo pirmahan. Ako na muna ang bahala kay Kulit.” “Salamat, Lara.” “Wala yon.” pagkatapos ay binuhat niya ang aking anak at lumabas sila ng opisina. Sinikap niyang mag-focus sa kanyang trabaho pero hindi na magawa. Hindi mawala sa kanyang isipan ang duguang katawan ni Reegan ng makita niya sa gilid ng highway. Ang pagsakay nito sa sasakyan niya sa basement ng ospital. At ang sinabi niyang mission kaya hindi pa raw siya maaaring mahuli ng mga pulis. Sino ba talaga ang lalaking yon at ano ang mission nito? “Kathleen, iwanan mo muna ang trabaho mo at sumama ka sa akin.” “Hindi ko maaaring ipagpaliban ang mga papeles na ito. Hinihintay ni Chairman ang mga ito hanggang mamaya. Saka pwede ba huwag mo akong istorbohin dito?” “Hindi ka nagtatrabaho at kanina ka pa nakatulala diyan sa harap ng mga papeles na sinasabi mo, huh!” “Tigilan mo ako, Caithlyn, mabuti pa ay umalis ka na at hindi ako sasama sayo.” “Kung sabihin ko sayo na hawak nila Kuya Josh si Reegan, hindi ka pa rin sasama sa akin?” “A-Anong sabi mo?” “Uulitin ko pa ba ng lalo tayong magtagal? Baka hindi na natin abutan buhay ang lalaking yon, huh!” napatayo si Kathleen at agad na tumakbo patungo sa pinto. “Hindi mo dadalhin ang iyong bag?” sigaw sa kanya ni Caithlyn. “Oh! Akina yan.” sabay agaw niya sa kamay ng kapatid. “Paano nangyari ng nasa kamay nila, Kuya Josh si Reegan?” “Hindi ko alam ang pangyayari, narinig ko lang kay Kuya Jayden habang kausap sa cellphone niya si Kuya Josh.” “Saan nila dinala?” “Sa secret place.” “Saan yon?” sabay lingon niya sa kanyang kapatid. Ngunit nagkibit balikat lang siya. Kaya nilapitan na lang niya at muling tinanong. “Fine! Pero hindi tayo maaaring makita nila, sigurado makakarating kay daddy ang tungkol doon kapag nahuli nila tayong dalawa.” “Mag-ingat na lang tayong dalawa.” aniya pa pero hindi na sumagot si Caithlyn. Pagdating nila sa elevator ay bigla niyang naalala si Kulit. “Sandali paano si Kulit?” tanong niya sa kapatid pero hinila pa rin siya nito pasakay sa loob ng private elevator. “Nasabihan ko na si Ms. Lara, siya muna nag bahala kay Kulit. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Ang kailangan mong gawin ay mag desisyon kung tutuloy tayo sa secret place o hindi na?” “Paano kung patayin nila si Reegan?” sa puntong yon ay nakaramdam siya ng takot. Pero sinisikap na walang mahalata ang kanyang kapatid. “Kaya nga magdesisyon ka kung pupunta tayo?” hindi na siya sumagot pero mabilis ng tumakbo sa nakaparada niyang Hummer. “Akina ang susi at ako ang magmamaneho, kailangan bilisan natin bago pa tayo mahuli ng dating.” binigay niya ang susi at tahimik sumakay. Na upo siya sa tabi ni Caithlyn. Samu’t saring takot ang nasa puso at isipan niya. Nagtatalo din ang isip kung kaya ba niyang iligtas ngayon si Reegan? O dapat bang gawin ito samantalang kinamumuhian niya ang lalaking yon? “Ate Kathleen?” “Ha? May sinasabi ka ba?” “Ang sabi ko, sakaling magagawa natin iligtas ang lalaking yon, saan mo naman siya itatago?” “H-Hindi ko rin alam at natatakot ako na malaman nila daddy at mommy.” “Okay.” pagkatapos ay humarurot na ang sasakyan. Ang bilis magmaneho ni Caithlyn. Pero hinayaan niya ito dahil kailangan daw nilang makarating agad sa secret place. Makalipas ang isang oras ay huminto sila sa gilid ng kalye, Parang squatters ang lugar, nagtataka siya sa mga kilos ng kapatid. Parang sanay na sanay siya sa lugar na ito. “Anong gagawin natin dito?” hindi na siya nakatiis kaya nagtanong sa kapatid. “Meron akong kakausapin tao na maaaring makatulong sa atin.” tumahimik na lang siya at hindi na muling nagtanong pa. Nang bumaba si Caithlyn ay hindi siya nakatiis at sumunod din sa kanya. Ngunit biglang humarap sa kanya ang kapatid. “Bumalik ka sa sasakyan at doon mo ako hintayin ate.” “Sigurado ka ba, Caithlyn?” “Oo naman ate.” pagkatapos ay hinila ako pabalik sa sasakyan. “I-lock mo ang pinto, Ate Kathleen.” “Mag-ingat ka.” nang mawala sa paningin ang kapatid ay nagmamasid masid lang siya sa paligid. May mga lalaking nakatingin sa sasakyan nila. Pero hindi naman sila lumalapit kaya panatag ako. Hindi rin nagtagal ay natanawan ko si Caithlyn, may kasama itong dalawang lalaki. Ang akala niya ay sasakay sa sasakyan nila pero lumampas. “Sino ang mga yon, Caithlyn?” agad niyang tanong sa kapatid ng makaupo sa driver seat.” “Contacts kapag ganitong emergency.” “Paano mo sila nakilala at bakit parang matagal ka ng nagpupunta sa lugar na ito?” “Yeah, mga naging kaibigan ko. Minsan ko lang silang natulungan at para sa kanila ay malaking bagay ang nagawa ko. Kapag may kailangan daw ako ay puntahan ko lang sila dito.” “So, kaya pala yung mga lalaki kanina ay nakatingin lang dito sa sasakyan. Ang akala ko ay may masama silang balakin.” “Walang gagalaw dito sa atin, kaya maging panatag ka, Ate Kathleen.” “May alam ba si Kuya Jayden at Kuya Jordan dito?” “Wala at hindi nila dapat malaman dahil siguradong puputulin nila nag koneksyon ka dito.” “Okay, basta pangako mo na hindi ka mapapahamak sa lugar na ito. Mapagkakatiwalaan ang mga tao dito gaya ng sinasabi mo.” “Yeah, kaya huwag kang mag-alala… nariyan na sila, Ate Kathleen.” “Okay ikaw.” ang tanging sagot ko sa aking kapatid. Nang lumampas sa amin ang apat na bigbike ay sumunod na kami sa kanila. Isang oras ang lumipas at naragting namin ang secret place. “Stay here, Ate Kathleen, magtiwala tayo sa kanila.” “Kilala mo si Kuya Josh, walang makakatalo sa galing niya bilang fighters. Baka diyan tayo mabuking nila?” “Hindi naman sila gagalaw hanggang nariyan sila Kuya Josh, sinabihan ko sila. Kaya nga timing ngayon dahil walang Montemayor na bantay.” “Paano mo nalaman… wait, huwag mong sabihin na meron kang spy sa loob?” “Matalino ka talaga, Ate Kathleen.” “Mag-ingat ka dahil pag may nalaman si Kuya Josh, sigurado may kalalagyan ang mga kasama natin. Walang sinasanto ang lalaking yon lalo at kaanak ang involve. Iniwan siya dito sa sasakyan, kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa. Ang sabi ay hintayin niya dito ang kapatid at mga kasama nito.” Hindi siya mapalagay, malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Dahil sa posibilidad na nangyari kay Reegan. Gusto na niyang bumaba pero sigurado magagalit ang kapatid sa kanya. Isa pa ay baka may makakita sa kanya kapag sumunod siya. Pero lumipas ang halos sampung minuto ay wala pa rin sila. At unti-unti na siyang kinakain ng nerbyos. Nagulat pa siya nang biglang may kumatok. “Oh! sh*t!” pagmumura niya ng makita si Reegan, buhat ito ng isang lalaking kasama ni Caithlyn. Halos manginig ang kanyang mga kamay ng buksan ang lock. “Hurry!” narinig niyang sigaw ng kapatid sa lahat. Hindi na rin niya namamalayan ng sumibad ang sasakyan. Hindi niya napigilan lumingon sa kinaroroonan ni Reegan. “Ate Kathleen, huwag kang umiyak, hindi niya deserve iyakang lalo at isang tulad mo.” “Hindi naman ako naiyak, hindi ko lang makaya ang ginawa nila kay Reegan.” “Galit ang buong angkan Montemayor sa ginawa niya. Kaya hindi mo sila masisisi.” “I know, at nauunawaan ko naman yon.” kahit nag totoo ay galit siya sa mga pinsan. Kung hindi na naman sila dumating baka tuluyan ng patayin si Reegan. Sumakit ang dibdib ni Kathleen, ang isiping kayang pumatay ng mga kamag-anak para lang sa kanya ay hindi niya nagawang tanggapin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD