EPISODE- 4

1504 Words
GALIT na galit ang kalooban ni Kathleen sa taong ito ngunit hindi naman niya magawang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap. Hindi rin alam kung bakit hindi niya kayang magsalita ng masama. Siguro tama ang mga kapatid masyado siyang mabait, mahina at hindi marunong magbitaw ng masamang salita sa kapwa. Kaya siguro naging dalagang ina siya sapagkat wala siyang kakayahang lumaban. Ang sabi din ni Caithlyn, sa mommy raw nila siya nagmana. Ganun pa man aminado siya dahil idol naman niya ang kanilang mommy. Sobrang mabait at mapagmahal sa kanilang lahat lalo sa kanilang ama. “A-Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko sayo. Puno rin ng galit at hinanakit ang puso mo pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon maging ama sa anak natin.” Hindi siya nakapag salita ngunit ang kalooban niya ay naghihimagsik. Talagang nagagawa pang sabihin ang bagay na yon ng lalaking ito. Hindi ba nito naisip kung gaano kalaki ang damaged na nagawa nito sa buong pagkatao niya? "N-No, I can't. Isa pa ay hindi ka rin makakalapit sa pamilya ko lalong higit sa anak ko. Alam mo naman siguro k-kung ano ang kayang gawin ng mga kapatid at pinsan ko.” “Please, h-hindi ako lalapit sa inyo o sa kanya. Ang pakiusap ko lang ay makilala niya ako bilang ama.” “L-Let me go, at maaari ba na huwag mo na akong lalapitan muli?” nang naramdaman na lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ay malakas niya itong tinulak. Saka mabilis na sumakay sa sasakyan at ni-lock iyon. Agad na tinapakan ang silinyador at humarurot palayo ang sasakyan. Subalit ng sulyapan niya sa side mirror ay agad din natapakan ang preno. Lalo at malinaw na kita sa suot nitong damit ang pulang likido na dumadaloy sa tagiliran nito. Kung mali man ang ginawang desisyon ay saka na niya iyon pagsisisihan. Mabilis na iniatras ang sasakyan at nang tumapat siya sa lalaki ay agad na binuksan ng lock ng pinto. Hindi nagtagal ay sumakay ito at hindi na lingid sa mga mata ang tinitiis nitong sakit mula sa dumudugong sugat. “You need to go back in the hospital…. “No! Please, dahil siguradong huhulihin ako ng mga pulis. S-Sa ngayon ay h-hindi pa ako handa may mahalaga pa akong misyon na kailangan tapusin. P-Pangako kapag natapos ko iyon ay ako mismo ang susuko sa mga pulis. Upang pagbayaran ang malaking kasalanan ko sayo.” “Kung ganun saan kita ihahatid baka maubusan ka ng dugo?” “P-Paki daan mo ako sa pharmacy, at paki bili ng pampatigil ng dugo.” “Wala akong alam na ganun… w-wait tatawagan ko si Kuya Jayden.” ngunit hinablot nito ang hawak niyang cellphone. “Kapag ginawa mo yon ay siguradong mati-trace nila ang kinaroroonan natin.” “Fine! Tawagan mo ang iyong kaibigan o kahit sinong kilala at alamin ang sinasabi mong gamot na pampahinto ng nagdurugong sugat.” “W-Wala ang cellphone ko, siguro nalaglag doon sa pinangyarihan ng g-gulo.” “Gamitin mo ang cellphone ko at pakibilisan lang dahil gusto ko ng makauwi ng bahay. Siguradong kanina pa ako hinahanap ni Kulit.” “K-Kulit…. I-iyon ba ang pangalan ng anak natin?” “Anak ko lang kaya paki bilisan tawagan ang kaibigan mo.” aniya ngunit hindi na ito sumagot sa kanya. Maya maya ay nakita niyang nag-dial pagkatapos ay agad na inabot sa kanya. “Anong gagawin ko dito?” “Ikaw na ang makipag-usap at huwag mong sasabihin ang tungkol sa akin.” akmang magrereklamo pa siya ng marinig ang boses sa kabilang linya. At wala siyang pagpipilian kundi sagutin ang kausap. “Ahm…. m-may alam ka ba na gamot sa sugat, iyong p-pampahinto ng dugo?” “Sino ka at bakit sa akin ka tumawag?” “Ahm….” hindi na niya nagawang sumagot nang biglang agawin ng katabing lalaki ang kanyang cellphone. “Pareng Raiden, it’s me, Reegan. Naririyan ba si Pareng Norman?” “Tangina, anong nangyari sayo at nasaan ka?” “Mahabang kwento kaya kung naririyan si Doktor ay pakitanong kung anong gamot ang pwede kong bilhin sa pharmacy upang mapatigil ang dugo?” “Pumunta ka dito sa mansion, bye!” “Sh*t!” “A-Anong sabi ng kaibigan mo?” sinisikap niyang huwag matakot. Ngayon ay alam na niya ang pangalan nito. Na ilang beses niyang tinatanong sa mga kapatid at pinsan ay ayaw sabihin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan. O maaaring iniisip na bakit pa niya inaalam samantalang hindi naman kailangan. “Paki hatid mo ako sa Bachelors exclusive Village.” “Okay…. W-wait doon ba ang bahay ng kaibigan mo?” “Yeah, alam mo ba ang lugar na yon?” “Mga billionaire ang nakatira doon kaya paanong hindi ko malalaman?” “Sorry, nakalimutan kong isa ka nga pala sa kagaya nila.” ani ni Reegan… oh! Bakit ba niya tinatawag sa pangalan ang lalaking ito. Sa halip na sumagot ay nag-focus sa pagmamaneho. Hindi siya dapat nakikipag-usap sa lalaking ito. At mabuti ay tumahimik na rin. Hanggang lumipas ang halos kalahating oras. “Kilala ka pala dito hindi ka na tinanong ng mga guard.” “May mansyon dito ang isa sa mga pinsan ko.” aniya. “Ah, kaya pala.” Hindi na siya sumagot at dumiretso sa pinakadulo. Huminto siya sa kulay itim na gate. Pagkatapos ay hinayaan itong makababa. Sinikap na hindi sulyap ang lalaki ngunit nakikita sa gilid ng mga mata ang hirap sa paggalaw. “Maraming salamat.” hindi siya sumagot o kahit sulyap ay hindi niya binigay dito. At nang tuluyan maka baba ay agad siyang nag maniobra. Pagkatapos ay pinasibad ang sasakyan palayo sa lugar. Isang oras pa ang lumipas at pumasok na siya sa mansion nila. Natanawan agad ang mga kapatid na naghihintay sa kanya. Sunod sunod siyang huminga ng malalim. Kailangan walang makahalata sa kanya kung saan siya nanggaling. Hindi dapat malaman ng mga ito na kanina lang ay kasama niya si Reegan. Paghinto ng kanyang kotse ay agad na lumapit ang mga ito sa kanya. Kita ang matinding pag-alaala sa mukha ng bawat isa. “Saan ka nanggaling Kathleen?” agad siyang nagyuko ng ulo upang maiwasan ang titig ng kanyang Kuya Jordan. “May kakilala lang na hinatid, kalalabas niya ng o-ospital at wala siyang sundo kaya nagprisenta na ako.” sana lang ay maniwala ang mga ito. “Kathleen, nakalimutan mo yata kung kaninong ospital ang pinagdalhan sa lalaking yon. Nawala rin ba sa isipan mo na maraming CCTV sa basement parking. At hindi mo naisip na meron CCTV sa gasoline station kung saan kayo ng load ng fuel. Pati na sa pinahatidan mong eksklusibong lugar sa lalaking yon?!” sumisigaw na ang Kuya Jayden niya. Kaya hindi na niya nagawang sumagot. “Brother, huwag mong sigawan si Princess.” “Ate, halika na ang mabuti pa’y magpahinga ka muna.” napa sunod na lamang siya sa kapatid na bunso ng hilahin siya nito. “Huwag mong dibdibin ang mga sinabi ni Kuya Jayden. Kanina pa yon alalang alala sayo lalo ng malaman na kasama mo sa sasakyan si Reegan Vargas.” “H-Hindi ko naman gusto ang mga nangyari. Nang bumaba ka sa sasakyan at umakyat sa loob ng ospital. Bigla na lang siyang sumakay at inutusan akong magmaneho. Natakot ako ng malakas siyang sumigaw kaya sinunod ko na lamang ang utos ng lalaking yon.” “Mamaya ipaliwanag mo kay Kuya Jayden. Upang maunawaan niya.” ani pa ng kapatid na bunso. “Okay, nasaan pala si Kulit?” “Naroon sa silid ni Daddy at Mommy. Ahm…. wala silang alam tungkol sa nangyari. Ang alam lang nila ay nasa trabaho ka. Kaya huwag mo ng babanggitin ang kung saan ka galing.” “Oo, sige… salamat pala sayo Kitkat.” “Wala yong Katkit. Sige na puntahan mo si Kulit at baka makatulog na iyon kanina pa naglalaro.” “Sige, maiwan na kita.” nang tumango ang kapatid na bunso ay nag lakad na siya patungo sa silid ng mga magulang. Ganun pa man ay nag-atubili siyang kumatok ng nasa tapat nang pintuan. Dahil alam niyang wala siyang maililihim sa ama. Akmang tatalikod siya ng makita ang kapatid na lalaki. Naglalakad ito palapit sa kanyang kinatatayuan. “Princess, bakit nakatayo ka lang diyan?” “Kuya Jordan, sorry pala kanina.” sa halip na sagot niya dito. “Huwag mo ng uulitin, wala kang idea kung gaano kami nag-aalala sayo. Hindi mo kilala ang lalaking yon kaya sa susunod lagi mong i-lock ang sasakyan kapag nag-iisa ka lalo at nakahinto ang iyong kotse.” “Sorry, Kuya Jordan.” “Huwag mo ng isipin yon, halika at sasamahan kita sa loob.” “Salamat, Kuya Jordan.” “You're welcome.” Nang makapasok sila at sumalubong sa kanya ang anak ay parang naglahong lahat ang mga alalahanin. Binuhat ito at pinag hahalikan na parang ang tagal na hindi nakasama. Ngayon lang din niya ito na notice, habang lumalaki ay kamukha ng ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD