"Kahit nobyo ko ay nagkahiwalay kami dahil ayaw ng Ate ko sa kaniya at gusto niyang pahiwalayan sa akin. Kaya ayon hiniwalayan ko kasi, mahal ko sila at iniintindi ko sila palagi. Pero sobra na akong nasaktan kaya ako na lang ang nag-giveaway." mahaba kong kuwento at hindi ko namalayan ay pumatak na pala ang aking mga luha.
"Hindi rin naman tama ang maltrato nila sa iyo, dapat pantay pa rin sila kahit sabihin pa nating may sakit ang kapatid mo."
"Iba sila Don Celso, at iba ka rin. Siguro kung ikaw ang naging Ama ko, hindi na siguro kailangan maglayas ako. Kasi, alam mong hatiin ang pagmamahal. Pero ipapakita ko sa kanila na kahit wala sila ay kaya ko pa rin ang tumayo sa sarili kong pagsisikap."
"Tama 'yan, Chicklet. Basta huwag ka lang mapapariwara nang landas.
"Never iyan na mangyari, Don Celso. Dahil mataas ang pangarap ko sa buhay."
"Chicklet, kung gusto mo, dito ka na lang tumira sa bahay. Maraming bakanteng kuwarto dito at walang gumagamit. Gawin na lang kitang private therapy at iyong trabaho mo sa spa. Ipagpatuloy mo pa rin kung gusto mo para na rin may pandagdag income ka." Alok ni Don Celso sa akin.
"Seryoso po kayo Don Celso?"
"Oo, Chicklet. Magaan kasi ang loob ko sa 'yo at nakita ko rin na mabait kang bata. Hayaan mong ako ang magpadama sa iyo ng pagmamahal na hindi naibigay ng iyong mga magulang. Ipadama ko sa 'yo ang isang pagmamahal bilang iyong lolo. Kasi wala rin Akong apo na babae. Kaya ikaw na lang ang maging apo ko," pahayag niya.
Natuwa naman ako sa aking narinig at nakita ko naman sa kaniya na sincere siya sa mga sinasabi niya. At aaminin kong naawa rin ako kay Don Celso, dahil nag-iisa lang siya at matanda na.
Dahil sa alok niyang private therapy ay pumayag ako. At least, sigurado na akong may income. At safe ang aking buhay, dahil ang totoo, nakaramdam ako ng takot sa inupahan ko lalo na't sa labas kami naliligo.
Hanggang sa nakauwi ako sa boarding house at buong kabi ko ito pinag-iisipan. Buo na ang aking pasya, tatanggapin ko ang alok niya alang-alang sa pangarap ko. Nagpaalam rin ako sa aking kaibigan at medyo nalungkot ito. Pero ganoon talaga, walang permanente sa buhay.
"Don Celso, tinanggap ko na po ang alok ninyo," wika ko, nang makabalik ako sa bahay niya.
"Masaya akong narinig ang iyong desisyon, Chicklet. Kailan mo balak lumipat dito?"
"Actually, dala ko na po ang aking mga gamit, kaunti lang kasi ang dala ko."
"Mabuti kung ganoon. Welcome your new home!" nakangiting bati niya.
"Salamat talaga, Don Celso. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa inyo." At sabay yakap ko sa matanda.
"Diyos ko! Sana hindi ka lang pagperahan sa batang iyan Don Celso!" bulalas ng mayordoma na si Aling Isnie.
Dahil saktong lumabas siya sa kusina nang ako'y yumakap sa matanda.
"Huwag mong isipin iyan, Chicklet. Masaya ako na nandito ka para kahit papaano ay may kasama ako dito." nakangiting saad niya.
Si Isnie naman ay nakikinig lang sa amin ngunit nang matingnan ko siya ay alam kong madumi ang iniisip niya para sa akin.
"Isnie…" sambit ni Don Celso sa mayordoma.
"Bakit, Don Celso?" Dali-dali niyang lapit sa amin.
"Kunin mo ang bag ni Chicklet sa likod ng sasakyan at ihatid mo siya sa guest room."
"Opo!"At pupunta na sana siya sa labas.
"Nay Isnie, ako na po!" Ako na ang kumuha ng aking maleta sa labas.
Hinatid ako ni Nay Isnie sa aking magiging kuwarto at si Don Celso naman ay umalis sapagkat may importante siyang lakad. Ang bilin niya sa akin na kapag-late ang kaniyang uwi ay tatawagin ko lang ang asawa ni Nay Isnie at siya na ang maghahatid sa akin.
"Ito ang magiging kuwarto mo," pahayag ng matanda.
"Salamat po."
"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako, ma'am."
"Naku! Chicklet na lang po Nay Isnie."
"Okay, kung 'yan ang gusto mo."
"Ahh… Nay Isnie. Iyon pa lang nakita mo kanina, sana po ay huwag ninyong bigyang masamang kahulugan. Yumakap lang ako dahil sa sobrang saya na pinatira ako ni Don Celso dito. Kinausap kasi niya ako na dito na lang ako para may kasama siya at bilang kaniyang private therapy." Mahaba kong litanya.
"Mabuti na lang at sinabi mo sa akin ngayon. Dahil sa totoo, pinag-iisipan talaga kita nang hindi maganda. Pasensiya ka na, Chicklet."
"Okay lang po, Nay Isnie. Lahat naman tayo ay hindi perpekto. Ang importante lang ay marunong tayong tumanggap sa ating pagkakamali."
"Na hala! Magpahinga ka muna at magluluto muna ako nang hapunan. Tatawagan na lang kita kapag nakahanda na ako.
"Nay, tutulungan na po kita," presenta ko.
"Huwag na, may katulong naman ako sa kusina."
"Okay, sige po!"
Nang makalabas si Nay Isnie ay inayos ko naman ang aking konting gamit sa loob ng kabinet. At nang matapos ay humiga ako sa malaking kama na sa tingin ko ay king-size ito at magkasya ang tatlong tao.
Nakatulog ako nang hindi namalayan at nagising na lang ako nang tumunog ang telepono.
"Hello!" boses ko.
"Checklet, nakahanda na ang lamesa at ang sabi ni Don Celso ay mauna kana. Dahil may trabaho ka pa at ang asawa ko ang maghahatid sa iyo dahil gagabihin siya," pahayag sa kabilang linya.
"Sige po, Nay Isnie. Lalabas na ako."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay dali-dali na akong lumabas, sapagkat ayaw ko silang pahintayin nang matagal.
Nang matapos akong kumain ay agad akong bumalik sa kuwarto para maligo. Gusto ko silang tulungan subalit ayaw nila. Hanggang sa hinatid na ako ng asawa ni Nay Isnie.
"Tay, ano po ang pangalan ninyo?
"Nilo, ma'am," pormal niyang tugon sa akin.
"Okay lang po ba kung Tatay ang itawag ko sa iyo? At Chicklet na lang itawag mo sa akin."
"Puwede po! Masarap pakinggan kasi, wala kaming anak ni Isnie."
"Ay! Ganoon po ba? Sige, ako na lang ang anak-anakan ninyo. Mabait naman ako." nakangiti kong pahayag, pero seryoso ako.
"Mukha ka naman talagang mabait."
"Salamat po!"