Episode 3- Therapy Service

1057 Words
Sobra ang aking saya nang matanggap ko ang tip. Hindi ko pa ito tiningnan at dali-dali ko itong ipinasok sa aking bulsa. Dahil nag-alala ako na baka bawal ang tumatanggap ng tip. Hanggang sa matapos ang una kong gabi sa Spa Massage Center. Kasalukuyan na akong nakaupo sa waiting area at hinintay ko si Haileah. "Chicklet!" sambit ni Hail sa labas kaya tumayo na rin ako at nilapitan ko siya. "Bakit ang tagal mo?" tanong ko. "Paano naman kasi, ang daming customers. Haistt! Grabe ang daming pagod ko ngayon limang kilo yata." At tumingala siya sa langit. "Ikaw, kumusta ang unang gabi mo?" balik tanong niya sa akin at kasalukuyan kaming naglalakad. "Okay lang naman naka-customer din kahit papaano. Kaya isang kilo lang ang pagod ko..." nakangit ko namang sabi sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon," aniya at inakbayan niya ako. "Ay! May tip pala ako sa matanda kanina." Sabay dukot ko sa aking bulsa para tingnan kung magkano ang natanggap kong tip. "Naku! Isang libo!" gulat kong gilalas. "Oy! Okay iyan, malaking tulong na." Nakangiti si Hail na tumingin sa akin. "Oo! Mas malaki pa sa isang gabing sahod," sang-ayon ko naman. Hanggang sa makarating kami sa boarding house pareho kami ni Haileah na pabaksak na humiga sa aming papag. Dahil kapwa kaming nakaramdam ng pagod, lalo na ako dahil hindi sanay sa trabaho. Kinabukasan nang umaga ay tinawagan ko agad ang aking nagiging customer kagabi na si Mr. Celso Dellioh. Landline ang numero kaya kailangan ko pang bumili ng extra-load. Nang makapag-load na ako ay agad ko nang tinawagan ang numero. "Dellioh residence," sagot sa kabilang linya. "Good Morning! Nandiyan po ba si sir Celso Dellioh?" tanong ko agad. "Si Don Celso, kamo?" Pag-uulit niya sa kabilang linya. "Ah, Opo!" "Sandali lang at tingnan ko muna kung gising na ba." "Sige po, Salamat! Pero pakibilisan naman, kunti lang itong load ko." "Okay sige, hold on!" Naghintay pa ako ng mga tatlong minuto, bago may nagsalitang muli sa kabilang linya. "Hello!" "Good Morning, don Celso. Si Chicklet po ito iyong sa spa." "Oh, I see. How are you?" "Okay naman po ako. Uhm, i- confirm ko lang iyong schedule ko sa pag-home service. Mga nine to ten in the evening lang po ang free time ko." "Okay, no problem. So, saan kita ipapasundo?" "Doon na lang po sa spa at diretso na ako diyan." "Okay. Bukas magsimula ka na?" "Opo! Kailangan ko kasing makalikom, dahil final exam na namin next week." "I see. Hintayin na lang kita bukas." "Okay po. Paki-save na lang itong aking number." Nang matapos ang aming pag-uusap ay agad na akong naligo, para papasok na sa unibersidad. Kinagabihan, sinundo nga ako ng driver ni don Celso sa spa. Hindi na ako nagpaalam kay Haileah. Dahil sinabi ko na sa kaniya bago kami nagpunta sa trabaho. Hanggang sa dumating kami sa bahay ni don Celso. Kahit madilim ay naaninag ko pa rin ang labas nito. Sobrang laki nang bahay niya, kung tawagin ito ay mansion. "Good evening!" bati ko sa may edad na babae. Ang akala ko ay asawa ito ni don Celso. "Magandang gabi rin. Ikaw ba si Chicklet?" "Opo!" "Sumunod ka sa akin," aniya at pumanhik kami sa itaas. "Don Celso!" sambit ng may edad na babae at kumatok ito sa labas ng pinto. "Akala ko, asawa niya niya ni don Celso," usal ko sa aking isip. "Tuloy! Bukas iyan!" "Halika!" anang babae. "Don Celso, nandito na po ang inyong hinihintay." "Palapitin mo." "Magandang gabi, don Celso…" nakangiti kong bati at sabay lahad sa aking palad. "Magandang gabi rin, Chicklet!" "Anong gusto mo? Juice, coffee or what?" alok ni don Celso sa akin. "Coffee with cream na lang po." tugon ko. "Isnie, paki-gawaan mo nga ng coffee with cream ang aking bisita," utos niya rito. "Okay, don Celso." "Salamat po!" sabi ko naman sa may edad na babae at ngumiti ito. Sa isip ko ay baka katiwala ang babae. "So … ikaw pala si Chicklet?" nakangiting tanong nito. "Opo!" tugon ko naman at nginitian ko siya. "Tama lang pala na tinatakpan mo ang iyong mukha. Dahil baka pag-interesan ka pa ng mga customers," pahayag niya at napangiti naman ako. Nagsimula akong mag-therapy kay don Celso, at sinabayan namin ito ng kuwentuhan. Sinabi niyang matagal ng patay ang kaniyang asawa. May isang anak siyang lalaki. Ngunit nasa States nakatira, may nag-iisa siyang apong lalaki at twenty-seven na ang edad nito. Hindi na niya na naikuwento sa akin kung binata ba ito o may asawa na, at wala na rin sa isip ko na itanong. Sapagkat hindi naman ako interesado rito. Lalo na sa edad niyang beinte-siyete at ako naman ay twenty-three. Sigurado ako na may asawa na iyon. Hanggang sa matapos ang aking pag-therapy kay don Celso. "Kukunin mo ba ang sahod mo ngayon?" tanong ni niya sa akin. "Huwag na lang muna, don Celso. Every Saturday na lang po. Sa lunes ko pa naman kailanganin ang pera." "Magkano ba ang renta mo sa iyong bording house?" simpleng tanong niya sa akin. "Isang libo ang buwan, don Celso," pagsasabi ko nang totoo. "Isang libo? Ano iyan, isang kuwarto?" "Dalawa kami sa isang kuwarto. Pareho kami ng eskuwelahan, siya rin ang tumulong sa akin para makapasok ako doon sa spa. Nandoon rin siya nagtatrabaho bilang bartender." "Mabuti naman kung ganoon. If you don't mind, Chicklet. May mga magulang ka pa ba?" "Mayroon pa po. Actually, naglayas ako pero nagpapaalam naman ako." "Naglayas ka, pero nagpapaalam? Buti nagpapaalam ka…" nakangiti niyang sabi. "Opo! Para alam nila," seryoso kong sabi. "Tapos hindi ka nila pinigilan? Na alam naman nila na maglayas ka. At isa pa babae ka." "Hindi! Sa katunayan sinabi ng Daddy ko na pabayaan daw ako, dahil uuwi rin kapag-wala na akong pera." "Bakit ka ba naglayas?" "Malaki ang tampo ko sa kanila dahil wala silang ibang nakita sa pamamahay namin kun 'di ang Ate Chonna ko na may sakit na Asthma. Pero alam ko naman na hindi iyon malubha. Kaso lang magaling umarte ang aking Ate, kaya lagi siya ang nakikita. Kahit anong gawin kong mabuti, kahit anong gawin kong effort para lang mapansin nila. Ngunit hindi nila nakikita iyon. Konting pansin at pagmamahal lang naman ang hiningi ko sa kanila. Subalit hindi nila kayang ibigay dahil puro na lang bukang-bibig nila ay ang pangalan ng Ate ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD