"Ayesha sigurado ka ba sa mga itinuturo mo sakin?"
I heard her chuckle on the other line. Seriously, kanina pa ko inis na inis sa ginagawa kong 'to. I never knew cooking can be stressful. Bakit may shape pa dapat yung paghiwa ng patatas? Anong kaartehan ba ito? Kaya nga adobo ang pinili kong lutuin dahil ito na daw ang pinaka-simple! Ang dami pa palang ingredients nito. Akala ko naman manok lang na binuhusan ng toyo. May suka pa pala at may dahon pa!Ano ba naman!
"Nakakatawa ka talaga Naomi. Seryoso ka bang hindi ka talaga marunong magluto?" Tumawa nanaman ito, hindi naman halatang nag-eenjoy din siya diba?
"Pwede ba Ayesha, wag mo kong umpisahan. Itong dahon ng Loreal nato, sigurado ka bang hindi 'to nakakalason?"
Bigla nalang akong nakarinig ng malakas na pagtawa mula sa kabilang linya. Gagang babae 'to,pinagtatawanan ako!
"Stop laughing! Ano bang nakakatawa? Nagtatanong lang naman ako!" Singhal ko.
"Eh kasi naman.." Tawa pa rin ito ng tawa.
I made face kahit hindi niya naman nakikita. Nakakagigil na kasi e, sasabunutan ko talaga siya once na magkita kami ulit! Argg!
"Ano nga?!"
"It's not Loreal, Naomi. It's Laurel, dahon ng laurel. Oh my gosh!" And she bursted out laughing again. Dahil sa inis ko ay pinatayan ko nalang siya.
Gawin ba akong katatawanan? Atsaka malay ko ba kung anong dahon yan? Wala naman akong pakialam, basta matapos ko lang lutuin 'to. At bakit ko ba kasi iniisip kung safe ba yun? Maganda nga kung nakakalason yun eh, para mapatay ko na rin si Gelo.
Frustrated akong naupo sa silya habang hinihintay maluto yung chicken adobo. Para akong sira kanina na kinakausap si Ayesha sa phone habang nagluluto. E kasi nga hindi ako marunong! Putangina lang e, mabubuhay naman kasi ako kahit hindi ako marunong magluto. I can hire a good chef for me once I start living on my own. Siraulo lang kasi yung Gelo na yun para tawagin akong useless. Hindi naman sa pagluluto nasusukat ang silbi ng buhay ng tao. What the hell am I saying?
Tinignan ko ang oras sa phone ko, 8:50 na. Sobrang late ko na magluto ng dinner. Hindi kasi ako agad nakaalis sa pad ni Cuttie dahil biglang dumating si Kim at doon nagbuhos ng nararamdaman niya samin. Nagkasampalan pa kami ni Cuttie kanina. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Leche, kahit pagbaliktarin ko ang mundo syempre mas masakit ang sampal niya dahil lalaki pa rin naman siya. Ang bigat kaya ng kamay ng mga lalaki, tss.
Tumayo ako para icheck ang niluluto ko. Mukhang okay naman na kaya kumuha ako ng kutsara para tikman iyon. Akmang hihipan ko palang ang nasa kutsara nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"What--"
"Ouch!" Dahil nagulat ako ay hindi sinasadyang nadikit ko nang tuluyan ang kutsara sa gilid ng labi ko dahilan para mapaso ako.
"What the hell?" Lumapit agad sa akin si Gelo. Kinuha ang kutsara sa kamay ko at inilapag sa sink. Agad itong bumaling sa akin.
Napangiwi ako nang hawakan niya ang gilid ng labi ko.
"Tss. Hindi ka lang noob, ang careless mo pa."
Tinignan ko siya ng masama, "Kasalanan ko bang may lahi kang kabute at bigla ka nalang sumusulpot diyan?"
Sa halip naman na sumagot ay tinitigan niya lang ako. Naconcious nanaman ako sa tingin niya lalo pa't sobrang lapit namin sa isa't isa. I snapped out infront of him, lumapit ako sa stove para patayin iyon. Buti nga at papatayin ko pa, kung pwede lang talagang sunugin siya dito sa loob ng condo niya gagawin ko e.
"What is that?" He stood behind me.
"Baka sinigang. Tikman mo nga kung maasim?" I said sarcastically.
"O? Akala ko fried chicken." Tinignan ko siya ng masama. At pinatulan niya pa ako? May sira talaga sa tuktok ang lalaking 'to.
Kumuha ako ng bowl at nilagyan yun ng chicken adobo na niluto ko. Honestly, kinakabahan ako kung anong lasa nito. Hindi ko man lang kasi natikman. Basta sinunod ko lang ang pinagsasabi ni Ayesha kanina. Humanda naman talaga ang babaeng yun kapag nagfail ito.
"But you really cooked?" Tanong ng impaktong nasa likod ko. Pinapanood niya lang ako habang naglalagay nito sa bowl.
"Hindi, kusang naluto yan diyan. Ang galing nga e, magic."
"Nice try Naomi,"
Hindi nalang ako sumagot at baka humaba pa ang usapan namin. Wala na akong energy para makipagtalo, oras na din at gusto ko ng magpahinga pagkatapos nito.
"Try it," Inilapag ko sa dining table ang bowl na pinaglagyan ko ng adobo. Inabutan ko siya ng tinidor. Pero tinignan niya lang ako na parang hindi makapaniwala.
"What? Magtititigan nalang ba tayo dito?" Tinaasan ko ito ng kilay.
"Are you sure that's edible?"
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. At anong pinapalabas ng gagong 'to?
"And what are you implying?" Namewang ako sa harap niya habang hawak ko sa isang kamay ang tinidor na nakatutok sa kaniya. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa tinidor na hawak ko.
"Ibaba mo nga yan!"
I smirked, "Wag kang mag-alala, hindi ko naman to isasaksak sayo."
Tinignan ako nito na para akong nasisiraan ng ulo. Aba, hindi ko gusto ang mga tingin ng lalaking 'to ah. Nakakainsulto na siya!
"Putangina Gelo, kung lalasunin kita edi sana nung isang araw ka pa patay? Hindi muna kita papatayin dahil marami pa akong patutunayan sayong gago ka. Kaya kainin mo na yan at nang magkaalaman na tayo kung talagang useless ba ako." Mahabang litanya ko. Nakakapeste kasi, feeling ko tuloy gusto ko ng tusukin nitong tinidor ang mga mata niya.
Mukhang nabigla naman ito sa sinabi ko pero maya-maya lang din ay bigla siyang humagalpak ng tawa. It's my turn to get surprised.
Tawa siya ng tawa at nakahawak pa ang isang kamay sa tiyan niya. And this is actually the first time I saw that side of him, that carefree side of him. I didn't expect that he has this side. I didn't know I was already smiling. I just unleashed one side of the mysterious Gelo Ferrer!
"Dammit Naomi, you should have seen your face! Ganun ba kalaki ang epekto sayo ng mga sinasabi ko at talagang papatunayan mo ang sarili mo sakin? Are you even serious?" He laughed again, I frowned.
"You jerk! Quit laughing and just try it! Or I'll stab you billion times here!"
Tumigil naman siya at nakangiting tumingin sa akin. Pinigilan kong mamangha sa nakikitang ngiti sa mukha niya. This is really new but I can't let it get into me.
Kinuha niya ang tinidor sa kamay ko atsaka kumuha sa niluto ko. Tinitigan niya iyon ng matagal bago tuluyang inilagay sa bibig niya. He was chewing the food while looking at me hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako dahil sa ginagawa niya o dahil kinakabahan ako sa judgement niya sa luto ko.
He chewed it elegantly na parang nasa isang live cooking show lang siya at isang guest na tumitikim sa niluto ng chef. Tss! Ang mga artista minsan parang tanga. They have to act properly and nicely infront of the camera na minsan hindi nila napapansin na hanggang sa real life nadadala na nila yung pag-arte nila. Kaya minsan mahirap din silang paniwalaan e. Hindi mo alam kung totoo na ba yung mga sinasabi at ginagawa nila or umaarte lang sila.
"Now what?" Kinakabahan kong tanong pero hindi ko pinahalata. I acted so sure about the food I cooked, na akala mo isang magaling talagang cook.
Nang malunok na niya iyon ay seryoso siyang tumitig sa akin. The anticipation I'm feeling even became high.
Walangya naman o, lalo akong kinakabahan dahil sa pagmumukha niya. Feeling ko tuloy cooking contest ito. Pesteng feeling!
"Pwede na," inilapag niya ang tinidor sa lamesa. Akma na siyang lalabas ng kitchen nang harangin ko siya.
"Anong pwede na?" I was so curious. Hindi ba masarap? Bakit bigla sumeryoso ang mukha niya? Anong pwede na?
"Pwede ng pagtiyagaan,"
"What the hell?"
Yun lang? Pwede na? Pwede ng pagtiyagaan? Gago ba siya? E pinaghirapan ko yun tapos yun lang ang sasabihin niya?
"Ano bang gusto mong marinig? Wag ka ngang feeling, hindi ko pupurihin yang niluto mo." Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kusina. Para namang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya hinabol ko siya at binatukan.
"What the hell!" Gulat na gulat siyang humarap sa akin.
"Para yan sa walang kwentang comment mo!"
"What?!"
"Pinaghirapan ko iluto yun tapos ang sasabihin mo lang pwede na? Bwisit ka! Pasalamat ka artista ka dahil kung hindi baka wala ng magtiyaga diyan sa ugali mo! E kung sabihin ko rin kayang pwede nang pagtiyagaan yang itsura mo?!" I am so mad that's why I'm saying such things.
It hurts my ego kapag nababalewala yung mga bagay na pinaghirapan ko. Yes, I don't know how to cook but I know I did everything to try it! Tapos in the end ganun pa ang makukuha kong comment? Nakaka-putangina lang e. Nakaka-gago din bakit sineryoso ko ito masyado, I know I'm not getting anything in the first place. This is just my f*****g pride, argg!
Gelo smirked at my words. Alam ko, kahit naman ako natigilan. Tama ba naman kasing sabihin kong 'pwede na' ang looks niya? He's a greek god for heaven's sake at aware ako na maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. It's just that naunahan nanaman ako ng matalim kong dila.
Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako, "Do you even know what you're saying? Ako? Pwede na?"
"O-oo! Bakit? Sino ka ba? Hindi porke artista ka lahat ng tao humahanga na sayo. Exclude me," matapang kong sagot.
Ugh this is why I hate myself sometime, salita kasi ako ng salita kaya napapasubo ako.
Patuloy lang siya sa paglapit at paatras din ako ng paatras. Hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko. Tuluyan siyang nakalapit sa akin, he pinned me using his hands.
"L-lumayo ka nga Gelo!" Pero mas inilapit niya pa ang mukha niya sakin. Dammit, ang pangit ng scene na ito. Kapag ako nakalayo sa lalaking 'to ipapagiba ko 'tong pader na nasa likod ko! Leche lang talaga.
"I am not plain Naomi, not even handsome. Your term, 'pwede na' doesn't suit me. Because when people look at me, they're even left with no choice. I'm irrevocably beautiful. And my beauty has no excemption, even your eyes. Just wait, I'll make you my only excemption. And when that happens, I'm sure it's because you're madly inlove with me."
And then, I felt him kiss my cheeks before leaving me completely out of myself.
**