Nagising ako dahil sa pesteng digital clock na nagwawala sa gilid ng kama ko. Ang sarap lang talagang itapon ng mga alarm clocks kapag umaga ano?
Bumangon na ako at nagready para pumasok. Isang black high waist button down skirt ang isinuot ko na pinatungan ko ng black turtle plain blouse. Mabilis lang din akong nag-ayos dahil kailangan kong umalis on time dahil may kalayuan ang condo ni Gelo sa university na pinapasukan namin. And I have to avoid the traffic or else I'll be late.
Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kitchen para uminom ng fresh milk.Mukhang kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na hindi kumakain ng breakfast for three months. I'm not an early person to wake up and prepare for breakfast at lalong hindi rin naman ako marunong magluto. So I really guess I have to endure it till our contract is over.
Ibinalik ko ang lalagyan ng gatas sa ref nang makakuha ako ng tamang dami. Pero nang isara ko ito ay nakita ko ang isang note na nakadikit. Kinuha ko ito at binasa.
Hey noob, I won't go to class today. I have an assesment for a new project.
I rolled my eyes as I throw the piece of paper on the trash. Duh! Wala akong pakialam kung pumasok ka man sa mga klase mo o hindi. My concern is to finish the contract. At isa pa, maganda ngang wala ka e, no freak for the rest of the day. Para na rin niya akong binigyan ng day off sa kasamaan niya. Tss.
Inubos ko ang gatas sa baso atsaka ako uminom ng tubig bago umalis. Nagulat ako nang paglabas ko sa pintuan ay siya ring paglabas din ni Karl Ford sa unit niya na katapat lang ng kay Gelo. Bigla akong napangiti nang makita ang maaliwalas niyang mukha. Ugh, pakiramdam ko nahilo ako bigla dahil sa kagwapuhan niya. Damn at ngayon ko lang nalamang katapat namin ang unit niya.
Natigilan ito nang makita ako.
"Oh, Naomi right?" He smiled, showing his perfect set of white teeth at ang magkabilaang dimples niya sa pisngi.
I smiled back at him, "Uhm, hi?"
"Kaibigan ka ni Samantha hindi ba?" Lumapit ito sa akin at nagsimulang sumabay sa paglalakad ko.
Humigpit ang kapit ko sa bag ko. I can smell his perfume and I feel so significant for him to recognize me. Hindi ko maintindihan kung bakit dinedma ni Samantha ang lalaking ito, because she was bound to have Sean since child?
"Uh yes,"
He's Karl Ford, childhood friend ni Sam at dati na ring suitor at isa ring sikat na model ngayon ng Polaris Entertainment. I also heard na magkakaroon siya ng isang movie this year.
Actually, once palang kami nagkita. Nung birthday lang ni Samantha. But he was such a nice guy at that time kaya naman mabilis namin siyang nakasundo. Well, execpt for Sean because he was so jealous at those times.
"Papasok kana ba?" Tanong nito nang makasakay na kami ng elevator.
Tumango naman ako, "Ikaw?"
Umiling siya at namulsa, tiningala niya ang ilaw sa loob ng elevator. I saw his adams apple move when he spoke, "I stopped schooling."
"Why?"
He scratched his head, "Home school nalang dahil nahihirapan na ako since I started on showbiz."
Napatango ako. It's understandable to stop schooling when you are an actor or actress. Their schedule's bombarded, I can't argue with that. At isa pa, halos kakapirma niya lang din ng kontrata. He used to be just a model pero ngayon ay pinasok niya na rin ang mundo ng pag-arte.
Bigla ko tuloy naisip si Gelo. If schooling while being an actor is hard, how can he do it both at the same time and still be able to maintain good grades and fame?
"So, may condo unit kana rin pala dito? Ang alam ko si Gelo Ferrer ang nakatira doon."
Napangiwi ako. Now how am I suppose to explain that to him? Baka isipin pa nito ay naglilive-in kami ni Gelo.
"Actually, si Gelo pa rin ang may-ari nung unit. Girlfriend niya kasi ako, doon ako natulog kagabi. He was out for something so I went to his unit instead,"
Shit, I sound so real pero nandidiri ako sa dahilang iyon. How did I come up with that anyway? Gusto kong sampalin ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil nandiyan si Karl. Baka mamaya isipin niya baliw ako, but I just can't stand it. Gusto kong bawiin ang sinabi ko.
Napatango ito, paniwalang-paniwala. "I see, girlfriend ka pala niya. You see, Gelo is very private. Kontrolado niya ang mga balitang lumalabas tungkol sa kaniya."
Napakagat nalang ako sa labi ko. There's no turning back Naomi, nasabi mo na,panindigan mo. Oh well, hindi naman siguro ipagsasabi ni Karl diba? One more thing hindi rin siguro niya mababanggit kay Gelo dahil hindi naman yata sila friends. Magkalaban kasi sila sa timeslot ng magkabilang networks. Ugh, gaga ka kasi Naomi! Isa kang dakilang tanga!
Bumukas ang elevator at lumabas na kami. Papunta ako sa right at mukhang sa left ang punta ni Karl dahil sa carpark yun.Naalala ko lang na wala pala akong dalang kotse. Sira pa ang likod ng kotse ko na binangga ni Gelo noon at wasak naman ang salamin ng isa kong kotse. I remember, nasa school pa yun hanggang ngayon dahil hindi ko alam kung paano iuuwi. Ngayong wala sila daddy, ipapaayos ko na lahat ng sira kong kotse para safe ako. Yung pinakaluma kong kotse na Mirage ay okay pa naman pero hindi ko na dinala. Natatakot na akong magdala ng kotse ko lalo pa't si Gelo ang kasa-kasama ko. E mukhang mahilig manira ng kotse ang isang yun.
"Mauna nako Naomi, see you around!" He waved goodbye to me.
Ngumiti ako at tumango, inaalala pa rin ang kasinungalingang nasabi ko. Ugh, may katangahan ka nanamang pinasok Naomi Allison De Vera!
*
"See that? That's the effect of the word love."
Nagulat si Kim nang bigla kaming sumulpot ni Cuttie sa usual spot ng barkada tuwing lunch. Uh well, nakangiti kasi siya mag-isa at para talaga siyang tanga. Pero hindi ko siya titirahin dahil mas trip kong asarin si Cuttie.
"Psh, loveless ka lang kaya mo nasasabi yan." As usual,ako lang naman ang kontrabida sa buhay niya. I couldn't help but laugh at that. Lahat ng sasabihin ni Cuttie may pangkontra ako. Duh, Naomi ako eh.
Cuttie rolled her eyes heavenwards, "Nagsalita ang hindi loveless."
"Oh come on, atleast I know the feeling."
"Yeah, ipinaranas sayo, but the worst part is ipinaranas lang. At kasunod nun, the state of being loveless pa rin. Walang pinagkaiba."
Napasimangot ako. Gago talaga 'tong baklang 'to. Bakit ba lahat sila hindi pa rin nakakaget over sa break up namin ng impaktong Dylan na yun? E ako nga wala ng pakialam. Tss!
"O-kaay? Are we back at my so called 'katangahan' again? Can't you just get over it? Kasi ako nakamove on na." I rolled my eyes at her.
"Okay guys,that's enough." Mukhang nasense na rin naman ni Kim kung saan papunta ang usapan namin kaya umawat na siya.
Hindi na ako nagsalita pa dahil siguradong may sasabihin ulit si Cuttie. Baka masampal ko na ang baklang ito.
Sakto ang pagdating nila Sam at Sean.
"So, what's up for lunch?" She asked as she pulled a chair to sit beside Kim.
Wala namang sumagot sa amin ni Cuttie. Mukhang nakaramdam naman sila dahil nagyaya na rin sila agad bumili ng pagkain.
Medyo marami ang tao sa cafeteria dahil halos wala ang mga professors ngayon kaya feeling ko ay matatagalan kami. But I forgot that we're with Sean and ano pabang ineexpect mo kapag kasama niyo siya? Special treatment, dahil heartthrob ito. Pinauna siya ng mga babae sa pila kaya naman siya na rin ang inutusan naming bumili ng pagkain namin.
Nang makabalik sa table ay biglang nag-init ang ulo ko nang makita kung sino ang kasama ni Xian doon. Nakatitig ito sa akin at may pang-asar nanamang ngiti sa labi.
"Wow! Mukhang may papalit na kay Sean as the famous heartthrob ah! Look who's here!" Sam commented.
Dylan immediately pulled out his famous smirk. Yung smirk na ewan ko ba kung nang-iinis o sadya lang talagang nakakainis. Iniwasan ko nalang din tumingin sa kaniya dahil alam kong hanggat nakikita niyang inis ako sa kaniya ay ipagpapatuloy niya ang ginagawa niyang pang-aasar.
Umupo na kami at nagsimulang kumain. Magkadikit si Kim at Xian at nagulat pa kami nang nakitang mabilis na humalik sa labi ni Kim si Xian. Mabilis lang but hell! Si Xian yun!
"Just oh my gosh! May ganiyan ka palang kasweetan sa katawan Xian!" Tili ko. God! E kinikilig naman kasi ako sa kanilang dalawa. Sino bang mag-aakala na marunong din magpakilig ang ubod ng sungit na lalaking to diba?
"That was unexpected dude!" Dylan tapped him on his shoulder.
Napatikhim nalang ako nang siya na ang magsalita. Parang yung boses niya lang kasi ang nag-iisang panira sa table nato. Bakit nga ba siya nandito? Tss.
"Oh tama na. Nawiwili masyado e, baka hindi na makakain ang bida." Cuttie snapped infront of my Kim's face.
Kung may ipupula pa ang mukha ni Kim ay mamumula pa siya ng paulit ulit. Palagay ko naninibago din siyang ganito si Xian. Tinawanan nalang namin siya bago nagconcentrate sa pagkain.
**
"And paki pick-up na rin yung isa sa parking lot ng school."
[Yes maam.]
"Okay thank you."
Ipinatong ko ang phone ko sa center table atsaka ko isinandal ang likod ko sa sofa.
Ipinapick up ko na yung dalawang kotse ko para ipaayos at para na rin ipa-repaint. Sasamantalahin ko na talagang wala ang parents ko para hindi na nila malaman kung anong pinaggagawa ko sa buhay ko.
Napaigtad ako nang mag-ring ang phone ko. Pangalan ni Cuttie ang reumehistro sa screen kaya napaikot nanaman ang mga mata ko. You see, partners in crime kami ni Cuttie sa mga bagay na pang-badass. Pero mortal enemy kami pagdating sa lovelife at sa ilang matinong usapan.
Ewan ko ba, parte na ng sistema naming dalawa ang magbarahan at magbatuhan ng walang kwentang mga bagay may masabi lang.
Actually, bago lang siya sa barkada namin. Pero matagal na siyang kaibigan ni Kim. I also don't belong to their circle of friends but because Sam and Kim are my bestfriends ay nasama nalang ako isang araw sa kanila. Ganun din ang nangyari kay Cuttie, isinama siya one time ni Kim nang mag-outing kami at nag-enjoy naman kami kasama siya.
"Hello," I answered.
[Tara, Fiasco.]
I smiled. This is what Im talking about, one badass routine.
"Sure."
I pressed the end button bago ako tumayo at pumasok sa kwarto ko. Yeah right, walang Gelo Ferrer ngayon. I might just enjoy na night.
**