"Pwede bang turuan mo nalang ako? Wag ka ng magtanong ng magtanong!" I hissed.
Sa halip naman masindak ay natawa lang si Ayesha sa akin. Uh well, sa lahat ng kaibigan ko, siya lang yung may lakas ng loob na tawanan lang ako. Ewan ko ba, sa lahat din kasi ng kaibigan ko si Ayesha lang yung hindi ko ma-gago e.
"Seriously Naomi? Bakit nga muna?" Natatawa-tawa niyang tanong.
Yeah, I know it's surprising to hear it from me na gusto kong matutong magluto. But I really want to show Gelo Ferrer that I'm not useless, I want to show off.
"I just freakin' want to cook!" But I'm not gonna admit that it's for that asshole.
Tumawa nanaman siya but later on ay binigyan niya ako ng isang mapanuksong tingin. I glared at her, please lang Ayesha ayaw kitang minumura kaya wag ka ng matanong.
She's Ayesha Alcantara by the way, the president of the student council. Classmates kami noong HRM pa ang course ko. Unfortunately, nagshift ako nung second sem when I was first year because I can't do everything that they want us to do. Hindi ko kayang mag-serve sa catering at maghugas ng pinggan para sa ibang tao. I can never do that, a De Vera does not do that.
"Okay okay pero I'm a very busy person. Ayaw mo bang magpaturo nalang sa kuya Bryan ko?" She asked while wiggling her eyebrows. Hindi ko na napigilang kurutin siya.
"Ouch! Why did you do that?" Mabilis na namula ang balat nitong pinisil ko. Napailing ako, such a fragile woman.
"Pwede ba kasing tigilan mo na kami ng kuya Bryan mo? Matagal na kaming tapos! Gusto mong ikaw naman ang tapusin ko ngayon?" Napipikong sabi ko.
Ugh, oo ex ko ang kuya Bryan niya pero matagal na kaming wala. Second year college pa ako noon at fourth year na ako ngayon. Madalas lang talaga akong asarin ng babaeng ito pero matagal na akong naka-move on, my God he's not even my one that got away for me not to move on.
"I'll just send you an easy to follow recipe, or I can lend you a cooking book."
"Okay then, I think that'll be fine."
Ipapakita ko sa Gelo Ferrer na yun na hindi ako useless. Tignan lang niya.
"Alright, hintayin mo nalang sa email mo--Ouch!" Nagulat kami pareho nang tamaan siya ng bola ng basketball. Agad namang lumapit ang isang lalaki sa amin para itayo siya at humingi ng pasensya. Nagulat ako nang makitang si Ken pala ito.
"Miss okay ka lang ba? I'm sorry."
"Ken?" Napatingin ito sa akin.
"Oh ikaw pala Naomi,"
"Varsity ka pala?"
Tumango siya at ngumiti. Pero napapoker face ako dahil halata namang fake ang ngiti niya. Mukhang may nasesense ako, may nangyari kaya sa kanila ni Kim? Hmm.
"Mauna nako, last practice na e."
Tinanguan ko lang naman siya. He faced Ayesha, "Are you sure you're okay? Pwede kitang samahan sa clinic kung may masakit sayo."
Tinignan ko si Ayesha at natawa nalang ako sa reaksyon niya. Nakatulala lang naman siya kay Ken. I can smell something fishy here.
"Miss?"
"Ah oo okay lang yan. Sige, mauna na kami." Hinila ko na siya palayo.
"Wait lang Naomi," Tumigil ako at tumingin sa kaniya.
"Kenneth Yu ang pangalan niya," Sabi ko nalang dahil alam kong itatanong niya rin.
"H-ha?"
"But we call him Ken. And you know what? Kailangan niya talaga ng isang babaeng magtatanggal ng sakit na nararamdaman niya." I left her with that.
*
Inayos ko na ang mga gamit sa bag ko nang mag-ring ang bell hudyat ng lunchbreak. Nauna na ring magsilabas ang mga classmates ko. Lumabas ako agad nang matapos ako pero nagulat ako nang bigla nalang may humila sa braso ko.
"Ouch!"
He pulled me and started dragging me somewhere.
At hindi ko na kailangang makita ang mukha niya para malaman kung sino siya. The freakin' Gelo Ferrer ofcourse! Sino pa ba?
Binitiwan niya ako nang makarating kami sa rooftop. Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.
"Kailangan mo ba talaga akong hilain? May paa naman ako ah!"
Hindi niya ako pinansin. Inilapag niya ang bag niya sa flooring atsaka pumunta sa railing at tumingin sa malayo. Pabagsak ko nalang ding ibinaba ang mga gamit ko.
"Lunch,"
"Yeah, lunch and you dragged me here. Lunch," Take note of the sarcasm.
Humarap siya sa akin, he smirked. "Noob, I said buy me lunch."
Napanganga naman ako sa sinabi niya, "Inuutusan mo ba ako?"
"Yes."
Nakipagtitigan ako pero as usual ay ako rin ang naunang umiwas. I can never stand the storm his eyes gives kahit pa inis na inis ako sa kaniya. I grabbed my wallet out of my bag at tinignan ko siya ng masama habang tumatayo. Nakangiti lang naman siya habang nakatingin sa akin. Ugh, nakakafrustrate siya! Sagad sa buto ang inis na nararamdaman ko sa kaniya. Ang sarap niyang ilibing ng buhay!
Padabog akong umalis sa rooftop at nagtungo sa cafeteria. I inhaled deeply to keep myself sane, I don't want to hate everyone just because I'm having a bad mood. Tinungo ko ang unang stall na nakita ko.
Calm down Naomi, you might poison him kung hindi ka kakalma. Yeah right! Gustung-gusto ko na talagang lagyan ng lason ang pagkain niya.
"Miss?" Tawag ko sa nagtitinda.
"Yes?"
"Nagtitinda ba kayo ng lason dito?" Mukha namang nagulat ang nagtitinda dahil hindi siya agad nakasagot. Hindi niya siguro ineexpect na sa ganda kong 'to ay bibili ako ng lason. I'm gonna kill a pest.
"Saan mo ba gagamitin? Para ba sa daga?" Tanong nito nang makabawi.
"Hindi, para sa tao." I said. Muli itong nagulat na ikinainis ko. Itong babaeng 'to ang hilig magulat ah? E kung siya kaya ang una kong lasunin ano? Bakit ba nakakainis ang mga tao ngayon?
Someone chuckled behind me. Naramdaman ko nalang na may umakbay sa akin. I glared at the pest at lihim akong nabigla nang makita ko kung sino ito. Napatingin ako agad sa braso niyang nakaakbay sa balikat ko.
"Ate? Pasensya kana sa girlfriend ko ah? She must be really famished. Kunin ko na po yung order niya?"
Atubili namang tumango ang babae kahit na wala pa naman talaga akong order. Agad itong gumawa ng isang student meal at tubig.
"Get your hands off me," I whispered. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Mainit nanaman ang ulo mo no? Sino naman ang nang-away sayo at naghahanap ka ng lason ngayon?" Hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakaakbay sa akin kaya para makalayo ako sa kaniya ay buong lakas ko siyang itinulak. Nagtagumpay akong makalayo sa kaniya pero nakakuha na rin pala kami ng atensyon sa cafeteria.
"Woah, still feisty huh?"
I glared at him, "Stop pestering me, Dylan." Atsaka ko ito iniwan doon.
Dammit, wala talaga siyang magawang matino sa buhay niya no? Talagang gawain niyang paglaruan ako kahit hindi na kami. How dare him, how dare them. Lahat ng ex ko ay isinusumpa ko, I curse them all to the pits of hell. Why? Kase lahat ng dahilan ng break ups ko ay dahil isinama lang nila ako sa koleksyon nila. Pinaglaruan lang nila ang pakiramdam ko, nachallenge lang sila dahil sa pagiging matapang ko. Ano bang meron sakin at gusto akong laruan ng mga lalaki? Mukha ba akong laruan? I may do look like a doll but I'm not your ordinary doll, I'm one badass barb.
"O, pagkain mo!" Pabagsak kong inilapag ang naka-styrofoam niyang lunch sa harap niya.
Tinignan niya ako ng masama pero parang walang epekto yun ngayon dahil nangingibabaw ang inis ko kay Dylan. He always succeed in pestering my life, I don't know what kind of pleasure does it give him whenever he successfully annoys me but it must be really satisfying for him.
I slumped on the floor, feeling all the heat up to my cheeks. Humalukipkip ako.
"Anong mukha yan?" Tanong ni Gelo. I glanced at him and saw him staring at my face. Lalong nalukot ang pagmumukha ko.
Hindi ito sumagot, he continued staring at my face. For a split second, I thought I saw concern in his eyes. I felt uncomfortable that's why I tried to maintain my straight bitchy face.
"The face that will be the death of yours." I shifted my gaze at the swaying trees infront of me. Malakas ang hangin at maging ang buhok ko ay tinatangay nito.
Hindi na ako nag-abalang tignan kung anuman ang naging reaksyon niya. I was too irritated awhile agon pero ngayon ay kinakabahan na ako. I really don't like catching his attention, having him fully staring at me makes my heart skip a beat.
Hindi na rin naman ito nagsalita. Mukhang wala na siyang balak magtanong.
I felt him sit next to me. Narinig ko ang pagbukas niya ng pagkain kaya alam kong kumakain na ito kahit hindi ko lingunin.
Ilang minuto ang pinalipas ko para masigurong tapos na itong kumain.
"May taping ka ba mamaya?" Tanong ko. Tinignan niya naman ako.
"Wala,"
"Good,"
"But the company will have a meeting later this evening, hindi na kita isasama."
Tumango-tango ako. I'm glad at labas na ako doon, makakahinga ako ng sariwang hangin mula sa mapag-kunwari nilang set. I really hate being with people pretending to be good and clean.
"You won't eat?"
"Nah, I lost my appetite."
"Bring it back."
I shot him a deadly look. Hindi ako nakikipagbiruan.
"What?" He asked, playing innocent. Unfortunately, that face won't ever look innocent. Kahit pagbaliktarin ko pa yata ang mundo, hindi siya magmumukhang inosente,never in a million years.
Because that face is so stern it will make you think he's arrogant and cold, which is definitely true. His features are too hard you can't make an innocent face out of that.
"Why don't you try to bring it back? Sasambahin kita kapag nagawa mo yun." I rolled my eyes pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya nalang hapitin ang bewang ko palapit sa kaniya. He pinned both of my hands down beside my neck. Agad naman akong nagpanic.
"What the hell are you doing?" Sinubukan kong bumangon but hell! He's just unbelievably strong! Mas lalo akong nagpumiglas nang ilapit niya ang mukha niya sakin.
"You want me to bring back your appetite? Hinahamon mo ba ako De Vera? Because I'm telling you,sa oras na ibalik ko iyon, ibang pagkain ang hahanapin mo."
Damn. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya! I'm not a demure girl, I'm a liberated one for crying out loud!
"Hindi magandang biro Ferrer." I tried to keep my cool kahit na ang totoo ay kinakabahan na ako sa mga sinabi niya. It's a freakin' sentence from a freakin' Gelo Ferrer and his statements are freakin' scary!
Napapikit ako nang mas ilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Ghad, is he going to kiss me?!
"Seryoso ako De Vera. I can rip your fuckin' clothes off right here, right now. You know that?" Bulong nito sa tenga ko. I can feel his breath on my neck and it sent shivers all over my spine.
Pero sadyang nasa personality ko na yata talaga ang pagkukunwari na matapang ako kahit pa nanginginig na ang mga tuhod ko. Because I composed myself and I answered back at him fiercely.
"Try me,"
Buong tapang kong sinalubong ang mga mata niya sa kabila ng nanginginig kong mga tuhod. He's not gonna do it, or I will scream here for the end of his reputation and career.
Matagal itong tumitig sa akin, our face inches away from each other, my heart hammering inside my chest. Hanggang sa kusa na itong bumitaw at umalis sa ibabaw ko. I smiled in victory, nakahinga ako ng maluwag. Alam kong hindi niya gagawin yun sa akin, I just know.
Nagmadali akong bumangon nang makaalis siya sa ibabaw ko. This is so awkward but I can't let my guards down that fast. Sinikop ko ang buhok ko, I pulled it up into a bun. Kinuha ko ang mga gamit ko at walang sabi na lamang siyang iniwan doon.
Nagtungo ako sa usual spot namin sa cafeteria. I need to eat, para akong nawalan ng lakas matapos ang kalokohang iyon.
Hindi pa man ako nakakaupo sa table ng barkada ay nakita ko na agad ang nakaka-lokong ngiti ni Cuttie. Alam kong aasarin niya nanaman ako kaya pinili kong wag nalang magsalita. Tahimik akong umupo sa tabi nito.
Tumingin ako kina Sam at Sean na kapwa nakatingin din sa akin. Nginitian ko sila. Sam just gave me a bored look. I rolled my eyes.
"Si Kim?"
Bigla namang nagbago ang expression sa mga mukha nila. Nagtaka ako, "What happened?"
"Hindi daw siya sasabay maglunch."
Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko naman ay kung ano.
"Nga pala Naomi, punta ka sa pad ko later." Cuttie said. Tinignan ko naman ito.
"At bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo na," she waggled her eyebrows.
"Baka naman kung ano na ang ginagawa niyong dalawa ha." Biglang singit ni Sam. Nasamid naman si Cuttie.
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo Sammy girl," tinignan ako ni Cuttie mula ulo hanggang paa na animo'y diring-diri. Halos sampalin ko ito ng sapatos kong may takong sa inis.
"Walang chance na magising ang hormones ko dahil sa babaeng--ouch!" Tili nito nang ihampas ko sa kaniya ang Hermes bag ko. Talaga 'tong baklang to,konti nalang sasamain nato sakin!
"Ang sakit nun ha! E kung ito kayang lamesa ang ihampas ko sayo ano?"
"Why don't you try?"
"Aba't talagang--"
"Pwede bang manahimik kayong dalawa diyan? E kung kayong dalawa ang hampasin ko ng lamesa?"
Nagtinginan nalang kami ni Cuttie at kung pwede lang ituloy namin ang hampasan namin sa isip baka nga nagkasakitan na kami. Pasalamat siya nandito si Sam e! Tss!
"Makaalis na nga! Nawalan nako ng gana!" Kinuha niya ang mga gamit niya at lumakad na palayo sa table namin.
"Mabuti pa nga!"
Matapos ang ilang minuto ay umorder na rin kami nila Sam at Sean. Mabuti nalang at hindi pa pala sila kumakain kaya may kasabay pa ako. Mukhang hindi rin darating si Xian para sumabay maglunch kaya kaming tatlo nalang.
Nang makita ko ang mga putahe sa cafeteria ay bigla akong na-excite sa isesend na recipe ni Ayesha. I can't wait to cook and show that Gelo Ferrer that I am not good for nothing. Humanda lang talaga siya sa akin, papatunayan ko sa kaniyang hindi ako useless!
*