"This will be your room." Binuksan niya ang pintuan na katapat lang ng kwarto niya at lumantad sa akin ang isang malinis at maaliwalas na kwarto.
I sighed in relief. Malaki ang kwarto, malinis at mukhang hindi basta basta ang presyo ng condo niya. He must be really rich to afford this.
Pumasok ako para i-check ito sa loob. Malaki ang kama at may walk-in closet pa sa loob, may sariling bathroom at mayroon ding maliit na library sa loob. I looked at him with approval on my eyes. His past personal assistant must have lived a wealthy life in here.
"My room's just infront of this room but Im warning you. Don't dare go inside my room without permission. Knock if you need something."
I made face. As if namang papasukin ko siya sa kwarto niya. He's quite conceited huh. Kung papasok man ako sa kwarto niya, baka yun na yung time na imumurder ko siya. Tss.
"You'll clean, you will cook and you will go with me on my tapings." He said while I was busy rummaging my room with my eyes.
"What the hell? Akala ko ba PA? Bakit ako pa ang maglilinis at magluluto?" I asked with outward disapproval. Seriously, he's asking too much! Ni hindi ko nga ginagawa sa bahay ang mga bagay na iyon.
"That's part of your work,"
"Ayoko. I won't clean!"
He stared at me at nakipagtitigan din ako sa kaniya. There's no f*****g way I'll clean his house! Hindi niya ako mapipilit sa bagay na iyon. Ang kapal ng mukha niya, my parents didn't let even a single dust touch my skin and now he'll ask me to clean his place. Over my dead body!
Matagal itong tumitig sa akin na animo'y nag-uusap na kami sa mga titig na iyon. I don't know how did it happen, napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Pakiramdam ko kasi may kung ano sa mga iyon na parang kinakain ang pagkatao ko sa tuwing titignan niya ako. Argg! Yung totoo? Pwede ko bang katukin minsan ang mata niya? ry ko lang kung may monster sa loob. Nakakatakot kasi siya tumingin e.
"May taping ako mamaya," And he stormed out of my room. I landed on the bed, heaving out a huge sigh. Kaya mo yan Naomi, three months lang, three months lang.
*
Lumapit agad sa amin ang manager niya nang makarating kami sa set. She eyed me from head to toe na nagpataas ng dalawang kilay ko. I want to roll my eyes at her pero pinigilan ko. Gelo told me to act nicely sa set para hindi ako maging sakit sa ulo ng manager niya. Duh, siya ang sakit sa ulo hindi ako!
"Review your script Gelo. And you, maupo ka doon." Nakipagtitigan ako dito pero pinili kong wag na itong patulan. I think I'll be needing a lot of patience while I'm on this work.
Tinignan ko si Gelo na nakaupo na ngayon at inaayusan. I rolled my eyes heavenwards, I stomped my feet to the couch and slumped myself there. Pinanood ko ang preparations ng set nila at paminsan-minsang tinitignan si Gelo na nakapikit habang inaayusan.
Napaigtad ako nang dumilat ito at nagtama ang aming mga mata. He motioned me to come closer kaya naman tumayo ako at lumapit sa kaniya.
"Water," he murmured.
I rolled my eyes pero lumapit din ako agad sa table kung saan may mga mineral water. Kumuha ako ng dalawa, isa para sa kaniya at isa para sa akin.
"May kailangan ka pa?" tanong ko.
"Sit."
"What?"
Parang aso lang ang kausap ng gagong 'to ah. Sa halip na sumagot ay tinignan lang ako nito. Hindi na ako nagsalita at napipikon na bumalik na lamang sa kinauupuan ko kanina. Darn it! Para akong aso na susunod sa gusto ng amo niya. A
Para na rin malibang ay isa-isa ko nalang tinignan ang mga artista na narito rin sa set. Hindi pamilyar ang mga itsura nila, siguro ay mga bago palang o di kaya'y low class actors and actresses. Ni wala rin sa aura nila na artista sila, mas may dating pa ang mga barkada ko kung tutuusin.
Maya-maya pa ay biglang pumasok ang isang maputing babae. She walked inside wearing a cleavage baring top, short shorts and a black boots. Mahaba ang bagsak niyang buhok pero halata namang extension lang iyon. But heads turn to her direction.
"Hi guys!" Bati niya sa lahat nang tuluyan na siyang makapasok. Everyone smiled at her, tila dumating ang kanilang reyna.
"Hi Diana, ikaw nalang ang hinihintay. Mag-prepare kana," ang baklang director na mukhang wala sa mood kanina ay biglang mukhang mabait ngayon.
Late siya pero maganda ang pakikitungo sa kaniya, I wonder who this girl is.
I saw her eyes roam the place with her eyes and it stopped at Gelo's direction. She even smiled when she saw him. Ow, what's with them? Tila ako nagka-interes sa babae.
"Hi Gelo!" She greeted him nang makalapit na siya but Gelo didn't even look at her. Nagbabasa lang ito ng script na parang walang naririnig. Para namang gusto kong matawa dahil sa naging reaction ng babae. Halatang napahiya ito, she was trying to compose herself when her eyes landed on me. Sinalubong ko ang mga mata niya, hindi ako nag-iwas ng tingin.
Nakita kong may ibinulong siya sa isang babae sa tabi niya at sabay pa silang tumingin sakin. Hindi naman halatang ako ang pinag-uusapan ano? Gusto kong matawa ng malakas ngayon. Great! Mukhang mag-eenjoy naman ako dito.
Matagal itong tumitig sa akin bago naupo at nagpa-makeup. I smiled devilishly, you are only an inch of my aura.
Maya-maya lang din ay nagstart ang shooting. Nalaman kong siya pala si Diana Scheiden at ka-loveteam siya ni Gelo. Gusto kong matawa na magka-loveteam sila pero ganun ang treatment sa kaniya ni Gelo. Poor girl,ngayon alam ko ng fake ang tandem nila. Bulok, walang chemistry. Tss.
"Water break. We'll start after five minutes."
Agad na naglapitan ang mga make up artist para iretouch sila. Simpleng scene lang naman ang kinukuhanan nila, sadyang kailangan lang talaga nila ang night setting pero wala akong pakialam dahil inaantok na ako. Nagulat nalang ako nang makita ko si Diana sa harapan ko.
"Hi there, new PA ka pala ni Gelo?"
Tumaas ang kilay ko, "For three months." I answered.
"Diana Scheiden," She smiled and offered her hand to me pero tinignan ko lang iyon hanggang sa mangawit siya at ibaba niya ang kamay niya.
Isang beses ko lang tignan ang tao, makikilala ko na agad siya. I know she did that on purpose, nakikipagkilala siya dahil nakaharap ang lahat. Para nga naman sabihing napaka-friendly niya at pati sa PA ay nakikipagshake hands siya. At syempre, aware din akong ako ang lalabas na rude dahil sa hindi ko pagtanggap sa kamay niya. But I don't care, I'm here for Gelo and the contract, not for anyone else.
She smiled at me bago siya bumalik sa area nila. Everyone is looking at me, kasama na roon si Gelo. Sinalubong ko lang ang tingin niya.
Nagstart na ulit sila at mabilis lang din namang silang natapos. Nagpack up na around 11 pm. Gosh, sobrang inaantok na ako.
"Let's go," Kinuha ko ang mga gamit niya at dumiretso na kami sa kotse niya. Pero pinigilan kami ng manager niya.
"Dala mo ang kotse mo?"
Tumango lang si Gelo.
"Sinong magdadrive?"
Tinignan niya ako nang iangat ko sa harapan niya ang susi. Anong feeling niya sakin? Di marunong magdrive? Excuse me? Naomi ako diba?
"Tss." Inilagay ko na ang mga gamit niya sa backseat at sumakay na ako sa driver's seat. Dang! Inaantok na talaga ako.
Tahimik na sumakay si Gelo.
"Let's go," I rolled my eyes as I start the engine.
"Stop being rude to the set." Nagulat ako nang bigla niyang sabihin yun.
"I don't care about the set."
"Just don't bring your bratty attitude there."
"Im not a brat!" I retorted. Loko siya! Rude ako pero I was never a brat!
Hindi naman na siya sumagot. Like duh, hindi ako brat. Siraulo siya, anong pauso niya? Tss.
*
I woke up early the next day. Medyo nangangapa pa ako sa usual routine ko dahil parang sinadya lang maging opposite ng kwartong ito ang kwarto ko sa bahay. Yung comfort room ko sa bahay is on the right pero dito, nasa left. Yung walk in closet is adjacent ng cr pero dito, it's the opposite. Although maganda naman ang pagkakaayos, naninibago lang talaga ako. But I guess kailangan kong masanay dahil magtatagal ako dito ng tatlong buwan. I rolled my eyes at the thought.
I took one last glance of myself on the mirror and when I feel contented ay lumabas na ako. Medyo nagulat pa ako nang magkasabay kaming lumabas ng kwarto ni Gelo. He just threw me a bored look atsaka na siya naunang lumakad. I glared at his back while he's heading to the kitchen.
He's actually tall, siguro mga 6'2? Maputi rin siya, halos magkakulay na nga ang balat niya at ang suot niyang long sleeves na nilihis niya para maging three forths. At kahit nakatalikod siya, I must admit that he's one of a kind drop-dead gorgeous man. His back is very broad and that makes him sexier. His messy hair even matched his features. Dang! Isa siyang greek god mula sa greek mythology! Paano hinayaan ng Diyos na magkaroon ng isang katulad niya sa mundo? The world itself is an imbalance for him.
I mentally chastised myself. Seriously Naomi? You are praising his inhumanly beauty! Ugh.
"Are you done checking me out?" Nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa sink ng kitchen habang nakacross arms at nakatingin sa akin. Oh God, he's a living statue! Parang nagtatalo ang sarili ko whether to hate him or to admire him. Mabuti nalang at nagsalita ulit siya.
"You didn't cook.Now, what are we going to eat?" He's throwing me daggers at napaawang nalang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
"You're expecting me to cook?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Seriously? Iniisip niyang magluluto ako? Seryoso ba siya? Gusto ba niyang masunog ang bahay niya?
"It's part of your work." He turned to face the cupboards and he pulled out two cupnoodles. Pinanood ko naman siya habang kumukuha ng hot water sa dispenser.
"I don't know how to cook," pag-amin ko. I don't want to push things that I can't really do.
He didn't bother to look at me, tila hindi na ito nagulat sa sinabi ko. Busy siya sa pagsangkap ng cupnoodles.
"It's obvious, mukha namang wala kang kayang gawin maliban sa magmura at manakit."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Parang nasesense ko na ang pinupunto niya e.
Tinignan niya ako, "You're a sadist cussing machine."
"What?! I'm not a sadist! Kasalanan ko ba kung ang sarap saktan ng mga taong katulad mo? And I'm not a cussing machine!" I retorted.
Kagabi sinabi niyang isa akong brat! At ngayon naman? Sadist cussing machine? Ano bang mga pinapauso niya?
He just smirked at me, "Yun lang ang kaya mong gawin. You're useless."
Hindi ko na napansin kung ano man ang nahawakan ko dahil bigla ko nalang naibato yun sa kaniya. Mabilis siyang nakaiwas. Pareho kaming gulat nang makita namin ang swiss knife na nakabaon sa cupboard. He turned to my direction unbelievably.
"What the hell? Are you really planning to kill me?"
Bumalik sa kaniya ang tingin ko, I shot him a deadly glare. "I am not useless. Say that again and I'll murder you inside your own room!"
Umalis na ako at iniwan siya sa kitchen. Argg! I'm not a sadist! I'm not a brat! I'm not a cussing machine either! At mas lalo namang hindi ako useless! Gago siya, papatayin ko talaga siya!
**