"Saan ka galing?" Salubong sa akin ni Ash pagpasok na pagpasok sa bahay. I rolled my eyes. Right, can't we do a little hi?
"I'm asking you Naomi Allison,"
I stopped and turned to face him as I show him a bored look, "Galing ako sa bahay ng classmate ko."
Tinaasan niya ako ng kilay pero maya-maya lang din ay hindi na siya kumibo. Good, akala ko iinterviewhin niya nanaman ako. Well, kapag wala siyang magawang matino, hobby niya na magtanong ng kung anu-anong wala namang kwenta. Minsan hindi ko talaga mafigure out ang takbo ng pag-iisip ng kakambal ko. He's weird in his own way, pa-mysterious effect din parang si Gelo.
And speaking of the superstar, hindi talaga ako makapaniwalang seryoso siya na maging PA ako for three months. What I'm expecting is manghingi siya ng kung ano mang mamahaling luho ng isang artista. Kaya ko namang ibigay yun, but ofcourse kailangan ko ring magtipid kung ayaw kong makahalata si daddy na may malaking pera akong na-withdraw sa account ko. Ugh, mahirap din iyon kung tutuusin.
Pero maging PA? I'm not really sure. Kahit pa na nakapag-umpisa na nga ako. Tinakot niya lang naman ako kanina, at nagpatakot naman ako. Nakakainis lang.
I lay down at my bed and close my eyes. Three months with a Gelo Ferrer. Kung tutuusin the favor is even mine kasi binigyan niya pa ako ng privilege na makasama siya kahit saan. But that would just be effective if I'm one of his avid fans, just like Alex. Pero hindi, I find him attractive and all, but I can't let myself go crazy for him. Lalo pa ngayong nakikita ko na ang tunay niyang ugali. It's true that artists are not who they are on the television.
Well, kung tutuusin ay alam naman ng lahat na isa siyang cold-hearted person. Kahit sa national tv ay ganoon na siya.
I decided to set him aside and just rest. Pagod lang siguro talaga ako at masyado lang maraming nangyari ngayong araw kaya kung anu-ano na ang naiisip ko.
I was on my way to dreamland when my phone rang. Napabalikwas ako ng bangon para sagutin iyon but I saw an unregistered number. Kumunot ang noo ko pero sinagot ko ito.
"Hello? Who's--"
[This is my number, save it. I need you to move at my condo tomorrow. Stay with me for the three months contract.]
Dahil sa pagkakabanggit niya ng three months contract ay nalaman ko agad na si Gelo ang kausap ko. Pero nagising ang diwa ko sa sinabi niya.
"What are you saying? Bakit kailangan ko pang lumipat sa condo mo?" I asked unbelievably. What is his damage? I don't even think na kailangan pang magkasama ang PA at amo sa iisang bubong, that's beyond reality.
[Just do it. My former PA used to live with me under the same roof and I need you to do it too.]
"But--"
[No buts.]
"Gelo, hindi pwede! How am I suppose to tell that to my parents? Nababaliw kana ba?"
[Fabricate some story, I know you can do that.]
"I can't and I don't want to!"
[Then choose, I'll tell them your stupid stunts or you'll be moving here tomorrow?]
Seriously? He's doing it again! Binablackmail niya ako! Can't he just work fairly?
"Gelo--"
[Alcantara Condominium Towers, 5th floor ,room 678.] And the line went dead.
Naibato ko nalang ang phone ko sa sobrang inis. I growled in frustration. He's gonna make me pay for what I've done and it's gonna be his way.
"You freakin' monster! Argg!"
Later that night ay wala sa sariling nakapag-empake ako ng gamit. Mas pipiliin ko ng tumira kasama siya kaysa naman ipadala ako sa Canada at hindi na magawa ang mga gusto ko. Atleast dito hindi ako malalayo sa mga friends ko unlike there na bantay sarado ako. Iyon nalang ang inisip kong pampalubag-loob.
But the problem is, I don't know how to tell my parents.
Magdamag akong nag-isip ng pwedeng idahilan kina mommy't daddy. At bago ako nakatulog sa gabing iyon ay halos isang daang beses ko ding isinumpa si Gelo Ferrer.
*
Parang kusang na-solve ang problema ko sa pagpapaalam kina mom at dad kinabukasan. Nagulat nalang ako nang madatnan ko silang paalis na ng bahay early in the morning.
lihim akong natuwa nang sabihin nilang mayroon silang European business tour for five months. At ang mas maganda pa ay nagpaalam din si Ash na may guesting siya sa Singapore for two months. Mukhang hihinto nanaman siya sa schooling. Siguro maghohome study nalang yun pagbalik niya dito. Yun lang ang mahirap sa career na gusto niya, less priority ang studies.
Pumapalakpak ang tenga ko habang kumakain kami ng breakfast. Nagbibilin sila mom at dad sa akin at tumatango lang ako. Ash is watching me the whole time at nginingitian ko lang siya. Alam niya sigurong masayang-masaya ako sa nangyayari. He knows how I love freedom more than anything else!
Hinatid muna ako ni Ash sa school bago pumuntang airport. Nakikinig lang siya kanina habang naghahabilin sila mommy pero ngayon ay siya naman ang nagbibilin sakin.
"I can see how your eyes sparkle right now Naomi, pero tandaan mo 'to. Wag kang magkakamaling gumawa ng kalokohan or else.."
"Or else what?" Taas kilay kong tanong habang nakatingin sa salamin ng kotse. Hindi pa ako bumababa dahil alam kong hindi siya basta nalang magbibilin katulad nila mommy. Knowing him, alam kong siraulo siya pero prinsesa pa rin nila ako at alam kong mabigat para sa kanila ang iwan ako mag-isa.
"Naomi Allison, seryoso ako. Matanda lang ako sayo ng ilang minuto, oo, pero kuya mo pa rin ako. Parang awa mo na, magpakatino ka muna ngayon.Wag ka munang magsuot ng liberated na damit for two months. Alam kong madalas kang tumakas for bar hopping pero nakikiusap ako sayo, wag muna ngayon."
"I can't promise you that kuya."
He scratched his nape at frustrated na tumingin sa akin. Sinalubong ko lang ang tingin niya.
"Okay pero wag gabi gabi? Atleast once a week baby? Please?"
Tumango nalang ako .I know Ash very much, alam kong hindi siya makakatulog thinking about me. I'm so lucky na kakambal ko siya. Sadyang hindi lang ako expressive pero I love my twin brother.
"Alright, and sleep with your friends. Mas panatag ako if you'll have sleepover. Just tell me if may problem."
"Alam mo Ash? Malapit na akong maiyak sa mga bilin mo. Seriously? Mas OA ka pa kina mommy." I tried to put a little humor. Ayoko nga ng ganitong atmosphere sa pagitan naming dalawa, mas prefer ko ang sakitan at sigawan.
"I just can't help it,"
I smiled.
He touched my cheek, "Alright, I'm going. Take care baby, I love you." Hinalikan niya ang noo ko bago ako bumaba ng kotse niya.
"I love you too kuya. Please be safe and try to find a good girlfriend there." I laughed. I waved him goodbye and I turned my back to enter the school.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa room. Maaga pa pero alam kong nandiyan na yung asungot na yun dahil maaga siyang pumapasok. Umiiwas siguro sa mga avid fans niya. Tsk, kung alam lang nila ang tunay na kulay ng idolo nila.
Inilagay ko ang bag ko sa upuan atsaka ako naupo. Inilabas ko rin ang ipad ko at nagsaksak ng earphone sa tenga ko. Hindi pa man ako nakakapamili ng kanta ay nagulat na ako nang may humila ng earphone kaya napatingala ako agad sa taong lumapit sa akin. Hindi na ako nagtaka nang makita ko si Gelo sa harapan ko.
"What?"
"Water,"
My forehead creased.
"What about water?" I asked.
"Noob, ibili moko ng bottled water."
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. He just called me a what? Noob? Excuse me? E kung binubuo niya ang sentence niya at nililinawan ang sinasabi niya? Ako pa ngayon ang tanga.
"The last time I check, hindi ka disabled para hindi makabili ng sariling tubig." Akmang ibabalik ko ang earphone sa tenga ko nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
"Ano ba!"
"You are my PA," he reminded.
I glared at him. So balak niya talaga akong alilain kahit sa school? Bakit ba kasi kailangan ng personal assistant ng mga artista? Anong pauso ba yun? Matapos lang talaga ang three months contract ko sa kaniya ipapasara ko ang showbiz industry!
Tumayo na ako at padabog na lumabas ng classroom. Nakakainis! Nakakainis! Ang aga aga sira na ang araw ko.
"Hi Naomi!" Napalingon ako sa taong bumati sa akin mula sa likuran and I saw Cuttie and her friends approaching.
I rolled my eyes heavenwards. Kasalukuyang nasisira ang araw ko at nadagdagan pa ang mga panira ng araw. Can't I just take a break?
"What do you want?" Pagtataray ko habang busy ako sa pagbili ng mineral water ng amo ko. The fact that I'll serve him for three freakin' months makes me think that I'll also be irrate in that three months.
"Anong mukha yan?"
Umikot para harapin ito, "The face of the most beautiful woman ever walked on earth."
She laughed. Ugh, why does she need to laugh?Seriously, ang panget ng tunog ng tawa niya.
"Nag-almusal ka na ba Naomi?"
"Yes."
I saw her roll eyes. "Ang slow mo nanaman, anong nangyare sayo? Ang aga aga mong iritable diyan ah. Nagkita kayo ni Dylan sa hallway no?"
I shot her a deadly glare. Ayan nanaman siya sa issue with Dylan .Talagang hindi maka-getover ang baklang 'to. Minsan hindi ko alam kung trip niya rin ba si Dylan dahil lagi niyang bukambibig ang pangalang non.
"Bitter ka pa rin ate? Almost three months na kayong wala diba?"
Nang maibigay na sakin ang binibili ko ay hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "I'm not bitter, infact I'm better. Don't dare mention his name, I don't like hearing loser's name." And I stormed out of the cafeteria.
Great, sirang-sira na ang araw ko. Thanks to Gelo Ferrer and that unknown particle from Nemik. Minsan naiisip ko, bakit kaya hindi pa sinusundo ng mga alien 'yang si Cuttie. Wala naman siyang silbi dito sa earth, panira lang siya lagi ng araw ko.
Marami-rami na ang mga classmates ko sa room nang makabalik ako .Lumapit ako agad sa desk ni Gelo at inilapag ang bottled water niya. I cursed myself dahil nakalimutan kong lagyan ng lason yun. Less Gelo, less damage. Right, I must get rid of him.
Naupo na ako sa pwesto ko at nanahimik. I saw one of my girl classmate looking at me, tinaasan ko lang ito ng kilay at kaagad naman itong nag-iwas ng tingin.
What's with this day at parang ang daming eyesore.
**