"f**k! f**k! f**k!" Pinag-uuntog ko ang ulo ko sa manibela ng kotse ko. s**t lang, ang tindi ng hang over ko. Dati naman hindi ako nagkakaganito!
Nakailang baso ako ng kape bago umalis ng bahay. Hindi na nga ako sumabay magbreakfast kina mommy e. Pero ganun pa rin, ugh this is killing me. Gusto ko lang talagang matulog ngayon pero hindi ako pwedeng mag-absent dahil nag-absent na ako kahapon.
Minasahe ko ng paulit-ulit ang sentido ko. Nang medyo umayos ang pakiramdam ay mabilis kong nayos ang sarili ko atsaka na ako bumaba ng kotse. Pero parang gusto kong bumalik ulit sa loob ng nang makita ko kung sino ang nasa labas.
Si Gelo Ferrer na nakasandal lang sa kotse niya at seryosong nakatingin sa akin. It's as if he's been staring at me since I came here at the parking lot kahit na highly tinted naman ang kotseng gamit ko ngayon.
Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang kahihiyan ko kagabi. Bwisit! Hindi ko naman inakalang nandun siya at makikita niya pa akong sa ganung eksena. Ano na kaya ang iniisip ng lalaking 'to sakin? Sirang-sira na ang image ko sa kaniya ah.
Hindi ko na sana siya papansinin nang bigla naman siyang magsalita, "Consequence."
Napaharap ulit sa kaniya, "H-ha?"
Tumayo siya ng tuwid atsaka namulsa, "Secured ang mga nangyari kahapon from publicity. But you can't run away with that. Ano? Nakapag-decide kana ba?"
Huminga ako ng malalim. Be good Naomi, may utang na loob ka pa rin kahit papano sa lalaking 'to. Be good. Pero oo nga pala, his goddamn consequence na hindi ko maintindihan.
He wants me to be his personal assistant and I don't get it. Kung nagawa ko na siyang hampasin ng baseball bat sa ulo, he should be aware that I can also do violent things to him. So bakit niya gustong kunin ako as his PA?
In the end ay wala na rin akong maisip na consequence na pwedeng gawin maliban sa maging alalay niya.
"Gaano ba katagal?"
He stared at me for I don't know how long. Ang alam ko lang ay gusto ko nalang talagang kainin ako ng lupa dahil sa titig niya .Nakakapanindig balahibo. Ganiyan ba talaga siya tumingin? Kinikilabutan ako.
Pero parang mas kinilabutan yata ako sa sinabi niya, "Three months." Parang nabingi ako. Anong sabi niya? Dahil sa tagal mag-process ng utak ko ay hindi ko namalayang nagsimula na pala siyang lumakad palayo.
"I have my shooting later, 6pm."
"Gelo are you serious?"
"No buts."
And I think the world just reached its end.
*
Wala ako sa sarili buong araw. Parang pumasok lang ako para umupo at mag-isip tungkol sa consequence na sinasabi ni Gelo.
The bell rang. And I was like a creepy little prey hiding from his predator.
Dati,ako ang unang unang tumatayo at lumalabas ng classroom once magring na ang bell. Pero ngayon? Parang na-glue ang pwet ko sa inuupuan ko. Jesus Christ! Patawarin niyo na po ako sa mga kasalanan ko. I'm willing to do everything except for being that mysterious artist's personal assistant for three freakin' hell of a like months.
Nakasubsob ako sa desk ko at nag-iisip ng pwedeng gawin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Hello?Who's this?"
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na boses ni daddy 'yon. Kinakabahang napatingin ako sa kabuuan ng classroom expecting him anywhere around but for what seems like hell ay nakita ko sa tabi ko si Gelo Ferrer. Nakatayo, his right hand inside his pocket while the other is stretched towards me holding his phone right my ear.
"Hello?!"
Natauhan ako nang malaman kong si daddy ang nasa kabilang linya, at Gelo's phone, which is currently at my ear. At hindi ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayari. This freak is trying to control me by blackmailing me! Ugh! And the worst part is,nagtatagumpay siya! Because I'm freakin' nervous right now that my heart is thumping so loud!
"D-dad?" Thank goodness I was able to speak up calmly. Kahit na nanginginig ang magkabilang tuhod ko dahil sa takot na baka isumbong ako ng hayop na Gelo na'to.
Dad's voice softened when he heard it's me. Nakahinga ako ng maluwag.
"Naomi? Kaninong number 'to? Where's your phone?"
I looked at Gelo and he's staring at my face with no apparent expression. Curse this guy for setting me up into this unplanned conversation.
"Dad? I think I'll be home late this evening,"
"And why?" His voice suddenly became stern. Ugh. Explanation. I hate explaining! I glared at Gelo but he remained expressionless.
"I'll be sorting out some important files at my blockmate's flat. She's moving out so I guess I really need to gather my things out of her flat. I'm afraid it might take me long." I let my lips purse as I wait for his reaction. My dad, my mom, my twin brother and their overacting reactions over me. Sana hindi sila sumpungin ng pagiging strict ngayon.
"Alright."
Nakahinga ako ng maluwag nang wala na siyang ibang sinabi. Akala ko aabutin nanaman ako ng 2020 sa pageexplain. I so hate it.
"Thanks dad. Bye."
Ako na ang tumapos ng call. Napasandal ako sa upuan ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.
"Ano pang hinihintay mo? Let's go,"
Gelo placed his phone on his pocket before turning his back at me. Nakuha niya ang gusto niya, I'm coming to the set as his PA.
Tinignan ko ng masama ang likod niya habang naglalakad na palabas ng classroom. And for some reasons para nanaman akong sinasapian ng masamang espirito at gusto ko nanaman siyang hatawin ng baseball bat. This time parang mas feel ko mas malakas, yung siguradong matutuluyan na siya. Argg! Nakakainis!
Padabog akong tumayo at sumunod sa kaniya hanggang sa parking lot. Pero nagulat ako nang ihagis niya sa akin ang susi ng kotse niya pagdating namin sa tapat nito. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.
"You drive,"
"What the hell? Akala ko ba personal assistant? Bakit ako ang magdadrive?!" Sigaw ko sa kaniya. Loko 'to ah. So balak niya rin akong gawing driver? Oh my God, hindi ko ma-imagine.
"Can't you just drive?!" Nagulat ako nang sigawan niya ako pabalik. Sumakay na siya sa backseat at padabog pang isinara ang pinto.
"Argg! Siraulo kang lalaki ka! Humanda ka sakin!" Sumakay na rin ako at pumwesto sa driver's seat. Naglagay ako ng seatbelt habang ini-insert ang susi sa ignition. The engine roared to life and I immediately pulled out of the parking lot.
Dahil sa biglaang pagliko ko, nakita ko sa rearview mirror kung paano nagkandasubsob si Gelo sa backseat. Hindi nako nabigla nang sumigaw siya sa likuran ko.
"What the f**k is your damage?! Are you planning to kill me?!"
"E siraulo ka pala e! You want me to fuckin' drive this f*****g car, and now you're f*****g shouting at me? f**k that!" I drove faster, real fast. Darn it! Hindi naman ako drug racer e! Sa totoo lang takot na takot din akong mag-overspeed but this son of a b***h is getting into my nerves!
"Dammit Naomi, slow down! We're at a f*****g highway!" He yelled behind me and I don't freakin' care. Wag na wag mong iinisin ang isang Naomi, you don't know how do I get along.
Sinagad ko na ang speed ng kotse. Pero nagulat ako nang matanaw kong nag-green lights. Nanlaki ang mata ko, I immediately hit the brakes. It created a loud scandalous screech which caused my eyes to shutdown.
*
"It turns out na student license lang ang meron ka. Hindi ka rin naman nakainom kaya bakit ka nag-overspeed sa highway? Are you aware that we can sue you of reckless driving?"
Napayuko ako dahil sa sinabi ng pulis. Pagkatapos ng eskandalong ginawa ko kanina ay inimbitahan kami ni Gelo sa police station. And I swear, nagsisisi nako. Naiiyak na nga ako dahil first time kong makaface to face ang mga pulis. Pero mas naiiyak ako dahil baka makarating ito kay daddy. Siguradong hindi lang grounded ang aabutin ko, baka mapahinto rin ako sa pag-aaral or what's worst is baka ipadala nila ako sa Canada. Naiisip ko palang parang gusto ko nang lumuhod sa harap ng mga pulis nato para lang magmakaawang wag nang ipatawag ang parents ko.
"Gelo? What happened?"
Napatingin ako sa humahangos na manager ni Gelo nang dumating ito kasama ang isa pang babae. Gelo remained still, walang imik, wala pa ring expression. Habang tinignan naman ako ng masama ng manager niya at ng babaeng kasama nito.
"Ikaw nanaman?!"
"Bakit ho? Is there any case na related ulit ang dalawang ito?"
Bigla akong kinabahan nang itanong yun ng officer in charge sa amin. Aware ako sa kaawa-awang itsura ko ngayon pero sa tindig palang ng manager ni Gelo, mukhang hindi tatalab ang paawa effect ko. Mukhang wala na talagang chance na matakasan ko ang mga problemang ginawa ko. I think I should prepare myself for an explanation to my dad.
"Wala, misunderstanding lang yun chief." Nagulat ako nang magsalita na si Gelo. At nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko itong matamang nakatitig sa akin.
"Gelo--"
"It's okay Anne,"
"Palalagpasin namin kayo ngayon, but you'll have a record. Sa susunod na maulit pa to, kulungan ang diretso niyo. Maliwanag?"
Tumango ako. We were asked to sign some papers na hindi ko naman maintindihan kung para saan pero pumirma nalang ako. Basta ang alam ko, gusto ko nang makaalis dito.
*
"Gelo, hindi kita maintindihan. Alam mo bang nung isang araw pa nagtitimpi sayo si direk sa kaka-absent mo sa shooting? Tapos ngayon eto nanaman? Bakit ba kasi hindi mo nalang pabayaan ang babaeng yan? She should face the consequ--"
"Pwede ba Anne?! I have my own consequences for her, wag kang makialam!"
Natahimik ang manager niya. Serves her right! Pakialamera! Manager lang siya, bakit ba kung sino siya kung umarte. Naiinis nanaman ako ha. At tama bang sabihin niya yun habang nandito ako?
Unfortunately ,sakay ako ng van nila. Yung manager niyang si Anne ang nagdadrive habang nakaupo naman siya sa passenger. At yung isang babae kanina ay kasama ko dito sa backseat, yun nga lang ay nasa magkabilang dulo kami. Aba! Kapal niyang mag-inarte na tabihan ako e kapatid lang pala siya ng manager ni Gelo. Akala mo kung sino ring artista e! Mas maganda at makinis at mas mukha naman akong matino sa kaniya! Argg! Gusto ko nanamang manakit! Bwisit!
"Anyway Gel, kapatid ko pala, si Alice." Biglang sabi ng manager niya.
"Uhm,hi." Pa-demure na sabi naman ni Alice. Anong feeling niya niyan?
Hindi kumibo si Gelo. Pero nakikita ko namang gising siya dahil tinitignan ko siya sa rearview. Ano ba kasing malay namin kung tinulugan niya nalang pala kami diba?Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
"She will be your new P.A." sabi nanaman ng manager niya. Mukhang nakuha naman niya ang atensyon ni Gelo dahil bigla itong nagsalita.
"I already have a new personal assistant Anne."
Mula sa rearview ay nakita ko ring kumunot ang noo ng manager niya, "Sino?"
Nang muli kong ibalik ang tingin ko kay Gelo ay nagtama ang mga mata namin sa rearview. And for some unexplainable reasons, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"That's my consequence for Naomi."
"What?!"
**