You
"NEXT TIME, huwag na ninyong tangkain pang kumatok dahil hindi ako tumatanggap ng late sa klase ko kahit sino pa kayo." masungit na saad ng Professor namin bago sinabihang maupo na ang apat na bagong dating.
Napakawalan ko ang hininga ko nang maupo si Dark sa kahilerang upuan ko. Hindi ko mapaniwalaang sa unang araw ng klase ay makikita ko siya, mas lalong hindi ko inaakalang makakasama ko siya sa iisang klase. Limang upuan ang pagitan namin pero pakiramdam ko napakalapit niya sa akin. Pinilit kong alisin ang tingin sa kanya sa takot na mapansin ako ng Propesora kong mukhang pinaglihi sa sama ng loob pero hindi ko pa rin maiwasang lingunin siya,
Si Tiara naman ay hindi matigil sa pagdunggol sa akin kaya binalingan ko siya at sinaway. Pero napangiti rin nang makita ang mapanukso niyang tingin sa akin.
Muling nagpatuloy sa pagtuturo ang lecturer at pinilit ko ang makinig kahit ang atensyon ko ay napupunta sa lalaking ilang upuan ang layo sa akin. Ang alaala sa unang araw ko siyang nakilala ay nagbalik na hindi ko namalayang hindi na ako nakakapakinig sa discussion.
"What instruments do you play?"
Kinalabit ako ni Tiara at doon ko namalayang ako pala ang tinatanong ni Miss. Kinakabahang binalingan ko si Miss. Matalim ang tingin niya sa akin.
"Are you with us Miss Monteciara?"
"C-Can you repeat the question, Miss?"
Kumunot ang noo ng Propesora sa tanong ko. "I said what instruments do you play?! Kanina pa sumasagot ang mga kaklase mo tapos ipapaulit mo sa akin? Nasaan ang utak mo? Nasa kanila?!" Turo niya sa banda nila Dark. Hindi ako lumingon doon at napapahiyang yumuko.
Ohemgee! This is so nakakahiya!
"Sorry, Miss..."
"Ayoko nang mauulit 'to, Monteciara."
Uupo na sana ako nang muling sumigaw ang dragona kong propesora. "Pinapaupo na ba kita? Answer my question first!"
Tumikhim ako. "P-Piano, Miss."
"What else?"
Inisa-isa ko ang mga instrumentong alam ko tugtugin. Nakitaan ko nang pagkamangha ang propesora maging ang mga kaklase ko sa mga sinabi ko. Nang matapos ay naupo ako.
"So you are that Monteciara... Leighrah Claudine Monteciara, bakit nga ba nakalimutan ko? I'll be expecting a lot from you, Claudine." nakangiti ng saad ng Propesora at doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Naramdaman kong may nakatitig sa akin at sa pagbaling ko sa kanan ko ay nakita ko si Dark na nakatitig sa akin. Ayan na naman ang nanghihigop niyang tingin. Ibinuhos ko ang lakas ng loob ko para ngitian siya pero nanguso ako nang blanko niya lang akong tingnan at ituon ang atensyon sa harap.
Sungit!
"Hi!"
Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang may magsalita sa likod ko. Pagbaling ko ay bumungad sa akin si Rex--ang bassist sa bandang Paradox. Nakangiti siya sa akin habang nilalaro sa kamay niya ang cellphone niya.
Tiningnan ko siya nang may pagtataka pero napunta na naman ang tingin ko sa lalaking nasa likod niya na busy sa pagce-cellphone. Tumikhim siya kaya nabalik ang tingin ko sa kanya. Nagtawanan naman sina Drew at Wade--ang keyboardist at drummer nila.
"Dre, mukhang hindi ikaw ang gusto ni Miss Beautiful..."
Ngumuso si Rex na ikinatawa ko. He's cute. Napahinto ako sa pagtawa nang makitang tinititigan na nila ako kabilang si Dark.
"I'm Rex--"
"We know you guys! Fan kami ni Claudiiiiiii!" matinis na sabat ni Tiara sa tabi ko.
"Really?"
"Fan ba talaga ng Paradox o ni Leader?" natatawang tanong ni Wade.
"Ako! Fan talaga ninyo kong lahat pero si Claudi si Dark lang--"
"Tiara!" sigaw ko sa kanya para mapigilan siya sa sinasabi niya.
"May susunod pa tayong klase, let's go." pagtayo ni Dark sa kinauupuan niya at tangkang aalis.
Huminga ako nang malalim at mabilis na naglakad patungo sa kanya.
"D-Dark," nauutal kong tawag sa kanya. Napapalunok ako at hindi alam kung anong susunod kong sasabihin.
Ni sa hinagap ay hindi ko rin aakalain na magagawa ko siyang tawagin.
"What?" tila nababagot niyang tanong sa akin.
"H-Hi, I'm Leighrah Claudine--"
"Hindi ako bingi, Miss. I heard your name a while ago but sorry to say I'm not interested to you."
Napapahiyang ibinaba ko ang kamay ko. Pero ako si Claudi at wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko. Matamis pa rin akong ngumiti sa kanya at ang blankong tingin niya ay napalitan ng pagtataka.
"Do you still remember the first time we met?"
Kumunot ang noo niya at binalingan ang mga nagtatakang mga kasamahan niya. "What are you saying? I don't know you."
"W-What? You saved me, don't you remember it?"
Pinagdikit niya ang labi niya at masama akong tiningnan. "Wala akong alam sa sinasabi mo--"
"Hele--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang higitin niya ako paalis. Ang tili ni Tiara ay nangibabaw habang ramdam ko ang pabilis na pabilis na t***k ng puso ko.
"S-Saan tayo pupunta?" nauutal kong tanong pero mabibilis ang hakbang niyang hinila ako papasok sa bakanteng room.
Masama ang tingin niya sa akin habang hinihingal akong nakasandal sa pinto.
"What do you want from me?"
"You..."
Kumunot ang noo niya sa sinagot ko.
"What?"
I want you...
"A-Anong ginagawa natin dito? Bakit mo ko hinila?"
"Because I wanted to talk to you. Alone."
May humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Naipit ko pa ang tumakas kong buhok sa gilid ng tenga ko.
"T-Talaga?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Oo, kasi may gusto akong linawin sa 'yo."
"A-Ano 'yon?"
"Forget about that day. Lahat nang nakita at mga narinig mo! Kalimutan mo!"
Napanguso ako sa paninigaw niya sa akin. Napakasungit.
"O-Okay pero--"
"Lastly, stay away from me!"
Bago pa ko makakibo ay mabilis siyang umalis at pabagsak na sinara ang pinto na ikipinapitlag ko.
Nalungkot ako sa trato niya at mga sinabi niya pero nang mapatingin ako sa palapulsuhan kong nahawakan niya ay para akong baliw na napangiti.
***
"GIRL! Ano hindi ka ba talaga magkukuwento? Where did you two go ba?"
Inalog-alog na 'ko ni Tiara na mula kanina pa ako kinukulit pero wala akong sinasabi sa kanya. Paniguradong aasarin niya lang ako kapag sinabi ko ang mga sinabi ni Dark.
"Wala nga!"
"Napakadamot mo talaga! First, hindi mo kinuwento paano mo nakilala si Dark! Pasalamat ka at talagang love ko ang Paradox kaya sinamahan kita sa mga concert nila--"
"Sshhhh, tumatawag si Daddy,"
Ngumuso siya at tumahimik kaya sinagot ko na ang tawag ng Daddy ko. "Yes, Dad?"
"Hey princess, how's your first day?"
"Great! I'm having fun!"
"That's good to hear...I actually called dahil si Mang Berting na ang magsusundo sa 'yo. May biglaang meeting kasi dito sa office. Is that okay, princess?"
"Okay lang, Dad. Late ka na bang makakauwi?"
"No, saglit lang 'to. Sadyang ayoko lang na hintayin mo pa ako."
"Oh, hindi ka susunduin ng Daddy mo? So... gimik tayo later--"
Ngumuso ako. "Susunduin ako ni Mang Berting," pagputol ko sa sinasabi ni Tiara.
"Hay nako, bakit ba kasi hindi ka na lang magpabili ng condo sa Daddy mo? Like me, hawak ko ang oras ko dahil sa biniling condo sa akin ni Daddy malapit dito sa Adams."
"Asa namang payagan ako ni Daddy na humiwalay sa kanila."
"Bakit hindi eh 'di ba balak ni Tito sa Clinton ka ipasok? Dorm kaya sila ro'n, walang maging pagkakaiba."
Umiling ako at pumangalumbaba. "Malabo--"
"Girl, nasabi pala sa akin ni Wade, doon sa condominium na tinutuluyan ko doon sila nags-stay ng mga bandmates niya--"
"Talaga?! Pati si Dark?"
Ngumisi sa akin ang kaibigan ko at tumango. "How about we became roommates? Siguro naman papayag si Tito Cloud?"
Hindi nawala sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Tiara kaya imbes na sa bahay ko ipaderetso si Mang Berting ay sinabi kong sa MEC kami pupunta.
Halos lahat ay binabati ako pagpasok ko pa lang sa MEC na ginagantihan ko naman nang matamis na ngiti.
"Si Daddy?" tanong ko sa secretary niya nang makarating ako sa top floor.
"Nasa loob po kausap ang Tito Thunder ninyo."
Ngumiti ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Isinilip ko ang ulo ko at nakitang mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Wala na ba talaga kaming magagawa, Attorney Jude?" tanong ni Tito Thunder sa abogado ni Daddy.
"I'll do my best to help you, Thunder. Pero mukhang malabong mailaban ninyo ito dahil siya pa rin ang ama ng bata."
"Claudi, what are you doing here?" tanong ni Daddy nang makita niya ako.
"Sorry Dad, naabala ko po ba kayo?" paglapit ko sa kanila. Una kong ginawaran ng halik sa pisngi si Daddy matapos ay si Tito Thunder naman.
"No hija, tapos na rin naman kami." nakangiting saad ng napakaguwapo ko pa ring Tito. Bagama't nakangiti siya ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot sa mga mata niya.
Saglit pa niya akong kinamusta bago sila tuluyang umalis ni Attorney Jude.
"May problema ba si Tito, Dad?" tanong ko sa ama ko.
Bumuntong-hininga si Daddy at mukhang problemado rin. "It's about Euri,"
Kumunot ang noo ko. "Euricka? What's wrong with her?"
Si Euricka ay kaedad ni Eijaz na pinsan ko. Sanggol pa lang ay nasa poder na siya nila Tita Riane. Naulila sa ina kaya sina Tito Thunder na ang tumayong magulang ng bata.
"Kinukuha na siya ng ama niya. Hindi inakala nila Thunder na buhay pa pala ang ama ng bata."
"Huh? Hindi ba nila inasikaso ang adoption paper ni Euri?"
"You know the process here in the Philippines, maraming hinihingi kaya hindi na nila naipursue pa. Ngayon na nga sana nila aasikasuhin, nagkataon namang sumulpot iyong ama ni Euri. Hindi raw matanggap ng Tita Riane mo kaya ayan problemado ang Tito mo..."
"I see. Kapag hindi na ako busy sa school ay dadalaw ako sa kanila."
"Bakit nga pala dito ka nagpahatid?"
Nang maalala ang pakay ay tumayo ako at umupo sa armrest nang kinauupuan ni Daddy. Niyakap ko ang braso ni Daddy at matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
"Si Tiara kasi Dad..."
"Oh? What about your friend?"
"Naghahanap siya ng room mate?"
Kumunot ang noo ni Daddy at sa talinong meron ang ama ko malamang ay nahulaan niya na ang sasabihin ko. "No. Hindi ako papayag--"
"Dad please! I want to be independent just like Klode. Please please please!"
Uubra kaya 'tong pagpapa-cute ko kay Daddy?