Chapter 1

1343 Words
Adams "GOOD morning world!" matinis na sigaw ko pagkamulat ng mga mata ko. Agad kong kinuha ang salamin sa side table at minasdan ang pretty face ko. "Why are you so pretty self?" nangingiti kong kausap sa sarili ko. "Malala ka na, Ate..." Bumaling ako sa pinto at nakitang nakasandal doon ang nakababata kong kapatid na si Clarence. Sumimangot ako at bumangon. Lumapit ako sa kanya at pinitik ko ang noo niya. "Yah!" sigaw niya sa akin kaya umamba ulit akong pipitikin ko siya. "Yah?! I'm your Ate ah baka nafo-forget mo! Bakit ka pumapasok sa room ko huh? Ni hindi ka man lang kumatok--" "Kumatok ako, tulog mantika ka lang talaga. Bilisan mo raw kumilos, ihahatid ka ni Daddy," saad niya na agad akong tinalikuran habang iiling-iling pa. Umismid ako. Masyado niyang iniidolo ang kakambal ko pati pagsusungit kuhang-kuha niya na. Huminga ako nang malalim at ngumiti. Bawal ang bad vibes today. Nakangiting tinungo ko ang restroom pero bago iyon ay kinausap ko muna ang poster na nasa dingding. "Good morning dark, my loves!" Bago ako nagtungo sa banyo ay binuksan ko ang player ko at umalingawngaw ang magandang boses ng lalaking pinapangarap ko. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko nang magtungo ako sa dining area kung saan nag-uumpisa nang magkulitan ang mga kapatid kong kambal. Si Clarence na masama na naman yata ang gising. Siyempre ang parents ko na hindi na nawalan ng sweetness sa isa't-isa. "Good morning My!" halik ko sa pisngi ni Mommy matapos ay parang batang yumakap ako sa leeg ng daddy ko. "Good morning sa pinaka-handsome na Daddy ko!" "Good morning din sa pinakamagandang prinsesa ko." Naupo ako at ganadong nilagyan ng pagkain ang plato ko matapos kong isa-isang kurutin sa pisngi ang kambal na sa wakas ay natahimik nang ilapag ni Manang ang pancake sa harap nila. "Ready for school?" "Super readyyyyy!" Umismid si Clarence sa pag-iingay ko pero hindi ko na lang siya pinansin dahil walang puwedeng makasira ng araw ko. "Are you sure decided ka na sa Adams ka mag-aaral? You can still withdraw it at sa Clinton ka pumasok," saad ni Daddy na siyang nagpawala ng ngiti ko. "Dad, okay naman kasi sa Adams and they're known for their academic standings especially when it comes to music." "Still--" "Cloud, hayaan mo na si Claudi sa gusto niya." Doon lang natahimik ang Daddy at hindi na muling nagsalita pa. Ngumiti ako kay Mommy at muling nagpatuloy sa pagkain. Marami akong inapplayan na university including Clinton na siyang gusto ng Daddy ko dahil doon nag-aaral si Klode but I decided na sa Adams pumasok dahil sa isang rason. Rather, dahil sa isang tao. "Daddy para saan pa at pinaturuan mo 'ko sa driving school tapos binilan mo pa ko ng car. Why can't I use it? May license na rin naman me!" nagmamaktol kong saad sa ama kong tinawanan lang ako. Kahit na labag sa loob ko ay pumasok ako sa kotse niya. "First day mo ngayon baby--" "Dad! Sabi ng lady eh! Hindi na nga me baby." "For me, you're still our baby," sabi niya na kinurot pa ang pisngi ko. "Anyway, since first day mo ngayon let me do this. Tomorrow, you can use your car as long as sisiguraduhin mong safe ang pagmamaneho mo." "Ang bait-bait talaga ng Daddy ko!" pagyakap ko sa kanya at matunog siyang hinalikan sa pisngi. Saktong kaaalis lang namin sa bahay nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makitang ang kakambal ko ang tumatawag. "Good luck on your first day," saad niya agad hindi pa nga ako nakakasalita. Napangiti ako sa kambal ko. "Sus, nasaan na iyong sabi mo na present ka sa every milestone ng life ko? Bakit wala ka sa first day ko? I'm officially a college student, my dear twin." "Babawi ako, I'll pick you up on Friday. Let's have a dinner date with Alice..." "Mas love mo na talaga si Alice kaysa sa akin," nakanguso kong saad sa kanya. "Sira," pagtawa niya at matapos ang sangkatutak na habilin ay binaba niya na rin ang tawag. "I had a meeting last night with Eruja," Napalunok ako sa nabanggit na pangalan ni Daddy. "Tito Drake?" pagkumpirma ko at napakagat-labi naman ako nang seryosong tumango si Daddy. Tito Drake Eruja is a friend of my Dad. Actually, magkatunggali ang company namin sa company ni Tito Drake gayunpaman ay kaibigan pa rin siya ni Daddy. "Sa Adams pala nag-aaral ang mga miyembro ng Paradox?" taas-kilay na tanong ni Daddy na tinutukoy ang bandang kinahuhumalingan ko sa mga nakalipas na buwan. Alanganin akong ngumiti. "Really?!" exaggerated kong singhap kahit na alam ko naman iyon. "Leighrah Claudine…" Ngumuso ako. "Fine. Sa Adams ako mag-aaral because of them--" "Leighrah!" Napangiwi ako nang tawagin ni Daddy ang unang pangalan ko senyales na hindi siya natutuwa sa kahibangan ko. "Papasok ka sa Adams dahil lang sa kanila? Baka naman sila lang ang atupagin mo ro'n imbes na pag-aaral mo?" "Dad! Hindi naman sila regular students do'n dahil sa schedules nila--" "Talagang pati schedule nila alam mo pa? Aba't masyado ka naman yatang nahuhumaling sa bandang 'yan?" Umiling ako at marahang hinaplos ang braso ni Daddy para pakalmahin siya. "Dy, s-simpleng paghanga lang naman para sa banda nila 'eh pero promise priority ko pa rin ang pag-aaral. I'll finish my course here tapos mag-aapply ako sa Juilliard sa New York for my master’s degree. Walang magbabago, Dad." "Promise?" Nilingon pa ako ng Daddy bago muling itinutok ang atensyon sa pagmamaneho. "Promise...pero Dad, can you ask Tito Eruja for two vvip tickets? May concert sila next month--" "Leighrah Claudine!" Tumawa ako pero nakasisiguro akong hindi ako matitiis ni Daddy. Ako ang nag-iisang prinsesa niya. *** "NICE, 'di ba may car ka na Claudi? Bakit si Tito Cloud pa rin naghatid sa 'yo?" tanong ni Desiree sa akin. Himig nanunukso at ganoon na rin ang iba pa naming mga kaibigan pero hindi ko sila pinansin. "Why ba you're still here guys? 'Di ba kayo male-late sa first subject ninyo?" Nagtawanan sila na ikinanguso ko. Ang mga kaibigan kong sila Desiree, Tiara, Gem, Michael at Third ay hilig talaga akong asarin sa pagiging Daddy’s girl ko noon pa man kaya sanay na ako sa kanila bagama't paminsan-minsan ay napipikon ako. "Come on Claudi, first day lang naman. Gala na lang tayo--" "No. Today is our first day kaya dapat pumasok tayo. Come on din guys, let's grow up." pagputol ko kay Third. "Tama ka Claudi, iyon nga rin ang sinasabi ko sa kanila." abrisete sa akin ni Tiara na katulad ko ang kinuhang course. Bachelor of Arts in Music. "Oh 'eh di kayo na ang studious, palibhasa nakuha ninyong mapapayag ang mga magulang ninyong kunin ang course na gusto ninyo." Inakbayan ko si Desiree na hindi maipinta ang mukha. Just like me, she loves music. Halos lahat kami ay hilig ang musika kaya nga kami naging maging magkakaibigan dahil sa music club sa school namin. Unfortunately, hindi gusto ng mga magulang nila na tungkol sa music ang kuhanin nilang course dahil wala raw mapapala roon. No choice sila kung hindi business management ang i-take. "We can still jam and create our own music, Des." Ngumiti na rin naman si Des at mabuti na lang ay hindi na nila itinuloy ang pag-cut nila sa classes. It was exactly 9 o'clock in the morning when Tiara and I arrived in our first class. Music 101. Sampung minuto nang nag-uumpisa ang klase ng isang katok ang nagpahinto kay Miss Jannie sa pagsasalita sa harap. Itinaas niya ang antipara at masama ang tingin na tiningnan ang pagpasok nang kumatok. Rather. Nang mga kumatok. My mouth formed a big O as I looked at the four people standing at the door. Paradox. "OMG!" bulong na tili sa akin ni Tiara at inalog pa ang braso ko. Habang ako ay nanatili ang tingin sa kanila partikular sa isang tao. Dark Carter Tiangco. Ayan na naman ang nag-uumpisang bumilis na t***k ng puso ko. Napahawak ako roon at sa pagtatagpo ng tingin naming dalawa. Pakiramdam ko huminto ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD