Chapter 3

1640 Words
His eyes "SPAGHETTI, burger, cake and ice cream? My gosh, Claudi! Aren't you afraid of calories?" eksaheradang sigaw ni Gem na nanlalaki ang tingin sa mga pagkaing ibinababa ko mula sa tray ko. "Let her be, Gem, ikaw ba naman ang mag-drama at hindi magkain sa bahay kung hindi ka ba naman magutom nang bongga," saad ni Tiara na tumatawa. Sumimangot lang ako at inumpisahang kumain. It's Friday at pare-parehas ang schedule ng lunch namin kaya nagkasabay-sabay kaming lahat. Kanina pa sila walang tigil sa pagkukuwento pero ako ang tanging iniisip ko lang ay kung anong ilalaman ko sa kumakalam kong stomach. "Why? What happened? Diet ka?" "My gosh Des, where's your utak ba? Diet tapos ganyan ang pagkain?" pambabara ni Gem kay Desiree. "Duh girl, ever heard of the word cheat day?" "Girls girls enough! ang Claudi kasi natin ay may kasalukuyang pagda-drama sa Daddy niya," pagkukuwento ni Tiara sa pinagdadaanan ko sa mga nakalipas na araw. Napanguso ako at inalala ang dahilan ng pagwawala ng sikmura ko. It's been four days simula nang iungot ko sa ama ko ang kagustuhan kong bumukod ng bahay. Unfortunately, ayaw niyang pumayag. Tuloy ay ilang araw na akong mala-ibon kung kumain sa bahay kahit super hungry na ako. Nagtatawanan sila sa kuwento ni Tiara kaya mas napasimangot ako. Mga masasamang kaibigan! "Sa tingin mo ba naman ay uubra ang ginagawa mo, Claudi?" tanong ni Third na isang malungkot na kibit-balikat lang ang isinagot ko. Naagaw ng atensyon ko ang tilian na umokupa sa cafeteria ng school. Nabitiwan ko ang tinidor ko at pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko nang masilayan ko ang lalaking naglalakad papasok ng cafeteria. Katulad nga nang inaakala ko ay irregular ang schedule nila kaya bukod sa dalawang beses na pag-attend nila sa iisang klase na blockmates ko sila ay hindi na iyon nasundan. Paradox is a well-known band in the country kaya hindi na nakakapagtakang hindi sila nakakapasok katulad ng mga normal na estudyante. To think na halos dalawang taon pa lang nang pasukin nila ang mundo ng musika. Bagama't sikat ay hindi ko sila kilala dahil ko kailanman nakahiligan ang manood ng television, but because of Tiara nakilala ko sila. Who would have thought na iyong lalaking nagustuhan ko ay ang bokalistang ng bandang kinabaliwan ng kaibigan ko? Some critics said that they were famous because of their looks but I don't agree with them. As a music enthusiast, I saw their passion for music. I saw how they loved what they were doing. I looked at Dark dreamily and sighed. Dire-diretso lang ang tingin niya at hindi pinapansin ang mga bumabati sa kanya. Samantalang ang mga kabanda niya ay nakikipagngitian at kindatan pa. He's different among the rest. But did I like him because of that? Of course not. Hindi lang siya ang unang lalaking nakilala ko na masungit at malamig pa sa yelo kung makitungo. Pero sa kanya ko lang naranasan 'to. Fast heartbeats. Butterflies in stomach. Iyong mga pakiramdam na tanging sa libro ko lang nababasa pero hindi ko pa nararanasan ultimo sa una kong crush na si Dustin-the jerk. Kahit na hindi ko pa siya tuluyang nakikilala. When I saw him cried that day, I felt like my world stopped. Nabalik ako sa reyalidad nang may bumato ng tissue sa mukha ko. "Laway mo, Claudi!" Inis kong ibinato pabalik kay Michael ang tissue at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi ko. "Bakit ba patay na patay kayo sa mga 'yan?" "Third, wala ka bang mga mata? They're handsome!" "Sexy!" "Oozingly hot like your favorite pulutan, sizzling sisig!" Napailing ako sa mga komento nila Desiree at muling nagpatuloy sa pagkain. Pero ang mga mata ko ay napapasulyap sa lalaking nakapila. Mas lumawak ang ngiti ko nang maupo sila sa katapat naming mesa. "Hi, Claudine..." bati ni Rex sa akin. Buti pa siya binabati ako...ikaw kaya Dark, kelan mo tatawagin ang pangalan ko? Ngumiti ako at binati rin si Rex ganoon din sina Wade at Drew. Gusto ko man siyang batiin din ay hindi ko na ginawa nang mapansing nakasuot siya ng airpods. Si Tiara ay isa-isa rin silang binati. Batid kong marami ang nakatingin sa amin ngayon. May mangilan-ngilan na tumataas ang kilay kabilang na ang mga kaibigan namin. "Interesting...you know them?" "Ohemgee!" "Blockmates namin sila!" kinikilig na saad ni Tiara. Natahimik sila nang mag-ring ang cellphone ko. Sa sobrang lakas ng ringtone ko ay napasulyap ako sa gawi nila Dark. Saktong nagtama ang tingin naming dalawa. Blanko ang tingin niya pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hinihigop ako ng tingin na iyon. Tila nakaramdam ako ng hiya nang masulyapan ang ngisi nila Rex kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Pero ano bang meron? Well... boses lang naman ni Dark na kumakanta ang ringtone ko! Mind you! Walang accompaniment! It's a just an acoustic song na inupload niya sa social media site niya na talagang dinownload ko pa. OMG! This is so nakakahiya! Mabilis kong sinagot ang cellphone ko at ramdam kong nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ko ang phone ko. "H-Hello?" "Princess? Is there a problem? Bakit ganyan ang boses mo?" Tumikhim ako at napakagat-labi nang mapagtantong ang ama ko pala ang tumatawag sa akin. "Dad...I-I'm fine. What's the matter?" "Nagtatampo pa rin ba ang baby ko?" Ngumuso ako at hindi tumugon. "Let's have dinner later in the mall, I'll pick you up." "I brought my car, Dad. Saka next time na lang po--" "Let's buy a bed para sa bago mong tutuluyan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy. "You're the best, Daddy! I love you!" malakas kong sigaw walang pakialam sa mga matang tumitingin sa akin. Nang maibaba ko ang tawag ay mahigpit kong niyakap si Tiara na nasa tabi ko. "I won! Nanalo ako kay Daddy, Tiara!" *** SUNDAY evening and I'm done fixing my things up in my new room at my new home. I still can't believe na napapayag ko ang ama ko sa gusto kong mangyari. But of course with his rules, I'll be spending my Friday night up until Monday morning sa bahay namin. Sangkatutak na bilin din ang pinabaon niya sa akin mula kaninang umaga nang hinatid nila ako sa unit ni Tiara. Saktong kahihiga ko lang sa malambot kong kama nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. "Where are you going?" pagod kong tanong kay Tiara na posturang-postura sa suot niyang red dress na hapit na hapit sa sexy niyang katawan. "Correction, where are we going...Of course kasama ka!" Kumunot ang noo ko at niyakap ang unan ko. Kahit nagugutom ay mukhang mas pipiliin kong matulog. "Hindi ako sasama...saka alam mo naman ang bilin ni Daddy, walang gimik--" "Kahit na sabihin kong ang Paradox ang pupuntahan natin?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na napabangon. "Where?!" Ngumisi si Tiara at inumpisahang pakialaman ang closet ko. "Well, naka-chat ko si Wade, may gig daw sila sa Montana." "Huh? What gig? Bakit walang announcement sa page nila? And where's this Montana? Saka kailan mo pa nakaka-chat si Wade?!" "Well, apparently minsan sa isang buwan nagpe-perform sila sa Montana--it's a resto bar, my dear friend. Second, walang announcement sa page kasi hindi naman kayang i-occupy ng bar ang sangkatutak na fans nila. Pagmamay-ari daw kasi nung kapatid ni Wade iyong bar kaya nagpe-perform sila ro'n." Napapangiwi ako sa tuwing binabanggit niya si Wade. Tila maiihi siya sa sobrang kilig. "At ang panghuli kong tanong, nasaan ang sagot? Kailan pa kayo naging close ni Wade?" Ngumisi siya. "Friday night. Nagkita kami sa party ng tito ko! The rest is history!" Kinikilig niyang saad na ibinato pa sa akin ang dress kong hinugot niya sa closet ko. "Maligo ka na at magbihis! Baka ma-late tayo!" Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho patungo sa bar na sinasabi ni Tiara. Tila nawala ang pagod ko at hindi na ako makapaghintay na muling marinig ang boses ni Dark ng live. After almost an hour, we arrived in Montana-- a resto bar located in Pasay seaside. Maraming tao na pati sa labas ay may mga nakapila pero hinila lang ako ni Tiara patungo sa unahan. Kinausap niya ang guard at wala pang isang minuto ay nakapasok na kami sa loob. Hindi lang 'yon, meron na rin kaming table na nasa mismong tapat ng stage. "Tiara! I'm glad you came!" salubong sa amin ni Wade. Walang kakiyeme-kiyeme na hinalikan siya sa pisngi ni Tiara. Mygosh! Makakauwi pa ba ng alive 'to si Tiara? Sa isip-isip ko nang makitang maraming sumama ang tingin sa amin sa ginawa niya kay Wade. Iginala ko ang paningin sa paligid pero wala siya. "Nasa dressing room pa siya...do you want me to call him?" "Huh?" takang tanong ko kay Rex na nakangiti sa akin. "Si Carter--I mean Dark, you're looking for him, right?" Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at hindi nakasagot. Mabuti na lang ay may tumawag na sa kanila kaya isa-isa silang nagpaalam sa amin. Wala sa sariling inabot ko ang boteng ibinigay sa akin ni Tiara at bastang ininom para lang masamid nang maramdaman ang paghagod ng init sa lalamunan ko. "What is this, Tiara?!" uubo-ubo kong tanong. "Beer..." nakangiti niyang sagot pero ang tingin ay na kay Wade na pumuwesto na sa harap ng drums. "But, you know na hindi ako nagdi-drink right?" "Just for this night, Claudi. Come on, you're already twenty, don't worry hindi ka naman malalasing diyan," pagtawa niya pero bago pa ako makapagprotesta ay dumilim na ang paligid at lumiwanag na ang stage. Ang mga mata ko ay agad nagpokus sa lalaking nakayuko hawak ang gitara niya. He slowly strummed his guitars. As he raised his head, our eyes met. His blank eyes bore into mine as he started playing his music. In that moment his eyes looked like the ocean and I was drowning. Deeply drowning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD