Chapter 18

1391 Words
Palawan Hindi ko alam kung gaano katagal nagmamaneho si Dark, ni hindi ko rin siya magawang tanungin kung saan ba kami pupunta. Glancing at the clock, it says it's already two in the morning. Tiyak ay hinahanap na ako ni Tiara at nakasisiguro rin akong tumatawag na sa akin sila Mommy at Daddy pati na rin si Klode. Napaungol ako nang maramdaman ang hapdi sa palad ko at nang tingnan ko iyon ay napangiwi ako nang makita ang gasgas ko roon. Suddenly, huminto sa pagmamaneho si Dark at nilingon ako. "Stay here." Iyon lang ang sinabi niya at tuloy-tuloy na lumabas ng kotse. Sinundan ko siya nang tingin at nakita ko siyang pumasok sa isang convenience store. Nang maiwan ako ay muling nagbalik sa isipan ko ang nangyari kanina. "Aren't you even sorry to Uncle Ed for saying that? How can you still love me knowing that I am the son of the man who ruined your family? Your mother had an affair with my father dahilan para magpakamatay—" Ipinilig ko ang ulo ko na tila ba makakatulong iyon para mawala sa isipan ko lahat nang narinig ko. Napabuntong-hininga ako at hindi maiwasang maawa para kay Dark. How can I say those words to him kung ganito pala ang dahilan kaya niya hindi magawang ipaglaban ang babaeng mahal niya. Sa sobrang lalim nang iniisip ko ay hindi ko namalayang nakabalik na pala si Dark mula sa labas. Nabalik lang ako sa reyalidad nang umandar na kami. Napatingin ako sa ibinagsak niya sa hita ko. Pagbukas ko ng supot ay bumungad sa akin ang medyo may kalakihang crocs, socks at medicine kit. "T-Thank you--" "Why would you say thank you kung kasalanan ko kaya walang sapin ang mga paa mo at may sugat ang mga kamay mo?" "Wala kang fault kasi me naman ang nag-insist na sumama sa 'yo..." "Hindi na dapat kita dinala roon." Hindi na ako umimik pa at isinuot na lang ang medyas pati crocs na binili niya. Pero napangiwi ako at umiling sa medicine kit. "Saan nga pala t-tayo pupunta?" Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. "Airport." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Anong gagawin natin doon?" "Nakalimutan mo na? Pupunta tayo ng Palawan hindi ba?" "We're still going after what happened?" Napahawak ako sa leeg ko nang masubsob ako sa biglaan niyang preno. "Ano bang nangyari?" malamig ang mga matang tanong niya sa akin. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya. "W-Wala, but what about my things? Saka si Tiara? She's going with us right?" "No." "W-What do you mean no?!" gulat kong baling sa kanya. "Your friend is drunk." Tiara! "As for your things, my assistant brought your purse in the airport." "We're going to palawan with me wearing this?! Are you like serious Dark? How about my clothes--" "My assistant brought it already." "What? How the hell na nakuha niya iyong things ko sa condo?" "She bought new ones for you." Napanganga ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala sa kanya. "Seryoso ka ba talaga?" "Mukha ba akong nagbibiro?" No. Hindi siya nagbibiro. Two hours later. I'm here inside a private plane wearing a new set of clothes and shoes courtesy of Darks' assistant, Madeline. Napatingin ako sa kamay ko na nalinis at nalagyan na din ni Dark ng gamot. Sunod ay napatingin ako sa cellphone kong hindi malaman kung paano ic-callback ang parents ko at ang kakambal ko. "You still have five minutes left to back out. Just tell me the place, Claudine." Mariin akong pumikit at nagtype sa cellphone ko ng kasinungalingan sa pamilya ko. "I'm coming with you." *** I WOKE up in unfamiliar place. Kukusot-kusot ang mga matang iginala ko ang paningin sa paligid. Nagtagal ang tingin ko sa glass window kung saan tanaw ko ang madilim na kalangitan at ang malakas na alon mula sa dagat. Bumangon ako at hinawi ang mahaba kong buhok. Iniisip kung nasaan ako-- OMG! We're here na? Pumikit ako at pumintig ang ulo ko nang maalalang nasa Palawan na kami at ang pamilyar na tanawin na nasa labas ay ang Isla Balentine. Paano kaming nakarating dito nang hindi ako nagigising? Muli akong pumikit at naalalang nagising nga pala ako nang makarating kami sa airport pero ang huli kong natatandaan ay muli akong nakatulog. Nagtungo ako sa CR at inayos ang sarili ko. Paglabas ko ng kuwartong kinaroroonan ko ay nakita ko si Dark na nasa balkonahe. "Dark..." Lumingon siya at kitang-kita ko ang panlalalalim ng mga mata niya. "H-How come we're here? H-Hindi ko maaalalang nasabi ko sa 'yo kung saan sa Palawan ko nakita ang Mommy mo..." "I have my ways." Kung alam niya naman pala bakit isinama niya pa ako? "You're a heavy sleeper, eh?" nakangisi niyang tanong pero nakikita ko sa mga mata niya ang tila lungkot doon. Nang hindi ako sumagot at minasdan lang siya ay tumikhim siya makaraan ay tinalikuran ako. "There's food in the table, eat your brunch. We're leaving in an hour." Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko siya. "What do you mean we're leaving?" "There's no reason for us to stay here." "What about your Mom--" "She's not here. It's been three months since she left this place. Hindi nila alam kung nasaan siya." Napayuko ako at nakagat ang labi ko nakaramdam nang panghihinayang at pagkaawa para kay Dark. It's much easier kung tumawag na lang ako dito sa resort at inalam kung nandito pa ba ang ina ni Dark. Napapikit ako nang ngayon lang pumasok ang ideyang iyon sa isip ko. "I-I'm sorry--" "There's no reason for you to say sorry," bumuntong-hininga siya at pagak na tumawa. "I already expected this..." Binalingan niya ako at ngumiti siyang ikinagulat ko. "I'm still thankful to know that she's alive. Ayon ang mahalaga ngayon." "Can I-I ask you a question?" Naglaho ang ngiti sa labi niya sa sinabi niya. "About what?" "About your mom, bakit mo iniisip na patay na siya?" Inalis niya ang tingin sa akin at nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya kasabay nang pagkuyom ng kamao niya. "F-Forget it--" "Twelve years old ako nang maglaho siyang parang bula sa araw ng birthday ko..." Is this really happening? Nagkukuwento siya sa akin? "My father told me that she died. Iyon din ang sinabi niya kay Gege, pero hindi ako naniniwala gano'n din ang Kuya ko so until now, hinahanap pa rin namin siya." Mapait siyang ngumiti. "But I think we should stop, sapat na sa aking napatunayan kong buhay siya. Hindi na ako dapat umasa nang higit pa roon." Sinasabi niyang hihinto na siya pero sa tono ng boses niya ay tila nangungulila pa rin siya sa ina. "H-Hindi ka ba nagalit sa pang-iiwan niya sa inyo?" "Kung ang pang-iiwan niya sa amin ang paraan lang para makatakas sa impyernong buhay kasama ang ama ko, walang dahilan para magalit ako sa kanya." "What--" "You should eat. Aantayin na lang kita sa lobby." Napabuntong-hininga ako nang mawala si Dark sa paningin ko. Ano bang buhay ang meron ka Dark? Dinig na dinig ko ang malakas na ulan pagbaba ko sa lobby ng resort. Madilim ang paligid at tila may bagyo. Kakaunti lang ang tao sa hotel dahil malayo pa naman ang peak season na ikipinagpasalamat ko dahil walang dahilan para mangamba akong may kukuha ng litrato na kasama ko si Dark. Luminga ako sa paligid at nakita ang pamilyar na bulto ng likod sa lobby na may kausap na lalaki. "What do you mean hindi kami puwede umalis?!" Napapitlag ako sa sigaw ni Dark at nakangiwing minasdan ang lalaking kausap niyang napapaatras pa. "Sir, may bagyo daw po at hindi puwedeng paliparin ang heli--" "Damn it! So, kailan kami puwedeng umalis kung ganoon?" "Possible po sa Lunes pa dahil aabutin daw ho hanggang bukas ang bagyo." Oh my god! Yari ako nito! But wait--ibig sabihin ba nito, I'll be here with Dark for two days?! Is this good news or bad news? Frustrated na ginulo ni Dark ang buhok niya at nilayasan ang kausap niya. Kahit nang makita niya ako ay nilagpasan niya lang ako na ikinanguso ko. Pero gumuhit din ang ngisi sa labi ko nang maalalang I'll be spending my two days with him. Pero naglaho iyon nang maalala ang bilin sa akin ni Daddy. But I promise that I will take care of myself...I will Daddy, promise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD