#EmbracingDarknessCH19
Drunk
NAABUTAN ko si Dark na pumasok sa bar ng hotel na tinutuluyan namin. Hahawakan niya pa lang sana ang baso ng alak na inabot sa kanya ng bartender nang agawin ko iyon.
"What the hell—"
"It's still early to drink," nakangiti kong aniya hindi pinapansin ang masamang tingin niya sa akin.
"Hindi na maaga, late ka lang gumising."
"Gutom na ako," nakanguso kong saad sa kanya binabalewala ang pagsusungit niya.
Kumunot ang noo niya sa tinuran ko. "As far as I remember marami akong iniwang pagkain sa 'yo."
"I don't eat alone."
Pumalatak siya at inilingan ako. "Then, go ask an employee to eat with you."
"What? I'm your responsibility, you brought me here kaya so you should eat with me."
"I'm not in the mood, brat."
"Sige na! Then, I'll tour you around, this isn't the first time that I went here, there so many cool activities here—Darky!" tili ko nang hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko at nilayasan ako.
Parang bata na bumuntot ako sa kanya hanggang sa pumasok siya sa restaurant na nakapagpangiti sa akin. Tila tamad na tamad na naupo siya at sinulyapan ako nang may nababagot na tingin.
"Order what you want. After this, go back to your room," aniyang napunta ang tingin sa stage na nasa gitna ng restaurant where a woman is playing a piano.
Pinagmasdan ko siyang hindi magawang alisin ang tingin sa babae kahit na may dumating na waiter at nasabi ko ang mga gusto ko ay hindi pa rin naalis ang tingin niya sa tumutugtog.
He's sad.
No emotion in his eyes but I can feel it. He's sad and longing for his mother.
"Are you really sure na hanggang dito na lang ang paghahanap mo sa Mommy mo?" hindi ko napigilang itanong na dahilan para bumalik ang tingin niya sa akin.
Tumango siya. "It ends here. She's alive. She's still doing what she loves. It's enough for me."
Sinabi niya iyon pero hindi iyon ang nararamdaman ko. He's looking at me intently while I'm holding back myself to say those words.
"Anong sasabihin mo sa magulang mo with you stuck in here with me?"
Napalunok ako sa tanong niya at hindi magawang salubungin ang tingin niya.
"Don't tell me hindi mo pinaalam sa kanilang nandito ka?"
Tumikhim ako at uminom ng tubig. "O-Of course not—"
"Liar."
Pumalatak siya at minasdan akong tila isa akong malaking problema.
"Your dad would kill me. At this time, baka may mga pulis na naghahanap na sa 'yo—"
"That won't happen! I'll call them, tell them that I was away with my friends..."
Umiling siya na tila hindi pa rin nagustuhan ang ginawa ko.
Bumuntong-hininga ako. "Look, my Dad he's kinda protective to me. Kung nagpaalam ako imposibleng payagan niya ako."
"Then, in the first place hindi ka na dapat sumama."
"But I want to... I want to go with you."
"After all that happened? Really? Hindi pa rin ba sapat ang mga 'yon para tumakbo ka palayo sa akin?"
Binalikan ko ang sinabi niya kagabi at napangisi. "Ano bang nangyari? May nangyari ba?"
Matagal niya ako tinitigan bago sumilay ang ngiti sa labi niya.
Isang ngiting naging dahilan nang tila pagkakarera sa dibdib ko.
"You should smile often, it's bagay to you."
Napanguso ako nang mabura ang ngiti niya sa sinabi ko. Saktong dumating ang waiter at inilapag ang mga pagkain na inorder ko. Tahimik na kumain na kami—o mas tamang sabihing ako lang ang kumain. He still keeps on looking at the woman playing the piano.
"What does she look like while playing there?" tanong niyang nakapagpahinto sa akin sa pagsubo sa pagkain.
Ngumiti ako at pumikit. Inalala ang babaeng tinutukoy niya.
"She's so beautiful...elegant..."
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang maalala ang nakita kong luha sa pisngi ng ina niya sa katapusan nang pagtugtog niya.
Dumilat ako at natagpuan si Dark na tutok na tutok sa kasunod na mga salitang sasabihin ko.
Anong gusto mong marinig?
"She looks happy..."
Sinabi ko iyon dahil inasahan kong iyon ang gusto niyang marinig ngunit mukhang nagkamali ako dahil nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Tumango-tango siya at iniwas ang tingin sa 'kin.
"That's good to hear..."
PASADO alas-singko nang magising ako sa kuwartong kinaroroonan ko. Matapos na makapananghalian ay sinunod ko na ang gusto ni Dark na bumalik ako sa kuwarto at hindi ko na siya kinulit pa.
Kinuha ko ang cellphone ko at kagat-labing nireplayan ang mga messages nila Dad. Nang tumawag si Tiara ay agad kong sinagot iyon.
"OMG, Claudi I heard na stranded daw kayo diyan dahil sa bagyo?!"
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko sa matinis na boses ni Tiara. "Y-Yes..."
"So, anong sabi mo kay Tito? I mean next week pa balik nila but you promised him na bukas mo pupuntahan ang mga kapatid mo sa Uncle mo," nag-aalala niyang saad sa akin.
"W-Well, I will tell him na sa lunes na lang dahil may bagyo?"
"Well, pray my dearest friend..."
Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Why?"
"Because it's so sunny in here and you should check the weather too, walang ulan na mangyayari bukas sa kamaynilaan."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tiara. "R-Really?"
"Yes! Nako Claudine, I think I should pack your things right now—"
"Oh, shut up Tiara! You're with me, right? How about you help me?"
"What? Alam mo namang business partner ni Daddy si Tito Cloud, kung anong sasabihin ko ikukumpirma niya pa iyon kay Daddy! I can't lie—"
"Please, Tiaraaaaa!" atungal ko habang iniisip na ang maidadahilan ko sa ama ko.
"You're really willing na magsinungaling sa family mo just for him? Really, Claudine?"
"I don't want to but it's too late, Tiara. I can't tell him the truth, alam mo kung anong magiging kapalit nang pagsasabi ko ng totoo."
Matapos kong makausap si Tiara at mapapayag siya na tulungan akong pagtakpan kung nasaan ako ay naligo ako. Matagal kong pinakatitigan ang mga damit na binili ni Madeline para sa akin. Luckily, may cardigan kung hindi ay baka napulmunya ako sa lamig ng panahon.
I grabbed my phone and tried to contact Dark pero napasimangot ako nang makalima na akong tawag ay hindi pa rin siya sumasagot. Madilim na madilim ang langit nang makalabas ako ng hotel pero ang malakas na ulan kanina ay naglaho na. Halos nalibot ko na ang lugar na puwedeng puntahan ni Dark pero hindi ko pa rin siya natagpuan.
Napapabuntong-hininga na naglakad na lang ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang malakas na ahon galing sa dagat. Ang tanglaw sa mga poste ng hotel ang nagbibigay liwanag sa akin dahilan para magpatuloy ako sa paglalakad.
Naningkit ang mga mata ko sa natanawang pigura na nakaupo sa malaking bato. Napangiti ako nang makilala kung sino ang lalaki.
"Darky!" sigaw ko sa malayo at kumaway pa ako.
Napanguso ako nang saglit niya lang akong sulyapan at ibalik ang tingin sa dagat.
"Darky—"
"Dark! Not Darky! I'm not a dog!"
Napangiwi ako sa singhal niya sa akin nang makalapit ako sa kanya. "Ikaw nga you call me brat 'eh!"
"Because you are a brat."
"I'm not 'no!"
Inilingan niya ako na tila ba wala siyang mapapala sa pagkausap sa akin bago tinungga ang bote na hindi ko napansin na hawak niya. Sa tanglaw ng ilaw ng poste ay nakita ko ang pamumula ng mukha niya at nang umupo ako ilang dangkal ang layo sa kanya ay amoy na amoy ko ang alak sa kanya.
"Are you drunk? Don't tell me kanina ka pa umiinom?!"
"Damn! We're just inches apart, do you really have to shout?!"
Napangiwi ako at nahawakan ang tenga ko sa sigaw niya rin. "You rin naman! Just answer me, kanina ka pa ba umiinom?"
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa boteng hawak-hawak niya.
Ngumiwi ako at napapalatak. "I really don't understand you guys, ano bang nagagawa ng alak at iniinom ninyo 'yan? Its taste? So panget! Then, you'll have headaches pa after you woke up—"
Nanigas ako sa kinauupuan ko at napipilan nang bigla na lang bumagsak ang ulo niya sa hita ko. Napapalunok na minasdan ko siyang namumungay ang mga matang tinitigan ako.
One...
Two...
Three...
I counted the seconds that I lost my breath while staring at him.
"I think I'm drunk," nangingisi niyang untag at pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k no'n nang umangat ang kamay niya at haplusin ang pisngi ko.
Suddenly, my heart ached as I stared at his eyes still gazing at me.
"Sino a-ako sa paningin mo ngayon, Dark?"
Natigilan siya sa paghaplos sa pisngi ko sa tanong ko. Umiling ako at ako na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa pisngi ko. Gaano ko man kanais na manatili sa posisyon na meron kami ngayon ay dahan-dahan kong inalis ang ulo niya sa hita ko at tumayo.
"The next time you look at me like that, please don't think of someone else."
"Who told you na iba ang nakikita ko at hindi ikaw?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at impit na tili ang kumawala sa akin nang hilahin niya ako dahilan para bumagsak ako sa hita niya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko si Dark na ngumisi at siniil nang mariin na halik ang labi ko.
OMG...is this a dream?
TBC