Chapter 17

1359 Words
#EmbracingDarknessCH17 Crybaby Sisigok-sigok na luminga-linga ako sa paligid at kinabahan nang lumingon ako ay napalayo na ako sa parking lot ng bar na hinintuan ni Dark kanina. No money. No phone. It's already midnight. What shall I do? Nang mapagtanto ang sitwasyon ko ay muling bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Nanakit ang paang naupo ako sa gilid ng kalsada. Scared. Bruised. Hurt. Ganito ba talaga kahirap ang love? Umiiyak na hinubad ko ang shoes ko at pilit pinigilan ang pagbunghalit ng iyak pa nang makita ang paltos ko roon. Physical pain will never be my thing. Well, sino ba namang gusto masaktan? Yumukyok ako at umiyak silently asking for help. Mommy...Daddy...Klodieeeee! "Are you planning to sleep here?" Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ang boses na 'yon. Pagtingala ko ay bumungad sa akin si Dark na nakapamewang sa akin. "Crybaby..." Sumimangot ako at sa unang pagkakataon ay wala akong pake sa hitsura ko. "I'm not!" "Yes, you are," aniyang ikinagulat ko ang pagluhod at paglagay ng suit niya sa balikat ko. "Wipe your tears, crybaby," sabay lapag ng panyo sa hita ko. "H-Hindi nga sabi ako—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang abutan niya ako ng chocolate bar. "What's that?" "Chocolate for a crybaby like you." "Don't treat me like a kid!" Napalunok ako nang ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko. No! Galit ako! Hindi ako puwedeng kiligin—Oh my gee! What the hell is he doing? Binuksan niya ang chocolate bar na hindi ko pa rin iniaabot at idinikit niya sa labi ko. Automatically, I opened my mouth and ate the chocolate. Parang bata na nginuya ko ang tsokolateng ibinibigay niya. Nasa huling kagat na ako nang magsalita siya ng lengguwaheng hindi ko na naman maintindihan. Hindi lang ang lengguwahe niya ang hindi ko maintindihan kung hindi siya rin mismo. "I don't u-understand you," saad ko at pinagmasdan siyang tupiin ang pinagkainan kong tsokolate at ibulsa. "You don't have to understand me," nakangisi niyang tugon. "No, you're so magulo! You make me so confuse; di ba you brought me here to hurt me? Para maipakita ang dahilan why can never like me?! Then, why are you here comforting me with those chocolates?! If you want me to dislike you, then give me enough reasons! Hindi iyong ganito ka—" Napatili ako nang bigla niya akong buhatin. Sumikdo ang puso ko at napakapit ako sa leeg niya sa takot na mahulog. "You're too loud, crybaby..." "I-Iyong shoes—" "Nasugatan ka na no'n bakit gugustuhin mo pa ring isuot?" Natigilan ako sa tanong niya. Ang pakiramdam na tila hindi yata sapatos ang tinutukoy niya. "Yeah...how fool of me to still want a thing na nasaktan na ako..." bulong kong mukhang hindi niya narinig nang may humarurot na motor dahilan para umingay ang paligid. Hinilig ko ang sarili ko kay Dark nang magsimula siyang maglakad. Pumikit ako at hindi ko namalayang nilamon na ako nang isipin na hindi ko napansin ang paghinto ni Dark sa paglalakad. Ibinaba niya ako pero hindi ko pa rin inalis ang pangungunyapit ko sa leeg niya. Is this really love? I still don't know him...but why am I feeling this way? I never thought that a simple admiration could turn into this emotion... Tila nabalik ako sa reyalidad nang makita sa mga mata niya ang panandaliang gulat na napalitan ng kawalan ng emosyon sa mga mata. Napunta ang tingin ko sa minamasdan niya. Sa harap namin ay nakatayo ang dalawang taong nakita namin kanina. Nilinga ko ang paligid at kahit paano ay nakahinga nang maluwag nang makitang kami lang halos ang tao at nasa madilim kaming parte ng parking lot ng bar. "Let's go, Helene," akag ni Landon sa girlfriend niyang tila nawala ang pagkalasing at maluha-luha ang mga matang nakatingin sa amin partikular sa akin. Napalunok ako nang kunin ni Dark ang kamay ko mula sa leeg niya. Inaakala kong bibitiwan niya iyon pero nanlaki ang mga mata ko nang ipagsalikop niya ang mga kamay namin. Don't keep your hopes up, girl...he's just using you... May pinong kurot na pumisil sa puso ko sa naisip pero pinalis ko iyon at mas lalong idinikit ang sarili kay Dark hindi alintana ang paa kong narurumihan sa lupa. "S-Siya ba iyong sumagot kanina? Who is she? Is she really your girlfriend—" "I said let's go Helene! You're drunk, let's go home," pigil ang sigaw na putol ni Landon kay Helene. "No! I'm not going anywhere! I don't even have that so-called home! All I have is a f*cked up life!" Umiling-iling siya at kumawala sa kapit ng boyfriend niya at napatili ako nang itulak niya ako palayo kay Dark dahilan para bumagsak ako sa lupa. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa palad ko. "Goddamn it, Helene!" sigaw ni Dark na lalapitan na sana ako nang yakapin siya ni Helene mula sa likod. Napapangiwing tumayo ako at muntik pa muling bumagsak kung hindi lang may umalalay sa akin. "Are you okay?" Do I look like I'm okay? Kaw kaya itulak ko? Pero imbes na sabihin iyon ay pilit na lang akong ngumiti kay Landon na siyang umalalay sa akin. "C-Carter, go back with me! Let's runaway! Payag na ko sa gusto mo—" "That proposal was two years ago, Helene. May sarili na tayong buhay ngayon, don't do this in front of my girlfriend and your boyfriend!" "Wala na kami ni Landon!" sigaw ni Helene dahilan para mapatingin ako sa katabi kong nakita ko ang sakit sa mga mata. "P-Pinilit ko ang sarili kong mahalin siya! Pinilit kong kalimutan ka p-pero hindi ko kaya! Hanggang ngayon, mahal pa rin kita, Carter! Handa na akong talikuran ang lahat para sa 'yo—" Hindi natapos ni Helene ang sasabihin niya nang marahas na alisin ni Dark ang braso niya sa bewang ng huli dahilan para mawalan ng balanse ang babae at mapaupo sa lupa. Nakita ko ang paghakbang ni Dark na tila nagulat sa nagawa niya pero umatras nang mabilis na nagtungo si Landon at akagin patayo si Helene. Pero ang bruhang babae ay marahas na inalis ang pagkakapit sa kanya ng ex-boyfriend niya na pala. "Tapos na lahat, Helene. It's been two years, move on. Kahit anong gawin mo o sabihin mo, hindi na natin maibabalik pa ang meron tayo noon dahil ang dami nang nagbago. Hindi na tayo puwede. Tanggap ko na 'yon at inakala kong natanggap mo na rin dahil sa ating dalawa ikaw ang unang bumitaw..." Tumingala si Dark at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtakas ng mga luha sa gilid ng mga mata niya. "...and you made a good decision for doing that. I owe you that decision, Helene." "No...p-pinagsisisihan ko 'yon—" "Aren't you even sorry to Uncle Ed for saying that? How can you still love me knowing that I am the son of the man who ruined your family? Your mother had an affair with my father dahilan para magpakamatay—" "No! No!" histerikal na nagsisigaw si Helene at ako naman ay tila naestatwa sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko. "Face the truth, Helene and move on...we will never be together again," ani Dark sabay lapit sa akin at hila patungo sa kotse niya. Hanggang sa makapasok kami sa loob ay dinig na dinig ko ang tangis ng babaeng naiwan sa labas. Kung inis ang nararamdaman ko para sa kanya kanina, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya. They're like modern Romeo and Juliet... How about me? Ano ako sa storyang ito? Binalingan ko si Dark na mahigpit na nakakapit sa manibela. Saglit na sumulyap sa labas at matuling pinaandar ang kotse. "You're crying..." nasabi ko nang makita ang pumapatak na luha mula sa mga mata niya. Kinuha ko ang chocolate na nahagip ng tingin ko sa ibabaw ng dashboard. Walang sali-salitang iniumang ko iyon sa bibig niya. Inasahan kong papalisin niya ang kamay ko pero magkakasunod niyang kinagatan ang chocolate at wala pang ilang minuto nang maubos niya iyon. Bumuntong-hininga ako at minasdan si Dark feeling sorry about what happened to his relationship with the woman he loves. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD