Spoiled
I liked him when I first saw him. But the first time I heard him sing, I fell. At sa hindi mabilang na pagkakataon, nahuhulog ako sa kanya sa tuwing naririnig ko ang pagkanta niya. Katulad ngayon, hindi maalis-alis ang tingin ko sa kanya hanggang sa huling kantang aawitin niya ngayong gabi. Tila may maliliit na karayom na tumutusok sa puso habang pinakikinggan pagkanta niyang punong-puno ng emosyon.
"What should I do if I can't forget about you..."
Ano rin kaya ang gagawin ko? Gayong nakikita kong hulog na hulog ka pa rin sa babaeng mahal mo. Marahil sa iba ay kumakanta lang siya pero para sa akin ay ang bawat kataga ng kanta ay iniaalay niya para kay Helene.
What you should do is look at me and fall for me, Dark. I'll make you forget about her if you'll only let me.
Napabuntong-hininga ako nang matapos siya sa pagkanta. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi mawala-wala na hindi ko namalayang ang kinaaayawan kong alak ay nainom ko na. Ikinagulat ko pa nang makitang nakadalawang bote ako ng beer!
OMG! Dad will surely flip kapag nalaman niya 'to!
"Uy girl, problema mo? Hindi ka ba natuwa sa sorpresa ko sa 'yo?"
Pilit akong ngumiti kay Tiara. "I'm fine."
"Fine? Oh masyado kang nadala sa kanta ng love mo? Hay nako, kung sino man ang babaeng--"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang isa-isa sa aming lumapit ang Paradox. Huling lumapit si Dark na tila napipilitang makiupo sa amin dahil sa mga kabanda niya.
"Did you enjoy our performance?" tanong ni Wade kay Tiara. Tumaas ang kilay ko sa sobrang lapit nilang dalawa.
"Super! Finally, hindi na kailangan ni Claudi na magmaktol sa Daddy niya para lang mapakinggan kayo ng live!" natatawang saad ni Tiara.
"E?"
Nagtataka ang tingin na ibinigay nila sa akin siyempre maliban kay Dark. Sinamaan ko ng tingin si Tiara sa kadaldalan niya.
"Why? Does your Dad dislike us?"
Binalingan ko si Rex at mabilis na umiling. "Of course not!"
"Overprotective kasi si Tito Cloud, hindi niya pinapayagan si Claudi sa mga event na maraming tao. But Claudi is their only princess, so ang ending si Tito Cloud pa mismong may-ari pa ng agency ninyo magpapakuha ng ticket para sa VIP--"
"Tiara! Shut up!"
Tumawa lang si Tiara at hindi na itinuloy ang pagkukuwento. Nakaramdam ako ng hiya, ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang napupunta ang topic sa pagiging overprotective sa akin ni Daddy. I don't want everyone to know that my father treats me like a seven year old kid. Pero hindi ko kailanman ikinahiya ang Daddy ko, I'm still proud being his daughter.
"Wait--Cloud? Hindi ba at iyon ang may-ari ng MEC?" tanong ni Wade kay Tiara.
"Oh, you know Tito Cloud?"
"Of course, who wouldn't know him? Katunayan ay ginusto naming sa kompanya nila magpa-handle pero naunang mag-offer si Sir Eruja."
"I didn't know na may babaeng anak pala siya...Naks! Big time pala 'tong si Claudi 'e," tunog nagbibirong saad ni Drew.
"Big time talaga kaya walang bagay na hindi niya nakukuha."
Sinimangutan ko si Tiara sa sinabi niya. Ayokong isipin nilang laki ako sa layaw.
Why? Hindi ba?
"Spoiled brat..."
Kumunot ang noo ko sa narinig na saad ni Dark nang matahimik ang lahat. Mabilis ang paglingon ko sa kanya.
"Excuse me?"
Ngumisi lang siya at tumungga sa bote na hawak-hawak niya. "Why? Am I wrong?"
"Yes! Hindi ako spoiled brat!"
I like you but it doesn't give you any rights to call me spoiled brat, you brute!
"Hindi ba? Kung nakukuha mo ang lahat ng gusto mo, hindi ba spoiled ang tawag doon?"
Ito na yata ang pinakamahabang linyang narinig ko sa kanya simula nang mag-umpisa ang klase pero hindi ko inaasahang pang-iinsulto pala ang mapapala ko sa kanya.
"Dark..." tunog nananaway ni Rex na nasa tabi ko.
"Hindi lahat nakukuha ko. Wala kang alam," walang emosyon kong saad sa kanya. Nilalabanan ang blanko niyang tingin.
Umismid siya. "At hindi rin ako interesadong malaman, Miss."
Napanganga ako sa sinabi niya. Tumayo siya at namalayan kong tumayo na rin ako para sundan siya. Papaliko na siya sa restroom nang maabutan ko siya. Agad kong hinawakan ang pulsuhan niya nang maabutan ko siya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para tumayo rin at habulin siya. Marahil sa alak na pumasok sa sistema ko o sa kagustuhan kong ibahin ang tingin niya sa akin.
Sumama ang tingin niya sa akin at marahas na hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"What the hell do you want?" mariin niyang tanong.
"Bawiin mo ang sinabi mo..."
Ngumisi siya. "What? About you being a spoiled brat?"
"No."
Naglaho ang ngisi niya sa sinagot ko. "What?"
"Bawiin mong hindi ka interesadong malaman ang tungkol sa akin..."
Tumawa siya. Isang tawang walang tuwa kung hindi puno ng sarkasmo. "No. Hindi ko babawiin dahil iyon ang totoo. I won't be interested with you, Miss." Napaurong ako sa pader nang lumapit siya sa akin at ilapat ang kanang kamay sa pader. "Go on and be our fan but please stay away from me."
Masakit man ang sinabi niya ay hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin at napako ang tingin ko sa labi niyang mamula-mula. Ngumiti ako at tiningnan niya ako na tila nababaliw na ako.
"Hindi kita pipiliting bawiin ang sinabi mo ngayon, dahil darating ang araw na kakainin mo kung anong sinabi mo. You'll be interested with me, Dark, I'll make sure of that."
Tumingkayad ako at bago pa siya makaiwas ay dumampi na ang labi ko sa kanya. Wala pang isang segundo pero pakiramdam ko ay napakatagal na no'n. Gulat siya nang mabilis akong lumayo sa kanya. Ngingisi-ngisi akong tinalikuran siya.
"You witch!"
Nilingon ko siya at kumindat pa ako. "Ikaw na rin ang nagsabi hindi ba? Nakukuha ko ang gusto ko, kaya sinisiguro kong makukuha rin kita. You'll be mine, Dark Carter Tiangco."
Nanghihina man ang tuhod ko sa ginawa ko ay hindi ko mapigilang mapangiti habang hinahaplos ang labi kong dumampi sa kanya.
***
"BAKIT ang aga mong magising?" takang tanong ni Tiara kinabukasan nang umaga. Sinilip niya pa ang orasan at pasado alas-otso pa lang. Ang klase namin ay mag-uumpisa ng alas-diyes pero alas-sais pa lang ay pinilit ko nang bumangon kahit pasado ala-una na nang makauwi kami.
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa kitchen. Lumapit siya at nanlaki sa nakitang pagkaing nakahanda sa counter top. Tinapik ko ang kamay niya nang tangkang dudukot siya sa packed lunch na hinanda ko para sa lalaking gusto ko.
"Ang damot mo!"
Nginuso ko ang mga natirang pagkain sa pan. "Meron pa ro'n."
"Iyong fruits ang gusto ko!" turo niya sa baunan na kinalalagyan no'n.
"Magbalat ka nang sa 'yo!" tila batang binelatan ko pa siya.
Nakangiti kong pinagmasdan ang hugis pusong kanin. Inamoy ko pa ang adobong itinuro sa akin ni Mommy. Ang sunod na packed lunch ay naglalaman ng dessert--I baked chocolate cookies and muffins. Siyempre korteng heart din ang mga 'yon. Ang pinakahuli ay naglalaman ng iba't-ibang klaseng prutas na hiniwa ko into bite size.
Nang masigurong perpekto na ang mga 'yon sa paningin ko ay pinagtatakpan ko na ang mga 'yon at inilagay sa insulated bag.
"Seriously, Claudi? What are we? Elementary at may pa-packed lunch ka pa?"
"Silly, this is not for me, why ba you're so slow minsan?"
Nilingon niya ako at ibinato pa sa akin ang pinagbalatan niya ng apple. "Ako pa slow? Me? Kung hindi para sa 'yo 'yan para kanino naman aber?"
"Para sa lalaking laman ng heart ko."
Inilagay ko pa ang mga kamay ko sa dibdib ko at tila nangangarap na ngumiti. Nasamid siya at tila naniniri akong pinagmasdan.
"Yucky! Anong sinasabi mo?"
Nawala ang ngiti sa labi ko at sinamaan siya ng tingin. Panira ng umaga ang bruha kong kaibigan.
"Si Dark duh! Alangang si Dustin!"
Tinitigan niya pa ako at ilang minuto ang nakalipas nang bumunghalit siya ng tawa. "Sa sungit no'n sa tingin mo tatanggapin niya 'yan? Hindi nga interesado sa 'yo di ba? It's okay to like him as a fan Claudi but if it's more than that. I don't think you should do this."
Seryoso na ang tingin niya sa akin at pinagkrus ang braso niya habang titig na titig sa akin.
"Why naman?"
"I don't want you to get hurt, Claudi. You're my friend. Inakala kong simpleng paghanga lang ang nararamdaman mo para sa kanya pero sa nakikita ko mukhang higit 'yon do'n."
Ngumiti ako at nilapitan si Tiara. Niyakap ko siya at inakbayan. Sa aming magbabarkada ay si Tiara ang pinakamalapit sa akin. She's my soul sister.
"Tiara, just support me with this, please. You're right, this isn't a simple infatuation. It's more than that. I like him and I'll do whatever it takes to have him."
"Even if you get hurt?"
Malungkot akong ngumiti. "Even if I get hurt...I'm ready to embrace the pain as long as I can have him."
Bumuntong-hininga siya at binalingan ako. Hinaplos ang pisngi ko "There's no guarantee that you can have him, Claudi. Hindi siya bagay na inuungot natin sa mga Daddy natin para ibigay sa 'tin. Are you sure you're willing to take the risk? You're beautiful. Talented. Nice. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa 'yo...bakit siya pa?"
"Hindi ko alam pero ang tanging alam ko lang ngayon ay walang mawawala kung susugal akong mapasaakin siya."
"Merong mawawala sa 'yo..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano naman 'yon?"
"Yourself..."
"Tiara..."
"You might lose yourself loving someone who doesn't give a damn about you."
Sa una ay madilim ang mukha niya hanggang sa napalitan iyon ng lungkot. Hindi na ako nagsalita at niyakap ko na lang siya.
"Hay nako pero dahil ikaw ang soul sister ko. I'll help you, sasabayan kita sa kabaliwan mo. You should take a bath. Sasamahan kita sa unit nila Wade, ang sabi niya kagabi ay wala silang pasok ngayon pero may sched sila nang ala-una."
Habang naliligo ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Tiara. Inaalala ang naganap dalawang taon na ang nakakaraan nang halos tatlong buwan na walang ginawa si Tiara kung hindi mag-iiyak dahil sa siraulo niyang ex-boyfriend. Umabot pa sa puntong sinaktan niya ang sarili niya. I shivered from those memories. Mabilis kong tinapos ang paliligo at hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nagbibihis.
Pero nang nasa tapat na kami ng unit ng Paradox ay kinabahan naman ako. Humigpit ang kapit ko sa hawak na insulated bag.
"Tiara, I-ikaw na lang kaya--"
Pinanlakihan niya ako ng mata. "No! Mamaya isipin pa ni Wade, type ko kaibigan niya."
"Trust me, hindi niya maiisip 'yon."
"Why?"
"Kasi you're very obvious that you like him."
I rolled my eyes. Hindi maiwasang mainggit na iyong type ni Tiara mukhang type din siya. Habang hulog ako sa iniisip ko at pilit nilalabanan ang hiyang nararamdaman ko ay pinindot ni Tiara ang doorbell at bumukas iyon.
Iniluwa no'n si Rex na hubad-baro. Napanganga ako at iniwas ang eyes ko sa abs niya.
"Oh, good morning beautiful girls...anong maipaglilingkod namin?"
Bago pa kami makasalita ay may bumato ng shirt kay Rex. "Wear your shirt, dude. You're scaring them..." saad ni Wade na todo ngiti kay Tiara.
"S-Si Dark?" tanong ko dahil naiirita na ko sa ngitian nilang dalawa.
Napatingin sa akin si Wade at naglaho ang ngiti niya sa tanong ko. "I-Inside..."
Ngumiti ako. "Can we go inside?"
Tila hindi malaman kung tatango si Wade at nagtitigan sila ni Rex. Nilunok ko ang hiya nang tumango sila. Mabilis akong pumasok para lang mapatda sa babaeng kalalabas lang ng tila kuwarto. Gulo-gulo ang buhok niya. Masyado ring maiksi ang suot niya.
Baka girlfriend ni Drew--
Pero naglahong parang bula ang pag-asang 'yon nang kasunod niyang lumabas si Dark. Hubad-baro katulad ni Rex. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang tila kalmot sa leeg niya.
"Thanks for the night, handsome..."
Ngali-ngaling lumipad ang kapit ko sa babae pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil alam ko kung saan ang lugar ko. Wala akong karapatan. Hanggang sa makaalis ang haliparot ay para akong tuod na nakatayo roon at nakayuko.
"What the hell are you doing here?"
Inihanda ko ang ngiti sa labi ko na alam kong peke. "Good morning!" sigaw ko kay Dark.
Walang ekspresyon na tinitigan niya lang ako. "There's no good in the morning."
"I made some breakfast for you," sabi ko na itinaas ang hawak ko.
Umiling lang siya. "Stop acting like we're close. Isa pa, I don't eat breakfast."
Ngumuso ako at sinamaan siya nang tingin. "'Eh 'di huwag mong kainin!"
Like a spoiled brat child that he assumed I was, I stomp my foot and went to him. Basta kong isinalya sa kanya ang bitbit ko at nagdadabog na umalis.
Is it possible to hate someone that you like?
Feeling ko ganoon ang nararamdaman ko ngayon.
Argh! Hate muna kita today, Dark!