Chapter 5

1320 Words
#EmbracingDarknessCh5 Audition "Wise men say only fools rush in...but I can't help falling in love with you. Shall I stay would it be a sin?" Nawala ang kanta sa pandinig ko nang may nagtanggal ng airpods sa tenga ko. Binalingan ko si Tiara at nginuso niya ang kapapasok lang na lecturer namin. Napapabuntong-hiningang itinabi ko ang cellphone ko at airpods. Nag-umpisa ang klase namin pero ang isipan ko ay malayo sa itinuturo sa harapan. Bumabalik sa naganap kaninang umaga. Napakagat-labi ako at pinigilan ang pagluha. Kung meron akong gustong baguhin sa sarili ko, iyon ang pagiging iyakin. Masyadong mababaw ang luha ko. Masyado kong emosyonal. Hindi ko pa rin makakalimutan kung paano kong napahiya sa harap ng Paradox kanina. Kung paano ko nagselos sa babaeng kasama ni Dark. Kung paano ko nag-astang bata na nagmamaktol dahil hindi napagbigyan sa gusto. Kinain niya kaya iyong niluto ko? Napabuntong-hininga ulit ako dahil ako na mismo ang sumagot doon. Malamang hindi. Napahawak ako sa labi ko at naalala ang halik na iginawad ko sa kanya kagabi. Dampi lang iyon at pinuri ko ang sarili ko nang hindi ako bumagsak sa harap niya dahil sa nangyaring panghihina ng tuhod ko dahil sa ginawa ko. Pero nang maalalang ang babaeng kasama niya ay natikman din ang labi niya dahil mukhang iyon ang girlfriend niya. Ayon na naman ang nagbabadyang pagluha ko. "Mygad Claudi! Pasalamat ka at hindi ka napansin ni Sir Casillo! Ano ka ba naman? Nasaan na iyong sinasabi mong studies first—Claudine!" Tila nagising sa reyalidad na binalingan ko si Tiara. Doon ko lang napansin na tapos na ang klase at mangilan-ngilan na lang kaming naiwan sa room. Nakangiwi kong binalingan si Tiara na simangot na simangot sa akin. Inayos ko ang reading glasses na isinuot ko kahit na alam kong hindi no'n matatakpan ang pamamaga ng mga mata ko. "Nako Claudi, itigil mo na ang kabaliwan kay Dark ah. Hindi na nakakatuwa..." "Kasi nakakasakit na," sabi ko na ngumuso pa. Hinila ako ng kaibigan ko patayo tila gustong-gusto akong sabunutan na. "Nako kung ganyang nagsisimula ka pa lang ay huminto ka na—" "Hindi ako hihinto hangga't kaya ko pa." Tinaasan ako ng kilay ni Tiara. "Kaya mo pa?" "Oo! Ngayon pang mas madali na para sa aking makalapit sa kanya." Umiling-iling si Tiara hindi mapaniwalaan ang pinagsasasabi ko. "Sinasabi ko sa 'yo, ibaling mo na lang sa iba 'yan." "Akala ko ba susuportahan mo 'ko?" Natahimik si Tiara at hindi nakasagot. Malalim na bumuntong-hininga at inaya na lang ako kumain sa canteen. "Tiara?" pagtawag pansin ko kay Tiara nang makapuwesto kami sa kakainan namin. "I-Iyong babae kanina, kilala ba nila Wade 'yon?" pabulong kong tanong sa kanya. Natigilan si Tiara sa pag-inom ng juice sa tanong ko. Umismid pero alam kong sasagutin niya rin ako. "Hindi. Sabi ni Wade, nakilala lang ni Dark 'yon sa bar." "Huh? Eh anong ginawa niya sa unit nila kung hindi nila kilala 'yon...ibig sabihin ba no'n hindi siya girlfriend ni Dark?!" Unti-unting nawawala ang kirot sa puso ko sa nalalaman. Patatawarin na kita Dark, hihihihihi! "Alam mo ikaw ilang taon ka na pero napakainosente mo pa rin!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tiara at napanguso. "Sagutin mo na lang kasi ako, hindi ba girlfriend 'yon ni Dark?" "Hindi nga! Pero 'wag kang magdiwang naka-score 'yon kay Dark, sissy." "Anong naka-score?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "My gosh! You know naka-score, like they had fun in...bed." Pabulong niyang sinabi sa akin ang huling salita na tila ba walang puwedeng makarinig no'n kung hindi kami lang. Mas lalo akong nalito sa sinabi niya. "Ano namang ginawa nila—" "Leighrah Claudine! Mygosh! I can't take you na ah! Ano pa bang ginagawa sa kama?!" "Matulog." Naihampas niya ang palad sa noo sa sinabi ko. "Really? Sleep? They're both drunk, a guy and a woman in bed? Seryoso ka ba?" "Oh, eh hindi ba ganoon 'yon," pagsimangot ko at pagalit na tinusok ang salad ko. Naiinis na nginuya. Hindi naman mapait ang kinakain ko pero nakakaramdam ako ng pait. "That girl, puwede naman siyang sa sofa matulog, why did she make tulog in Darks' room?!" Nakangangang minasdan ako ni Tiara tila hindi makapaniwala sa naririnig niya. "Sissy, you're smart but too innocent. Tell me, nakalimutan mo na ba ang tinuro sa'tin ni Miss Helga? Iyong way to make a baby?" nakangiwi niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Doon ko napagtanto ang ipinaparating sa akin ni Tiara na fun na ginawa ni Dark kasama iyong babae. "G-Ginawa nila 'yon? But why? Sabi mo hindi niya naman girlfriend 'yon?" Malalim na bumuntong-hininga si Tiara. "Claudi, modern era na, though hindi ko nilalahat it's kinda normal with two adults doing that thing even when they're not in a relationship—" "Walang normal do'n. Sacred iyong bagay na 'yon, sabi nila Mommy dapat ginagawa lang 'yon 'pag kasal na." Nawawalan ng gana na ininom ko na lang ang juice ko. "So, dahil nalaman mo nang ganyan pala ang lalaking ginugusto mo, siguro naman mawawala na 'yang feelings mo para sa kanya?" "Hindi ko alam, Tiara. Parang hindi yata," sabi ko na pinangingiliran na naman ng luha. "Why is it so easy to fall?" "And yet so hard to forget that feeling?" Tumango ako kay Tiara. Turn-off na dapat para sa akin ang nalaman ko tungkol kay Dark pero ewan ko ba parang hindi kayang tanggapin ng puso ko na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Bakit kasi sa dami-daming tao sa mundo, siya pa? "Hi!" Sabay kaming napatingin ni Tiara sa lalaking lumapit sa amin. Kumunot ang noo ko dahil ngiting-ngiti siya sa akin nakalitaw ang maputi at perpektong mga ngipin niya. He's chinito. Singkit ang mga mata, matangkad at maputi. Guwapo siya sa madaling salita. Pero mas guwapo pa rin si Dark... "Yes?" maarte ang boses na tanong ni Tiara sa lalaki nang iiwas ko ang tingin ko at uminom ng juice na naubos ko na pala pero ang salad ko ay hindi man lang nabawasan. "I'm Harvey, we're blockmates in Music." Ngumiti si Tiara at inabot ang kamay na inalok ni Harvey. "Tiara, she's Claudi..." turo sa akin ni Tiara nang hindi ako magsalita nang parehas silang tumingin sa akin. Kimi akong ngumiti at tinanggap ang kamay niyang inilahad sa akin. "So, anong maipaglilingkod namin?" "We're looking for new members for our Adams Music Club. Are you guys interested to join?" Sinulyapan ako ni Tiara na tila ako ang inaasahang magdedesisyon para sa aming dalawa. Nagkibit-balikat ako at nginiwian niya naman ako sa kawalan ng interes. I'm interested when it comes to music pero ngayon ewan ko ba wala ako sa hulog. "Well, if you're interested you can join our audition later. Sa may auditorium, I hope the two of you could join us. Pinabilib ninyo kami sa mga instrumentong kaya ninyong tugtugin." "May pa-audition pa?" "Yes. That's what Dark always wanted, marami kasing gustong sumali pero hindi naman talaga hilig ang musika. Sumasali lang dahil kay Dark—" "Dark Carter?!" Ikinagulat niya ang sigaw ko sa kanya. Marami ring nagtaasan ang kilay sa sinabi ko. Pero hindi ko sila pinansin, nakuha na ng lalaking nasa gilid ko ang atensyon ko. "Yes—" "Anong oras ang audition?!" "5 pm." Tila nanigas ako sa kinauupuan ko sa boses na narinig sa kaliwa ko. Paglingon ko ay ayon si Dark na nakatitig sa akin. Paanong hindi ko narinig ang pagdating niya?! Himala yata at walang mga nagsi-ingayang fans niya. Pumalatak siya nang ngitian ko siya nang matamis malayong-malayo sa pagmamaktol ko kaninang umaga. Tinalikuran niya ako at iiling-iling na iniwan kami. "So, sasali ba kayo? Para mailista ko kayo," nakangiting sabi ni Harvey. "May klase pa kami—" "Count me in!" pagputol ko sa sasabihin ni Tiara. Sinamaan ako ng tingin ni Tiara pero nginisian ko lang siya. Nginiwian niya ako tila hindi makapaniwala sa karupukan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD