#EmbracingDarknessCH7
Night Tyler
PAKIRAMDAM ko huminto ang puso ko sa biglang preno ng motor na kinasasakyan ko. Malabo ang paningin na idinilat ko ang mga mata ko.
"Tsk, papatayin mo ba ko?! You're embracing me tight, geez!" pabato niyang inalis ang braso kong nakapaikot sa bewang niya.
Nakasimangot na bumaba ako ng motor niya. Muntik pa akong matumba dahil hindi niya man lang ako inalalayan.
"So rude!" pagpadyak ko at pinagmasdan siyang naglalakad papasok sa isang bahay.
Wait—this is not just a bahay! This is a huge mansion!
Napanganga ako nang mailibot ang tingin sa kinaroroonan ko. Sa buong durasyon nang pagtakbo namin ay nakapikit ako kaya hindi ko nakita ang daan papunta rito.
Omg! Where are we?
Naniningkit ang matang sinilip ko ang malayong gate at ibinalik ang tingin sa kulay cream na bahay. I'm not that ignorant. We're also living in a mansion. But this place is like three times bigger our home. Sa labas pa lang ito, paano pa sa loob?
"Yah! Ano bang ginagawa mo riyan? Come in!"
Napanguso ako sa sigaw niya at padabog na sumunod sa kanya.
"Magandang hapon, shao ye!"
Napahinto ako sa bumukas na pinto at napanganga ako sa mga nakahilerang tao sa magkabilang gilid. Lahat sila ay nakayukod at tila walang nakita si Dark na nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Shao ye??? May iba siyang pangalan?
Para kong tuod na nanatiling nakatayo roon. Pinagmamasdan si Dark na pumapanhik sa grandiyosong hagdan.
"Maupo po muna kayo sa sala, Miss. Ihahanda po namin ang inyong meryenda."
Nabaling ang atensyon ko sa isang matandang lalaki na lumapit sa akin.
"Bumalik na kayo sa inyong mga trabaho," sabi niya at isa-isang nag-sialisan ang mga nakaunipormeng mga nahinuha kong tauhan nila Dark.
Iminuwestra niya ang kamay niya na tila sinasabi sa aking magpatuloy ako sa pagpasok. Tumango ako at naglakad papasok. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nagkalat ang iba't-ibang klase ng painting sa dingding. Marami rin akong nakitang vase na nahihinuha kong hindi biro ang presyo. Tumingala ako at nakita ang eleganteng ceiling ng tahanan.
Halos lumubog ako sa lambot ng sofa na kinauupuan ko. Makalipas lang ang ilang saglit ay may lumapit na maid. Nilapag niya ang platito ng cake at juice sa harap ko. Yumuko pa muna siya sa akin bago tuluyang umalis.
"Maiwan ko po muna kayo, Miss. Just call me if you need anything else."
"T-Thank you," sabi ko na lang hindi malaman kung saan nanggagaling ang hiyang nararamdaman ko.
I never feel so intimated in my life until today. Hindi ko maiwasang mahiwagahan kung sino ba talaga si Dark Carter Tiangco. Iilang impormasyon lang ang nabasa ko tungkol sa kanya sa internet. He's that private.
Malakas na boses mula sa taas ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"I brought her! She's downstairs. I just want you to hear it, Gege."
"Relax Didi, will you calm down? That conference meeting is important but you disturbed us."
Gege? Didi? Ano raw?
"There is nothing more important than this, Ge!"
Narinig ko ang yabag na malapit sa akin kaya agad akong tumayo at lumingon. Pinigilan ko ang pagnganga nang makita ang lalaking kasama ni Dark.
Omg! He's so handsome!
Kamukha ni Dark ang katabi niya pero halatang mas matanda siya kumpara kay Dark. Sumisigaw ng awtoridad ang buo niyang hitsura. He smiled when our eyes met. Pinamulahan ako at iniwas ang tingin sa kanya.
"Oh, you didn't tell me that she's beautiful, it's worth ditching that meeting, Di," nangingisi niyang saad sa katabi na agad sumimangot at sinamaan ako ng tingin.
Dinala niya ako rito para sungitan? Bad Dark! Hmp!
"Hi, Night Tyler Tiangco. Didi's older brother," sabi no'ng kasama niya na nakangiti pa rin sabay abot ng kamay sa akin na tinanggap ko.
"Didi?" tanong ko nang magbitiw ang kamay naming dalawa. "He is Didi?" pigil ang ngiting turo ko kay Dark na ayan na naman ang death glare sa akin.
Tumawa si Night. "Yeah, it means younger brother. I'm his Gege. We're half-chinese that's why we called each other that way."
Tumango-tango ako. "I see, cute naman."
"Tsk. Anong cute ro'n?" angil sa akin ni Didi.
"Hey! Ang sungit mo kay..." tiningnan ako ni Night at doon ko lang naalalang magpakilala.
"Leighrah Claudine Monteciara."
"Claudine, nice name. But I prefer Leighrah, it sounds beautiful just like you."
Hindi ko maiwasang pamulahan sa papuri niya. Inipit ko ang tumakas na buhok sa gilid ng tainga ko.
"Maglalandian na lang ba kayo sa harap ko?" nakakrus ang brasong asik ni Dark.
Tumawa si Night habang ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Naglalandian? Ang sakit niyang magsalita!
"Lead the way, Didi. Masyadong mainit ang ulo mo," nakangising saad ni Dark sa kapatid niya.
"Let's go, bago pa magbuga ng apoy 'yan."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang pumanhik kami sa taas.
"Music room," nakangising sagot niya sa akin.
Kumunot ang noo ko pero hindi na umimik pa. Pinapanood ko ang likod ni Dark at napangiti ako hindi makapaniwalang dinala niya ako sa bahay nila tapos pinakilala niya pa ako sa kapatid niya.
This is the start! I can't wait to enter this house as your girlfriend—
Napatigil ako sa pananaginip ng gising nang muntik akong matalisod sa huling baitang papanhik. Maagap na hinawakan ni Dark ang braso ko habang si Night ay nakaalalay sa likod ko.
"Clumsy."
"Careful."
Sabay nilang saad sa magkaibang paraan. Isang nagsusungit at isang naglalambing. Magkapatid sila pero magkaiba. Magkaibang-magkaiba.
"S-Sorry," nasabi ko na lang at umayos ng tayo.
Muli kaming nagpatuloy sa paglakad. Mas lalo kong napatunayan na sobrang laki ng lugar na ito nang lumipas na ang halos isang minuto ay hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin.
Huminto kami sa harap ng isang double door. Binuksan 'yon ni Dark at ayon na naman ang pagkamangha ko nang bumungad sa akin ang isang malawak na kuwarto na naglalaman ng iba't-ibang klase ng instrumento. Hindi ko na hinintay ang papasukin nila ako at nanguna ako sa pagpasok.
My mouth formed a big O as I saw a big shelves na naglalaman ng mga musical sheets at sa spine ng mga libro ay natukoy kong tungkol sa musika ang mga librong iyon. Meron ding mga vintage CD's. May glass na nakaharang doon kaya kahit gusto kong mahawakan iyon ay nakuntento na lang ako na pagmasdan 'yon.
"You love music, aren't you?" tanong ni Night.
Walang tingin na tumango-tango ako at iginala ang paningin sa paligid. I have my own music room but it's not this big at hindi mala-vintage ang theme. Pansin kong antigo ang ibang instrument na naririto. Lalapit na sana ako sa Gramophone nang may humila sa braso ko.
"I didn't bring you here to be like this!"
Bago pa 'ko makapagprotesta ay hinila ako ni Dark sa harap ng grand piano.
"Sit," walang kangiti-ngiti niyang turo sa upuan. Parang aso naman na sinunod ko siya.
"Play it."
"Huh?"
"That piece you played sa school. Play it."
Kumunot ang noo ko pero sinunod ko siya at inangat ang fall board ng piano. Ipinosisyon ko ang kamay ko sa keys pero hindi ko magawang maumpisahan dahil naiilang ako sa nag-aabang na tingin ng magkapatid.
"What are you waiting for?! Play it—"
"Hey! Stop shouting at her, will you?" seryoso na ang boses na saad ni Night sa kapatid. "Now, apologize first, you're being rude, Dark Carter!"
"Gege!"
Isang matalim na tingin ang itinuon niya kay Dark at napalunok ako nang tila makaramdam ng panlalamig sa tinging iyon. Nakayukong bumaling sa akin si Dark.
"S-Sorry. Will you play that piece? Please, Claudine..."
My heart started beating fast. Tila isang sirang plaka na paulit-ulit kong narinig ang boses niya sa isip ko na tinawag ang pangalan ko sa kauna-unahang pagkakataon.
Tumikhim si Night at doon ko namalayang napatagal na pala ang titig namin ni Dark sa isa't-isa. Iniwas ko ang tingin ko at pumikit bago inumpisahan ang pagtugtog.
Black Rose—it was a piano piece na narinig kong tugtugin ng isang babae sa isang resort na pinuntahan namin nila Daddy sa Palawan. Nakuha noon ang atensyon ko. There was something about the piece, sa una ay kalmado ang paraan sa pagtugtog pero papunta sa dulo ay tila mahihigit mo ang hininga mo sa emosyong mararamdaman mo habang papatapos ang piyesa. May emosyong ginigising sa akin 'yon. Emosyong hindi ko mapangalanan. I asked the woman what's the title and she told me it's Black Rose.
It means death. A farewell. Masyadong malungkot ang tema pero sadyang nagustuhan ko kaya pinag-aralan kong tugtugin kahit hindi ko nahanap ang music chords no'n. There's just something about it that attracts me.
Dumilat ako kasabay nang huli kong tipa sa piano. Lumipas ang segundo na wala akong narinig mula kina Dark at Night kaya bumaling ako sa kanila para mapatda sa pamumula ng mga mata ni Dark. Habang ang palaging nakangiti na si Night ay walang ekspresyon ang mukha. Kuyom ang kamao at kita ko ang pagtatagis ng bagang.
"M-May problema ba?"
"What's the title?" tanong sa akin ni Night.
"Black rose."
Ngumiti siya pero hindi iyon katulad ng ngiti niya kanina. Walang mababanaag na saya roon.
"Where did you learn it?"
"I learn it by myself. Narinig kong tinugtog 'yon ng isang babae sa resort na pinagbakasyunan namin. I find it beautiful and challenging so I learned it."
"You're a genius."
May paghanga akong nabadha sa mga mata ni Night nang sabihin niya iyon.
"Do you remember the face of the woman you saw?" tanong sa akin ni Dark.
"Well..." ibinitin ko ang sasabihin ko at inalala ang mukha ng babae sa isip ko. Ang mga mata ko ay tumutok sa mga mata ni Dark at napasinghap ako nang maalala kung saan ko unang nakita ang mga matang meron si Dark.
"You have the same eyes."
"W-Who?"
"That woman, parehas kayo ng mga mata."
Ngumiti si Dark sa akin sa kauna-unahang beses. Isang totoong ngiti na hindi ko pa nakita sa kanya. Ilang segundo lang ang pagngiti niyang iyon but I felt like he took my breath away.
"She's alive, Ge. Mama is alive!" bulalas niya sa kapatid na hindi ko na ikinagulat nang mapagtantong ang ina niya ang babaeng nakilala ko ng gabing iyon sa resort.
Alive? What does he mean by that?