Black rose
"Ano sa tingin mong ipapabili kong gown kay Mommy? Balenciaga? Gucci? LV? How about shoes? May bagong launch daw ang Prada—Leighrah Claudine!"
"What?!" gulat kong binalingan si Tiara mula sa pagtingin ng playlist ko sa cellphone. Taas na taas ang kilay niya habang nakakrus ang mga braso. Tiim na tiim ang labi at halata ang pagkainis sa akin.
Kasalukuyan naming hinihintay ang lecturer pero siya ay busy kakatanong kung anong isusuot niya sa gaganaping acquaintance party next month. Gusto ko mang makisabay sa excitement niya ay mas gusto kong pag-ukulan ng pansin ang playlist ko para makahanap ng kakantahin ko mamaya sa audition.
"Hindi ka ba excited? This will be our first acquaintance party as a college student, Claudi!" she exclaimed while shaking my arms.
Sinilip niya ang cellphone ko at nang makita niya ang pinagkakaabalahan ko ay sumimangot siya.
"Are you really serious na mag-a-audition ka later? May klase pa tayo ng 5!"
"Minor subject lang naman 'yon Tiara, sumali ka na rin please! Saka isa pa, narinig mo naman ang sinabi no'ng orientation. Mandatory ang pagsali sa mga orgs dito sa Adams." Pagkumbinsi ko sa kanya at inalog-alog ko pa ang braso niya.
Bago ko marinig ang sagot niya ay dumating na ang lecturer namin. Sa buong durasyon ng klase ay sinusulyapan ko siya gamit ang puppy eyes ko. Iyong tingin na hindi kailanman natanggihan ng Daddy ko maging ng masungit kong kakambal.
Kaya naman sobrang lawak ng ngiti ko nang matapos ang klase at tinanong niya ako kung anong kakantahin niya para sa audition. Patungo na kami sa auditorium nang may humarang sa amin na dalawang lalaki.
Parehas na guwapo at halatang may mga sinasabi sa buhay. Pero ang atensyon ko ay nasa relo ko. Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang audition! I don't wanna be late!
"Hi, I'm Tristan," sabi no'ng lalaki na matangkad at todo ngiti sa akin. When I say, matangkad, he's like six feet and one or two.
Too tall for me.
"Jake," nakangiti namang saad nung lalaki na kasama niya kay Tiara na naka-shades pa kahit wala namang araw na.
Mygad!
"Tiara," pagpapakilala ni Tiara na hindi uso ang magsungit sa guwapong lalaki. Siniko niya pa ako kaya napilitan akong sabihin ang pangalan ko.
"Ah, may date na ba kayo for the upcoming acquaintance?" tanong no'ng Tristan.
Agad akong napasulyap sa relo ko at napangiwi nang makita ang pagpatak ng alas-singko.
"Yes, I already have a date. Meron na ring date itong kaibigan ko, so excuse us please." Agad kong hinila si Tiara na balak pang umapela pero hinigpitan ko ang kapit sa pulsuhan niya at binitbit siya.
Walang lingon-lingon na binilisan ko ang lakad patungo sa auditorium.
"May date ka na?! Saka when pa ako nagka-date?!"
Huminga ako nang malalim nang huminto kami sa auditorium. "Hindi ba si Wade ang date mo? Yayain mo siya tapos si Dark naman ang yayayain ko." Nangangarap kong saad sa kanya kahit alam kong suntok sa buwan na mangyari 'yon.
"Claudi naman—"
"Mamaya na natin pag-usapan 'to sissy, we're two minutes late!"
Hindi ko na hinintay na umarangkada ang bibig niya at pumasok kami sa auditorium. Luckily, maliwanag ang lugar kung hindi ay nadapa pa ako.
Bawas poise.
Agad na lumapit sa amin si Harvey at inabot ang application form. Inilibot ko ang paningin sa paligid at ikinagulat ko nang makitang halos mapuno ang auditorium.
"OMG, why so dami? Matatapos ba 'to ngayong araw, Harvey?" tanong ko sa lalaki na tinawanan ako.
"Hindi lahat ay mag-a-audition Leighrah, nasa 23 lang kayong participants."
"Huhulaan ko, fans 'yan ng Paradox, o baka ni Dark." sabi ni Tiara na busy na sa pagfill-up sa application form.
Ginaya ko na rin siya habang napapanguso. Nang matapos ay pinapuwesto kami sa harap na mga upuan.
Sinulyapan ko si Dark na ilang dipa ang layo sa akin. Nakasandal sa kinauupuan at nakapikit. Katulad kanina ay mag-isa lang din siya, wala ang mga kabanda niya. Wala siyang katabi na tila ba walang puwedeng magtangkang dumikit sa kanya.
Gusto kong ilabas ang cellphone ko at gayahin ang mangilan-ngilang babae na kinukuhanan siya ng picture. His eyes squinted from the flashes. Iminulat niya ang mga mata niya at naiinis na binalingan ang mga kumukuha ng pictures sa kanya.
"Are you going to sing?" bulong sa akin ni Tiara. Umiling ako at nginuso ang grand piano.
"Hindi ka kakanta?"
"I prefer to play the piano."
"You should let them hear your voice; what piece are you going to play?"
"Black rose."
Kumunot ang noo niya. Hindi alam kung anong piano piece ang tinutukoy ko.
Nag-umpisa na ang audition at naaliw akong panoorin ang mga nag-audition. Hanggang sa ang pangalan ko na ang tinawag. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko lalo na nang magtagpo ang tingin namin ni Dark.
Sanay na akong mag-perform sa stage. Ilang contest na rin ang sinalihan ko, ang iba pa nga ay outside the country. Kinakabahan ako pero madali ko iyong nalalabanan once I put my fingers on the piano keys. Pero hindi ko alam kung bakit kahit na nandoon na ang mga kamay ko ay hindi mawala ang malakas na tahip ng puso ko.
Isang sulyap muli kay Dark at pumikit ako. Hinayaang lamunin ng musika ang kamalayan ko. I played Black rose—isang piano piece na hindi kailanman nawala sa isip ko simula nang una kong marinig.
Nasa kalagitnaan ako nang pagtugtog ng may marahas na humila sa akin papatayo.
"Dark..." nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. Mahigpit ang kapit niya sa braso ko.
"Where d-did you learn that?!" mariing tanong niya sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mga mata niya.
Lumakas ang bulungan sa paligid. Napapikit pa ako sa mga kumislap na ilaw na nakakasiguro akong kagagawan ng camera nang mga nanonood. Muli kong sinulyapan si Dark pero ibinaba niya ang kamay sa pulsuhan ko at hinila ako paalis sa auditorium.
"S-Saan tayo pupunta?" hinihingal ko ng tanong sa kanya sa bilis ng lakad niya. Pero hindi siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Tinanaw ko ang kotse kong nalampasan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang dumiretso kami sa isang malaking motor. Binitiwan niya ako at inabot sa akin ang nakasabit na helmet do'n.
"W-What am I going to do with that?"
"Wear it!"
Napapitlag ako sa sigaw niya at napapikit. "H-Hindi ako sumasakay sa motor!"
"Well, consider this as your first time. Hurry up!"
Pinadyak ko ang paa ko. "I'm wearing a skirt!"
Tila napipikon niyang minasdan ang palda kong umabot sa kalahati ng hita ko. Marahas niyang hinubad ang jacket niya at ikinagulat ko nang itali niya iyon sa bewang ko paharap.
"Are you satisfied now?!"
"Why ba you always shout?!" ganting sigaw ko na rin sa kanya.
Pero umangil lang siya at sumakay na sa motor. Hindi ko malaman kung paano sasakay kaya nagrebolusyon na siya't lahat ay para pa rin akong tuod na nakatayo sa gilid niya.
"Sasakay ka ba o hindi?!"
"I don't know how!"
Ayon na naman ang pag-angil niya. Bumaba siya at inalalayan akong sumakay. Ngumuso ako nang mabilis niyang bitiwan ang kamay ko. Tila diring-diri siya roon. Pakiramdam ko sasakit din ang ulo ko nang walang kaingat-ingat niyang isinuot ang helmet sa akin. Animo papel na napakagaan niya akong nabuhat at nailagay sa likod.
Nang makasakay na siya ay napangiti ako. Kahit saan niya pa ako dalhin ay ayos lang. Naguguluhan man sa aksyon niya ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay ga-dangkal na lang ang pagitan namin sa isa't-isa.
Pero naglaho ang ngiting iyon nang mabilis na umandar ang motor. Isang malakas na tili ang kumawala sa akin at mabilis kong ipinaikot ang braso ko sa bewang niya. Palakas nang palakas ang kabog ng puso ko pero nakasisiguro akong hindi 'yon dahil sa kaba sa mabilis niyang pagpapatakbo. Dahil iyon sa yakap-yakap ko siya.
OMG! Am I dreaming? Is this really happening?