Chapter 8

1519 Words
#EmbracingDarknessCH8 Want IT'S a child-like smile. That's what I'm seeing right now in Darks' face. Hindi ko rin tuloy magawang mapigilang mapangiti. "Don't keep your hopes up, Didi," sabi ni Night na siyang nakapagpaalis ng ngiting iyon sa labi ni Dark. I wonder what they're talking about? Ano kayang nangyari sa Mommy nila? "Ge, she said it, we have the same eyes. Siya 'yon nararamdaman ko, saka isa pa walang ibang nakakaalam ng piyesa na 'yan maliban sa kanya," mariing saad ni Dark. "I know, kung siya nga iyon, what are the odds that she's still there?" Natahimik si Dark at kuyom ang kamaong napayuko. Napalunok ako nang lingunin ako ng magkapatid makalipas ang nakabibinging katahimikan. "Can you tell us where is that place?" tanong sa akin ni Dark. Tumango ako at magsasalita na sana nang tumikhim si Night. "Before you answer Didi's question. Tell us what you want in return." Napatanga ako sa sinabi ni Night. "Gusto kong kapalit? H-Hindi na kailangan—" "I insist. Walang pabor na ibinibigay sa Tiangco na walang kapalit. That's our family's rule, Claudine," nakangiti niyang saad pero nasa mga mata ang kaseryosohan. "Just tell us what you want," sambit ni Dark na mukhang gusto pa akong alugin para lang magsalita. Tinitigan ko siya. Mula sa buhok niyang bagama't magulo ay hindi nakabawas sa kaguwapuhan niya. Pababa sa mga mata niyang kulay brown at malalim kung tumingin. Matangos na ilong. Labi na mamula-mula at malambot. I want you... "What?!" Nanlaki ang mga mata ko sa singhal ni Dark at sa malakas na pagtawa ni Night. Napanganga ako at natakpan ang bibig ko napagtantong hindi ko sa isip nasabi ang mga salitang 'yon. "M-May sinabi ba ako?" nauutal kong tanong sa kanila kahit na alam ko na ang sagot. Tumigil sa pagtawa si Night pero hindi na nawala ang masayang ngiti sa labi niya habang ang kapatid niya ay napapailing habang nakatingin sa akin. "You said you want my brother—" "H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," pagputol ko sa kahihiyang sinasabi ni Night. Liar! Tumaas ang kilay ni Night at matiim akong pinagmasdan ni Dark pero agad kong iniwas ang tingin sa kanya, mas pinili kong salubungin ang nanunudyong tingin ni Night. "I-I mean, I want him..." Isip-isip! "...to be my date in our a-acquaintance party!" halos mabulol kong pagpapatuloy. Napapikit ako sa kahihiyan. This is so nakakahiya! I asked him to be my date in front of his older brother?! Really? Kung nandito lang ang Daddy ay baka hinila ako no'n at kinulong sa kuwarto ko... Dumilat ako at nagtagpo ang tingin namin ni Dark. "Fine. But I won't be able to pick you up—" "You're his date. Saan ka nakakita ng date na hindi sinusundo ang kaparehas niya?" "Gege! For sure, we'll be the guest performer for that night. I have to be there early—" "You don't have to. Kaya na nila Rex, na sila ang mauna." "What about the rumors that will stir up—" "Kailan ka pa natakot sa rumors and scandals, Didi? If that's what you're worrying then I'll make sure na walang lalabas na balita tungkol sa inyong dalawa." OMG! I so love you na my future brother-in-law! Hindi na nagsalita si Dark tanda na sumuko na siya sa pakikipag-argumento sa kapatid niya. Binalingan niya ako at ayon ang madilim niyang tingin. Pinigilan kong mapanguso nang makitang napipilitan lang siyang sundin ang kahilingan ko. "Now, tell us where is that place," naiinip niyang utos sa akin. "Sa Palawan." "Exact place—" "Why don't you go with him?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Night gayundin si Dark. "Gege? What do you mean? Go with me? Are you kidding me?!" Humalukipkip si Night at hinimas ang baba niya habang tinataas ang kilay. "You can't go there alone, Dark. You know him, gusto mo bang malaman niya na hanggang ngayon hindi ka pa rin humihinto? You can let this lady join you, isama mo na rin ang mga kabanda mo. Walang pagdududang makukuha ka mula sa kanya. Iisipin niya lang isang simpleng bakasyon ang ipupunta mo ro'n." Nalilito ko sa sinasabi ni Night. Sino ang tinutukoy niya? Ano bang meron sa pamilya nila? "I can go there with my band members. No need for her to go." Turo sa akin ni Dark. "She knows the place. Mas maiging masamahan niya kayo." "Kaya kong mahanap ang lugar na 'yon nang walang tulong niya, Ge! A vacation with her will stir up rumors—" "Sinabi ko na sa 'yong wala kang dapat alalahanin pa tungkol diyan. Dinala mo nga siya rito, pinasakay mo sa motor mo. Sa dami nang nakasunod sa 'yo, sa tingin mo walang kumuha ng mga larawan ninyo? You already started the rumors, Didi." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nag-umpisa akong kabahan sa takot na baka makarating sa ama ko 'yon. Hindi puwede! As if on cue, tumunog ang cellphone sa bulsa ko at ayon na naman ang ringtone na hindi ko pa rin pinapalitan. Pero hindi na iyon ang nasa isip ko nang makita kung sino ang tumatawag. Pakiramdam ko nawalan ng kulay ang mukha ko habang pinagmamasdan ang cellphone ko. Daddy... "OMG!" singhap ko na napapikit pa. "May problema ba, Claudine?" "W-Wala, I'll just answer this." Hindi ko na hinintay ang tugon nila at tumatakbong lumabas ako. Pumikit ako nang mariin nang idikit ko sa tenga ko ang cellphone ko matapos ko iyong sagutin. "Where are you?" Walang lambing sa boses. Wala ang nakasanayang bungad na Hello Princess... I'm so doomed. "D-Dad, nasa condo po—" "Leighrah Claudine! You're not there. Nandito rin ang kotse mo sa school mo. Where are you?!" "D-Dad, don't be angry! I'll go home tonight, doon na po tayo mag-usap—" "Siguraduhin mong mauuna ka sa bahay, Claudine. We need to talk!" Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin nang maibaba ko ang cellphone ko. My father is mad. What to do?! "Claudine?" Napalingon ako sa bumukas na pinto at pilit ang ngiting ibinigay ko kay Night. "I-I need to go home," sabi ko na ramdam ang malakas pa rin na kabog ng puso ko. "Is that so? Bakit hindi ka muna mag-dinner?" Umiling agad ako. "M-My dad is waiting for me," nautal ko pang sagot sa kanya. "Let's go then," saad ni Dark at tinalikuran na kaming dalawa. Ngumiti si Night sa akin. "Follow him, pasensya na at may meeting pa ako. Hindi na kita maihahatid sa labas. By the way, you can bring your friends to Palawan. I'll cover their travel and accommodation fees." "Huh? Pero hindi na po pumayag si Dark saka isa pa baka—" "Hurry up!" sigaw ni Dark na nasa hagdan na kaya hindi ko na tinapos ang sasabihin ko at nagpapaumanhin ang tingin na tinalikuran ko si Night. Paglabas namin ay bumungad sa akin ang itim na Prado. "Get in." Mabilis ang hakbang na umikot si Dark sa drivers' seat. Pero nang bubuksan ko ang front seat ay nakasara iyon. Kinatok ko ang bintana, bumukas iyon at tinuro ni Dark ang back seat. "Doon ka," sabi niya na agad kong inilingan. "I can't go there!" Kumunot ang noo niya. "What?! Look, I'm not comfortable—" "I said I can't seat there not without someone! Hindi ako nauupo sa backseat nang walang kasama!" sigaw ko sa kanya. Nang hindi siya pa rin magsalita ay kinuha ko ang cellphone ko. "What are you doing?!" "If you won't let me seat in your precious front seat then I'm going to call someone to pick me up—" "Damn it!" sigaw niya at bumukas na ang front seat. Nanginginig ang tuhod na pumanhik ako ro'n. Padaskol niyang pinaandar ang kotse niya hindi ko pa man tuluyang naikakabit ang seatbelt. "Such a brat!" bulong niya. Yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko. "I'm sorry...I can give everything you want. I'll do whatever you want me to do. But not this, I can't go there...alone." Pumikit ako at sumandal. Naramdaman ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Agad kong pinahid 'yon at huminga nang malalim. Sitting there would remind me of those bad memories. Isang alaalang lumipas man ang mahabang taon ay hindi kailanman nawala sa isipan ko. Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa condo. Walang sali-salitang inalis ko ang seat belt ko at bumaba. "T-Thanks—" "When is the acquaintance party?" "Next week Friday." Tumango-tango siya. "Then we'll go in Palawan, Saturday morning. Don't bother na mag-book ng tickets pa. Ako nang bahala roon." Napanganga ako nang isara niya ang pinto ng kotse niya. Kahit nang sumibad siya paalis ay parang sirang plaka na bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya. Pero teka hindi naman ako pumayag na sasamahan ko siya ah? Saka malabong payagan ako ni Daddy... Tumunog ang cellphone ko at nang maalala ang dahilan nang pagmamadali ko kanina ay dali-dali kong tinawagan si Tiara para magpahatid sa kanya sa bahay namin dahil naiwan ko ang kotse ko sa school. Darn. Lagot na talaga ako sa Daddy ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD