#EmbracingDarknessCH14
Acquaintance Part Two
"Okay ka na ba, Claudine?" untag sa akin ni Rex mula sa harapan nang magsimula siyang magmaneho.
Tumango ako at walang buhay na sinamyo ang bulaklak na hawak ko. Hindi pa rin mapigilan ang pagtulis ng nguso sa inis sa lalaking date ko na busy pa rin sa paglalaro sa cellphone niya.
"You got us really worried when you passed out, Dark almost ran without his shoes—"
"Shut up, Rex and focus on driving."
Bumungisngis si Tiara na nasa likod ko na ikipinagtaka ko kaya ko siya nilingon para lang makitang busy rin siya sa cellphone niya at nang sulyapan ko si Wade ay ganoon din ang huli.
Halos magkatabi na nga sila magka-chat pa.
How about me?
Sinulyapan ko si Dark na binitiwan na ang cellphone niya pero hayun at nakapikit habang magkakrus ang mga kamay.
"So, you have a performance tonight?"
Almost a week ago, when Vlad introduced me as an official member sa AMC siyempre natanggap din si Tiara. Bata pa lang ako sanay na akong -mag-perform sa harap ng stage. Hindi uso ang hiya at takot sa akin pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba nang sa ilang baguhang miyembro sa AMC ay ang pangalan ko ang nabunot para sa magtatanghal sa acquaintance.
"Yup, kinda nervous," saad kong binuntutan nang hilaw na pagtawa.
"Don't be. You have an amazing voice," ani Rex na ikipinagtaka ko dahil sa tono nang pagsasalita niya ay tila ba narinig niya na ang boses ko.
Napasulyap ako kay Dark nang tumikhim siya pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata.
"So, Rex, why don't you tell us kelan mo narinig ang boses ni Claudi?"
"Thru a video, Dark—"
"Did you prepare your things for tomorrow? We'll leave exactly 4 in the morning," pagputol ni Dark kay Rex na tumawa at umiling-iling.
Nawala siya sa isip ko at mabilis na parang batang tumango kay Dark. "I'm prepared—"
"Good," aniyang pinutol din ang sasabihin ko.
Napanguso ako. Dark has a habit of cutting people off talking.
"So, talagang tuloy na tuloy pala talaga kayo bukas?" tanong ni Rex na ikipinagtaka ko.
"Aren't you guys going din?"
"We have a photoshoot by tomorrow, supposed to be kasama si Dark do'n but he'll do it by next week. Sayang vacation na sana—"
"Hindi bakasyon ang ipupunta namin doon."
Again, putol naman ni Dark kay Wade. Matapos ang usaping iyon ay napuno na ng katahimikan ang van hanggang sa makarating kami sa university.
Naunang bumaba si Wade at inalalayan sa pagbaba si Tiara.
"What are you waiting for?" untag sa akin ni Dark nang hindi ako bumaba.
"Aren't you going to help me na bumaba?"
Umismid siya pero bumaba rin na ikinangiti ko. Lalo pa nang ilahad niya ang palad sa harap ko. Ngiting-ngiti kong inabot iyon at bumaba ng sasakyan.
Aalisin niya na sana ang kamay niya nang mahigpit kong hawakan iyon.
"What are you doing?" tangkang paghila niya sa kamay niya mula sa akin.
"You're my date, right?"
Umiling-iling siya at sinamaan ako nang tingin bago inalis ang palad ko sa palad niya. Ngunguso na sana ako nang ilipat niya ang kamay ko sa braso niya.
I feel like I am in the movie as we walk together to our acquaintance party. Ni hindi ko na nga pinansin ang mga matang nakatingin sa amin. Ang bulungan na hindi bulong na matatawag dahil naririnig ko naman. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon kung hindi ang lalaking inaabrisetehan ko.
Sa unahang table kami nagtungo. Walang ekspresyon na kumawala siya sa pagkakapit ko at naunang maupo hindi alintana ang kislap ng mga cellphone na hindi matigil ang pagkuha ng larawan sa kanya.
"Claudi, punta muna tayo sa table nila Des. Let's take some groupie!" akag sa akin ni Tiara. Ni hindi ko na nga magawang makatanggi dahil hinila niya ako patayo at halos kaladkarin ako.
"Those bitches, did you see their eyes? They're shooting lasers to us. Like it's our fault na kasama natin ang Paradox?" bulong niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa table nila Des.
Tinawanan ko lang si Tiara sa pagmamaldita niya at kinawayan sila Des na ngising-ngisi sa akin.
"We thought nalimot na ninyo kami dahil sa new circle of friends you guys have na," salubong sa amin ni Des na sinegundahan naman ng iba pa naming mga kaibigan.
"So, how does it feel like to be the talk of the town, girls?" ani Gem matapos kong isa-isang bumeso sa kanila.
Tiara rolled her eyes. "It's irritating, you know, iyong mga mata nilang kung makaikot sa tuwing dumadaan kami ni Claudi. Like it's our fault na na-notice kami ng mga idolo nila."
Nagtawanan sila Des at mas lalong tinukso kaming dalawa ni Tiara. We spent the next minutes taking photos. Kinailangan lang naming bumalik sa table sa unahan nang mag-umpisa ang party.
I'm not really a fan of parties. It's not like I hate it, it's just I don't like it. Mabilis akong ma-bore, I prefer to be in my music room making music. But not tonight, kahit na walang katapusang speech ang naganap mula sa dean namin, I wasn't bored. Maybe because ang atensyon ko ay nasa lalaking katabi ko na hindi kailanman sumulyap sa akin.
He's still busy with his cellphone.
Inurong ko ang plate ko na naglalaman ng pastries na sinerve sa amin nang makita kong naubos na ni Dark ang sa kanya. Saglit niya akong sinulyapan at inakala kong iuurong niya pabalik sa akin ang binigay ko pero kumuha siya roon at walang kibong kinain.
Hindi mabura ang ngiti ko. Another fact about Dark Carter, he loves sweets.
He should love me then, I'm sweet din kaya...
Tumayo ako nang makaramdam na kailangan kong mag-cr.
"San ka pupunta? Next ka na riyan!" ani Tiara sa akin na pinigilan ako.
"Restroom, I need to pee," bulong ko sa kanya. Tatayo na rin sana siya nang pigilan ko siya.
"I can manage, dito ka na lang."
Tumango siya at sinenyas ang relo niya. "Five minutes."
Nagtaka ako nang tumayo rin si Dark. "You coming with me?"
Kumunot ang noo niya at inilingan ako sabay naunang alis. Kahit na nauna siya at hirap man sa taas ng takong ng suot ko ay sinabayan ko siya ng lakad hanggang sa makarating kami sa restroom.
"Dark!" tawag ko sa kanya bago siya makapasok sa boys' restroom. Hindi siya lumingon pero huminto siya.
"Wait for me? Sabay na tayo bumalik—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maglakad na siya papasok.
So sungit...
After I'm done with my business, tumayo ako para lang magulat at makaramdam ng takot nang mamatay ang ilaw sa restroom.
I can't see anything...
Lumalakas ang kabog ng puso ko habang kinakapa ko ang lock ng cubicle na kinaroroonan ko. Nang makapa ko iyon ay nanlamig ako nang hindi iyon bumukas anumang tulak ang gawin ko.
"M-May tao ba riyan?" nanginginig kong sigaw pero mga bungisngisan lang ang narinig ko.
"Do it, Lyka!"
"Faster!"
Bago ko pa mahulaan kung anong pinaguusapan nila ay napatili ako nang may bumuhos na kung ano sa akin mula sa ituktok ng cubicle. Halos masuka ako sa sama ng amoy no'n.
"Take that, b***h! Feelingera!"
Nanghihinang napaupo ako habang hindi na napigilan ang pag-iyak. I didn't even bother na sigawan sila nang marinig ko ang pag-alis nila leaving me alone drenched and scared of the dark.
Inakala kong mabubulok na ako sa banyo nang makarinig nang pagkalabog mula sa labas.
May sumibol na pag-asa sa puso ko nang lumiwanag kaya nanginginig man ang tuhod ko ay kinalampag ko ang cubicle na kinaroroonan ko. Wala pang segundo nang bumukas iyon at magsalubong ang tingin namin ni Dark na tila mas lalong dumilim ang mga mata nang mabistahan ako.
"D-Dark," nanginginig kong tawag sa kanya.
"Damn them!" sigaw niya sabay hubad sa jacket na suot. Tangka siyang lalapit nang umurong ako.
I smell so bad.
I feel so ashamed.
Pero hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako palapit sa kanya.
"Why are you always in trouble every time you're with me?" aniyang pinupunasan ng panyo ang mukha kong basa na pinaghalo ng luha ko at mabahong ibinuhos sa akin.
Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil na bumunghalit ng iyak sa inis sa nangyari ngayong gabi.
This isn't the night that I imagined!
"Crybaby..." bulong niya na pinunasan ang pisngi ko. "Anong gusto mong gawin ko sa kanila?"
Napalunok ako nang makaramdam nang kakaiba sa boses na ginamit niya. It sounds dangerous. Like he's capable of doing something bad.
TBC