#EmbracingDarknessCH13
Acquaintance Part One
"Mygosh, Leighrah Claudine! You're so nakakainggit! How could you be this pretty?"
Natawa ako sa pagiging eksaherada ni Tiara, kung makapagsalita ay akala mo hindi rin katulad kong diyosa. Napabungisngis ako sa naisip at pinagmasdan sa full-body mirror ang ayos ko ngayong gabi.
I'm wearing a black chanel evening gown na muntik ko pang hindi maisuot dahil sa hindi nagustuhan ng ama ko ang tabas ng napili ko. May kalaliman ang hukab sa dibdib at higit sa lahat backless ito. I'm showing too much skin according to my father pero kumalma na rin ito nang sabihin kong pa-partneran ko ang gown ng blazer.
The evening gown that I'm wearing caught my attention, it's not that extravagant kind of gown which I don't like. It's simple and comfortable. But more importantly, I feel so gorgeous wearing it.
For this night, mas pinili namin ni Tiara na ayusan ang isa't-isa kaysa gumaya kina Des na kumuha pa talaga ng stylist at make-up artist. Tiara and I doesn't like those things. I hate it also when someone not close with me makes pakealam with my face and body.
Enjoy the night princess but no alcohol and lady, when the clock strikes at twelve, go home...
Natawa ako sa mensahe sa akin ng ama ko.
Dad, what am I? Cinderella? But rest assured, I'll go home before 12. Enjoy your vacation with Mommy!
Wala pang ilang minuto ay agad na nagreply si Daddy.
I will, are you sure you won't go home tomorrow?
Napakagat-labi ako at nanalangin na patawarin ako ni Papa God sa kasinungalingan ko.
Dad, may importanteng project kami 'eh, kaya naman na nila Tita Riane at Tito Thunder ang tatlo kong kapatid, but I'll visit them Sunday evening!
Inilagay ko na sa purse ko ang cellphone ko at hindi ko hinintay pa ang reply ng ama ko. Napabuntong-hininga ako hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat na nataon na may paris trip sila Mommy at Daddy for one week. They plan it last year pero ngayon lang natuloy dahil sa naging sakit ni Mommy. Ang mga kapatid ko ay kasalukuyang nasa poder ng kapatid ni Daddy at asawa ni Tito Thunder.
"Alam mo Claudine, yari ka talaga kay Tito Cloud 'pag nakarating 'to sa kanya? Are you really sure about this?" tanong sa akin ni Tiara habang pinagmamasdan ang de-gulong kong travellers bag na noong isang araw ko pa naayos kahit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig kay Dark.
Matapos ang gabing 'yon sa hospital ay hindi ko na siya nakita. Ilang araw na silang hindi pumapasok sa school dahil ayon kay Tiara ay pinagkakaabalahan nila ang album na ire-release nila two months from now.
"I want to help him saka isa pa, this is my chance," tugon ko sa kanya. "Saka, don't talk nga as if you don't like coming with me, makakasama mo rin naman si Wade!"
Iniwas ni Tiara ang tingin sa akin at isinuot ang prada niyang sapatos. Napangisi ako nang makita ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. Kinuha ko ang necklace na ipinamana sa akin ni Mommy. Dad gave it to her almost 14 years ago.
"Ano ba talaga kayo ni Wade?" tanong ko kay Tiara.
"We're friends—"
"Friends na nag-ki-kiss?"
Namula si Tiara at natawa ako nang maalala kung paano ko silang nahuli na naghahalikan when I returned to our unit couple of days ago.
"Hindi p-porke't nag-kiss na kami ayon na 'yon. We're just enjoying each other's company, nothing serious."
"Walang label? You're kissing but that's just it?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
Mapait siyang ngumiti at tumayo matapos hawiin ang nakaladlad niyang buhok. Litaw na litaw ang kagandahan ni Tiara sa suot-suot na emerald bodice gown. Kung naimbyerna ang Daddy ko sa gown ko baka hindi niya na ako pinapunta sa party kung iyong kay Tiara na may pagkahabang slit ang sinuot ko.
"It's better this way, Claudi. The more I have that label, mas maghahangad ako. Mas magde-demand ako and I'll end up like a crazy heartbroken girl, again."
Malungkot akong ngumiti sa sinabi ni Tiara at hindi na nakakibo. Ganoon ba talaga 'yon? Will I ask for more? Ngayon pa ngang walang label ay naghahangad na ako nang mas higit kahit na ilang beses sa aking inulit ni Dark na hindi niya ako magugustuhan.
"What? You're there? We're okay, kami na lang pupunta—fine, baba na kami."
Napatingin ako kay Tiara na parang tangang nangingiti sa cellphone niyang kababa niya lang.
"What?"
"Nasa baba ang paradox. Sumabay na raw tayo sa kanila, huli pa naman pala ang performance nila ngayong gabi," sabi ni Tiara na may pagmamadali nang kinuha ang purse niya.
"I thought may photoshoot sila kaya sila didiretso na ro'n?"
Nagkibit-balikat lang si Tiara at naging busy na sa pagdutdot sa cellphone niya. Napasimangot ako at tiningnan ang purse ko kung nasaan ang cellphone ko.
That guy! I sent him hundreds of messages but he didn't bother na mag-reply...
Buti pa si Tiara.
A couple of days ago nang kulitin ko si Tiara na itanong kay Wade ang number ni Dark. Nang maibigay niya sa akin 'yon ay araw-araw na walang palya kong tinetext ang love of my life ko pero kahit tuldok walang reply.
"Madadagdagan bashers mo, Claudine," natatawang ani sa 'kin ni Tiara habang nasa elevator na kami.
"Haters gonna hate, don't care about them," bungisngis ko. Walang pake sa mga babaeng naging topic ako sa school at walang ginawa kung hindi mga pagtaasan ako ng kilay.
Inihanda ko ang matamis kong ngiti nang matanaw ang sasakyan ng Paradox. Bago pa kami tuluyang makalapit ay lumabas si Wade at sinalubong kami looking so handsome with his suit. Nakatali ang may kahabaan niyang buhok habang nakangangang nakatingin sa kaibigan ko. Tila nasa isang shooting sa movie na slow-motion siyang lumapit kay Tiara at inabot ang pumpon ng rosas sa katabi ko.
I feel so left alone kaya nakasimangot ko silang iniwan. Mabigat ang paglakad na tinungo ko ang van at ang date ko ay hayun busy sa paglalaro sa cellphone niya. Tumikhim ako at doon siya sumulyap sa akin. Ni hindi nagtagal ang tingin niya at agad iniwas ang tingin sa akin. Nakasimangot na umupo ako sa tabi niya. Dahil celebrity van ang car nila, ilang dangkal ang layo ko sa kanya.
Oh my gosh! So nakakainis! Wala man lang pag-compliment sa akin? Wala na ngang roses--
"OMG, is this for me?!" tili ko nang ibagsak niya sa hita ko ang isang pumpon ng lilies. "How did you know that these are my favorite flowers?!"
"Tone down your voice, lady!"
Narinig ko ang mga pagtawa sa unahan sa singhal sa akin ni Dark.
"You look beautiful tonight, Claudine," ani Rex sa akin.
"I am beautiful naman palagi," wala sa sarili kong tugon habang nakatitig sa binigay na bulaklak sa akin ni Dark. Wala na ang atensyon ko sa kanila. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa alapaap dahil sa ibinigay sa akin ni Dark.
Anong ibig sabihin nito? Does he like me na ba? OMG, magiging kami na ba tonight--
"Kung anuman ang iniisip mo, forget it brat. Hindi iyan galing sa akin," saad niya habang tutok na ulit ang atensyon sa cellphone niya.
Nawala ang kinikilig na ngiti sa labi ko. "W-What do you mean?"
"Galing kay Gege, pinabibigay niya."
Nakangusong minasdan ko ang lilies naglahong parang bula ang lahat ng pag-asa ko. Sinulyapan ko si Dark at pinagmasdan ang ayos niyang pormal. Malayong-malayo sa casual niyang pananamit.
He's so handsome! Strikingly handsome!
Sa naisip ay napangiti na rin ako. Di bale nang hindi sa kanya galing ang bulaklak, ang mahalaga ngayon, he's my date!
Dark Carter Tiangco is my date!
So lit!!!! Winner!!!