#EmbracingDarknessCH15
Assumptions
Sabi nila hindi raw lahat ng tao magugustuhan ka. May mga taong magagalit o maiinis sa 'yo sa rasong hindi mo alam. You can't please everyone, that's what my mother always says to me.
Hindi ko hiniling na magustuhan ako ng lahat. Hindi ko rin iniinda ang pagtataas ng kilay nila sa akin dahil sa kaartehan ko raw. Para sa akin, hindi ko dapat baguhin ang sarili ko para sa ikasisiya nila. Babaguhin ko ang sarili ko kung iyon ang makakabuti para sa akin at para sa mga taong mahal ko.
Sanay ako sa pagtataray o masasamang salita mula sa ibang tao. Pero hindi ang nangyari ngayong gabi. Ni hindi ako makaramdam ng galit dahil mas lamang ang sakit. I don't deserve this. No one deserve to be treated like this.
Humikbi ako at tumigil sa paglalakad hudyat para matigilan din si Dark na hila-hila ako. Naupo ako walang pakialam sa tingin niya sa akin. I cried so loud walang pake sa makakarinig o makakakita sa amin.
"Hey..." tawag niya sa akin.
"They're so bad! H-how could they do this to me? I s-smell so bad! My dress got—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapatili ako sa biglaan kong pag-angat sa ere.
"Do you want me to do the same way to them?" aniyang tila walang kahirap-hirap na naglakad habang buhat pa rin ako.
What?
Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko sa kahihiyan na hindi ko na napagtuunan pa ang mga salitang sinabi niya. Dark Carter is carrying me. This should be a beautiful dream. A goal achieved. It's just that, sa pagbuhat niya sa akin tiyak na didikit ang mabahong amoy ko sa mamahalin niyang suot.
"W-Where are we going?" utal kong tanong na hindi na magawang tingalain siya. Ang papalakas na t***k ng puso ko ay hindi malabong marinig niya.
Hindi siya nagsalita hanggang sa makapasok kami sa elevator at ibinaba niya ako.
Why did he carry me?
Iyon ang tanong na umuukilkil sa isip ko na hindi ko namalayang huminto na ang elevator. Sinulyapan niya lang ako at nanahimik pa rin. Wala sa sariling sumunod ako sa kanya. Hindi pamilyar sa floor na hinintuan namin. During our orientation, naggala kami ni Tiara sa AU pero ang nilalakaran namin ngayon ni Dark ay hindi namin napuntahan.
Papadilim ang pasilyo na nilalakaran namin na hindi ko maiwasang kabahan. I'm so scared of the dark kaya kahit nahihiya ako sa amoy ko ay kumapit ako sa braso ni Dark na bagama't hindi ko na halos makita ay nakita ko ang pagpaling ng ulo patungo sa akin.
Hindi ko maaninag ang mukha niya pero nakahinga akong maluwag nang hindi niya alisin ang kamay ko sa braso niya at mas bumagal ang lakad kumpara kanina.
Ilang hakbang at huminto siya sa paglalakad. I heard a beep sound then a door opened. I was left in awe looking at the place in front of me.
Where are we?
Tila isang bahay ang sumalubong sa amin. Pinaghalong black and white ang paligid. Sumisigaw ng karangyaan ang mga kagamitan sa loob. Makintab na makintab ang flooring na hindi ko magawang sundan si Dark papasok sa takot na madumihan ko ang marmol na lapag.
"What are you waiting for?" naiinip niyang tanong sa akin. "Follow me," aniya sabay talikod. Susulyap-sulyap sa paligid na sumunod ako sa kanya patungo sa loob.
Magsasalita na sana ako nang bigla na lang siyang nagsalita sa lengguwaheng hindi ko alam. Pagsulyap ko ay nakadaiti na ang cellphone niya sa tainga niya.
"Ten minutes--fine! Twenty minutes!" padaskol niyang sigaw sabay baba sa cellphone niya.
Pumasok siya sa isang pinto pero hindi ko na siya nasundan sa loob nang mabilis na sumara iyon. Wala pang ilang segundo nang lumabas siya hawak-hawak ang isang towel at roba.
"Take a bath," saad niya sabay turo sa pintuan na nasa dulong bahagi nang kinaroroonan namin.
Isinampay niya sa balikat ko ang tuwalya at roba makaraan ay iniwanan ako nang walang paalam. Tila wala pa rin sa sariling pumasok ako sa itinuro niyang pinto.
Nang pagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin ay gusto ko muling umiyak at magsisigaw sa frustration. Para akong basang-sisiw at ramdam ko ang lagkit sa katawan ko.
Curse them. As much as I wanted them to pay for what they did to me. Ipagpapasa-Kanya ko na lang iyon. Karma will get them.
Now, I'm curious kung sino ba talaga si Dark... How can he have a secret room here in AU?
Hindi lang simpleng kuwarto kung hindi tila isang apartment. Inilibot ko ang tingin sa banyo. Mula sa shower area patungo sa bathtub. Hanggang banyo ay nagsusumigaw ang karangyaan.
Binuksan ko ang isang shelf at bumungad sa akin ang iba't-ibang klase ng sabon panligo.
Do I need to ask for his permission?
Pero nang muli kong mabistahan ang hitsura ko at malanghap ang amoy ko. I immediately went to the bathtub. Nang matimpla ko ang tubig ay inilusong ko ang mabaho kong katawan doon.
Ang saglit na paliligong balak ko ay pakiramdam ko inabot nang halos isang oras. Halos mamula na ang balat ko sa diin nang pagkuskos ko roon. Pati ang anit ko ay nanakit sa paulit-ulit kong pagsha-shampoo roon.
Nang matapos ako sa paliligo at naisuot ko na ang roba ay minasdan ko ang gown kong pagkabaho-baho.
Anong iwe-wear ko nito?
Isang malakas na katok ang nagpapitlag sa akin.
"Are you planning to stay there until tomorrow?"
Alinlangan kong binuksan ang pinto at sinilip ko ang ulo ko hindi magawang ilabas ang katawan kong tanging roba lang ang balot. Kagat-labing minasdan ko si Dark na tulad ko ay bagong ligo at nakapagpalit na rin ng damit.
"Tss. I'm not going to do anything to you," aniya sabay lingon sa likod niya. "Fix her. Twenty minutes."
"Good evening, young lady," saad ng isang babae na lumitaw makaraang mawala sa paningin ko si Dark. Natuon ang tingin ko sa hawak-hawak niyang dress na pula.
Nagpatianod ako nang dalhin niya ako sa isa na namang silid. Masyadong mabilis ang kamay ng babae magmula sa pag-ayos ng buhok ko hanggang paglalagay ng kolorete sa mukha ko.
Exactly twenty minutes later. I'm standing in front of the mirror wearing a cocktail red dress and a new humps that matched with it. Nakaladlad ang mahabang buhok ko at manipis na make-up lang ang inilagay sa akin ng babaeng Jamie pala ang pangalan.
I glanced at my wrist watch and heavily sighed when I realized that I missed my performance for tonight.
Paglabas ko ng kuwarto ay naroon si Dark na nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Larawan ang pagkainip sa mukha. Saglit lang akong binistahan ng tingin at binalingan si Jamie. Nag-usap sila sa lengguwaheng hindi ko na naman maintindihan.
Yumukod lang ang babae at mabilis na nagpaalam sa amin. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako sa tila nanunuksong ngiti niyang sulyap sa akin.
"T-Thank you, Dark, for saving me and for this," ani kong iminuwestra ang sarili ko.
Nagkibit-balikat lang siya at hindi na kumibo pa. "Let's go. You still have a performance to do."
Kumunot ang noo ko. "Huh? But tapos na 'yon--"
"Says who?"
***
KUNG nakakatunaw lang ang tingin, malamang ay tunaw na ako ngayon dahil pagkaapak na pagkaapak pa lang ng mga paa namin ni Dark sa party hall ay halos lahat ay napunta ang tingin sa aming dalawa partikular sa akin. May mga humahangang mga mata pero mas lamang ang nanghuhusga at nanlalait na tingin.
"Where the hell did you go? What happened? Talagang may pa-change outfit ka pa?" sunod-sunod na usal sa akin ni Tiara nang makarating kami ni Dark sa table.
"A long story to tell," saad ko sabay abot sa kopita na naglalaman ng tubig para uminom.
"Don't tell me you two did it?!"
Kunot noong binalingan ko siya. "Did what?" tanong ko sabay muling inom.
"Oh, come on, stop being so innocent. I'm talking about...s..e..x," bulong niyang ikipinanlaki ng mga mata ko.
Nasamid ako sa iniinom ko kaya uubo-ubo ko siyang sinamaan ng tingin. "Are you out of your mind?! Why would we do that?!"
Pinamulahan ako ng mukha sa iniisip niya at nang ilibot ko ang tingin sa paligid nasalubong ko ang mapanghusgang mga mata ng tao.
They really think that we really did it?! Their assumptions are so absurd!
Before Tiara said anything again, someone called my name.
Dumilim ang paligid at tumutok ang ilaw sa akin. Sanay ako palaging magperform sa harap ng maraming tao. A little bit nervous but I never felt this way. Masyadong malakas ang t***k ng puso ko at ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Kinatatakutan kong maulit ang nangyari sa akin kanina. What if along the way someone trip me or worst someone splashed me again with disgusting liquid.
Kaya nakadalawang tawag pa sa pangalan ko bago ako tumayo at maingat na naglakad patungo sa harap.
With shaking hands, I grabbed the guitar that Vlad gave me.
Nagtungo ako sa stage at umupo sa harap ng mic stand. Napapalunok na iginala ang tingin sa paligid. Ramdam ko pa rin ang hindi mawala-walang kaba sa dibdib ko.
Huminto ang tingin ko kay Dark na nakatitig sa akin. Tila ang tingin niyang iyon ang naging dahilan para mabawasan ang kaba sa puso ko. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko pero nasisiguro kong hindi na iyon dahil sa kaba kung hindi para sa kanya. Pumikit ako at inisip na siya lang ang tao sa paligid.
Slowly, I strummed the guitar and sing.