#EmbracingDarknessCH16
Girlfriend
I can't tell if this is real love
But I know how I feel
To be very honest with you, love
I wanna get close to you
Sa pagdilat ng mga mata ko, sa kanya tumutok agad ang paningin ko. Ang tao sa paligid ko ay nawala. Nawala ang isip ko sa iniisip nila tungkol sa akin at kay Dark. Napunta lahat para sa lalaking hindi ko lubos na kilala pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nahulog ako.
Could it be his look?
Or his tears that day?
How can I like someone that still in love with somebody else? Is this suicide?
Pumikit ako at muling nagpatuloy sa pagtutugtog. Hindi magawang matagalan ang tingin ni Dark. Tila nilulunod ako ng tingin niya. Walang emosyon. Walang ngiti pero hindi ko alam kung bakit tila lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k no'n sa tuwing nakikita ko ang ekspresyon na iyon sa mukha niya.
I don't know how you gonna take it
But I keep on thinking 'bout you
You've been on my mind
Ever since I saw you smiling at me
Oh. How I wanted to see him smiling at me. Will that happen? Or he'll only smile at me in my dreams?
As I opened my eyes, I saw him looking at his phone. Ang mga mata niya ay titig na titig roon. Ang mga emosyong nakita ko nang unang beses ko siyang makita ay muli kong nabasa. Nabanaag ko ang sakit doon.
Is this about that woman, again?
Your smile
Baby, I'm just falling to you
Come on, Dark. Look at me. This song is for you. Dedicated for you. Please, look at me.
You don't need to say anything special
'Cause I'm pretty sure
You're the morning dew that has falling soft
During the night on me
So naturally like we're meant to be together
That's how I see
That's how supposed to be
People come and go
But I won't stop loving you...
Pero hanggang sa huli kong pagbigkas ng mga salita sa kantang iniaalay ko para sa kanya ay hindi na dumako ang tingin niya sa akin at nanatili sa cellphone niya habang sinunod-sunod ang pagtagay sa wine na nasa mesa. Kaya nang matapos ako sa pagkanta ay yumukod lang ako at dali-daling bumaba ng stage hindi alintana ang palakpakan ng mga tao para sa akin o masasabi kong mga kalalakihan lang 'yata.
Sa kakamadali ko ay napatid ako sa wire na hindi ko napansin. Napapikit ako at hinintay ang pagbagsak sa lapag pero isang mahigpit na yakap sa bewang ko ang naramdaman ko.
Dark...
Pagtingala ko ay hindi ang taong inaasam ng puso ko ang nabungaran ko. Isang pares ng berdeng mga mata ang sumalubong sa akin. Agad akong lumayo sa kanya habang ang tingin ay napunta sa mesa namin kung saan nakita kong madaling tumayo si Dark hindi patungo sa akin kung hindi paalis.
"Are you okay?" tanong sa akin ng lalaki na may pag-aalala sa mga mata.
"Y-Yeah, thank you..." mabilis kong tugon sa kanya at agad ko siyang iniwan para sundan ang lalaking minimithi ng puso ko.
Hindi ko pinansin ang ibinigay na mga tingin sa akin ng mga tao at nagpatuloy sa pagsunod kay Dark.
"Dark!" tawag ko sa kanya pero tila wala siyang naririnig at hindi humihinto sa mabilis na paglakad.
Ilang dipa ang layo ko sa kanya nang huminto siya sa paglakad. Inakalang dahil sa pagtawag ko ang dahilan nang pagtigil niya sa paglakad kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tatawagin na sana siya nang kunot na kunot ang noong kinuha ang cellphone at tinapat sa tenga niya.
"Stop! Tapos na tayo! I-I don't care—No! Are you threatening me?! Fine! Go and kill yourself—f*ck it!"
Umangat sa ere ang kamay niyang may hawak ng cellphone tila nais iyong ibato pero mahigpit ang kapit niya roon. Napapitlag ako nang sumigaw siya tila isang batang may gustong gawin pero hindi magawa. Napahinto siya sa pagsigaw nang matagpuan ang tingin ko.
"What are you doing here?" masama ang tingin niya sa akin. "Ugali mo ba talagang makinig sa usapan nang may usapan?"
"N-No, I-I was calling you—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang agad niyang tiningnan ang cellphone niya. Pumikit siya at napalunok ako nang makita ang tila pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata niya.
Huminga siya nang malalim at nilingon ako.
"Do me a favor, Claudine."
"W-What favor?"
Inabot niya ang cellphone niya sa akin. "Answer it..."
Napunta ang tingin ko sa cellphone niyang may tumatawag na unregistered ang numero. Alangang tinanggap ko iyon.
"A-Anong sasabihin ko?"
"Tell her..."
Saktong pagka-swipe ko sa answer button nang sabihin niya ang sagot sa tanong ko.
"...you're my girlfriend."
Nanlalaki ang mga matang tinapat ko sa tenga ko ang cellphone niya. Iniisip kung nabingi lang ako pero ang pagtango niya ang nagpapatunay na tama ang dinig ko.
"H-Hello? Carter p-please, let me see you just one time! I-Isang beses na lang, nagalit ka ba dahil sa sinabi ko? I p-promise I won't threaten you, hindi ko sasaktan ang sarili ko—Carter?"
Tila ang singhap ko ang naging dahilan para mahinto ang babae sa kabilang linya sa sinasabi niya.
"I-I'm her girlfriend..."
Tell her you're my girlfriend...
"W-Who are you? A-Anong sinasabi mo?"
Lumunok ako at kahit hindi siya nakikita ay taas-noo kong inulit ang sasabihin ko sa pagkakataong ito ay walang utal kong inulit iyon. "I'm her girlfriend. Ikaw ang sino? Will you please stop bothering my boyfriend—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maputol ang tawag.
"Binaba niya na..." balik ko ng cellphone sa kanya.
Tinanggap niya iyon at hindi nakaligtas sa paningin ko ang lumbay sa mga mata niya.
"Thanks," iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran na ako.
"Dark!" habol ko sa kanya pero muntik na naman akong tumaob sa biglaan niyang hinto na nagresulta sa pagkakaumpog ko sa katawan niya kung hindi lang mabilis niyang nahawakan ang bewang ko ay natuluyan na ko sa pagkakabagsak sa lupa.
Tila nakuryente ako sa saglit niyang pagkakahapit sa bewang ko na agad niya ring binitiwan.
"What?" nakakrus ang magkabilang kamay na tanong niya sa akin.
"Where are you going?"
"I appreciate your help pero wala akong obligasyong sagutin ang tanong mo."
May kumurot sa puso ko sa sagot niya pero pinalis ko 'yon at hinawakan siya nang muling tangkain ang pag-alis.
"We had a deal. You're my date tonight, hangga't hindi tapos ang gabing ito. You're still mine."
OMG! Like san ko kinukuha ang lakas ng loob kong 'to?!
"Then suit yourself."
Bago pa ko muling makapagsalita ay hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ang kapit niya sa pulsuhan ko.
It's so nakakakilig!
No! Where are we going? He still needs to perform ah?
"San tayo pupunta, Dark? May performance kayo hindi ba?"
Padaskol niyang binitiwan ang pulsuhan ko sa tapat ng pamilyar na kotse na nahinuha kong sa kanya.
"We're done."
"Huh? Paanong nangyari 'yon—"
"Just shut up, woman. Are you going with me or not?!"
"S-sasama," tila isang pusang natatakot kong tugon sa kanya.
Why so sungit?
WE stopped in front of a famous bar in Manila. Bagama't hindi pa ako nakakapasok doon ay bukambibig iyon nila Des sa tuwing pumupunta sila. As much as I wanted to join them. I can't. My Dad would flip out if he finds out na pumasok ako sa bar na ayon sa kanya ay puno ng mga kabataang wild.
Binalingan ko si Dark na tila wala namang balak bumaba bagkus ay minamasdan ang entrance ng club na labas-masok ang mga tao.
"W-What are we doing here?"
Isang buntong-hininga lang ang isinagot niya sa akin at nanatili ang tingin niya sa labas.
Ngumuso ako hindi maiwasang makaramdam ng inis at panghihinayang dahil ang gabing inasam kong magiging magical night for me ay naging ganito. At this moment, I should be on the ball dancing with my date. But what happened was a disaster.
Kumunot ang noo ko nang alisin ni Dark ang seatbelt niya at lalabas na sana pero hindi niya ginawa. Napunta ang tingin ko sa tinitingnan niya.
Napuno ng pait ang kalooban ko nang makita ko ang babaeng tila lasing na lasing base sa sumesemplang niyang lakad.
That woman, again. Helene.
She almost fall when a man catch her wearing a mask and a cap. Minasdan ko si Dark na kuyom ang kamao at naniningkit ang mga mata.
I gasped when Helene slap the guy na nasundan pa nang muling pagsinghap nang alisin ng lalaki ang mask na humaharang sa mukha niya.
"Is that Landon?"
Hindi siya sumagot at minasdan lang ang dalawang tila nagtatalo na. Hanggang sa hinila ni Landon si Helene at mahigpit na niyakap.
Am I watching a teleserye?
Mapait akong napangiti nang makita ang sakit sa mga mata ani Dark.
"If you love her, why don't you try to win her back instead of pushing her away?"
Binalingan niya ako at sinamaan ng tingin. "Don't talk na parang alam mo ang lahat ng tungkol sa amin."
"Wala akong alam, tama ka. But I just don't get you! Why did you bring me here when you knew how I feel for you?! Bakit mo ipinapakita sa aking nasasaktan ka para sa babaeng tingin ko mahal ka pa rin naman yata pero itinutulak mo palayo sa 'yo!"
"Hindi kita pinilit na sumama sa akin,"
Bumuga ako ng hangin dahil pakiramdam ko nasasakal ako sa bikig na namumuo sa lalamunan ko.
"Yeah, hindi mo ipinilit. But you should have told me kung saan tayo pupunta para hindi ako sumama. Dahil ang h-hirap tingnan na makita kang ganito para sa kanya, why don't you do yourself a favor? Choose someone who can make you happy. Huwag mong saktan ang sarili mo—"
"Do you really think hindi ko naisip 'yan? We both love each other but we can't be together. May mga bagay na kahit gustuhin pa natin hindi puwedeng ipilit kung sa huli matatalo ka pa rin, Claudine."
"Pero kung ang pagkatalong 'yon ay magbibigay nang panandaliang saya sa akin. I'll still take the risk, Dark..."
Umiling siya at ngumisi. "Don't think that life is that simple, Claudine. Ngayon mo lang nasasabi 'yan, hindi kaya sa huli pagsisihan mo 'yan?"
"Ano bang pinupunto mo?"
"I brought you here to make you see the reason kung bakit hindi kita magagawang gustuhin."
Tumawa ako kasabay nang pagtulo ng luha ko. "Yeah, you brought me here para ipakita kung gaano mo kamahal pa rin si Helene. You're so cruel, Dark Carter Tiangco."
Umiiyak kong nilisan ang kotse niya not even realizing that I don't have my phone and my wallet.
Pathetic, Claudi...so pathetic.