Prologue

1814 Words
Dark EXCITED ang bawat isa sa inannounce na destination ng field trip namin ngayong taon. Dahil sa senior year na namin isasabay na rin ang retreat kaya aabutin ng three days ang itinerary namin. Ngumuso lang ako at hindi magawang makisaya sa kanila. Hmp! I won't go kung ipapa-join lang ni Daddy si Yaya! "Claudi, why ba you don't look excited?" tanong ni Tiara nang makalabas kami ng room. Tumawa si Gem. "She won't be excited Tiara, baka kasi ipasama na naman ng Daddy niya ang yaya niya." Nagtawanan ang iba naming mga kaibigan na ikinasimangot ko. "That won't happen!" sigaw ko pero alam ko sa sarili kong hindi malabong mangyari. "Mygod, your Daddy is so overprotective. You're turning twenty pero ang tingin niya sa 'yo ay masahol pa sa isang elementary." pang-aasar naman ni Desiree. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanila dahil kinailangan kong huminto ng pag-aaral noon. Kung sana nakasabay ko ang kakambal ko sa pag-aaral ay baka mas madali para sa aking makakawala sa ama kong tingin sa akin ay isa pa ring bata. Ang marinig na nasa tamang edad na ako pero hindi pa rin ako magawang payagan ng ama kong sumama sa activities ng school na walang kasama ay nakakapag-init ng ulo ko. "Des, stop it. Mapipikon na si baby Claudi." pambubuyo ni Michael na ang ulo ay umaamoy sa leeg ng girlfriend niyang si Gem. Ewwwww! "Stop calling me baby!" naiirita kong singhal sa kanya. "Ooops sorry Claudi, nalimutan naming si Daddy mo lang pala puwedeng tumawag sa iyo nang ganyan." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Third. Naiirita ko naman siyang binato ng tissue. Tumayo ako at iniwan silang lahat. "Hey! Nagbibiro lang kami Claudi!" sigaw ni Third na sinundan nila Desiree pero hindi ko na sila pinansin pa at tuloy-tuloy akong lumabas ng canteen. Why ba they always like to tease me?! Hmp! Pero mukhang pagsisisihan ko ang pag-walk out ko nang makita ang lalaking makakasalubong ko. "Leigh--" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang talikuran ko siya. "Leighrah!" sigaw niya at wala pang isang segundo ay mabilis niyang nahawakan ang braso ko. Agad kong hinila iyon at lumayo sa kanya. Nakangusong tiningnan niya ako na tila nasaktan sa inakto ko. "Tss, napakasungit mo talaga." "Why ba you're here na naman?!" naiirita kong tanong sa kanya. "For you," sabi niya na ngiting-ngiti habang inaabot sa akin ang box ng isang tsokolate. "I'm on a diet. Ibigay mo na lang 'yan kay Margaret." Nawala ang ngiti niya at matiim akong tiningnan. "Wala na nga kami ni Margaret! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo 'yon?" "Kahit isang daang beses mo pang sabihin 'yan Dustin, I don't care." Tinalikuran ko siya at narinig ko ang malakas niyang sigaw. Binilisan ko ang lakad ko nang marinig na ang yabag ng paa niyang papasunod sa akin. Bawat madaanan namin ay tinitingnan kami sabay bulungan na akala mo mga hindi ko naririnig. Lakad-takbo na ang ginawa ko makatakas lang kay Dustin. Pagliko ay nakita ko ang auditorium kaya dali-dali akong pumasok doon. Hinihingal akong napasandal sa pinto at napadausdos sa pagkakaupo. Dustin Delos Santos. I really hate you! Hindi ko kailanman naisip na iyong lalaking crush ko noong grade 7 ako ay kaiinisan ko nang ganito. Bakit nga ba hindi? Kung ang buwisit na iyon ay niligawan ako kahit na girlfriend niya ang malditang batchmate ko na si Margaret. Hindi ko makakalimutan ang kahihiyang idinulot sa akin nang pag-eeskandalo ng girlfriend niya. Dumilat ako pero lumukob ang kaba sa akin nang balutin ako nang kadiliman. Damn it! Why ba dito ko pumasok?! Madilim ang paligid ko at bukod sa mga kadiring insekto. Kadiliman ang pinakakinatatakutan ko dahil sa night blindness ko. Kinapa-kapa ko ang pinto para umalis na sana pero natatakot akong nandoon sa labas si Dustin at makita ako. Malalim akong bumuntong-hininga at nilabanan ang takot ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang matanglawan ako ng liwanag mula sa stage. Kumunot ang noo ko at sinilip ang bigla na lang umilaw na stage. Madilim pa rin sa puwesto ko pero nakakatulong ang ilaw sa stage para kumalma ang pakiramdam ko. Kahit walang makita ay kinapa-kapa ko ang mga upuan para maupo roon nang maagaw ng pansin ko ang dalawang tao na nag-uusap doon dahil pamilyar sa akin ang babaeng nandoon kasama ang lalaking naka-mask. Why dito sila mag-uusap? OMG! Secret affair?! "Ano pa bang kailangan mo, Helene?! I don't see any reason para dito pa tayo mag-usap. Paano kung malaman 'to ni Landon?!" "Hindi niya 'to malalaman kasi tayo lang dalawa rito. Wala ring papasok dito!" sagot ni Helene at pinigilan kong mapasinghap nang hawakan niya ang kamay ng lalaking kausap niya. OMG! The woman in front is the famous Helene Sandoval. She's a theater actress na in a relationship kay Landon Velasquez--famous actor. Hindi ako chismosa sadyang sikat lang talaga sila sa school namin. I even admire Helene because she's nice and very pretty. She's also very magaling in acting. Bagay na frustration ko man ay hindi ko magawa. Sino kaya 'tong guy na 'to? Pinaningkit ko pa ang mga mata ko para mabistahan siya pero hindi ko talaga kilala. "Landon is my friend!" "Wala naman tayong ginagawang masama, C-Carter. Gusto ko lang mag-usap tayo!" Carter? Nice name... "Para saan pa? Bakit dito mo pa ako pinapunta!" Iniyuko ko ang sarili ko sa takot na makita nila ako. "A-Aalis na kami ni Landon. M-May offer sa kanya sa US, g-gusto niyang isama ako." "Then go. Have a safe trip--" Napanganga ako nang malakas niyang sampalin iyong lalaking nagngangalang Carter. "W-Wala ka na ba talagang pakialam sa akin?" umiiyak na sigaw ni Helene sabay hampas sa dibdib ng lalaki. "Helene, we're done. Nakalimutan mo na ba? Dalawang taon na tayong hiwalay, si Landon na ang boyfriend mo--" "Pero ikaw ang mahal ko! Ikaw pa rin hanggang ngayon!" Awww, kawawa naman si Landon. Hunky pa naman 'yon! "Hindi kita maintindihan. You were the one who broke up with me, and now you're telling me you still love me? Wala pang three months nang hiwalayan mo ko at makipagrelasyon ka kay Landon." "A-Alam mo kung bakit! Alam mo kung gaano kakomplikado ang lahat ng mga panahong 'yon!" "Alam ko! At wala pa ring nagbago, Helene! Komplikado pa rin ang lahat, mali pa rin ang lahat. Mali pa rin 'yang nararamdaman mo para sa akin dahil alam mong hindi na puwedeng ibalik pa kung anong meron tayo noon!" Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko at tila nasasaktan ako para sa kanila. Tila isa sila sa mga karakter na isinusulat ng Mommy ko sa mga libro niya. "Puwede naman nating maibalik ang d-dati, Carter. Kaya kong talikuran ang lahat b-basta balikan mo lang ako." Umiling ang lalaki at inalis ang kamay ni Helene sa kamay niya. "Hindi tayo parehas, Helene. Hindi ko kayang talikuran ang lahat para sa 'yo." "Carter..." Ouch! "Sorry, Helene. Please, just forget about me. Mahalin mo na lang si Landon kasi siya ang lalaking nararapat sa 'yo--" "Hindi mo na ba ako mahal?" Natigilan ang lalaki sa pagsasalita at ewan ko kung bakit nag-umpisang kumabog nang malakas ang puso ko habang iniintay ang isasagot niya kay Helene. "Hindi na kita mahal. Matagal nang wala ang nararamdaman ko para sa 'yo--" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang umiiyak na talikuran siya ni Helene at nagtatakbong nilisan ang auditorium. Katahimikan ang namayani hanggang sa umalingawngaw ang isang hikbi mula sa lalaking nasa harap. Naupo siya at hinubad ang mask na suot-suot. Malakas niyang ibinato 'yon kasabay nang pag-iyak niya. Bukod sa Daddy ko at sa mga kapatid ko, ito ang unang beses na nakasaksi ako ng lalaking umiiyak. Pinagmasdan ko siya at ang puso ko ay tila huminto nang mabistahan ang hitsura niya. Hindi naitago nang pag-iyak ang guwapo niyang mukha. Pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya unang nakita. Pakiramdam ko huminto ang mundo ko habang pinagmamasdan ko siya. Nag-umpisang bumilis ang t***k ng puso ko na tila may nagkakarera roon. Sa sobrang bilis ay napahawak ako sa dibdib ko pero kumunot ang noo ko nang makaramdam nang kakaiba. I can't breathe! Hinabol ko ang hininga ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Kumunot ang noo niya at pinunasan ang mukha niya bago luminga-linga sa paligid. Malakas akong suminghap at napatayo na para hanapin ang bag kong malamang ay naiwan ko sa pinto. "Who are you?!" dumadagundong ang galit niyang boses. Narinig ko ang paglapit niya sa akin at sa katarantahan ko dahil wala nga rin akong makita ay nadapa ako. Mas lalong humirap ang paghinga ko! Gusto ko mang tumayo ay kinuyumos ko ang damit ko sa dibdib at pilit huminga. "Kanina ka pa ba rito--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang hawakan ko ang paanan niya. Tiningala ko siya kahit ramdam ko ang panlalabo nang paningin ko. Sa sinag ng liwanag sa stage nabistahan ko ang kunot na kunot niyang noo. "W-What the hell is happening t-to you?!" tanong niya at naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa balikat ko. "M-My b-bag...I-inhaler--" turo ko sa pinto kahit hirap na hirap na ako. Nagpapasalamat ako nang maintindihan niya ako at nawala siya sa tabi ko. Mabilis agad siyang nakabalik bitbit ang bag ko. Tinaktak niya ang laman no'n at wala pang ilang segundo ay nailagay niya sa bibig ko ang inhaler ko matapos niyang alugin iyon. Makalipas ang halos isang minuto ay naramdaman ko na ang pagluwag ng dibdib ko. Napangiti ako at binalingan ang guwapong lalaki sa tabi ko. Kahit madilim at ang aninag lang mula sa stage ang tanglaw namin ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang mapansin na malapit kami sa isa't-isa. Umismid siya at tumayo. Tumingala ako at tatayo na sana nang mapangiwi sa naramdaman kong kirot sa ankle ko. Napahawak ako roon at mangiyak-ngiyak nang muling maramdaman ang kirot doon. "Tss. Iyan ang napapala ng chismosa." Naglakad siya at iniwan ako. "Hey!" pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. "Carter!" sigaw ko na siyang nakapagpahinto sa kanya. "Dark." "Huh?" "That is my name. Not Carter," "Pero iyon ang tawag sa 'yo ni Helene--" "Never ever tell anyone what you saw and heard! Kung may makalabas sa nangyari ngayon, I'll find you and I'll make sure that you will regret what you did today." Hmp! Kahit gusto kong magkita ulit tayo wala akong balak ipagkalat ang nakita ko. "I promise wala akong pagsasabihan--" "Good." Maglalakad na naman siya nang malakas akong sumigaw na nakapagpahinto sa kanya. "Dark, thank you for saving me!" Isang ismid lang ang narinig ko sa kanya. Bumungisngis ako at kahit na hindi ko na siya nakikita dahil sa dilim ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. I'll find you and I'll heal your broken heart. I'll make sure of that, Dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD