#EmbracingDarknessCH10
Trauma
How to make a guy fall in love with you?
Loading...
17 Tips for How to make a man fall in love with you
1. Make him feel needed but don't be needy
2. Let him miss you
3. Compliment him...only if he deserves it
4. Let your true nature shine
5. Be Patient
6. Let him know you're thinking of him
"Hmmmm... so sinong masuwerteng lalaki ang nagugustuhan ng baby namin?"
A gasped escape from my mouth and I slowly turn my head just to see my mother looking at what I am doing in my laptop.
Nahihiyang sinara ko ang laptop ko at napapakagat-labi na hindi ko malingunan ang ina ko na narinig kong tumawa.
I was so engrossed with what I am reading that I didn't even notice na nakapasok na pala siya sa kuwarto.
"Dalaga na talaga ang baby ko," sambit ni Mommy na niyakap ako mula sa likod. "Who's the lucky guy?" untag niya ulit matapos na lumayo sa akin.
Naalis na ang hiya ko at tiningala ang ina ko nang nakangiti. "He's a star."
Umupo si Mommy sa kama at tinapik ang tabi niya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya sa bewang.
"A star?"
Tinuro ko ang mga posters na nakadikit sa dingding ko partikular sa solo poster ni Dark.
"Hmmm, he's really a star then."
Ngumuso ako. "How can I make a star fall for me, Mommy? He's so aloof, just when I thought na may tsansa na makalapit na ako sa kanya hindi pala. He still doesn't bother looking at me."
Napabuntong-hininga ako dahil isang linggo mahigit na ang nakalipas simula ng gabing dalhin niya ako sa bahay nila. Ilang sulyap ba at bati ko ang hindi niya tinutugunan sa mga nakalipas na araw?
So, this is what it feels like to fall for someone unreachable.
"The easiest thing about love is falling for someone but the hardest thing about it is how to make that person fall for you, too."
"That's contradicting, Mommy. If it's easy why can't he fall for me?"
Tumawa si Mommy at ginulo ang buhok ko. "Claudine, you can't force someone to fall for you the same way you fell for them," sambit niya.
Ngumuso ako. "I know Mommy but I just really want him to look at me. To talk to me. To get to know him more."
"How about you start by cooking for him, you know what they always say, the way to a man's heart is through his stomach," natatawang tugon sa akin ni Mommy.
"My, I already tried that, I don't even know kung kinain niya iyong mga niluto ko—"
"Hindi mo pa naman alam. You know Claudine, you can't get everything you want in just a snap. It takes a lot of effort and patience to make someone fall for you."
Hindi ako nakakibo at napabuntong-hininga lang.
"Sumunod ka sa baba, I was planning to bake a cake, why don't you bake for him?"
Kakainin niya kaya? Or maibibigay ko kaya sa kanya?
Nang hindi ako nakakibo ay hinila ako ni Mommy patayo at umabrisete sa akin.
"Claudine, I want you to fall for someone who doesn't make you feel that love is hard...pero alam kong hindi natin madidiktahan ang puso natin sa taong mamahalin natin." Nilingon ako ni Mommy at hinaplos ang pisngi ko. "But I want you to remember this, never give all your love to him. Gusto kong magtira ka para sa sarili mo, hindi sana mangyari na mahalin mo siya sa puntong nakalimutan mo nang mahalin ang sarili mo."
Matagal akong hindi nakaimik bago dahan-dahang tumango. "I will, Mommy. I promise."
Isang pangako na kahit sinabi ko ay tila hindi ako kumpiyansa na matutupad ko.
***
"Sigurado ka bang nandito sila?" napapakagat-labi kong tawag kay Tiara habang tila tuod akong nakatayo sa harap ng unit nila Dark.
"What the—I'm having my precious massage right now, Leighrah Claudine. Wala nga raw silang lakad ngayon sabi ni Wade—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Tiara nang bumukas ang pinto sa harap ko. I took a step back when I saw Dark looking at me.
"H-Hi," nauutal kong bati sa kanya.
"What are you doing here?"
Napalunok ako at inangat ang box na bitbit ko. "I-I brought some cake. My mom and I baked it."
Humalukipkip siya at hindi nagsalita. Tinutukan ng tingin ang box na bitbit ko. Pinamumulahan na ako ng mukha sa hiya dahil sa pananahimik niya.
"What flavor?"
"Huh?" gulat kong balik-tanong sa kanya nang lumipas ang ilang segundo na nagsalita siya.
"What flavor?" ulit niya na tinuro ang bitbit ko.
Ngumiti ako. "Red Velvet."
Tumango-tango siya. "Rex!" tawag niya sa kabanda niya na agad sumulpot.
"What—oh hi, Claudine!"
"Give it to him. He loves cake especially red velvet."
Nanlumo ako sa sinabi ni Dark. Para sa kanya 'to 'eh. Pinaghirapan ko para sa kanya. Napayuko ako at hindi itinago na nasaktan ako sa sinabi niya.
"Excuse me," sabi niya dahil nakaharang ako sa daraanan niya. Tumabi ako at pinigilan ang pagtulo ng luha ko nang maglakad siya paalis.
"Rex, leave some for me. Saglit lang ako," sabi niya at muling nagpatuloy sa pag-alis.
Napatingala ako at nasalubong ko ang natatawang tingin ni Rex sa akin. Agad siyang tumikhim at ngumiti sa akin. "You really like him, huh?"
Ngumuso ako at hindi kumibo. Ngumiti ako sabay abot ng cake sa kanya.
"It's for him, make sure na titirhan mo siya ah—"
"Why don't you go inside para masiguro mong hindi namin uubusin 'to? We're planning to watch some movies. Join us," anyaya niya sa akin.
Pero gaano ko man kagustong umoo ay pinigilan ko ang sarili ko. Hindi magandang tingnan lalo pa at ako lang mag-isa na babae.
"Don't worry, nasa loob si Jillian."
Kumunot ang noo ko. "Jillian?"
Tumango siya. "Manager namin."
"H-Hindi ba siya magagalit—"
"Hindi 'yan. She's cool."
Hindi na ako nakatanggi nang hawakan niya ang pulsuhan ko at hilahin ako papasok.
"Someone brought us cake, everyone!" anunsyo ni Rex pero tila walang naririnig ang tatlo na nagkakagulo sa harap ng television habang nag-aagawan ng remote control.
Pinagmasdan ko ang sinasabing Jillian ni Rex, she's beautiful despite her thick eyeglasses. She has a pixie hair that looks good on her. I never expect na bata pa pala ang manager ng Paradox.
"Let's watch some horror, Jill!"
"No! Nakakasawa na Wade hindi naman nakakatakot!"
"How about action? Jill come on, I'm so done with your sappy movies."
"Hoy mountain dew, last month walang kuwenta ang action na pinapanood mo sa amin."
"Guys enough!" sigaw ni Rex sa kaingayan ng tatlo. "We have a visitor here," tukoy ni Rex sa akin nang maglingunan sila.
Alanganin akong ngumiti at awkward na itinaas ang kamay ko. "H-Hi,"
Napalunok ako nang titigan ako ni Jillian. Kinabahan ako nang tumayo siya at lumapit sa akin nang walang kangiti-ngiti.
"Hey Jill, 'wag mong takutin si Claudine, lagot ka kay Dark," sambit ni Wade na kumindat sa akin. Habang ang malokong si Drew ay sumesenyas na lagot daw ako.
"So, you're that woman, Claudine."
Hate niya ba ako? Siya na ba ang kontrabida sa love story ko?
"You're the second woman na nagawang i-angkas ni Dark sa motor niya, there must be something special about you."
Pangalawa lang? Who kaya ang first one?
You know the answer, Claudi.
Nakahinga ako nang maluwag nang iabot niya ang kamay sa akin na agad kong tinanggap. "Nice meeting you, Claudine. I heard you're a fan ng mga alaga ko or should I say fan lang ni Dark?"
Umiling-iling ako. "No po! I'm a fan of their band."
Tumawa si Jillian at umabrisete sa akin. "Call me Jill, enough with po. Hindi pa ganoon katanda ang thirty."
"You're thirty na po?!" gulat kong tanong sa kanya.
"Hindi ba halata?"
Umiling ako. "Nope po..."
"Hay enough with po kung ayaw mong hindi ka na makadikit sa alaga ko," tunog nagbibiro niyang saad.
"Okay. You really look so young, Jill."
"Thirty is still young darling, but thank you for the compliment."
Iginiya niya ako sa sofa at pinaupo. Muli silang nag-umpisang tatlo sa pagtatalo sa papanoorin habang ako ay natutok ang atensyon sa cellphone ko nang magtext ang Mommy tinatanong kung kumusta ang lakad ako.
Napangiti ako sa pagiging suportado ni Mommy. It's Sunday kaya akala ko hindi ako makakaalis ng bahay pero kung prinsesa ako ng Daddy, si Mommy ang reyna niya.
He won't say no to her.
Isa-isang naglapag ng platito si Rex sa center table na agad na pinagkukuha ng tatlo. Kinakabahan ako sa lasa dahil hindi ko na natikman iyon pero nakahinga ako nang maluwag nang nag-thumbs up sila sa akin at sunod-sunod na sumubo.
"Oh, ang bilis mo naman," sambit ni Rex kaya agad akong lumingon para lang makita si Dark na masamang nakatitig sa tatlo na tila nagpapaunahan sa pag-ubos sa pagkain.
Pabagsak niyang inilapag sa center table ang dalawang plastic bag na dala-dala. Ang tanging puwesto na lang na natitira sa L-Shape na sofa ay sa tabi ko kaya pakiramdam ko sisilihan ako nang maupo siya sa tabi ko.
"Where's mine?" tanong niya kay Rex.
"Kitchen dude, may kamay ka kumuha ka na lang."
Tumayo ako. "A-Ako na lang ang kukuha para sa 'yo."
Nangingiting pinag-cut ko siya ng cake. I still can't believe what's happening right now.
This is so lit!
"Jillian, napakabaduy naman niyan!"
"Look at the quality! Kopong-kopong pa 'yata 'yan!"
"Hoy! 15 years ago lang 'yang movie na 'yan."
Napapailing ako nang hindi pa rin nila matanggap ang palabas na napili ni Jillian. Ngiting-ngiti na inabot ko kay Dark ang platito.
Hindi siya nagsalita at kinuha lang iyon. Naupo ako sa tabi niya at pinanood ko ang reaksyon niya sa simula nang pagsubo niya roon hanggang sa pagnguya.
"Watch the movie, not me."
Napapahiyang iniwas ko ang tingin sa kanya at tinutok ang atensyon sa palabas na nag-uumpisa lang.
Sana pala nanatili na lang akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko sa telebisyon. Dahilan para bumilis ang paghinga ko at pagpawisan ako nang malamig.
"Who are you?! Ibalik ninyo ko sa Mommy at Daddy ko!"
"Ako na ang bago mong Mommy!"
"She's beautiful. What's her name Jill?"
"Hmmm, Charlotte ahh--I forgot her surname. One of the finest young actresses almost two decades ago sabi ni Daddy. I watched her other movies and she's really great in acting. Too bad, she died young..."
"She deserves it..."
Naglingunan silang lahat sa akin pero kuyom ang palad na pinakatitigan ko ang babaeng nasa screen.
"No one deserves to die."
Binalingan ko si Dark na binasag ang katahimikan na namayani dahil sa sinabi ko.
"S-she deserves it b-because she's evil!" nahihirapan kong sigaw sa kanya nang maramdaman ko ang pangangapos nang hininga ko.
Tumulo ang luha ko na agad kong pinahid. Tumayo ako pero napakapit sa dibdib ko nang tumindi ang nararamdaman ko. Mas tumindi iyon nang marinig ko ang boses ng babae sa screen.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Rex na lumapit sa akin.
Tumango ako at humugot nang malalim na hininga para lang mapaubo. "I-I need to go..."
"You're not going anywhere. Where's your inhaler?" paghila sa akin ni Dark nang tangkain kong maglakad palayo sa kanila.
"Get her bag! Look for her damn medicine!"
"I-I f-forgot it—" nahihirapan kong tugon sa kanya.
"Damn it!"
Sa nanlalabong tingin ay nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya hanggang sa tuluyang nagdilim ang tingin ko.