#EmbracingDarknessCH11
Visitor
"Sir, do you know what's her medical condition?"
"I-I don't know. She has an asthma, that's all I know."
"What about her medicine? Inhaler? Allergic to medicines?"
"Damn it! I don't know. Just treat her!"
"Carter! Hindi nila magagamot kung padadaanin mo 'yang init ng ulo mo."
"Sir, if you don't know her medical history, then call someone who knows it. Perhaps, her parents?"
Nagising ako sa ingay sa paligid ko at sa pagkakabit ng kung anu-ano sa katawan ko. I'm in the hospital. It's still hard for me to breathe so I ended up coughing. Nasulyapan ko sa gilid ko ang isang lalaki na bagama't nakamask at naka-hoodie ay nakikilala ko.
What would he think about me? Isang sakiting babae na palagi na lang inaatake ng asthma tuwing nasa harap niya.
Oh! how I hate this asthma of mine!
Napapikit ako pero nang maalala ang dahilan ng pag-atake ng hika ko ay ayon na naman ang paninikip ng dibdib ko. It's been so long since that incident happened, why am I still trapped in it?
She's dead...she can't do anything to you, Claudi.
"She's awake doc!" sigaw ng babaeng nurse sa doktorang kausap nila Dark habang nag-uumpisa na naman ang pag-ubo ko. Nabibingi ako sa ingay na naririnig ko sa machine senyales na hindi magawang kumalma ng t***k ng puso ko.
"What's wrong with her?!"
Narinig kong sigaw ni Dark bago isara ang kurtina at asikasuhin ako ng mga medical staff sa hospital na kinaroroonan ko. I felt so lightheaded and then my heartbeat slow down after they injected some medicine on my arms. Then, I lost my consciousness again.
Bumalik ang kamalayan ko nang maramdaman ang paghaplos sa pisngi ko. Dumilat ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mommy.
"Hon, call the doctor, she's awake," sabi niya kay Daddy na nakatalikod at may kausap sa cellphone. Agad siyang bumaling sa amin at tila gusto pa akong lapitan pero piniling lumabas ng kuwarto.
"M-My..." paos kong pagtawag sa ina kong bagama't nakangiti ay hindi nawawala ang pag-aalala sa mga mata. Inangat ko ang kamay ko at inalis ang mask na nakalagay sa akin.
"Hey baby, okay ka na ba?" alalay sa akin ni Mommy nang umupo ako.
Ngumiti ako at tumango tapos ay yumakap ako sa ina ko. "I'm okay now because you're here."
Pero humiwalay ako sa kanya nang maalala ang mga taong nagdala sa akin sa hospital.
"M-Mommy, how did you find out I was here?"
"Tiara called us, tinawagan raw siya ni Wade—kaibigan ninyo raw."
Tumango ako at iginala ang paningin sa kuwartong kinaroroonan ko. Kahit na alam kong hindi ko makikita ang hinahanap ko.
"Looking for someone?" may panunukso ng tanong ni Mommy.
"S-Si Tiara lang ba naabutan ninyo rito, My?"
"No, a guy named Dark and his manager, Jillian."
"W-Where are they?" tanong ko kahit alam ko namang natural ay umalis na sila nang dumating ang parents ko.
"Nagpaalam na rin sila nang dumating kami."
Malungkot akong yumuko. "Is that so?" Pero agad akong tumingala nang maalala ang Daddy. He's asking me to stay away from Dark so I concluded that he doesn't like him. What did he say to them?
"Anong sabi sa kanila ni Daddy? Is he galit?" kinakabahan kong tanong.
Kumunot ang noo ni Mommy makaraan ay tumawa. "Bakit naman magagalit ang Daddy mo sa kanila? He's thankful to them, we're grateful for their help. They saved you."
Nakahinga ako nang maluwag pero napangiwi sa sumunod na tinanong ni Mommy.
"Ano bang lagi kong bilin sa 'yo? Your inhaler, Leighrah Claudine! Why didn't you bring it?"
Ngumuso ako at naglalambing na yumakap sa ina ko. "My, I changed my bag, I forgot it."
"Next time nak, please iyon ang una mong ilalagay sa bag mo. But what really happened? Bakit bigla kang sinumpong ng hika mo?"
Napalunok ako at hindi nakasagot hanggang sa pumasok na si Daddy kasunod ang doktor.
Imbes na sabihin ang dahilan ay sinabi ko na lang na bigla na lang akong inatake nang kuwestyunin ako ng Doktor ko. I can't tell them the truth that until now memories of the past still haunts me as if it just happened yesterday.
Tuloy ay kinakailangan akong i-admit sa loob ng tatlong araw para maobserbahan. Sa bawat araw na may bumisita sa akin ay nangangarap akong isa siya ron. Pero malabo.
Sino ba naman ako?
Sa huling gabi ko sa hospital ay pinilit ko si Mommy na umuwi muna dahil sa narinig kong nangungulit na ang kambal na makasama sa pagtulog ang ina namin. Sa aming lahat na magkakapatid sina Keegan at Kieran ang hindi magagawang mapakali kapag hindi nakikita si Mommy kahit ilang oras lang. Sila rin ang ultra-mega demanding sa atensyon ng Mommy na nakakatawang pati ang ama ko ay pinagseselosan ang dalawa.
Si Anya na kasambahay namin ang pinaiwan nila Daddy pero ayon at napakalakas maghilik sarap na sarap matulog sa sofa. Napapailing akong bumangon. I really hate hospital. Well, sino ba namang may gusto rito hindi ba?
Nabo-bored ako. I wanted to see the stars and feel the cold wind against my skin. So, I smiled playfully and stood up quietly.
Napahinto pa ako sa pagbukas ng pinto nang umungol si Anya. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang star ko. He's wearing a hoodie paired with his signature black mask.
"Dark..." hindi makapaniwalang sambit ko
Blanko ang mga matang inabot niya sa akin ang basket ng prutas pero bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran niya na ako. Dali-dali kong inilapag ang binigay niya at sinundan ko siya. Pero dahil sa haba ng biyas niya ang isang hakbang niya ay katumbas ng tatlong hakbang ko.
"Darky! Wait!" maarte kong tawag sa kanya.
Huminto siya. "What the f*ck? Darky?!" dinig kong anas niya na masama ang tinging nilingon ako.
Natatawang huminto ako sa harap niya. "Isn't it cute? I'll be the only one who's allowed to call you that—"
"I'm not a pet, quit it, brat."
Ngumuso ako. "Fine. Hindi na."
Tatalikod na sana siya nang hawakan ko ang braso niya. Tiningnan niya iyon gamit ang mga mata niyang tila may laser. Pero hindi ako nagpatinag at hindi ko siya binitiwan hanggang sa siya mismo ang mag-alis ng kamay ko sa braso niya.
Ipinagsawalang-bahala ko iyon at matamis na ngumiti sa kanya. "You're here to visit me, right? Bakit aalis ka na kaagad—"
"I'm not here to visit. I run an errand."
"Errand?"
Umismid siya. "Jillian asked me to bring you those fruits," aniyang iniwas ang tingin sa akin.
Ngumuso ako. "Really? Pakisabi thank you! P-Pero bakit hindi na lang siya nagdala? Bakit ikaw?" nangingiti kong tanong.
"Bakit ang dami mong tanong? Go back to your room," masungit niyang tugon at muli na naman akong tinalikuran.
Pero imbes na sundin siya ay sinundan ko siya papasok sa elevator. Luckily, kami lang dalawa.
"What the hell—bakit ka sumunod?"
"Play with me," nakangiti kong sabi sa kanya. "I'm bored. Samahan mo ko sa rooftop—"
"No."
"Please?"
"No."
"Pretty please!"
"I said no."
"Pretty pretty please with cherry on top," ngumuso ako at pinalamlam ang mga mata ko.
"You're a nuisance!" singhal niya na nakapagpayuko sa akin.
Malalim akong bumuntong-hininga. "S-Sorry,"
Lalabas na sana ako pero ikinagulat ko nang sumara ang elevator at pinindot niya ang top floor.
I squeaked but quickly shut up when he glared at me.
Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang hangin na sumalubong sa amin. Ramdam ko ang pananayo ng balahibo ko sa lamig. Binalingan ko si Dark at tinitigan ko ang suot niyang hoodie.
If we're in the movie, ipapasuot niya sa akin 'yon. Pero nasa reyalidad kami at imposibleng ibigay niya iyon.
"Tss," ismid niya sa akin at padekuwatrong naupo sa bench. Tumabi ako sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin kaya umurong ako palayo sa kanya.
Tumingala ako habang yakap pa rin ang sarili at pinagmasdan ang nagkikinangang mga bituin.
"Darkness scares me but without it, I can't see the stars," saad ko at inangat ang kamay ko na tila inaabot ang mga 'yon.
"If darkness scares you then you should stop yourself from falling to me, Claudine."
Gulat kong nilingon si Dark na ang tingin ay nasa langit din. The way he called me by my name.
Does he have any idea how fast my heart races, right now?
"W-Why?" anas kong tanong sa kanya.
Hinubad niya ang mask na suot-suot at ngumisi sa akin. "You can't handle someone like me who's living in the dark for far too long...I'm the dark itself."
Kumunot ang noo ko walang maintindihan sa sinasabi niya.
Nilabanan ko ang tingin niya at umiling. "No, I'm not going to stop myself from falling for you, Dark."
Nawala ang ngisi niya at sinamaan ako ng tingin. "I don't like you. I won't like you. That means I won't fall for you. You're just going to hurt yourself," sabi niyang tila isang palasong tumama sa puso ko. Nag-init ang gilid ng mga mata ko pero lumunok ako para mawala ang namuong bikig sa lalamunan ko at muling umiling.
"It's my choice, your words won't stop me from falling, Dark."
"Then, suit yourself."
I'm willing to embrace the darkness, Dark if it means I can be with you...