#EmbracingDarknessCH9
Stay away
"WHAT?! Dinala ka niya sa bahay nila? OMG!" tili ni Tiara nang sagutin ko siya sa sunod-sunod niyang tanong kung saan ako dinala ni Dark.
"Mygosh, Tiara. Please start the car, lagot na ko kay Daddy! I need to be home! Nandoon na siya for sure and he'll call me—"
Napapikit ako sa pagtunog ng cellphone ko lalo nang makita ko ang pangalan ng caller ko.
"Dad?"
"I'm waiting Claudine, where are you?!"
"Dad, on the way na po kami ni Tiara. It's just that traffic—"
"Okay. Tell Tiara to be careful sa pagda-drive. No need to rush!"
Hindi na ako nakapagpaalam nang ibaba agad ni Daddy ang tawag.
"Oh gosh! Daddy is so galit! What to do, Tiara?" kagat-labi kong untag kay Tiara na nag-uumpisa nang magmaneho.
"You know your Dad, he's just overprotective. Pero hindi ka naman no'n matitiis. What I want you to do right now is to make kuwento about what happened with you and Dark!"
Well, Tiara is right. I'm sure I just need to make lambing with my Dad. He'll forgive me. Or I could just lie to him that I was on a dinner date with our friends. I mean wala naman siyang alam na kasama ko si Dark at sumakay ako ng motor. I don't want to lie but I'm scared that he might take away my freedom, again.
OMG! I'm so brilliant!
"I'm waiting, Claudi!"
"Fine."
Inumpisahan kong magkuwento sa kanya na hindi matapos-tapos dahil sa mga reaksyon niyang overacting.
"So, conclusion is he's going to be your date?"
Tumango ako at hindi maiwasang mapangiti. "I'll be the happiest woman on earth next next week, Tiara."
"Really? Are you still going to be happy kapag naging tampulan ka ng kuwento sa campus? Like, kanina pa nga lang ang ingay na no'ng mga fans ni Dark. Paano pa sa acquaintance? I won't doubt if someone try to pull your hair—"
"Hey! Don't jinx me, okay? Even if that happens, I don't care and hindi mo naman ako pababayaan 'di ba? Takot lang nila sa 'yo pati na rin kina Des."
"Hmmmm, yeah subukan lang nilang apihin ka hindi sila makakaligtas sa prada shoes ko! But wait—so sasamahan mo siya sa Palawan? That is impossible to happen, sissy. Your Dad won't allow you," sabi niya na napapailing sabay liko sa village namin.
"I was actually thinking about that...but I can like you know lie a little bit. You're going naman with us—"
"Aba't Leighrah! I won't ano, gusto mo bang mayari ako sa Daddy mo?" gulat niyang saad sabay hinto sa harap ng bahay namin.
"C'mon, it's weekend naman. We don't have schedule for that—"
"Do you have amnesia? May afternoon class tayo tuwing Saturday!"
Napapikit ako nang maalalang meron nga pala kaming isang minor subject tuwing Saturday.
"One absent won't hurt our grades—"
"Are you serious? You're willing to compromise our studies for that guy? I mean, I agree he's hot and all, like I won't blame you that you like him. But Claudine, you should know our priorities."
Tiara Agoncillo is like this ever since we became friends during our middle school years. Hindi siya katulad nila Desiree na pababayaan ang pag-aaral para sa gimik. Kaya nga siya ang naka-close ko kasi pareho kami. We always prioritize our studies over fun.
"Tiara...I just wanted to help him. But fine, if you really can't join me, I'll just ask Desiree—"
"No! I'll go with you, mas delikado kapag iyong mga wild na 'yon ang isasama mo."
"Kala ko ba studies first?"
Sumimangot siya. "But you're my best friend, but please Claudine this will be the last time na a-absent tayo para diyan kay Dark."
Ngumiti ako at niyakap siya. "Thanks Sissy! You're the best!"
"Tsk, let's go. Goodluck sa panenermon sa 'yo ni Tito Cloud," sabi niya sabay labas ng kotse.
Bumalik ang kaba ko nang nag-aalalang mukha ni Mommy ang sumalubong sa amin.
"He's in his office. Go there, baby."
"Is he angry?"
Ngumiti si Mommy. "He is but he won't stay mad for long to you...you know him."
Hinarap ni Mommy si Tiara at magkaabrisete silang nagtungo sa kusina. Habang ako ay kinakabahan habang pumapanik patungo sa office ni Daddy.
Kumatok muna ako bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Dad," tawag ko kay Daddy na nakatalikod at pinagmamasdan ang family portrait namin.
Lumingon siya at wala ang pamilyar na ngiti na lagi niyang isinasalubong sa akin. Pero kahit ganoon ay malambing akong ngumiti at lumapit para halikan siya sa pisngi at yakapin.
Tinapik ni Daddy ang balikat ko at humiwalay sa akin. Kinuha niya ang cellphone niya sa table niya at inabot sa akin.
"Explain that to me," sabi niya na tila pinipigilan ang pagsigaw sa akin.
Napapalunok na inabot ko ang cellphone ni Daddy. Nanlaki ang mga mata ko sa picture na naroroon. Una ay no'ng magkatitigan kami sa stage ni Dark. Sumunod ay ang pagsakay ko sa motor ng huli.
OMG!
"Dad, h-how did you get this?"
"In the internet! Pinagpipiyestahan ka nila! We already took down those photos in every site that it was posted but the damage has been done! I thought you were just admiring his music, Claudine! What's the meaning of those pictures?! Is he your boyfriend?!"
"Of course not, Daddy!" sigaw ko na rin pabalik.
How I wish that he is my boyfriend, though...
"Then explain those pictures! How could you ride that motorcycle?! Alam mo bang puwede kang maaksidente?!" pulang-pula na ang mukhang singhal sa akin ni Daddy.
How can I explain to him? Hindi niya puwedeng malaman ang nangyari dahil sunod-sunod na tanong ang ibabato niya sa akin! Hindi niya puwedeng malaman that I'll go to Palawan.
"Dad, h-he's my blockmate, we had a project in our subject—"
"You're not a good liar, Leighrah Claudine!"
Napakagat-labi ako pero hindi ko pa ring magawang ikuwento ang lahat kay Daddy.
"Dad...please, I promise we didn't do anything bad—"
"You rode that motorcycle! And you didn't do anything bad? That was dangerous, Leighrah! What if something bad happens?"
"But nothing happened, Dad! I'm still here. Alive. Walang galos o sugat! I'm fine! Stop treating me like a child!"
Hindi ko na matiis na sumigaw na rin. Unti-unti ko na namang nararamdaman na nasasakal ako.
"You're still a child—"
"I'm not! Dad, look at me! Hindi na ako eight years old! Malaki na ko, hanggang kailan ba ninyo ititigil ang pangunguwestiyon sa mga ginagawa ko?! Palagi na lang hindi puwede 'to, palagi na lang bawal! Dad! I'm fed up with you being so overprotective to me! Kailan ba ninyo makikita na kaya ko na?" umiiyak ko ng saad kay Daddy.
Pero natigilan ako nang makita ang sakit na bumadha sa mga mata ni Daddy. Tila gusto kong saktan ang sarili ko sa mga nasabi ko.
"Nasasakal ka na ba kay Daddy? I just want what's best for you, hija. I don't want to fail again as a father to you. Ayokong maulit na hindi na naman kita naprotektahan..."
"Daddy!" umiiyak akong yumakap sa kanya.
"B-But I'll trust you. Go on and do what you want. Hindi na makikialam si Daddy."
Humiwalay ng yakap sa akin si Daddy at naglakad palabas ng opisina niya. I'm so guilty watching him turn his back on me.
Tumatakbong sumunod ako sa kanya at humarang sa daraanan niya. Humikbi ako nang makita ang pagpunas ni Daddy sa mga mata niya.
"Dad, I-I'm sorry! Please don't be mad at me na. I promise I won't do anything na makakapagpahamak sa akin. Please forget what I said, please Daddy!"
Ngumiti ang Daddy at pinunasan ang luhaan kong mukha.
"Ssshhh, don't cry. Aawayin ako ng Mommy mo 'pag nakita niyang pinaiyak ko ang prinsesa namin," sabi niya sabay yakap sa akin.
"D-Dad, hindi ka na galit sa akin?"
"Kailan ba ko nagalit nang matagal sa baby ko?"
Ngumiti na ako at mas lalong yumakap sa ama ko. Hinahaplos niya ang likod ko na lagi niyang ginagawa sa tuwing umiiyak ako.
"I just want you to promise me one thing, Claudine."
Humiwalay ako kay Daddy at kunot-noong hinintay ang sasabihin niya.
"What is it, Dad?"
"Stay away from that Dark Tiangco," seryosong saad niya sa akin.
"W-Why?"
"Hindi kita binabawalang hangaan ang bandang kinabibilangan niya. But I want you to stay away from him."
"Dad...I-I can't do that."
How can I stay away from someone I love?
Pumikit si Daddy sa sinabi ko. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya at paulit-ulit na pag-iling. Dumilat siya at hinintay ko ang panibagong argumento na naman sa pagitan namin pero pilit na ngumiti ang Daddy at inayos ang buhok ko.
"Just take care of yourself. Please do that for me, then."
"I will, Dad."
Hindi maiwasang mahiwagaan sa reaksyon niya. Pero hindi na napalawig ang usapan nang tawagin kami ni Mommy mula sa baba.
What is with Dark that made my father said that?