Chapter 28: She's Blushing "Ahhhh!" Sigaw ng lalaki. Mabilis akong napagulong at hindi tumama sa akin ang itak. Ginamit ko na naman ang aking kamay sa pagkapa. Kaagad na nagliwanag ang aking mga mata nang may makapa akong bagay. Ngunit nang mapagtanto ko kung ano iyon ay nanlaki ang dalawa kong mata! Mabilis kong inilayo ang aking kamay! "Ahhhh! Patay ka na!" Malakas na sigaw ng lalaki at kumaripas ito ng takbo. May hint na ako kung ano ang kanyang nakita. Ngunit dahan-dahan ko paring inangat ang aking ulo upang masiguro kung tama nga ba ang aking iniisip. Hindi paman ako tuluyang napatingin sa kanya ay kaagad na akong tumayo. Napaatras ako sa sobrang takot. Mas lalo pa akong natakot nang humakbang si Joan palapit sa akin. Hindi ko makita ng buo ang kanyang basag na mukha dahil h