Chapter 27: Jeson Ang ibig ibig ay parang isang muriatic acid lang, ito'y nakakasunog at nakakalason kung hindi mo ito ginamit ng maayos. Marami na ang napasaya dahil sa pagmamahal. Marami na rin ang sawing palad dahil sila'y nagmahal sa maling tao o di kaya hindi sila para sa isa't-isa. Kagaya sa kaso ni Mariel at Jeson. Ang pagmamahal ay may limitasyon at ang pagmamahal ay mahirap i-define. Kung totoo mang si Jeson talaga ang iyong tumaga ay sigurado akong hindi talaga matanggap ng lalaki na siya'y sinawing palad. "So anong plano?" Medyo nakakakaba lalo pa't pati rin kami kanina ay muntikan nang mabiktima. Ngunit kung si Jeson iyon, bakit kami damay? Bakit niya pa kami isasali gayong wala kaming kinalaman sa relasyong no'ng dalawa. "Hindi ko nga rin alam, eh dahil hindi rin naman s