CHAPTER TWO

2417 Words
CHAPTER TWO: The woman in Dream Napabalikwas ako ng bangon nang umalingawngaw ang bunganga ni Mama sa labas ng aming bahay. Dismayado akong bumangon. Tangna akala ko totoo iyong nangyari sa kagabi. Panaginip lang pala ngunit pakiramdam ko ay parang totoong nangyari. “Gabriel! Ano ba, may balak ka bang pumasok sa eskwela, ha?” Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa orasan! Late na ako sa isang subject ko! Napatalon ako sa aking kama at kinuha ang aking tuwalya. Nagmamadali akong lumabas at pinagbuksan sina Mama at Papa. “Kanina pa kami tawag ng tawag saiyo!” “Ma! Mamayang gabi mo na ako pagalitan dahil late na ako.” Napatingin ako kay Papa “Pa. Pahiram ng motor mo.” Tinalikuran ko sila at nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo. Kung bibilangin ang tabo ng tubig na aking ibinuhos sa katawan ay nasa lima lang. Takti, ayoko namang pumasok na walang ligo. Bukod sa hindi ako sanay mabilis din akong mangati. “Gabriel, magmadali ka na diyan, sobrang late mo na.” “Opo, Ma!” Kaagad na akong lumabas sa banyo at kumaripas ng takbo paakayat sa ikalawang palapag ng aming bahay. Agaran akong pumasok sa aking kwarto. Mabuti nalang at dalawa ang uniform ko kaya naplantsa na ito ni Mama. Wala na akong sinayang na oras. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagmamadali akong bumaba. Naabutan ko si Papa na umiinom ng kapa at hawak-hawak nito ang susi ng kanyang motor. “Pa, aalis na ako.” Humalik ako sa kanyang pisngi at hinablot ang susi sa kanyang kamay. “Mag-ingat ka. Huwag kang magmadali.” Si Papa. “Yes, Pa.” Palabas na ako nang bigla akong tawagin ni Mama. Kabababa niya lang galing sa taas. “Ma, late na ako.” “Sandali lang...” Lumapit siya sa akin na dala-dala ang puting belo, “kanino ito? Bakit nasa higaan namin to ng Papa mo?” Kumunot ang noo ko, “hindi po iyan sainyo?” Umiling si Mama, “ saan mo ito nakuha? Wala akong kahit isang belo.” “Si Aling Marta ang may bigay niyan sa akin kahapon. Ang sabi niya ay baka nahulog mo raw nang umalis kayo ni Papa.” “Ehh.” Natapon ni Mama ang belo sa akin,  “baka may virus ‘yan!” “Mama, naman eh.” Kanina pa nangangati ang paa ko. Gusto ko nang umalis dahil sobrang late na ako. Hindi na nga ako nakapasok sa first subject, late pa ako sa susunod. “Ibigay mo iyan kay Aling Marta.” Wala na akong choice. Kung makikipagdebate pa ako sa kanya ay mas lalo pa akong matatagalan, “sige po, mamaya pagkauwi ko.” Nagmamadali akong tumalikod ngunit napahinto ako ng sambitin na naman ni Mama ang pangalan ko. “Ma naman.” “Ang kiss ko?” Napakamot ako sa batok at nagmamadaling humalik sa kanyang pisngi, “aalis na ako.” Paglabas ko ng bahay ay nilagay ko muna ang puting belo sa bag. Nang isara ko ang bag ay kaagad lumabas ang amoy ng belo. Napahinto ako nang parang pamilyar ang amoy na iyon. Parang amoy ito ng babae sa aking panaginip. Kaagad akong kinilabutan, takti! Saan galing ang belong ito! “Gabriel! Umalis ka na.” Sigaw na naman ni Mama. Sumunod ito sa bukana ng pintuan. Napailing akong tinakbo ang motor ni Papa. Mabilis ko iyong pinaanadar at umalis na. Habang nasa daan ay hindi maalis sa isipan ko ang babae sa aking panaginip. Sobrang ganda niya at iyong nangyari sa amin? s**t! Iniisip ko palang siya ay tinatablan na ako ng kakaibang libog. Sobrang kakaiba niya talaga. Malakas ang kutob ko na ang babae sa aking panaginip ang siyang may-ari ng belo na nasa aking bag. Pagdating ko sa University ay agad kong nai-park ang motor at lakad takbo kong binabaybay ang hall way patungo sa aking next subject. May mga estudyante akong nakakasalubong at kagaya ko nagmamadali rin ang mga ito. Eksatong paliko na ako nang may babae akong nakabunggo. Bumagsak lahat ang kanyang dala kaya mabilis akong sumaklolo. “Sorry, Miss.” Pinulot ko ang mga notebook niya, “nagmamada--.” Napahinto ako sa pagsasalita nang makilala ko ang kanyang mukha! “Ikaw?” Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya. Ngumiti lang siya gaya ng ngiti niya kagabi sa akin. Kinuha niya ang kanyang gamit at mabilis na umalis. Tama! Dito ko siya nakita noon, pero sobrang matagal na iyon. Freshmen palang ako at first day of class. “Miss sandali.” Hahabolin ko na sana siya nang tumunog ang bell ng University. Tanda na tapos na ang first period. “Mamaya ko nalang siya hahanapin.” Malakas talaga ang kutob ko na sa kanya ang belo. Pagkapasok ko sa room ang siyang pagdating ng aming professor. Medyo binata pa siya at sa tingin ko’y bago palang nagtapos sa kanyang masters. Umupo ko sa likuran at inayos ang sarili. “Goodmorning class.” Bati niya sa amin. Sumagot ang ibang kaklase ko habang ako ay sobrang tahimik lang. Hindi ko maialis ang babae sa aking isipan. Sino kaya siya? “Pass your assignment.” Ani Professor Sotto. Mabuti nalang at nauna ko itong natapos kagabi. Kinuha ko ang isang buong papel sa bag at ibinigay iyon sa aking harapan. “Please get one forth sheet of paper. May surprise quiz tayo.” “s**t!” Mahinang pagmumura ko. Hindi ako nakapag-review ng notes bago pumasok rito. Kaagad akong pinawisan, ano ang isasagot ko nito? “Ayan, hindi na naman nagbasa.” Bulong ng katabi kong si Tyler. Tipid lang akong ngumiti ngunit ang tingin ko sa kanya ay nagmamakaawa na. “Sige na.” Ani ko. Alam na niya ang ibig sabihin ko. As always, kokopya na naman ako. Pero kung nakapag-review lang ako hindi ko kailangang kumuha ng sagot ng iba. “Survival.” Napabungisngis ako. “Sige pero may kondisyon ako saiyo.” Siya naman ngayon ang napangiti. “Sige kahit na ano.” “Sama ka sa amin, inuman tayo.” Heto na naman ang gagong ito. Ilang beses na ba niya akong niyayayang mag-inuman kami kasama ang iba pang kaklase. “Hindi puwede, alam mo naman ang parent ko diba?” Tanggi ko sa kanya. Sa totoo lang ay ayokong uminom. Hindi ko gusto ang lasa ng alak at ayokong mag-alala ang mga magulang ko. “Okey, walang kopya.” Napabuntong hininga akong ibinalik ang tingin sa harapan. Ano pa nga ba, edi gamitin ang stock knowledge, iyon kung meron! “Number One!” Sigaw ni Prof, “True or False.” Shit! Lihim akong natuwa dahil sa true or false. Ibig sabihin dalawa lang ang pamimilian ko. “Farm animals are one of the greatest contributors to the worsening of climate change happening worldwide.” Tuluyan na akong napangiti dahil sa tanong. Kung ganito lang naman ka dali na tanong ay masasagot ko kaagad! Edi True! Lalo na iyon mga baka, nagpo-produce sila ng methane gas kapag dumudumi which is umaakyat sa atmosphere at sanhi ng pag-init ng mundo, kasama pa ang ibang gas. “Number Two...still True or False.” Palakad-lakad na si Prof. Sotto to see kung may nangongopya. “Sebum, is a waste product produced by the sudoriferous gland found in some in animals absent in pigs.” Kaagad ako napaisip. Tangna, true or false na nga pinahirapan pa. Napakamot ako sa aking batok dahil di ko matandaan ang mga lessons. Sa tingin ko’y matagal ng discussion na ito. “Number Three, last question.” Wala na akong choice pa, false nalang ang isinulat ko. Pakiramdam ko ay mali iyong sebum. “Write the correct answer.” Bumalik si Prof sa harap, “it includes bones on or attached to the midline (axis) of the body and comprise the skull, vertebral column, sternum, and ribs.” Napangiti na naman ako ng alam ko ang sagot. s**t, topic ko ang ang sagot sa tanong, reporting ko pa to last week. Axial Skeleton ang sagot, hindi-hindi ko iyon makakalimutan. “Exchange your paper in front of you.” Utos ni Prof.  Ibinigay ko ang papel sa harapan at ibinigay ni Agnes ang papel niya sa akin. Classmate ko siya sa subject na ito. Sa pagkaalam ko ay floating class siya. “Number one is true, two is false and threee is axial skeleton.” Pagsabi ni Prof Sotto sa sagot. Kaagad kong tiningnan at niwastuhan ang papel ni Agnes. Mali siya sa pangatlo, skeleton lang ang kanyang sagot.” “Here.” Ibinalik ni Agnes ang papel ko sa akin at ibinalik ko rin ang sa kanya. Napangiti ako ng wasto lahat ng aking sagot. Akala ko ay mali ako sa pangalawang tanong. “Pass your paper in front.” Dali-dali kong ibinigay ang papel kay Agnes. Sa hindi malamang dahilan ay pagtingin ko kay Prof Sotto ay nakatingin rin pala siya sa akin. Napalunok ako ng laway, iba ang titig niyang iyon. “Ilan ang scores mo?” Biglang tanong ni Tyler kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Prof. “Siyempre perfect score.” “Ang daya, ako one lang.” Napakamot siya ng ulo na siyang ikinatawa ko. Haist, ganoon talaga sa pag-aaral. Kung sino pa ang hindi nag-aral ay siya pa ang may malaking nakuha. “Okey, listen everyone.” Magsisimula na ang Prof kaya nakinig na ako. Ayokong ma-pressure ako sa susunod na surprise quiz. Tutok na tutok ako sa aking pakikinig nang biglang humangin. Mabilis kong tiningnan ang ceiling fan, naka-on na pala ito. Dahil sa hangin ay unti-unti kong naamoy ang napakabangong belo sa aking bag. Naalala ko ang babae kanina at sa aking panaginip. Patingin-tingin ako sa aking paligid ngunit hindi ko siya makita. Baka napadaan lang siya? The moment when I return my sight kay  Professor Sotto ay nakatingin na naman siya sa akin. I don’t know why pero kinilabutan ako sa kakaibang tingin niyang iyon. Hindi ko puwedeng isipin na bakla siya dahil ang maskulado niyang lalaki. Ako na rin ang nag-iwas ng tingin. Nagkunwari akong nag-take down notes para hindi ako mapatingin sa harapan. At ang amoy ng belo at nong babae ay nawala na. Duda akong dumaan lang siya. Sayang naman, hindi ko siya nakita. Gusto ko lang sana siyang tanungin tungkol kagabi at sa belo na nasa loob ng aking bag. “Class dismissed.” Biglang wika ni Prof na siyang ikinatuwa ko. Mabilis akong tumayo at lumabas ng room namin. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang time. I still have 20 minutes para hanapin ang babae na iyon. Pinapanalangin ko na wala siyang pasok ngayon kapag nagkaganoon ay madali ko lang siyang mahahanap. Una kong pinuntahan ang cafeteria ng University ngunit wala siya roon. Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit hindi ko siya makita. Sunod namang pinuntahan ko ay ang library, may ten minutes pa ako para hanapin siya. Gaya nang nasa cafeteria, wala din siya sa library. Napabuntong hininga akong nagtungo sa next class ko. Baka may pasok siya. Pagpasok ko sa room ay nandoon na ang ibang classmates ko. Si Tyler ay nandidito parin, pareho kami ng schedule pati ang iba ko pang kaklase kay Professor Sotto. Liban nalang sa iba na sa subject na ito lang namin kaklase. “Saan ka galing?” Tnaong ni Tyler habang kumakain ito ng cracklings. Inilayo ko ang aking mukha dahil ang asim ng hininga niya. “Wala, nag-CR lang ako.” Pagsisinungaling ko. Wala akong planong sabihin sa lalaking ito ang tungkol sa babae na iyon baka magkaroon pa ito ng interes. “CR?” Napahinto siya sa pagkain, “nakita kita sa cafeteria na may hinahanap.” Ani niya sumubo na naman ng isang piraso ng cracklings. “Wala ‘yon. May hinahanap lang ako at pagkatapos nagtungo na ako sa CR.” Sagot ko. “Sino?” “Ha?” Sandali akong nag-isip, “si Marta.” Kaklase natin sa ibang subject. Patawarin ako ni Aling Marta. “Marta?” Kumunot ang noo niya. “Oo, just shut up your mouth dahil nandito na si Professor X esti Prof Lloyd[K1] .” “Baka magku-kuwento na naman siya ng X-men nito. At wala na naman siyang maituturo.” Inayos ni Tyler ang kanyang upo at nilagay sa bag niya ang hindi pa nauubos na cracklings. “Okey, class. Wala tayong discussion ngayon dahil manonood lang tayo ng The Grudge.” Napaawang ang aking labi. Hindi ko alam kung nasa matinong pag-iisip ba itong Professor namin dahil ever since halos ng oras namin ay ginugugol niya sa mga walang kwentang bagay. Tiningnan ko si Tyler, kumakain na naman ulit ito ng cracklings. “Please, take note sa mga importanteng bagay na inyong mapapanood.” Bilin ni Professor Lloyd tiyaka binuksan ang projector niya. Napabuntong hininga akong itinuon ang mga mata sa screen. Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakapanood nito at wala akong balak manood ng mga horror. Hindi sa takot ako, ayokong lang ng mga ganoong movies dahil ang papangit tingnan. Lalo na iyong mga multo mismo, napaka-exagerrate lang ang make-ups. Gaya ng sinabi ni Prof Lloyd ay magtake down notes. Honestly isa palang ang nasusulat ko tapos nasa middle na kami ng movie. Ang mga overacting kong classmates ay napapahiyaw, karamihan sa kanila ang mga babae. Habang ako naman ay mabigat ang aking mukha, gusto ko nang lumabas para hanapin ulit iyong babae baka sa pagkakataong iyon ay makita ko na siya. Eksatong pag-andar ng ceiling fan ay naamoy ko na naman ang bulaklak na halimuyak ng belo. Kaagad akong napatingin sa labas. Nanlaki ang mga ko nang makita ko siyang dumaan. Tumayo ako at mabilis na lumabas. Pagkalabas ko ay hindi ko na siya nakita. Ang dali niyang nawala. Saan kaya siya nagpunta? Nanlulumo ang mga mata kong bumalik sa loob para ituloy ang panonood. Wala na rin ang kaninang amoy ng belo. Pagkatapos ilang minutong panonood ay sa wakas natapos na rin. Kaagad kong ibinigay ang aking papel sa harapan para ipasa. Pinalabas na rin kami ni Professor Lloyd. Magtutungo sana ako sa gawi kung saan ko siya nakita nang bigla akong akbayan ni Tyler. “Lunch na tayo, Gab.” Aniya. Hindi parin nawawala ang asim niyang hininga buhat ng pagkain ng cracklings cracker. “Tara.” Baka kung magpumilit pa ako ay malalaman niyang iba ang hinahanap ko. Sabay na kaming nagtungo sa cafeteria at sabay na rin nag-order ng pagkain. Sa paghahanap namin ng table ay naagaw ng paningin ko si Professor Sotto na kumakain, ngunit nakatingin siya sa akin. May kasama siya ngunit hindi niya pinambalingan. Tipid akong ngumiti sa kanya at nag-iwas ng tingin. Ang weird ni Prof ngayon, hindi naman siya ganoon dati. Pumwesto kami ni Tyler sa sulok ng cafeteria dahil iyon lang ang available. Hindi ko na rin tiningnan ang Professor. Itinutok ko ang sarili sa pagkain kaya nang matapos kami sa pagakin ay dumiritso na ako sa susunod na subject. Si Tyler wala itong pasok ngayon, kumbaga vacant time niya. Lumipas ang mga oras ay hindi ko na nakita ang babae. Parati akong nag-aabang sa kanya sa loob ng room ngunit di na siya dumadaan sa labas. Kaya nong uwian na ay nag-abang ako sa gate, nakaupo lang ako sa motor ni Papa. Marami na rin nagsisi-uwian na mga estudyante. Itinutok ko talaga ang aking tingin sa mga papalabas. Hanggat maaari ay hindi na ako kukurap para makita ko talaga siya. Lumipas pa ang mga oras ngunit di ko parin siya makita. Napagpasyahan ko nalang na umuwi, bukas ko nalang siya hahanapin. Gustong-gusto ko talagang siyang makilala pa ng maayos o tamang sabihin gusto ko siyang matitigan pa. Iyong ginawa namin sa aking panaginip, iisipin ko palang ay nagbigay iyon sa akin ng kakaibang saya. Sobrang hot niyang babae at kahit na sino namang lalaki ay mababaliw sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD