Chapter 49: Reynan Bustamante "Gab, gising. Gab, gising ka na." Niyugyog ako ni Angel. Marahan kong inimulat ang aking mga mata. Nandidito pa rin kami sa lugar na hindi namin matukoy kong saan kami. "Nanghihina ako Angel, gutom na gutom na ako." Dagdagan ng aking sugat sa batok. "Gab. Gagawa at gagawa tayo ng paraan." Nanghihina na rin si Angel. Pilit niyang pinapalakas ang kanyang loob. "Sa anong paraan Angel?" "May naisip na kami. Ipagpapatuloy namin ang paghuhukay." "Paghuhukay?" Tila nabuhayan ako sa sinabi ni Angel ngunit hindi iyon sapat para mapawi ang panghihina ng aking katawan. "Oo Gab. Kunting tiis nalang at makakalabas tayo sa bulok na lugar na ito." "Sana nga Angel, sana nga." Napayakap ako sa dalaga. Siya ang nagbibigay lakas sa akin ngayon. Hindi ko alam ang gag