Chapter 50: Banta Lihim na napataas ang aking kilay sa sinabi ni Mr. Saavedra. Hindi na ako magugulat pa kung palaging nandoon si Reynan. Bukod sa wala na doong gumagamit, maraming umiiwas sa building. Gusto kong makita ang hayop na lalaking iyon. Nangangati ang mga kamay ko! "Who saw him?" tanong ni Doktor Gonzales. "Si Gilbert, susundan niya sana ito ngunit may hinahabol siyang oras." "Napapansin ko lang po ay hindi nagiging active ngayon si Reynan. Simula nong natapos ang practice assessment ay di na siya nanakit pa." Si Tyler. "Dahil iyon sa dobleng pag-iingat ninyo." sagot ni Mr. Saavedra. "Kung hindi na siya nagiging agresibo sa pagkitil ng buhay lalo na sa amin ay nakatitiyak akong nag-iingat na siya. Alam natin at alam niya na siya ang ating primary suspect. Para mailigtas ni