Chapter 33: Nakaambang Panganib Inilipat kami ni Tyler ng room. Mabuti nalang at may iba pang vacant. Kapag wala ay mapipilitan kaming iuwi sa kanya-kanya naming bahay. Ang kaso ay dis oras na ng gabi. Pagkatapos naming mag-ayos dalawa ni Tyler ay humiga na kami sa kanya-kanyang naming kama. Napatingala ako sa kisame at napapatitig roon. Kaagad na pumasok sa aking isipan ang sinabi ni SPO1 Lao. Hindi ko alam kung bakit tumanggi kami ni Tyler sa kanyang kagustuhan. May nagtutulak sa isip ko na huwag gawin iyon dahil masiyadong mapanganib. Sa isip ko ay baka mayroon pa naman yatang ibang paraan. Naisipan kong tingnan si Tyler. Kagaya ko ay nakatutok lang din siya sa puting kisame. Sa tingin ko'y mas malalim pa ang kanyang iniisip kaysa sa akin. Ngunit naiintindihan ko naman siya. Baka