Chapter 7 : Por Pabor

2329 Words
SANTA VERONICA CHURCH, DUMAGUETE MASIYAHAN si Champagne nang marinig mula sa mga magulang ni Luigi na wala ang binata sa bayan nila, nasa Manila daw ito para dumalo sa isang car racing na hilig nito. Kahit papano nakahinga siya nang maluwag at hindi ito kasama, hindi niya ito makikita kaya walang pagkakataon para itukso siya ng Mommy Gemma niya rito. Iyon nga lang narinig niyang babalik din daw ito sa susunod na linggo. Napaismid na lamang siya at wala naman siyang magagawa dahil hindi siya makakatakas sa katotohanang kahit na ano ang gawin niya magkikita at magkikita pa rin silang dalawa kasama ang kaniya-kaniyang pamilya. Kung bakit ba naman madalas ang pag-alis ng Mommy Ysabella at ang tumatayo sa kaniyang ama na si Vincenzo, labas pasok na lang ng bansa ito pero madalas sa Italya sila naglalagi para sa malaking ubasan ng ginoo. Piniling umupo ni Champagne sa likuran ng Mommy Gemma niya, katabi nito ang amiga na mama naman ni Luigi. Kaya may pagkakatan siyang luminga-linga sa paligid, hinahanap ng mga mata niya si Vino at ang pamilya nito. Halos kahapon lang magkasama silang dalawa at nasa bahay nila ito, pero nandoon na ang pangungulila sa puso niya para dito. "May hinahanap ka ba?" tanong ni Luisa ang nakababatang kapatid ni Luigi. "Wala naman," mataray niyang sagot dito. "Akala ko si kuya ang hinahanap mo," anito sa kaniya. Lihim na lamang napangiwi si Champagne. Lumingon siyang muli at sa hindi inaasahan nakita niya si Chiara nasa likuran lang nito si Vino at direktang nakatingin sa kaniya. Napalunok si Champagne nang ilinga ni Vino ang ulo nito sa kaliwang bahagi, sa daan papunta sa kumbento ng simbahan. Muli siyang napalingon sa gawi ni Vino nang naglalakad ito sa kung saan sinenyas sa kaniya kanina. Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Champagne. Binaling niya ang tingin sa Mama Gemma niyang nasa unahan nila, abala pa rin ito sa pakikipaghuntahan sa magulang ni Luigi, pasimple niya namang tiningnan si Luisa abala rin ang isa sa telepono nito. Dahan-dahang tumayo si Champagne, wala dapat makahalata sa kilos niya. Pupuntahan niya si Vino at baka may mahalaga itong sasabihin sa kaniya. NAKANGITING Vino ang nadatnan ni Champagne sa isang tagong gawi, walang gaanong dumadaan dito dahil sa bagong daan na pinagawa ng alkalde nila sa kabila. "B-bakit?" nauutal na tanong ni Champagne dito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang kakisigan ni Vino sa suot nitong blue na polo at itim na slacks kapares ang makintab na leather nitong sapatos. "Come here," narinig niyang ani nito. Lumingon pa si Champagne nang makasiguradong wala ng gaanong tao, lumapit siya sa gawi ni Vino, may isang daan doong makipot papasok sa lumang palikuran ng simbahan. "Hindi na ako nakatawag sa 'yo nang umuwi ako," ani sa kaniya ng lalaki, kasabay ang pag-ayos ng buhok niyang bahagyang nagulo dahil sa hangin nang papunta siya rito. "A-ayos l-lang, Y-Ynno." "Pinagalitan ka ba, Payne? Nalaman ba nilang nasa kwarto mo ako?" Umiling-iling siya rito, wala itong dapat ipag-alala dahil walang kahit na sino ang nakaalam. "Nasa Italya ang daddy mo't mommy ko, halos kaaalis lang nila nang gabing 'yon." Nagbaba ng tingin si Champagne sa kamay niyang hinawakan ni Vino. "Ayaw kong silang pag-usapan," wika nito sa kaniya. "Ynno, baka hinahanap na ako ni Mama Gemma," paalam nito sa binata. Tinaas ni Vino ang kamay niya't hinaplos ang pisngi niya. "Ang ganda-ganda mo, Payne," anito. "Ganoon ka rin, Ynno, bagay sa 'yo ang suot mo." Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa mga mata niya, walang ano-ano nagbaba ng tingin si Vino sa kanila'y siniil ng halik ang labi niya. Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Champagne sa sarili nang maramdaman ang halik ng lalaking kasama niya, napapikit siyang malayang tinanggap ang halik nitong madalas siyang nangungulila. Naging mabilis ang galaw nila sa isa't isa habang ang dalawang kamay niyang parang may sariling utak na niyakap ito sa leeg ng lalaking tinatanggi niya. Halos habulin nila ang kapwa hininga sa malalim na halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Mabilis siyang hinalikan sa nuo ni Vino at walang paalam itong naglakad palayo pabalik sa simbahan. Naiwang tulala si Champagne, tsaka niya na lamang naisip na nagpasailalim na naman pala siya sa karisma ng isang Vino Fontana. Isang halik lang talaga nito ang madalas nagpahina sa kaniya, napailing-iling na lamang siya at ilang minuto pa ang lumipas nang magpasya siyang bumalik sa simbahan. Dala ang panalangin na sana hindi nahalata ng Mama Gemma niya ang pag-alis niya ng walang paalam para lihim na makipagkita kay Ynno. HINDI magawang tingnan ni Vino si Champagne, pero sa sulok ng mga mata niya kitang-kita niya ang pagpasok nito sa loob ng simbahan hanggang sa muli itong umupo katabi ng isang dalagita. Hindi pamilyar sa kaniya ang mga taong kasama nito, bago sa kaniya ang lahat. Hindi naman sana siya sasama nang pilitin lang siya ni Chiara. Siniko siya ng kapatid niya, "Nakita ko kaninang pumunta kayo sa gawing bahagi ni Champagne. Ano na naman ang naiisip mo, Kuya?" mahinang bulong sa kaniya ni Chiara. Hindi niya akalain na masusundan siya ng tingin nito ganoon din si Champagne. "Wala." "Ano'ng wala? Nakita ko si Champagne at kababalik lang ng isang 'yan! Naku, kuya! Kapag talaga makita ka ni mommy, huwag kang magsasabi sa akin na hindi kita binabalaan ha!" "Wala kang dapat ipag-alala, Chiara. May tinanong lang ako kay Champagne... sa kapatid natin tungkol kay papa." Hindi niya alam kung pinaniniwalaan ba siya ni Chiara. Kahit naman hindi wala na siyang pakialam, ang mahalaga sa kaniya ang halik na pinagkaloob niya kay Champagne na tinanggap ng buo ng dalaga. "Bahala ka—" "Shhhh! Magsisimula na ang misa. Hindi magugustuhan ni mama kung makikita niyang magbubulungan tayo rito," aniya rito kay Chiara. Alam niyang hindi siya nito pinaniniwalaang may tinanong lang siya tungkol sa papa nila, katulad ng alibi niya rito. Kilala nya si Chiara, may palagay pa rin itong may ginawa silang kakaiba ni Champagne... at hindi niya itatanggi 'yon kung nagiging mas mapilit pa rin ang kapatid niya sa kaniya. Isang sulyap ng pinawalan ni Vino sa gawi ni Champagne. Nakaramdam siya ng pangungulila rito, tipong gusto nyang ikulong ang dalaga sa mga bisig niya at halikan ito ng mariin hanggang sa habulin sila ng kapwa nilang hininga. Napasinghap na lamang si Vino sa mga naiisip niya, nasa simbahan siya pero kung ano-ano na lamang ang sumasagi sa balintanaw niya tungkol kay Champagne. ---- NAIINIP na si Champagne sa sasakyan nila sa kakahintay sa Mama Gemma niya, abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa pamilya nina Luigi— para wala itong kapaguran makipaghuntahan. Hindi niya na rin matanaw ang pamilya ni Vino kasama ito, hanggang sa matapos ang misa hindi na sila nagkitang dalawa. Gayumpaman, sapat na sa kaniya ang kaunting sandaling nakasama ito at sa halik na lihim nilang pinagsaluhan dalawa. Hindi niya inaasahan 'yon sa pagsama niya sa Mama Gemma nila, mabuti na lang talaga at wala si Luigi nagkaroon siya ng pagkakataon para makapuslit papunta kay Vino. Mali ang ginawa nilang dalawa at hindi niya rin naman kanina iyon nakalimutang ihingi ng tawad. "Ang daldal talaga ng Tita Angela mo, Hija," bungad nito sa kaniya ng mama niya ang sumakay na ito sa unahang bahagi ng sasakyan nila. Ang Tita Angela na sinasabi nito ay ang nakilala niyang nanay ni Luigi. "Mabuti naman po at natapos na ang usapan niyo, Ma. Kailangan ko na kasing umuwi sa bahay at marami pa akong kailangan pag-aralan." "Relax, Hija! Heto na nga at nandito na ako. Uuwi na tayo." Mabuti naman, bulong nya sa isip niya. "Oo nga pala, Champagne. Nagkita ba kayo ni Vino? Nakita ko kanina ang Mama Elena nito at ang kapatid niyang si Chiara, nakita mo ba sila? Nakita ka ba nila?" Napalunok si Champagne. Hindi rin pala nakaligtas sa paningin nito ang pamilya ni Vino, ang buong akala niya pa naman dahil sa pagiging abala nito kanina hindi na nito napansin ang pamilya ng binata. Nagkamali lang pala siya. "Nasa m-misa po ang atensyon ko," pagsisinungaling niya rito. Kasisimba niya lang pero heto siya at nagsisinungaling na nanaman. "Hindi ka man lang nilapitan ni Elena? Imposible naman na hindi ka nila nakita. Kapag malaman ng Mama Ysabella mo 'to, magagalit na naman iyon." "Mama, wala naman dapat ikagalit si Mama Ysabella kay Tita Elena kung hindi niya ako nilapitan, isa pa simbahan ang pinuntahan natin at hindi party," naiinis nyang turan dito. Naiinis talaga siya sa Mama Gemma niya kapag inuungkat nito ang nakaraan na hindi naman dapat ungkatin pa. "Tayo na po, Mang Domeng," ani ni Champagne. Tumalima naman ito nang sabihin ng Mama Gemma niyang uuwi na sila. Balak niya pa sanang dumaan sa isang fast chain para bumili ng makakain, pero nawawalan na naman siya ng gana magsalita at yayain ito. Hindi na nagsasawa ang mga itong ungkatin ang problema pampamilya nila, hindi na rin matapos-tapos ang gulo sa pagitan ng Mama Ysabella niya at Mama Elena naman ni Vino, kaya nga 'yon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila malaya ni Vino gaya ng pagiging malapit nila noon. --- "Nakuha, Kuya. Kapag talaga nalaman ni mama ang ginawa mo sermon na naman na nakakatakot ang aabutin mo r'on." Ang buong akala ni Vino ay magagawa na siyang tatantanan ni Chiara, pero nagkakamali yata siya dahil hanggang sa bahay nila nakasunod ito sa kaniya. "Chiara, pwedi ba! Sinabi ko na sa 'yo hindi ba? May dahilan kung bakit ko ginustong lapitan si Champagne." "Hindi mo siya nilapitan, Kuya! Siya ang lumapit sa 'yo at kitang-kita ko 'yon!" Liningon ito ni Vino. Hindi niya napigilang hindi mapabuntong-hininga sa mga sinabi nito sa kaniya. "May gusto ka ba, Chiara? I know you! Hindi ka makikipagtalo sa akin kung wala kang kailngan.. Tell me, what do you like now?" Nakipagsukatan ito ng tingin sa kaniya. "Gusto kong pumunta ng Boracay kasama ang mga kaibigan ko. Matutulungan mo ba ako kay mama?" Napabuntong-hininga siya sinasabi nya na nga ba at may kailangan lang talaga ito sa kaniya. "Sino mga kasama mo?" tanong ni Vino rito. Kailangan niya munang alamin kung sino ang kasama nito, bago niya ito tutulungan, nag-iisang kapatid niya lang si Chiara at hindi niya hahayaang mapahamak ito. "Mga kaibigan ko kasama mga kaibigan ni Champagne." "Kasama si Champagne?" "Hindi! Imposibleng papayagan 'yon, Kuya. Kilala mo naman ang magulang ni Champagne maging ang tiyahin n'on." Tama si Chiara. Imposible ngang mangyari 'yon. "Hindi mo ba magagawan ng paraan? Ng mga kaibigan mo?" "Again, imposible, Kuya. Sinubukan na ni Veronica at bigo lang siya, isa pa nasa Italya ngayon ang mama nito kasama si papa." Pagbibigay-alam nito sa kaniya. Wala na siyang choice pa kun 'di ang tulungan si Champagne sa Mama Elena niyang payagan itong sumama sa mga kaibigan nitong kaibigan din ni Champagne. "At kung papayagan man si Champagne, hindi ko hahayaang kasama ka, Kuya. Mali ang ginagawa niyo!" "Chiara! Kapag may makarinig sa iyo baka ano lang ang isipin nila!" "Okay, Kuya. Then, helped me. Gusto ko ang bakasyon na 'to, kuya at ikaw lang ang makakatulong sa akin. Mama trust you so much, isa pa ikaw lang naman ang may say sa bahay na 'to at wala ako." Napangiti siya rito, sinasabi na nga ba niya may kailangan lang talaga ito sa kaniya, kaya hindi siya magawang tantanan tungkol kay Champagne sa nakita nito kanina sa simbahan. "Panalo ka na! Ako na ang bahala sa 'yo kay mama." "Talaga, Kuya?" Namimilog ang mga mata nitong aniya sa kaniya. "Pero hindi ibig sabihin niyan ay may ginagawa kaming iba ni Champagne! Gusto lang kitang maging masaya, Chiara! Just enjoy your life..." "Thank you, Kuya. I trust you naman na hindi mo ipapahamak si Payne." Ngumiti ito sa kaniya ganoon din siya rito. "Maghanda ka na ng mga gamit mo, kakausapin ko si mama." "Talagang tutulungan mo ako?" "Oo naman!" "Yay! Salamat, Kuya." Mabilis siyang nilapitan ni Chiara at niyakap ito ng mahigpit. "Don't expect muna at hindi pa natin alam ang desisyon ni mama. Pero makakaasa ka, gagawin ko ang lahat mangyari lang ang gusto mo, Chiara." --- HINDI pa rin mawala ang init ng ulo ni Champagne hanggang sa makarating siya sa bahay nila. Nandoon ang Mama Gemma niya at piniling magpaiwan para kausapin ang hardinero nila at may pinapagawa para sa mga tanim ng Mama Ysabella niya, masyadong hands on sa mga tanim ang mga tumatayong nanay niya. "Senyorita may gusto kang kainin?" tanong sa kaniya ni Jean. "Mamaya mo na lang ako kausapin, Jean. Gusto ko muna mapag-isa," tugon nya rito. Kung hindi lang talaga sila nagkita ni Vino kanina at kung lang talaga dahil sa isang halik na pinagsaluhan nila, hindi niya alam kung hanggang kailan magiging mainit ang ulo niya sa mga tao sa bahay nila. Mabuti na nga lang at nandoon si Vino. Napasinghap na lamang si Champagne hanggang sa walang paalam siyang umakyat sa taas ng silid niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng inis nang maalala ang lakad nga mga kaibigan niya. Gusto nya man magpaalam hindi niya magawa, hindi rin naman siya papayagan. Iniisip niyang tumakas sa muling pagkakataong 'to, naisip niya ring hindi magugustuhan ng Mama Ysabella at Daddy Vincenzo niya. Ikakapamak niya lang ang gusto niya at baka mangyaring ipadala muli siya sa Italya. Paano na lang si Vino? Magkalapit na silang dalawa. Ito ang hinintay niya sa mahabang panahon ng buhay niya, hahayaan niya pa bang magkalayo ulit sila dahil sa kapusukan niya. Isa pa wala rin naman si Vino sa lakad na 'yon, walang hilig sumama si Vino sa kahit kanino lalo pa't puro babae rin naman ang nandoon. Naalala niya si Chiara, imbitado rin ito ng kaibigan niyang si Sharon. Pinayagan na kaya siya? Tanong ni Champagne sa sarili niya. Hahayaan ba siyang umalis ni Vino? Duda siya. Kilala niya ang lalaki, kung gaano ito kahigpit kay Chiara. Minsan sumasagi sa isip niya ang kagustuhang higpitan din siya ni Vino— pero hindi bilang magkapatid, aniya. Kun 'di bilang isang babaeng tinatangi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD