Chapter 5 : Te amo

2005 Words
HINDI pa rin makapakali si Champagne kahit wala na ang Mommy Gemma niya na kapatid ng Mommy Elena niya at ganoon din si Vino na nagawa niyang pakiusapang iwan siya. Bumalik siya sa pagkakahiga at binalot ng kumot ang sarili. Alam niyang wala naman kahit na sino pa ang mang-aabala sa kaniya lalo pa ang dalawang ina niya sa bahay na 'yon, tiwala siyang abala na rin ang mga ito sa kaniya-kaniyang ginagawa. Wala sa sariling dinala ni Champagne ang daliri niya sa kaniyang labi; dinama ang halik na kanina lang pinagkaloob sa kaniya ni Vino. Hindi iyon ang unang beses na hinalikan siya nitong walang pasabi; napakaraming pagkakataon na rin maging ang una nilang paghaharap sa mansyon sa unang araw nang dumating ang mga ito. Kahit nagawa niyang magpanggap na waiter nang mga sandaling iyon, nakilala pa rin siya ni Vino. Ilang sandali pa narinig ni Champagne ang papalayong sasakyang sigurado siyang pagmamay-ari ito ni Vino, umalis na ng tuluyan ang binata. Mabuti naman, aniya sa sarili niya. Hindi na masyadong mahihirapan ang loob niya sa isiping nasa iisang bubong lang silang dalawa. Ang akala niya pa naman ay magiging matigas pa rin ang ulo nito at babalikan siya sa silid kong saan niya gustong magpaiwan. 'Hanggang kailan ba 'to Vino? Hindi ko alam kung sa muling paghaharap nating dalawa makaya ko pang harapin ka. Pinapahirapan mo ako. Alam kong hindi mo rin kagustuhan ang lahat ng 'to. Pero napapagod na rin ako sa sitwasyong 'to. Bakit sa atin pa 'to nangyari Vino?' Ang kaninang mga luha sa mga mata ni Champagne, ay tuluyan nang kumawala. Hindi niya magawang pigilan ang emosyon ng pait na nararamdaman dahil sa mapait na kapalarang mayroon sa kanilang dLawa. Pinikit niya ang kaniyang mga mata, matapos pahiran ng kamay niya ang luhang tuluyang nagbagsakan. 'Ang bagsik sa atin ng universe. Maraming pweding makaranas ng sitwasyon natin ngayon, pero tayo pa talaga ang pinili. Ang hirap ng ganito Vino. Wala man lang tayong laban para sa larong 'to!' patuloy niya sa pakikipagusap sa sarili niya. Napasinghap na lamang si Champagne nang muli niyang idilat ang mga mata niya. Naisip niyang hindi matutuwa si Vino, kapag nalaman nitong umiiyak siya sa walang kwentang dahilan. Pagtatawanan lang siya nito kapag nabalitaan nito. Pinili niyang umupo at pinatahan ang sarili. Tulad nga ng sinabi niya, hindi nila gusto ang lahat ng nangyayari sa kanilang dalawa. Umaasa siyang sa paglipas ng mga panahon, magkakaron ng kasagutan ang lahat ng katanungan sa isip niya. PINILING umuwi ni Vino nang masiguradong hindi uuwi nang maaga ang daddy niya. Hindi na rin nito nakuhang puntahan o magpaalam pa kay Champagne sa silid nito. Gusto niyang sundin ang dalaga sa kagustuhan nito, at hindi niya rin naman magagawang ipahamak ito kahit na ayaw niya itong iwan. Gusto niya pang makasama si Champagne at masabi rito ang lahat ng nilalaman ng puso niya. Though, nandoon din naman ang iharap sambitin kay Payne ang lahat, aniya. Ang mahalaga para sa kaniya, ay nakasama niya ito. Napangiti na lamang siya nang maalala ang isang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. He feel amazed when Champagne initiate his kiss at buong puso rin itong tinanggap ng dalaga na wala man lang pag-aalinlangan. Doon siya nagkakaroon ng pag-asa na hindi nawala ang pagmamahal na mayroon si Payne sa kaniya o, hindi ito napalitan ng pagmamahal bilang magkapatid tulad na lamang ng gusto ng mga magulang nilang dalawa. Mahal siya ni Champagne at sa sarili niya alam niya kung gaano ito kahalaga sa kaniya. Kung pwedi nga lang na mas makasama niya pa ito nang matagal. Nandoon lang ang takot sa puso niya na baka tuluyang ilayo sa kaniya ang dalaga, kapag nalaman ng kapwa pamilyang walang nagbago sa kanilang mga damdamin. He loves Champagne and no matter what else happens. It can never be replaced by love as siblings. Champagne is not his sister at hindi mangyayari iyon. Napangiti si Vino sa sarili nang maalala ang mga sandali nang mga bata pa silang dalawa; ang madalas nilang paglalaro sa batis noon. Bagamat kapwa takas lang sa kani-kanilang bahay ang naging drama nilang dalawa walang kahit na sino ang naging hadlang n'on. Nagagawan nila ng paraan ang lahat. Vino looked sadly at the front of his car. The situation is different now. They may still remember it, but it can't happen. Imposible na para sa kaniya. Maraming mata sa paligid ang maaaring maging hadlang sa kanilang dalawa sa ngayon. And, he protected Champagne. Iyon lang ang kaya niyang gawin sa babaeng pinakamamahal niya. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vino sa kawalan. Nangako siya na bibigyan niya ulit ng pagkakataon ang sarili nilang dalawa ni Champagne; hindi man ngayon, pero sa mga lilipas na sandali sa kanilang dalawa, magkakaroon din sila ng oras na silang dalawa lang ang magkasama. Hindi siya napapagod para sa sarili niya, sigurado siyang magugustuhan din ito ni Chapagne. Now he is ready to give all his time to Champagne. Makakatas silang muli sa abot ng kaniyang makakaya. 'I promise you, Payne. Magiging malaya tayong dalawa ulit. Hintayin mo lang ako Sweetie,' he whispered. Nagkaroon siya ng pag-asa nang may mga paraan na siyang naisip. Kilala niya ang mga kaibigan ni Payne, at matutulungan siya ng mga ito para itago ang lahat ng surpresa niya para kay Champagne na walang may makakaalam sa pamilya nito at ganoon din sa pamilya niya. Pwedi niya ring kausapin si Chiara, para matulungan siya. Hindi lingid sa kapatid niya ang damdaming lihim nila ni Payne sa isa't isa. Kaya siya nitong pagtakpan sa Mommy Elena nila maging sa Daddy Vincenzo nilang dalawa. 'Yes. Oo tama. Tama ang mga naisip ko Payne. It's all for you Sweetie. Hintayin mo lang ako. I promise magiging masaya tayo ulit, tulad ng mga bata pa tayong dalawa. Ibabalik ko ang lahat ng ala-alang 'yon. Hintayin mo lang ako.' Hindi na halos mawala ang ngiti sa labi ni Vino, ramdam niya ang sobrang saya para sa lahat ng mga naiisip. "CHAMPAGNE, Anak. Dinalhan kita ng maiinom mo." Napadilat si Champagne nang marinig ang boses ng Mommy Gemma niya. Bigla na lamang itong pumasok sa silid niyang walang pasabi, siguro dahil nakita nitong nakatulog siya. "What's that, Ma?" tanong niyang kinusot-kusot pa ang mga mata dahil sa antok niyang nararamdaman. Napasulyap siya sa relong nasa bedside table niya lang; pasado alas-otso na pala ng gabi. Hindi niya man lang namalayan ang oras dahil napasarap ang tulog niya. "Dinalhan na kita ng maiinom mo at kanina pa kita hinihintay sa baba para sana sabayan ako sa pag kain ko at abala yata ang Mommy Ysabella mo sa silid niya," sabi ng Mommy Gemma niya. Napaupo si Champagne sa kama at sinandal ang likod sa head board nito. Matagal nang gawin ito sa kaniya ng Mommy Gemma niya ang dalhan siya ng gatas sa oras na hindi siya nakakababa para kumain. "Nakatulog pala ako," ani ni Payne kasabay nang pagtanggap niya nang tasa sa pangalawang nanay na tumatayo sa kaniya. "Kung gusto mo ikukuha kita ng pagkain para sa hapunan mo. Ayaw mo na bang bumaba?" Napaisip si Champagne, ayaw niya rin naman makaabala sa mga tao sa labas. Pero ayaw niya ring abalahin ang sarili niyang bumaba para kumain ng hapunan. "I'm fine, Ma. Bababa na lang siguro ako kapag nagutom na ako, dating gawi na lang po. So. Don't bother, Mom. Dapat nagpapahinga na kayo, at hindi na kayo nag-abalang dalhan ako ng maiinom." "Sus kong bata ka! Alam mo naman na matagal ko ng gawain iyan at iyan na lang naman ang kaya kong gawin para sa 'yo. Huwag mo na ipagkait pa sa akin." Natawa na lamang si Payne sa naging sagot sa kaniya ng Mommy Gemma niya. Alam niya naman ito, ang ginagawang pagsisilbi ng ginang ang naging kasiyahan nito rito. "Thank you for this, Ma. Ang sarap po as usual." "Huwag mo na akong bolahin, Anak. At, hindi kailangan dahil masaya akong napagsisilbihan kayong mag-ina." Napangiti sila sa isa't isa. Ang swerte lang din nila ng mommy niya dahil may antie siyang katulad ng Mommy Gemma niya. Halos buong buhay nito sa kanila na umikot na dalawang mag-ina, panganay ito sa magkapatid, halos dalawa na lang din sila sa mundong 'to ang magkaramay dahil kapwa namataya na ang mga magulang ng mga ito— halos dalawang taon lang ang nakalipas. Ang matatandaang unang uwi ni Champagne noon, matapos nilang tumira sa Italya bago rin umalis si Vino kasama ang buong pamilya nito at noong kailan nga lang bumalik. "Maiba ako, Anak. Kamusta pala si Vino? Hindi man lang kami nagkita kanina." Napalunok si Champagne sa naging tanong nito sa kaniya tungkol kay Vino. Paano magkikita ang mga ito e sa silid niya nagtagal ang binata. "He's fine naman, Ma. Ganoon pa rin ang pilyo niya pa rin." "Binibiro ka pa rin ba? Pinagtitripan?" natatawang tanong ng ginang sa harap niya. "Hindi naman po gaano, Ma. At hindi naman kami nag-uusap madalas. Kanina lang..." pagsisinungaling niya. Kasalanan talaga ni Vino kung bakit niya nakukuhang magsinungaling dito. Hindi niya rin naman pweding sabihin dito ang lahat nang mga nangyayari sa kanila, dahil alam niya ang magiging kabayaran n'on kung sakali. "Nakakamiss din ang batang iyon, Payne. Sana kapag dumalaw siya rito ulit magkita man lang kami," anito pa. Taliwas iyon sa gustong mangyari ni Champagne, dahil kung siya lang talaga ang masusunod ayaw niya na itong bumalik pa sa bahay nila kung maaari lang. Pwedi naman sa labas na lang ito, para naman hindi na magkaroon ng pagkakataon ulit na pumasok sa silid niya. "M-maybe po, Ma. One day, magkita rin kayo ulit. But dapat handa ka na sa naging pagbabago ni Inno." "Hay, Sweetie! Na-mi-miss ko na ang samahan nyong dalawa," nakangiting sambit sa kaniya ng Mommy Gemma niya. Kung siya lang din naman ang tatanungin nandoon ang labis niyang pangungulila para dito. Wala lang siyang mapagpipilian kun 'di kailangan niyang maging isang mabuting anak para sa Mommy Elena niya at sa Daddy Vicenzo niyang labag sa loob niya. "Thanks for the milk, Ma. Gusto ko pa sana magpahinga. Inantok na naman po ako," ani ko rito. "Sigi-sigi ang mabuti pa nga ay matulog ka na lang muna ulit, Hija. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka. Nasa kwarto lang ako, Hija." Tumayo ang ginang at hinalikan si Champagne sa pisngi niya nang dumukwang ito. "Salamat po ulit, Ma..." Kumaway pa ito sa kaniya at mabilis nang lumabas ng silid niya. Inubos ni Champagne ang natitirang laman ng baso at pagkatapos nagpasya siyang mag-ayos ng sarili. Nakaramdam siya ng antok ulit, dahil siguro ito sa gatas na sinadyang dalhin ng Mommy Gemma niya. [ Hi. Sweetie. Just got home. And, I just want to say that thank you for this day, Payne. Lovelots, Inno.] Napalunok si Champagne nang mabasa ang email sa kaniya ni Vino. Naaalala pa pala nito ang email niya pagkatapos ng napakahabang panahon nang makatanggap siya ng huling email dito. Ang hindi kayang ipagkait ni Champagne ang tuwang basta-basta niya na lamang naramdaman, pakiramdam niya may isang libong boltahe ng kuryente ang nasa katawan niya. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa huling sinabi nito; love lots, Inno. Ang sweet pa rin ng dating sa kaniya nang sulat na 'yon. [ By the way. mi manca il tuo bacio, Señyorita. ] Muling mensahe nito. Napataas kilay si Champagne nang mabasa ito. Bigla siyang napatingin sa dahon ng pinto niya, may takot na baka may makakita sa mensahe sa kaniya ni Vino. Wala naman siyang planong replayan ito, dahil hindi naman siya nakakasigurado na kung si Vino nga ito. Napa-scroll si Champagne sa Fanvook account ng lalaki; tumambad sa kaniya ang gwapong mukha nito. Wala sa sariling dinala ni Champagne sa labi niya ang nakangiting profile ni Vino. 'Thanks for your kiss also, Vino. Mi manca anche il tuo bacio, Senyorito.' kinikilig na bulong ni Champagne sa sarili para sa lalaking nangungulila rin siya ng sobra-sobra. Sa isip niya nandoon ang panalangin na sana sa muling pagkakataon maibalik nila ni Vino ang masayang kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD