Chapter 8 : Vacanza in Boracay

1000 Words
COLLEGE OF SAINT LOURDES, DUMAGUETE SINADYANG pumasok ng maaga ni Champagne, ganitong wala ang Mommy Ysabella niya sa bahay nila ayaw niyang maglagi d'on. "Champagne, Champagne." Narinig niyang tawag sa kaniya ng kaibigan nyang si Sharon. "Balita sa weekends mo? Maayos ba? Hindi ka na nagparamdam sa amin mula nang sunduin ka ni Vino dito ha," salubong nito sa kaniya. Nagbeso-beso muna sila bago niya sinagot ang mga tanong nito. "Ayos lang naman. Wala naman nagbago. Atsaka huwag mo nang balikan ang pagsundo sa akin ni Vino, utos lang 'yon ni papa," pagsusungit niya rito. "Pati ang pagbuhat niya sa 'yo utos ng papa niyo?" may panunudyong ani nito sa kaniya. "Alam mo, ikaw ang mabuti pa huwag ka na lang maingay. Tayo na, baka naghihintay na sa atin ang iba pang kaibigan natin." "Ikaw, Champagne ha. Napakarami mong secrets. Ano ba talaga ang real score sa inyo ni Mr. Fontana?" Natigilan sa paglalakad si Champagne at nilingon ang kaibigan niyang sadyang may kadaldalan talaga sa buhay. "M-magkapatid! Iyon ang real score namin sa buhay, magkapatid kami!" "Pero mukhang hindi!" Isa pang paglingon ang pinakawalan niya rito at pinandilatan ng mga mata ito. "Alam mo masyado kang intrigera. Dapat hindi ka na lang nag-aaral, nakiki-tsismis ka na lang dapat eh," natatawa niyang ani rito. Hindi na ito kumibo sa kaniya hanggang sa sabayan siya nito sa paglalakad. "Pero, aminin na natin na may malaking pagbabago kay Vino 'no? Ibang-iba na siya sa Vino na nakilala natin n'on. Hindi ba, Payne?" May tama si Sharon, kung panlabas lang talaga ng anyo ni Vino ang pagbabasehan niya, napakali ng pagbabago nito. "Ang kisig niya na, lalaking-lalaki ang lolo mo ngayon." "Hindi ko alam, wala akong panahong tingnan siya," pagsisinungaling niya rito. "Totoo ba 'yan?" "Sharon, hindi ba sinabi ko sa 'yo awat na pagdating kay Vino? Wala akong panahon pag-usapan siya. Please." "Bakit ba iwas na iwas ka pagdating kay Vino? Ang sabi mo nga 'di ba, magkapatid kayo?" Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis kay Sharon o iintindihin niya na lang 'to. Mabuti na lang at tumahimik na ito hanggang sa nakarating silang dalawa sa department nila. "Hi, Payne. Kamusta?" salubong na tanong ng isa sa mga kaibigan niyang si Veronica. "Maayos naman. Ikaw? Kamusta nga pala ang pag-akay mo kay Chiara?" tanong niya rito. "Maayos naman. Ikaw din tinatanong ka niya sa akin kung sasama ka ba." "Talaga?" Napangiti siya rito nang marinig iyon mula kay Veronica. "Nag-usap kami kagabi, ang sabi niya sa akin tutulungan daw siya ng Kuya Vino niya, para magpaalam sa Mama Elena nila." Natuwa naman siya sa gagawing move ni Vino para makawala pansamantala si Chiara sa kahigpitan ng pamilya nito. "Sa tingin ko papayagan 'yon kapag si Vino mismo ang magpaalam." "Oo nga eh. Ikaw ba? Hindi mo ba talaga susubukan?" "Ayaw kong madis-appoint, Nica. I know my family, mas mahigit sila kaysa sa mga Fontana. Sasama lang ang loob ko, kaya ang mabuti pa tumahimik na lang ako." "Paano kung sasama si Vino?" Napalingon siya sa tanong nito sa kaniya. Imposible iyon, aniya ng isip niya. NAGHAHANDA si Vino para kausapin ang Mama Elena niya sa pabor na hinihingi sa kaniya ni Chiara. Alam niyang imposible na pumayag ito, pero susubukan niya pa rin sa abot ng makakaya niya. Ayaw niyang biguin ang kapatid, kilala nya naman ang mga kaibigan nito lalo na si Veronica na matino namang kaibigan ni Champagne. Naalala niya ang dalaga, nasa eskwela ito ngayon alam niya. Mukhang nasasabik na naman siyang makita ito. Napatingin siya sa salaming nasa silid niya, bumaba ang tingin sa sarili niyang labi na kailan lang tinanggap ni Champagne ang halik nya. 'Nadadarang na ako sa halik mo, Payne. At, sobra kong na-mi-miss kahit na hindi tayo magkasamang dalawa," aniya sa sarili. Kung siya lang talaga ang masusunod gusto nyang makasama ito bente kwatro oras. "Sooner, Champagne. Hayaan lang muna natin ang panahon ngayon, hindi ako magsasawa't mapapagod hintayin ka. Alam kong darating ang sandali sa ating dalawa," kausap niya sa sarili para kay Champagne. "Hinihintay mo raw ako, Vino?" untag sa kaniya ng Mama Elena niya, hindi niya man lang namalayan na nasa likuran niya na pala ito. Bahagya pa siyang nagulat at hindi man lang ito marunong kumatok. "Yes, Ma. May sadya sana ako sa 'yo." "Ano ang kailangan mo? Gaano ba kahalaga iyan at pinatawag mo pa ako dito." Napansin niyang luminga-linga ito sa silid niya, may kung anong hinahanap ang tingin nito. Mabuti na lang at walang bakas ni Champagne sa loob ng sariling silid. "Tungkol kay Chiara, Ma." "Anong tungkol sa kapatid mo?" tanong nitong may himig na pag-aalala sa kaniya. Kahit naman sabihin ni Chiara na walang pakialam dito ang mama nila hindi totoo 'yon at nakikinita nya ngayon to sa mga mata ng mama nila. "Gusto nyang magbakasyon." "Bakasyon anong bakasyon? Saan na naman siya pupunta at halos kararating lang natin sa bansang 'to." "She's planning to go Boracay, Aklan with her friends, Ma." Napataas kilay ito, kilala niya ang mama niya kapag ganoon na ang inaasal nito. Mahigpit ang pag ka-disgusto nito kapag ganoon. "Hindi maaari!" sinasabi na nga ba niya. Susuko ba siya agad? Hindi. Paminsan-minsa gusto nyang magkaroon ng kalayaan ang kapatid niya, katulad ng kalayaang mayroon siya. "Hindi papayag ang papa mo!" anito. "Wala ng pakialam sa atin si papa, Ma. Hindi mo na kailangan gumawa pa ng dahilan para hindi payagan si Chiara." "Ma! Por Pabor! Wala nang pakialam sa atin si papa!" "Hindi totoo iyan, Vino! May pagkakataong kinakamusta pa rin tayo ni Vincenzo." "I don't believe you, Ma!" "Ah! Basta hindi aalis si Chiara! Ano na lang ang sasabihin ng papa mo kung hahayaan ko ang nag-iisang babae niyang anak pumunta kung saan? Sa tingin mo, hindi magagalit 'yon!" Napailing-iling na lamang ako sa mga sinasabi ni mama sa akin. Hindi na ako nagsalita pa, pero nangako ako sa sarili kong hindi ko bibiguin si Chiara, kahit pa tulad ng sabi ni mama nag-iisang anak ito ni papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD