Chapter 4 : Mi manchi, Inno

1027 Words
KABA ang naramdaman ni Champagne nang marinig ang papalakas na papalakas na katok mula sa labas ng pinto. "Champagne... Champagne, nandiyan ka ba, Hija? Nandito raw si Vino, nasaan siya? Nakita mo ba?" Napalunok si Champagne at napalingon sa gawi ni Vino, kasalukuyan na itong nakatayo sa kabilang bahagi ng gawi niya kung saan naroon ang mga koleksyon niyang mga libro. Tumayo si Champagne, at nilagay sa bibig niya ang daliri niya, nagsasabing huwag mag-ingay si Vino. Inayos niya ang kaniyang sarili, tinuro niya pa kay Vino ang sariling banyo sa silid niyang tinutukoy niya sa binata ay doon ito magtago. "Ano ba ginagawa mong bata ka. Bakit ang tagal mo magbukas ng pinto ha," bungad ng Mommy Gemma niya, ang kapatid nang Mommy Ysabella niya. Ang akala niya ang mommy niya nang buksan niya ng maingat ang pinto. Nakahinga ng maluwag si Champagne. Napalunok si Champagne bago niya sinagot ang tanong nito sa kaniya. "I'm sorry, Mom. Nakaidlip po ako," pagsisinungaling niya rito. Umiling-iling naman ito sa kaniya bilang tugon at binaling ang tingin sa loob ng kaniyang silid. "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina? Nandito daw si Vino. Nagkita na kayo? O, alam mo bang nandito siya. You're Tito is not there, kaya ako nagtataka dahil wala naman ito sa baba. Did you see him, Champagne?" Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Champagne, iniwas niya ang tingin niya sa nanay niya. Hindi naman ito basta-basta pumapasok sa silid niya nang walang paalam sa kaniya. "I don't know, Mom. Hindi naman kami nagkikita. Baka nasa kotse niya lang 'yon. Did you check it na ba?" tanong niya ritong hindi makatingin ng direkta sa mga mata nito. "No, Hija. Sabi lang sa akin ni manong guard. But He also mentioned me, na magkasama raw kayong pumasok totoo ba, Pagne?" Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Champagne. Hindi niya man lang napaghandaan na may posible pa lang makakita sa kanilang dalawa nang pumasok sila sa bahay nila. "Uhmmm. Yes, Ma. Magkasama nga kaming pumasok but then hindi ko na siya nakita. Dumiretso naman ako dito sa silid ko at iniwan ko naman siya sa sala. Masakit ang ulo ko, kaya pinili kong umidlip muna." Pinandigan niya na ang ginawa niyang pagsisinungaling dito. She don't have choice, isang malaking eskandalo ang mangyayari kung makikita nito si Vino sa kaniyang sariling silid. "Baka nga, Hija. Baka nga nasa sasakyan niya. Tatawagan ko na lang ang Tito mo para masabi ko sa kaniyang nandito si Vino. Maybe, gusto niya rin makita ang kapatid mo." Kapatid mo! Muling nag-echo ito sa teynga ni Champagne, gusto niya man matawa hindi niya magawa— labag sa loob niya ang salitang iyon at katotohanan maging ang ituring niyang kapatid si Vino. Naalala niya ang tagpong muntik nang pagsaluhan nilang dalawa kun 'di lang kumatok ang nanay niya. "Baka nasa tabi-tabi lang 'yon, Ma. Feel at home naman siya dito, kaya baka alam din ni Tito na nandito siya." "I don't think so, Hija. Sigurado naman na magpapahanda si Tito mo kung sakaling malaman niyang nandito ang anak niya. Anyways, I have to go. May aayusin pa ako sa room ko, kung may kailangan ka magsabi ka lang, Hija. Take your med. Okay." Pagkatapos siya nitong halikan sa pisngi niya, agad na itong nagpaalam sa kaniya. Nakahinga ng maluwag si Champagne nang tuluyan ng mawala sa paningin niya ang nanay niya. Agad niyang sinirado ng maayos ang silid niya't binalikan ng tingin kung nasaan naroon si Vino. "Inno... Inno, pwedi ka ng lumabas! Wala na si mommy." Sunod-sunod na katok ni Champagne, ilang sandali pa lumabas ang binatang para wala man lang nangyaring sa kanilang dalawa. "Umalis ka na! Lumabas ka na! Bago pa may makakita sa 'yo dito sa silid ko, Inno." Isang matamis na ngiti ang pinagkaloob nito sa kaniya. Nakaramdam man siya ng takot kanina, unti-unti na itong nawawala dahil sa nakikita niyang kislap sa mata ni Vino at kung para saan man 'yon wala siyang alam. Ang kailangan niya ngayon ay makalabas ito nang walang pweding makakita rito na galing ito mismo sa silid niya. "Na-miss ko 'yan, Payne." Nagtatakang tingin ang pinukol niya rito sa naging tugon nito sa kaniya. "The way you call me Inno. Sobrang na-miss ko, Payne. Ang buong akala ko hindi ko na muling maririnig ang tawag na 'yan mula sa 'yo. Pinasaya mo ako, Champagne." Akma siya nitong yayakapin muli nang umiwas ang dalaga. Binaling niya ang tingin sa pinto niya kung saan kani-kanina lang nandoon ang nanay niya't nagtatanong kung nakita niya ang lalaking nasa harap niya ngayon. "Lumabas ka na, Vino. Hintayin mo na lang ang Daddy mo sa labas kung gusto mo siyang makita. Ayaw ko ng eskandalo sa pamilya kapag may makakita sa 'yo rito. Nagsimulang na ako kay Mommy. Please! Lumabas ka na!" Pakiusap ko sa kaniya. Isang hindi ko inaasahang halik sa nuo ang natanggap ko kay Vino bago ito tuluyang tumalikod at tuloy-tuloy na lumabas, gaya ng gusto kong mangyari. Isa pang paglunok ang pinakawalan ko habang sinusundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng tuluyan. Napabuntong-hininga na lamang ako kasama ang panalangin na sana walang kahit na sino ang makakita sa kaniya. Alam kong hindi gusto ni Vino ang sitwasyong mayroon kami ng mga sandaling 'to. Pero kahit na ako mismo wala akong magawa kun 'di tanggapin ang gustong mangyari ng mga magulang namin na ituring namin ang isa't isa na magkapatid. Napapikit na lamang ito at muling nahiga sa kama niya, halos kanina lang nandito si Gino sa tabi niya. Wala sa sariling dinala niya ang daliri sa labi niya. Hindi niya maiwasang maalala ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Halik na matagal niya ring inaasam-asam pagkatapos ng napakahabang sandali, pagkatapos ng lahat mula nang umalis ang mga ito at magtungo sa Italya. "Mi manchi, Inno. Non riesco ancora a dimenticare i nostri bei ricordi insieme. Ti amo ancora, Senyorito." Bulong niya sa sarili, para kay Vino. Tama ito kahit siya nandoon ang pangungulila niya sa naging tawagan nila noon pang mga bata pa sila— He used to call her Payne, and She always call him Inno. "I miss you, Inno..." ••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD