Chapter 6 : Senyorito Luigi

1027 Words
SENYORITO LUIGI WALANG nagawa si Champagne sa gustong mangyari ng Mama Gemma niya; gusto siya nitong isamang magsimba at sa ayaw nya man o gusto sasama siya rito. Hindi naman siya makakatanggi at alam niya ang mangyayari. Pang malakasang sermon lang ang gagawin nito sa kaniya. Ano pa nga ba ang aasahan nya? Wala naman ibang nasusunod sa pamamahay nila kung 'di ito lang, maliban sa Mommy Ysabella at Tito Vincenzo niya. "Senyorita, pinapatawag ka na ng Mama Gemma mo," untag ng katiwala nila sa kaniya. Mabilis siyang nag-ayos ng upo sa sinabi nito. "Ayos na ba siya? Pasabi na lang na ayos na rin ako. Siya rin ang hinihintay ko," tugon ni Champagne rito. Umayos siya ng pagkakaupo at kinuha ang bag niyang nasa ibabaw ng lamesa. "Mukhang semana santa yata 'yang mukha mo. Wala kang plano sumama 'no?" ani nito sa kaniya. Wala siyang nililihim dito, maliban sa mga kaibigan niya; tinuring niya na ring kaibigan ito. Napabuntong-hininga si Champagne, para pakatotohanan ang sinabi nito. "I'am. Pero wala naman akong magagawa, Jean. Ano ba ang laman ko kay Mama Gemma?" naiinis niyang sagot dito. "Bakit ka ba naiinis tuwing magsisimba kayo? Hindi ba dapat masaya ka. At, napupuno ng ispirituwal na pulong iyang puso mo," pangaral pa nito sa kaniya. "Wala naman problema sa pagsimba. Alam mo naman mula nang bata pa ako, gusto ko rin 'to." "And, what's the problem, Payne? Bakit bigla naman nagbago ang lahat. Maayos naman dati, at masaya naman kayo... Gusto mo bang kasama ang Mommy Ysabela mo?" Umiling-iling siya. Paano niya ba sasabihin sa harap nito na si Luigi ang malaking problema, ang malaking dahilan kung bakit ayaw niyang sumama sa kahit na anong lakad nito. Napasinghap siya. "Si Luigi. I don't want the idea na makakasama ko siya, Jean." "Mukha naman siyang mabait. Ano bang mayroon sa kaniyang hindi mo nagugustuhan, Champagne?" atrimitida nitong tanong sa kaniya. "Huwag mo na ako pansinin, ang mabuti pa tawagin mo na lang si Mama Gemma." "Sigurado ka bang okay ka na? Baka naman mamaya malungkot ka na naman diyan." "I'm fine. Sigi na. Para naman makauwi kami ng maaga." Agad naman itong tumalima nang sabihin niya iyon, wala na itong nagawa pa. Gusto man nitong makipagkwentuhan, ayaw niya itong pagbigyan. Ayaw niyang makarinig ng kahit na anong pangalan na may kaugnayan kay Luigi. Muli siyang napasinghap bago nagpasyang tumayo na. Sa garahe niya na lang hihintayin ang Mama Gemma niya. Nagpaalam ito sa kaniyang mag-aayos lang ng sarili. Inaasahan na naman ni Champagne, ang pilipinyanang damit nitong madalas nitong isuot kapag may pinagdiriwang sa perya. Napapangiti na lamang siyang napapailing. Madalas siyang nagpapasalamat kapag wala ang Mommy Ysabella niya, ang inaakala niyang kalayaan ay hindi nangyayari dahil may isa pang nanay na tumatayo sa kaniya. Hindi niya rin naman maipakita ang inis niyang nararamdaman kapag kaharap ito; malaking bagay din para sa kaniy ang tiyahin niyang ito. Napatingin si Champagne sa tatlong sasakyan nila; isang Lancer, Honda Civic at ang Hi-Ace na madalas gamitin ng Mama Gemma niya kapag umaalis silang magkasama. Ilang sandali napansin niya na itong palabas ng bahay nila, may dalawa itong kasama kasambahay na nakasunod dito. "Kanina ka pa ba, Anak? Pasensiya ka na, tumawag ang mommy mo nag-usap pa kami," sabi nito sa kanya. "It's okay, Ma. Wala naman problema, maaga pa naman para sa lakad mesa," sabi niya rito. Alam niya rin naman ang mangyayari kapag maaga itong pumunta ng simbahan. Makikipag-tsismisan lang ito sa mga amega nito, lalo na sa pamilya ni Luigi. Naisip na lamang ni Champagne, kung nandoon din si Vino kasama ang pamilya nito. Hindi niya inaasahang mapangiti siya. "Para saan naman ang mga ngiting 'yan, Hija?" natanong nito sa kaniya. Para saan nga ba ang ngiting sumilay sa labi niya? Para kay Vino, ang mabilis na sagot ng isip ni Champagne. "Nothing, Ma. May naalala lang ho ako." "Si Luigi ba?" May panunudyo nitong tanong sa kaniya nang sumampa na siya sa sasakyan niya. "Ma... naman. Of course not." Mabilis na tanggi ni Champagne sa tiyahin niya. Sa anong paraan naman naisip nitong si Luigi ang dahilan ng ngiti niya? anito sa sarili. Parang ang labo naman yatang mangyari 'yon. Kung alam lang nito ang ginagawa niyang pag-iwas makaharap lang ito. Pero wala siyang magagawa dahil sa malakas nitong paniniwala na bagay sila ng lalaking noon pa man nilalakad na nito sa kaniya. "Sa simbahan, Delfin..." Narinig ni Champagne na sabi nito sa family driver nila. Wala na talaga siyang kawala pa. Talagang hindi niya maiiwasang makaharap si Luigi, hindi naman lingid kay Champagne ang pagdidisgusto ni Luigi na sumama sa mga magulang nito sa linggohang mesa, minsan niya na itong nakausap noong maayos pa sila. Ang mga panahong hindi pa ganoon kalantaran ang panghihimasok sa buhay nila. "May gusto ka bang puntahan pag-uwi natin, Champagne?" tanong sa kaniya ng Mama Gemma niya. "Wala naman po. Gusto ko lang umuwi sa bahay, para makapagpahinga. Medyo masakit din kasi ang ulo ko, Ma. Gusto ko sanang itulog 'to habang walang klase sa eskwela," mabilis na tugon ni Champagne dito. "Kung 'yon ang gusto mo sigi. Ikaw ang bahala. Magsabi ka lang sa akin kapag may gusto kang puntahan habang libre naman ako at walang ginagawa gaano sa hacienda," sagot nito sa kanya. Kahit naman may ginagawa ito madalas pagdating sa kaniya, wala itong keme. Mas gusto pa nga nitong kasama siya, kaysa ang magtrabaho. Hindi rin naman nito, kinakaila ang masayang image nito. "Salamat, Anak..." "Po?" "Salamat. Dahil kasama kita. Hindi mo lang alam, pero palagi akong masaya lalo na kapag nakikita ko rin kayo ni Luigi." "M-Ma, pwedi ba! Ilang beses ko bang uulitin sa 'yo na wala kaming relasyon ni Luigi, at kahit kailan hindi mangyayari 'yon. Huwag niyo siyang dinidikit sa pangalan ko, Ma!" magalang kong pagkakasabi sa kaniya. "Pero, Payne. Ano pa ba ang hahanapin mo kay Luigi, halos nasa kaniya na. Ikaw lang 'tong bulag at hindi nakikita ang lahat ng 'yon." "Por pabor, Ma! Magsisimba ho tayo, magsisimba ho kayo at hindi magiging kupido," naiinis niyang turan dito. Hindi niya rin naman nagagawang sagutin at ipamukha talaga sa harap nito ang pagdidisgusto niyo sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD