CHAPTER THREE

1047 Words
CHAPTER THREE --- "Pasok ka muna," alok niya sa binata nang pagbuksan siya nito ng pinto sa malawak na hardin ng mansyon nila. "H'wag na. Nagmamadali ako," tanggi nito, ginala ang paningin sa paligid. "Nandito si papa. Alam ko matagal na rin kayo hindi nagkikita. Bakit hindi mo muna siya bisitahin?" Pagpupumilit niya, tiningnan siya nitong nakangiti. "Si papa ba talaga? o, gusto mo lang ako tumagal pa rito para makasama ka pa?" Umiwas s'ya ng tingin tumawa ng pilit. "Hindi kita pinipilit kong ayaw mo pumasok. You can go if you really want too. Ang akin lang naman kahit sandali bisitahin mo naman si papa," aniya. Akmang tatalikod ng pigilan siya nito sa braso niya. "Mi pacie ill tuo amore, Senyorita." anito. Tiningnan niya ito sa mga mata nito pinaglipat-lipat. "Devo andare." aniya. Tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Champagne." Nahinto siya sa boses sa likuran ni Vino. Ang Mama Isabella niya. Lumingon silang sabay ni Vino. "M-mama," Lihim siyang napalunok sa tingin nitong pinukol sa kasama. "Magandang araw, Senyora. Hinatid ko lang po si Senyorita Champagne." Anito. Magalang na nagmano sa mama niya. Tiningnan siya nito humihingi ng paliwanag. "Nagkita po kami sa unibersidad, hinatid niya ako mama." aniya. "Mabuti naman, Ginoo. Pasok ka hintayin mo ang iyong papa pauwi na siya," alok ng ginang sa binata. Nagkatinginan sila nito una siyang umiwas nang mapansing nakatingin sa kaniya ang nanay niya. "Mauuna na po ako," aniya. "Hija, bakit 'di mo isabay si Vino. Bigyan mo ng maiinom pasasalamat sa paghatid niya s'yo." Muli siyang napalingon nagtatanong sa mama niya tumango ito, taas kilay na nagpatiunang naglakad. Naramdaman niyang nakasunod sa kanya si Vino hanggang sa malawak na sala ng mansyon nila. "Mauno ka muna, ipapahanda lang kita ng maiinom sa katiwala," aniya. Pinigilan siya nito sa kamay. "Sabi ng mama mo sasamahan mo ako." Pang-iinis nito. Hiinila niya ang kamay n'yang hawak nito. "Baka makita ka ni mama! hindi niya magugustuhan." "Natatakot ka pa rin ba sa mama mo, Champagne?" tanong nito sa kaniya. Lumingon siya sa paligid. May takot sa mga matang baka makita siya ng mama niya. "Bumalik na ang tiwala sa'kin ni mama. Ayaw ko na masira pa." "Bakit Senyorita? May ginawa ka bang kakaiba para mawala ang tiwala ni Donya Isabella?" tanong nito. Lihim siyang napalunok iniwasan ang nang-aasar nitong tingin. "Divertiti!" aniya. Tuluyang tinalikuran ito paakyat sa sariling silid. "Grazie, Senyorita," may pang-aasar nitong sabi sa kaniya. Nagmadali siyang umakyat sa silid niya. Sinirado agad ang pinto. Napasinghap s'ya sa hangin para sa lalaking nasa baba lang ng bahay nila. "Hindi na dapat tayo magkita pa. Hindi ka na dapat bumalik pa sa buhay ko, Vino!" bulong niya sa sarili. Bumalong ang luha sa mga mata para sa sama ng loob na nararamdaman sa binatang nagpupumilit muling pumasok sa mundo niya. Takip-silim na nang nagpasya siyang lumabas ng sariling silid niya. Nagbabasakaling wala na sa bahay nila ang binata. "Senyorita, gising ka na pala." Nahinto siya sa biglang pagbukas ng pinto sa kabilang silid niya. "Anong ginagawa mo rito?" bulalas niya sa harap nito. "Hinihintay si papa. Gagabihin raw siya kaya, I'm still here, taking rest," sagot nitong nakangiti. Natuon ang mata sa dibdib niya ng maisip na isang manipis na kamison lamang ang suot niya. Akma siyang babalik ng silid niya para iwasan ang presensya nito. "Wait. Nagmamadali ka naman yata." Naging maagap itong pigilan ang pintong isasara niya. "Vino, baka makita ka ni mama o kung sinong tao rito!" Maingat na sinirado ni Vino ang pinto. Nagpatiuna sa pagpasok. "K-kuya, ano ba!" Pinihit niya ang seradura pinigilan ito ng binata. "Stop calling me that way, Champagne," turan sa kaniya ni Vino. Nakatingin sa labi niya. Napasinghap siya umiwas at tinungo ang bintana kung saan nakaharap sa labas ng hardin. Tiningnan kung nasa labas ang kotse ng mama niya o ni Don Vincenzo. Wala pa ang mga ito. "Umalis ka na! Ayaw kong maabutan ni mama at papa mo na nandito ka, Vino!" Umupo siya sa paanan ng kama niya ng lapitan siya nito. "Hindi mo ba ako na miss, Champagne? Hindi ka ba nangulila ng mga sandali natin nuon?" tanong nitong nakaluhod sa harap niya. Umiwas siya, napakagat-labi. Kailangan niya itong iwasan kong ayaw niyang muling maulit sa kanila ang nakaraan. "V-Vino. Umalis ka na!" "Ilang taon kong hinintay ang makasama ka ulit, ang makita ka, ang mayakap ka't mahagkan, Champagne!" angil nito sa kaniya. Tumayo ito humiga sa tabi niya. "V-vino, kailangan mo ng lumabas, nakikiusap ako!" Liningon niya ito sa tabi niya. Ginagap nito ang kamay niya dinala sa dibdib nito mariing pumikit. "When you was young, inalagaan na kita, Champagne... Dito!" Muling bumalong ang luha sa mga mata niya. Tiningnan ang pinto ng silid niya may kabang nararamdaman na baka may biglang pumasok. Makita sila sa ganoong ayos. "Iba na ngayon ang sitwasyon, Vino. Hindi na tayo mga bata! Hindi na tayo malaya." Hindi mapigilang kumuwala ang luhang kanina pa pinipigilan. Dumilat si Vino, umupo patabi sa kanya pinahiran ang luhang naglaglagan sa mga mata niya gamit ang isa nitong kamay. "Ti, amo Champagne, Ti amo tanto." Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya. "Voglio amarte indierto, but I can't! I can't, K-kuya." Muli siyang napaiyak sa harap nito. Binitiwan nito ang kamay niyang hawak nito at hawak niya. Walang paalam na hinawakan ang balikat niya maingat siyang hiniga sa malambot niyang kama. "Boglio, baciarte ancorta e, ancorta, Senyorita," bulong nito bago siniil ng halik ang labi niya. Napapikit si Champagne para damhin ang halik na pinagkakaloob nito. Ang halik na matagal niyang inasam mula rito at ang pag-iingat at pagmamahal na matagal niyang hinintay na maramdaman muli. "Boglio, Baciarte ancorta e, ancorta, Senyorito," ganting bulong niya sa punong teynga nito. Nang kumawala ang labi nito sa labi niya. Ngumiti si Vino, hinalikan siya sa nuo bago muling naglapat ang labi nilang parehong may pananabik, parehong may bawal na pagmamahal na nararamdaman sa isa't isa. Nararamdamang pilit na pinaglalaban ngunit. "Champagne? Champagne?" Natigilan silang dalawa ng narinig ang tawag sa dahon ng pinto kasunod ang pinong katok. Walang iba kundi ang mama ng dalaga. Ang isa sa mga hadlang ng pilit nilang nilalabanang damdamin. --- Translation Boglio, Baciate ancora e, ancora I want to kiss you again and again. Divertiti, enjoy yourself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD