CHAPTER TWO

807 Words
CHAPTER TWO - Napalingon siya sa mamahaling land cruiser na huminto sa harap niya. Nagkatinginan sila ng mga kaibigan niyang kasama niya ng araw na 'yon. "Hop in!' Isang galit na mukha ni Vino ang tumambad sa harap ni Champagne. Nabigla siya sa presensiya nito pagkatapos ng ilang taon nilang 'di pagkikita. At pagkatapos ng nagdaang gabi sa selebresyon ng pa-welcome party sa pamilya nito. Napalunok siya ng maalala ang ginawa sa kaniya ni Vino. "I will not!" aniya ng dalaga nang makabawi ng pagkabigla. Pinandilatan niya ito. Akmang aalis nang bumaba si Vino. "Sasakay ka ba? O, bubuhatin pa kita, Champagne?" banta nito. Muli niya itong hinarap. "I'm not kid anymore, Vino--- este, Kuya Vino!" may diing salita ng dalaga sa harap ng binatang nangangalit ang mga mata nito. "H'wag mo ako piliting gumawa ng bagay na ikakagalit mo, Senyorita!' banta nito. Napaismid siya. Umiwas ng tingin sa mga mata nito. "I said! Hop in!" Binuksan nito ang pinto sa likod ng driver side. "I won't! You can't force me." Nakita niyang pinasadahan nito ng tingin ang mga kaibigang nasa likuran niya. Bago siya muling binalingan ng tingin. "Ayaw mo ba talaga?" anito may pagbabanta. Pilit siyang tumawa akmang tatalikod nang buhatin siya ni Vino. Parang papel na sinampa sa balikat nito. "Ibaba mo ako Vino! Ibaba mo ako!' Pagpupumiglas niya sa binatang 'di natinag sa ginawa niyang paghampas sa likuran nito. Giniya siya nito pasalampak na pinasok sa harap ng sasakyan nito. Pagkatapos masiguradong lock ang pinto nagmadaling umikot si Vino sa driver side. "Don't ever dare to go down!" anito nang makasakay ito. "Ano ba? Wala kang karapatan ganituhin ako!" galit niyang angil sa mukha ng binata. "Shut-up!' "Andro giu!" "Non provade! Ti, bacéro, Senyorita (dontTryI'llkissyou)" Napalunok siya. Nanggigil na binaling ang tingin sa salamin sa banta nito na alam niyang gagawin ng binata. "Bakit mo ako laging ginaganito?" ilang sandali tanong ni Champagne sa katahimikang gumitna sa kanila. "Sa tingin mo ba? Magugustuhan ni papa makita kang kasama ang mga kaibigan mong 'yon? "Matitino silang tao! They also came from a prominent family, Vino!" angil niya. "Kuya!" Pagtatama nito sa tawag niya rito. "Whatever!" "You have to learn to call me that way, Senyorita! Dahil sa ayaw at sa gusto mo iisang apelido ang nananalaytay sa'tin!" bulyaw nito. "But we are not related! Hindi ikaw anak ng mama ko at hindi ako anak ng papa mo!" patuloy niya sa paghuhuramentado. "By hook or by crook! Magiging magkapatid tayo sa papel at sa batas, Champagne!" dugtong pa nito. "And by hook or by crook! Kailanman hindi ko matatanggap 'yon, Vino!" Nabigla ang dalaga ng biglang huminto ang sasakyan nito. Tinitigan siya nito. Ang mga titig na kinatatakutan niya sa binata. Lihim siyang napalunok nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. "Kaya ba ayaw mong tanggapin na magiging magkapatid tayo, just because you will miss this?" Muli siyang napalunok, umiwas ng tingin. Ngunit naging maagap ang binata, walang paalam na siniil nito ng halik ang labi niya. Halik na ilang taon niyang hinintay na muling malasap pagkatapos ng engkwentro nila ilang taon na ang nakakalipas. Hinayaan niya ang labing animo may sariling utak para labanan ang halik na pinagkakaloob ng binatang hindi lingid sa kaalaman nito ang lihim niyang tinatangi. "Bakit gusto ko ba? Gusto ko ang ideyang magiging magkapatid tayo, Senyorita?" untag nitong tanong ng bitiwan nito ang labi niya. Wala sa sariling pinagmasdan niya ang labi ng binatang nasa harap niya. Labing kong siya lang ang masusunod pauli-ulit niyang hahagkan, paulit-ulit niyang titikman kahit pa ang lahat ng sandali sa kanilang dalawa ay nakaw lang. "Mi manca, il tuo bacio Champagne!" anito muling pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata niya. Wala sa sariling hinawakan niya ang pisngi ni Vino. Alam niya nabigla ito sa ginawa niyang paghalik sa labi nitong nag-aanyaya ng isang mapuso na halik sa harap niya. Naging mapusok ang halik ang namagitan sa kanila naunang kumuwala si Vino, muling umayos ng upo walang salitang binuhay muli ang makina ng sasakyan nito. "Ihahatid na kita!" anito. "Mi manca, i'l anche tuo bacio, Vino!" Mahina niyang sabi sapat na para marinig ng binatang hindi pinansin ang sinabi niya. Pinagmasdan niya ang binata sa hindi niya malamang dahilan kong bakit ito naging tahimik walang emosyong nakatuon ang tingin sa daan. "Odio essere tua sorella, Kuya!' Napalingon si Vino sa dalagang nakabaling ang tingin sa labas ng bintana. "Odio diventare tuo fratello, Champagne!" Bulong sa isip ni Vino, na ayaw niya nang malaman pa ng dalaga. Muli niyang binaling ang tingin sa daan manaka-nakang sinusulyapan ang magandang dalagang ayaw niya man pero wala siyang magagawa sa tadhanang sa mata ng papel at batas magiging kapatid niya ito. ---- Translation. Mi manca ti al bucio, Imissyourkiss Mi manca ti, il anche tuo bucio, Imissyourkisstoo Odio essere tua sorella, Idontwanttobeyoursister Odio diventare tuo, fratello,Idontwanttobeyourbrothertoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD